You are on page 1of 9

PROJECT CLAID (Contextualized and Localized Activities Intended for Distance Learning)

Pangalan:________________________________Petsa:____________Iskor:__________

Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Kuwarter 1 – Modyul 4
Aralin: Konsensiya: Tagahusga ng Mabuti at Masama
Layunin:
● Natutukoy ang gampanin ng konsensiya tungo sa moral na
pagkilos.
● Naipaliliwanag na ang konsensiya ay bahagi ng kaisipan na
nakapaloob sa ispiritwal na pakultad.
● Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maitama ang mga
nagawang mali sa nakaraan.

1
Asignatura:EsP 10 Baitang 10 Kuwarter 1 : Modyul: 3 Kasanayan (Code):
EsP10MP-Ia-2.3, EsP10MP-Ia-2.4
Panuto: Balikan ang ilang pangyayari sa iyong buhay. Alalahanin ang
pinakamalaking pagkakamali na iyong ginawa dahil hindi mo pinakinggan
ang dikta ng iyong konsensiya. Maaaring isulat o gumawa na lamang ng
simbolo upang manatili itong pribado. Pagkatapos ay sagutin ang mga
tanong sa kahon.

Bakit ko itinuturing na mali ang Anong dikta ng aking konsensiya


kilos na ito? ang hindi ko sinunod?

Ano ang aking dahilan sa di Paano ko dapat ituwid ang


pagsunod sa aking konsensiya? pagkakamaling ito?

2
Asignatura:EsP 10 Baitang 10 Kuwarter 1 : Modyul: 3 Kasanayan (Code):
EsP10MP-Ia-2.3, EsP10MP-Ia-2.4
Ang konsensiya ay munting tinig sa kalooban ng tao na nagbibigay ng payo
sa gitna ng isang moral na pagpapasya kung paanong kumilos sa
kinahaharap na sitwasyon.

Pakinggan mo ito, anak!


Panuto: Isa sa pinakakilalang awit ni Freddie Aguilar ay ang “Anak.” Kilala
ang awiting ito tungkol sa pagkakamaling nagawa ng anak sa kanyang
magulang. Mula sa awiting ito, ipaliwanag ang kaugnayan nito sa
konsensya. Maaaring pagbatayan ang mga linya ng kanta na makikita sa
baba o maaari rin itong mapakinggan sa
https://www.youtube.com/watch?v=ibmh64itn1M
ANAK
Freddie Aguilar
Nang isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi'y napupuyat ang iyong
nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo

3
Asignatura:EsP 10 Baitang 10 Kuwarter 1 : Modyul: 3 Kasanayan (Code):
EsP10MP-Ia-2.3, EsP10MP-Ia-2.4
At sa umaga nama'y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo
Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo'y maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo
Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo
Pagkat ang nais mo'y
Masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong,"anak, ba't ka
nagkaganyan"
At ang iyong mata'y biglang lumuha
ng di mo pinapansin

4
Asignatura:EsP 10 Baitang 10 Kuwarter 1 : Modyul: 3 Kasanayan (Code):
EsP10MP-Ia-2.3, EsP10MP-Ia-2.4
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali

Repleksiyon: Sa paanong paraan naipakita ng pangunahing tauhan sa awit


na ginamit niya ang kanyang konsensiya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Ang konsensiya ay bahagi ng ating isipiritwal na kalikasan. Ito ay
kakayahan ng isip sa paglalapat ng kaalaman sa paghuhusga ng tama at
mali. May apat na uri ng konsensiya:
1. Tamang konsensiya- pagkaramdam ng kaligayahan mula sa mabuting
ginawa, pagsisisi naman kung mali ang ginawa.
2. Maling konsensiya- sa tuwing gagawa ng masama ay ligaya ang
nadarama. Lungkot o pagsisisi naman sa paggawa niya ng mabuti.

5
Asignatura:EsP 10 Baitang 10 Kuwarter 1 : Modyul: 3 Kasanayan (Code):
EsP10MP-Ia-2.3, EsP10MP-Ia-2.4
3. Tiyak na konsensiya- bagamat mali ang kanyang ginawa ay kaya niya
itong panindigan. Tulad na lang ng pagnanakaw upang ibili ng gamot ang
may sakit niyang magulang.
4. Di Tiyak na konsensiya- walang paninindigan sa ginawang pasya.
Halimbawa, pagkakaroon ng ilegal na relasyon.
Dahil ang konsensiya ang tagahusga ng kilos na gampanin ng isip,
kailangang:
a. May pag-unawa kung ano ang mabuti at masama.
b. May malalim na pagkakakilala sa Likas Batas Moral.
c. May pagsasabuhay ng kilos na mabuti.
d. May kalayaan sa kanyang pagkilos.

