You are on page 1of 3

Banghay-aralin sa BSEDFIL 10

Inihanda ni: Claudine R. Ib-Ib

I. Layunin
A. Nailalahad ang kahulugan at halimbawa ng Pidgin.
B. Naipapaliwanag ang Pidgin at ang iba’t ibang halimabawa nito.
C. Nalalaman ang kahalagahan ng Pidgin.

II. Paksang-aralin
Paksa: Kahulugan at halimbawa ng Pidgin
Sanggunian: https://www.scribd.com/document/388241285/Pidgin
Kagamitan: Manila paper, cartolina, panulat, at pambura.

Panimula: Bago simulan ang talakayan ay magkakaroon muna ng panalangin at pampasiglang


awitin.

A. Panalangin: Pipili ang guro ng isang mag-aaral sa klase upang panguluhan ang
panalangin.
B. Pagbati: Babatiin ng guro ang kanyang mga estudyante, gayun din ang mga mag-aaral
sa kanilang guro
C. Pampasiglang awitin: aawitin ang awit na “Porque” by Maldita.

Pagbabalik-aral:

Itatanong sa klase ang sumusunod:

1. Ano ang ekolek?


2. Ano-ano ang mga halimbawa nito?
Pangganyak: Magbibigay ang guro ng Gawain upang magkaroon ng ideya ang mga mag-aaral sa
paksang tatalakayin. Magbibigay ang guro ng mga katanungan tungkol sa Pidgin at pagkatapos
ay sasagutan ito ng mga estudyante. Itatanong sa klase ang mga sumusunod:
1. Kapag kayo ay nakarinig ng salitang Pidgin, ano ang inyung maiisip?
2. Para sa inyu gaano ito kahalaga sa buhay ng tao?

Paglalahad: Sisimulan ng guro ang kanyang talakayan sa pamamagitan ng paggamit ng mga


kagamitang pampagtuturo na kinapapalooban ng paksang Pidgin. Tatalakayin ng guro ang tungkol
sa kahulugan at halimbawa ng Pidgin.

Ano ang Pidgin? ang pidgin ay isang barayti ng wika na walang pormal na estruktura. Ito ay
ginagamit kapag may dalawang taong nag-uusap na may magkaiba ring wika. Sila ay walang
komong wikang ginagamit.

Halimbawa:

1.Ako bili pagkain- ako ay bibili ng pagkain

2. Ako kita ganda babae- nakakita ako ng magandang babae

3. Kayo bili alak akin- kayo na ang bumili ng alak para sa akin

Pagsasanay:

Gawain 1

Panuto: Tama o Mali. Isulat lamang ang Tama kapag ang pahayag ay tama at Mali naman kung
ang pahayag ay mali.

1. Ang Pidgin ay walang pormal na estruktura.


2. Ang Pidgin ay kadalasang ginagamit ng mga Tsino.
3. “Ako bili alak, mura lang” ito ay isang halimbawa ng Pidgin.
4. Ang Pidgin ay ginagamit kapag may dalawang taong nag-uusap na may dalawang
magkaibang wika.
5. Ang pidgin ay may pormal na estruktura.
Gawain 2

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na mga katanungan:

1. Ano ang iyong nauunawaan tungkol sa Pidgin?


2. Magbigay ng isang pangyayari sa iyong buhay o iyong karanasan na may kaugnayan
tungkol sa Pidgin.

Paglalapat:

• Hahatiin ng guro sa dalawa ang buong klase at sa bawat grupo ay bubuo sila ng isang tula
na may kaugnayan sa paksang itinalakay.
• Ang kanilang tula ay ilalahad sa harap ng klase.

Pagsubok:

Kukuha ng isang buong papel ang mga mag-aaral.

Susulat sila ng isang halimbawa, karanasan o maaaring pangyayari sa kanilang buhay na may
kaugnayan sa paksang Pidgin. Pagkatapos ay ipapasa ito sa guro.

Pagpapahalaga:

Magtatanong ang guro sa kanyang mga estudyante. Itatanong sa klase ang mga sumusunod:

1.Ano ang iyong na obserbahan sa pag sagot sa mga gawain.?

2. Para sa iyo, gaano kahalaga ang Pidgin sa pakikipag komunikasyon?

Takdang-aralin:

Ang mga mag-aaral ay magsasaliksik ng kahulugan at mga halimbawa ng Creole.

You might also like