You are on page 1of 5

KABANATA 3

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Sa bahaging ito ay tatalakayin ang mga disenyo, pamamaraan, hakbang at kagamitang

gagamitin ng mga mananaliksik upang unti-unting mabigyang kasagutan ang mga katanungan na siyang

makatutulong sa pagbuo ng pag-aaral na ito. Ito ay mga pamamaraan o diskarte na ginagamit ng mga

mananaliksik upang mabigyan kasagutan ang mga katanungan sa pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay

magsisilbing lente upang maipakita at mapatunayang buhay pa ang bayanihan na siyang kinagawian na

ng mamamayang Pilipino sa bayan ng Bulakan.

Disensyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Sa pag-aaral na ito ang disenyong ginamit ng mga mananaliksik ay Kwalitatibong pamamaraan

at Ekspirementong pag-aaral na pagsusuri ng mga datos, impormasyon at opinyon ng mga mamamayan

sa bayan ng Bulakan. Ang pamamaraan na ito ay makakatulong na maipaliwanag ang magiging resulta

ng pag-aaral sa pamamagitan ng eksperimentong pag-aaral ay nagbibigay ng kaliwanagan sa mga sanhi

at bunga sa pamamagitan ng pagpapakita ng resulta kapag ang isang partikular na salik ay

naimpluwensyahan. Ang mga eksperimento ay nagkakaiba-iba sa kanilang mga layunin at antas, ngunit

pare-parehas na gumagamit ng mga prosesong maaaring ulitin at mga lohikal na pagsusuri ng resulta.

Population and Samples of the Study

Para makakuha ng mga impormasyon ukol sa paksang "Bayanihan sa Oras ng Pangangailangan:

Ang Lente ng Bayan ng Bulakan, Bulacan" ay gumamit ng ang napiling respondante may bilang na

dalawampu (20) sa pagsusuring ito ay ilang mamamayan ng Bulakan kasama na rin at ilang mga

opisyales at sektor na nabibilang sa lugar na nabanggit.


Makikipag-ugnayan ang mga mananaliksik sa iba’t ibang opsiyal at maging mamamayan na

kabilang sa populasyon ng Bulakan upang makakuha ng sapat na datos at kasagutan sa kanilang

inihandang sarbey na kanilang pananaliksik. Kung kaya nauunawaan ng mga mananaliksik na ang pag-

aaral na ito ay kinakailangan ng pakikipagpanayam at obserbasyon upang makatulong sa pagkalap ng

tamang datos at impormasyon.

Sampling

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng Purposive Sampling sa pagpili ng mga respondente. Ang

pangunahing pamantayan sa pagpili ng mga kalahok ay dapat sila ay isang mamamayan ng Bulakan

simple man o may katungkulan. Limangpung kalahok ang kakailanganin ng pananaliksik. Inimbitahan

silang sumali sa kasalukuyang pag-aaral ukol sa pagpapakita ang buhay na pagbabayanihan sa bayan

ng Bulakan. Pagkatapos sumang-ayon sa imbitasyon, sa aktwal na pagpapanayam, ang mga layunin at

mga tanong sa pananaliksik ay ipinaliwanag sa kanila. Binigyan sila ng pormolaryo para sa “informed

consent.” Nakasaad dito na boluntaryo silang sumali sa pag-aaral. Sinisiguro din ng mga mananaliksik

ang confidentiality ng ng mga kalahok ng pag-aaral.

Instrumento ng Pananaliksik

Pangalan: (Opsyonal)

Label ng Pamumuhay:

o Pribadong Sektor

o Pribadong Lingkod Bayan

o Mamamayan
Edad:

Kasarian:

Barangay:

1) Ano-ano ang pananaw ng sa bayanihan ng mga mamamayan sa bayan ng Bulakan, Bulacan?

2) Paano naipakita ng LGU ng bayan ng Bulakan ang bayanihan sa oras ng pangangailangan? Paano

isinusulong ng private sector ang bayanihan sa bayan ng Bulakan, Bulacan?

3) Ano-ano ang mga estratehiya na ginamit ng komunidad upang mapaunlad ang diwa ng bayanihan?