Nagawa kong mali, itatama ko!


Panuto: Balikan ang mga pagkakamaling nagawa mo sa mga mahahalagang
bagay o tao sa iyong buhay. Isulat ang pagkakamali na nagawa mo at ilagay
din ang paraan na gagawin mo upang maitama ito. Gamitin ang tsart bilang
patnubay sa pagsagot.
Nagawan ko ng Pagkakamali na aking Naging paraan ko para
pagkakamali nagawa itama

1. Guro o pag-aaral

2. Kaibigan

6
Asignatura:EsP 10 Baitang 10 Kuwarter 1 : Modyul: 3 Kasanayan (Code):
EsP10MP-Ia-2.3, EsP10MP-Ia-2.4
3. Magulang/
kapamilya

4. Pamayanan

Ang LIKAS BATAS MORAL ay likas sa tao dahil sa kanyang kalayaan.


Nakasaad sa batas na ito ang dapat at di dapat gawin ng tao, kaya ito ang
gumgabay sa kilos ng tao. Layon ng LIKAS BATAS MORAL na pagkalooban
ang tao ng kinakailangang batayan upang makagawa siya ng tamang pasya
at kilos. 
Ang tao ang natatanging nilikha na may kakayahang gumawa ng masama
na maaaring makasira ng kapwa at ng kanyang sarili, kaya layon din ng
batas na ito ang kabutihan ng tao. Kaya sa batas na ito natin dapat ibatay
ang paghubog ng ating KONSENSIYA.

Panuto: Sa mga nakatala sa ibaba, tukuyin kung tama o mali ang bawat
pahayag. Isulat sa nakalaang patlang ang iyong sagot.
__________1. Ang konsensiya ay nagsisilbing gabay sa pagtahak sa mabuting
landas.
__________2. May mga taong likas na masama at walang konsensiya.
__________3. Nakaaapekto ang kaibigan, midya at kapaligiran sa paghubog
ng konsensiya.
__________4. Kailangan ng wastong pamantayan sa paghubog ng
konsensiya.
__________5. Ang mga taong dumaranas ng kahirapan ay mga taong
gumagawa ng masama.
__________6. Ang kasakiman ay ang sumisira sa konsensiya ng tao.

7
Asignatura:EsP 10 Baitang 10 Kuwarter 1 : Modyul: 3 Kasanayan (Code):
EsP10MP-Ia-2.3, EsP10MP-Ia-2.4
__________7. Ang banal na aklat ng bawat relihiyon ay maaaring humubog
sa ating konsensiya sa mabuti.
__________8. Sa tahanan kasama ang mga miyembro ng pamilya, unang
nahuhubog ang ating konsensiya.
__________9. Ang paghubog sa konsensiya ay hindi panghabang buhay.
__________10. Naipapakita ang tamang pagkahubog ng konsensiya sa
pamamagitan ng pagsisisi at pagtatama ng maling nagawa.

SANGGUNIAN:
Deped. (2016). K to12 Gabay Pangkurikulum EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO Baitang 1 –10
Punsalan, T. G, et. al. (2015).
Pagpapakatao 10 Brizuela, M.J. B., et. al, (2015).
EsP 10 LM Retrieved
Galicia, J. et al. Ang Pagsasabuhay
Kagawaran ng Edukasyon. Most Essential Learning Competencies. Lungsod
ng Pasig. 2020

BUMUO SA PAGSULAT SA MODYUL: Anthony C. Sumagui, Honeylet M.


Cativo, Marvie R. Duran, Rodessa May D. Castro, Ana De Luna Salas at
Ricardo E. Parungao III
TAGAPAMAHALA NG MODYUL: Romela  M. Cruz, CESE, Aurelio G.
Alfonso, CESE, Alyn G. Mendoza, Emma G. Arrubio, Ginalyn M. Mendoza
Ruby E. Baniqued, Dorothy  Grace I. Reyes at Calixto N. Camangeg

8
Asignatura:EsP 10 Baitang 10 Kuwarter 1 : Modyul: 3 Kasanayan (Code):
EsP10MP-Ia-2.3, EsP10MP-Ia-2.4
9
Asignatura:EsP 10 Baitang 10 Kuwarter 1 : Modyul: 3 Kasanayan (Code):
EsP10MP-Ia-2.3, EsP10MP-Ia-2.4

You might also like