Professional Documents
Culture Documents
• HALIMBAWA:
*ambot - ewan
*bilot - tuta
*ditse – ate
*balay - bahay
4. SALITANG PAMBANSA O LINGUA
FRANCA
• Mga salitang kilala o higit na ginagamit sa pook na sentro ng sibilisasyon
at kalakalan.
• Ang ganitong uri ng wika ay hindi rin maituturing na dalisay.
• Ang halimbawa nito ay ang pinagsamang Tagalog at Ingles na naging
Taglish o ang Bisalish, na pinagsamang Bisaya at Ingles. Atbp
• HALIMBAWA:
* dangal
malaya
paniwala
abiso
sabaw
takdang aralin
gabi
kabayo
labada
bakasyon
5. SALITANG PAMPANITIKAN
• Ito ay ginagamit sa mga akdang pampanitikan gaya ng tula, kuwento,
sanaysay atbp.
• Ginagamit ang mga salitang ito upang maging makasining ang
pagpapahayag ng mga pangyayari at mga kaisipan.
• Ang mga idyoma o mga pasawikaing pagpapahayag at mga tayutay ay
ang mga halimbawa ng mga salitang ito.
• HALIMBAWA:
*pusong may sugat
*kahati sa buhay
*kabiyak
*bungang pag-ibig
URI AT VARAYTI NG
WIKA
• Permanenteng Varayti- ay binubuo ng idyolek at diyalekto
• Idyolek- ang varayti ng wikang kaugnay sa personal na kakanyahan o katangian ng tagapagsalita
gaya ng kwaliti ng kanyang boses, katayuang pisikal, paraan ng kanyang pagsasalita at uri ng
wikang ginagamit niya na maaaring bungga ng kanyang mga karanasan at kaligirang kinalakihan.
• Diyalekto- varayting batay sa lugar, panahon at katayuan sa bahay
• Pansamantala- ito ang varayting tumutukoy sa sitwasyon ng pahayag . Nagkakaroon ng pagbabago
sa wika kapag nagbago ang sitwasyon ng pahayag gayang kung sino o anong pangkat ng mga tao
ang kinakausap atano ang p[araan ng pakikipag-usap . Kabilang sa varayti nito ang
-Register: ay varayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng
kanyang pagpapahayag.
-Mode: ay yaong varayting nauugnay sa medium na ginagamit maaring pasalita o pasulat.
-Estilo: varayting kaugnay sa bilang at katangian ng nagsasalita at ang relasyon nito sa kanila
Ang mga komponento salik sa pagpili ng uri ng wikang gagamitin ay ginawang payak at isinasaayos ni
Hymes sa akronym na SPEAKING
TUNGKULIN NG WIKA/GAMPANING
WIKA
• Gordon Wells (1981 sa Fortunato 2001)
1. Pagkontral sa kilos o gawi ng iba (Controlling-
Pakikiusap, Pag uutos, Pagmumungkahi, pagtatangi.
2. Pagbabahagi ng Damdamin ( Share Feelings)
3. Pagbibigay o Pagkuha na imformasyon (Informing)
4. Pagpapanatili ng pakikipag kapwa at pagkakaroon ng
interaksyon sa kapwa ( Ritualizing)
5. Pangangarap o Paglikha (Imagining)
5 KATEGORYA NG
GAMPANING WIKA
1. Representativ- ginagamit upang ipakita ang kalagayan
ng isang bagay sa pamamagitan ng paglalarawan, pag-
uulat, pagpapahayag, pagsasalaysay atbp.
2. Direktiv- pag-uutos o pakikiuasap
3. Komisiv- kilos na gagaqwin sa hinaharap
4. Expresiv- nagpapahayg ng damdamin at saloobin sa
isang kalagayan.
5. Deklarativ- pagpapahayag na nagpapakilos sa isang
tao.
PANGKALINAWAN
Gamit ng palit-wika sa mga talakayan sa klase:
Imformativ
1. Elisiting
2. Imformativ at Elisiting / Elisiting at Imformativ
3. Direktiv
4. Expresiv
5. Kontak
6. Pag-uulit
7. Direktang Pahayag
8. Imfering
S.P.E.A.K.I.N.G
• S- SETTING: tumutukoy sa panahon at lugar na pinangyarihan ng usapan.
• P- PARTICIPANTS: tumutukoy sa mga taong kasangkot sa usapan gaya ng nagsasalita at nakikinig.
• E- ENDS: tumutukoy sa layunin o intensyon ng interlokyutor o ng usapan.
• A- ACT SEQUENCE: tumutukoy sa anyo at nilalaman o takbo ng usapan.
• K-KEYS: tumutukoy sa himig paraan o kalagayan ng pagkaganap ng usapan.
HAL: Formal o Di- Formal
• I- INSTRUMENTALITIES- tumutukoy sa midyum ng paghahatid ng pahayag.
HAL: Pagsulat o Pagsalita
• N-NORMS: tumutukoy sa pamantayang dapat sundin sa interaksyon
• G- GENRE: tumutukoy sa kategorya ng usapan
HAL: nagsasalaysay ba, nagmamatuwid