4) Ano ang mga implikasyon ng diwa ng bayanihan sa pagtugon sa mga modernong hamon tulad ng

kalamidad, pandemya, o iba pang krisis?

5) Bakit Kailangan pagtuuanan ng pansin ang pagkakaisa sa bayan ng Bulakan?

6) Sa anong paraan magkakaroon ng pagtutulungan ang bawat mamamayan ng bawat isa?

7) Ikaw bilang mamamayan ng Bulakan nakikita mo pa ba ang Kulturang Bayanihan sa inyong

Komunidad at ano ang iyong sapat na kaalaman ukol dito?

8) Kailan natin dapat isa-alang ang bayanihan sa ating bayan?

9) Sa papaanong paraan mo nararamdaman ang aksyon ng mga nasa pwesto sa usaping Bayanihan?

10) Bilang mamamayan ng bayan ng Bulakan, Bulacan, paano mo ipapakitaang bayanihan sa iyong

sariling pagpapakahulugan?

11) Kuntento kana ba sa ilang hakbang na isinasagawa nila?

12) Nakatutulong ba ang gawaing bayanihan upang tumaas ang antas ng pagkakaisa sa ating Bayan?
13) Bilang isang mamamayan ng bayan ng Bulakan, nagampanan mo na ba ang pagtulong sa

pagbabayanihan? Sa paanong paraan?

14) Anong mga hakbang na ang naisakatuparan ninyo na nagpakita ng bayanihan at nakatulong sa

bawat komunidad (Private sectors)

15) Sa panahon ng kalamidad anu-anong klase ng pagbabayanihan ang ipinamamalas ng bayan ng

Bulakan?

Data Gathering Procedures

Sa pangangalap ng datos, ang mga mananaliksik ay sumangguni sa mga kawani ng pamahalaan

at humingi ng pahintulot upang maisagawa ang pag-aaral sa pamamagitan ng interbyu. Sa tulong ng

mga piling mamamayan ay masasagot ang mga katanungan hinggil sa pag-aaral at mapahintulutan

magsiyasat ang mga mananaliksik sa pamamagitan ng mga tanong sa panayam ay walang aaksayahing

pagkakataon at sisiguraduhing maging makabuluhan ang kanilang pakikipagtulungang mabuo ang pag-

aaral na ito lalo't higit sa pagpapaunlak sa mga mananaliksik na ibahagi ang kanilang nalalamang

impormasyon na lalamanin sa inaasam na magiging resulta. Gayundin ang bawat hinaing at saloobin

ng mga mamamayan sa nasabing komunidad ay sisikapin ng mga mananaliksik na ito'y malapatan ng

makatarungang suhestyon, rekomendasyon at aksyon sa pagtatapos ng pagsisiyasat.

Ethical Considerations

Ang impormasyon, ideya at maging ang pagkakakilanlan ng mga kalahok sa pananaliksik na

ito ay mananatiling kumpidensyal, limitado at permissive habang ang mga ito ay nananatiling opsyonal

at nakadepende sa pahintulot o inaasahan kagustuhan ng respondent. Ang mga larawan, recording o

video ay palaging mangangailangan ng pahintulot mula sa bawat respondent.


Sinusubaybayan ng mga mananaliksik ang anumang mga patakaran o kasunduan na ginawa ng

ilang mga respondent tungkol sa kanilang mga pribadong pagkakakilanlan. Sinubukan din ng mga

mananaliksik na mapanatili ang seguridad sa buong panayam dahil sa patuloy na banta ng Covid-19 na

virus. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng munting regalo bilang pasasalamat sa pagtugon sa

panayam.

Pag-aanalisa ng Datos

Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang pagtataya rito. Gagamit ang mga

mananaliksik ng Experimental Design na may pamamaraan na one-on-one interview upang maipresenta

ang mga datos na makukuha sa pag-aaral na ito. Ito ang napili ng mga mananaliksik dahil mas madaling

makakakalap ng mga impormasyon upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito at matalakay ang

ninanais na kasagutan ng mga mananaliksik.

You might also like