You are on page 1of 3

National Capital Region

School Division Office


VICTORINO MAPA HIGH SCHOOL
Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Worksheet

Pangalan: __________________________________ Petsa:_____________________


Baitang at Pangkat:___________________________ Guro:______________________

Ikatlong Markahan
Modyul 2: Ang Pagmamahal sa Bayan

Gawain 1
Panuto:
1. Alalahanin ang “Panatang Makabayan”.
2. Tukuyin ang tatlong (3) kaparaanan na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan mula sa mga salita at
parirala nito.
3. Magbigay ng mga halimbawa ng mga kilos na nagpapakita ng paglabag dito na napapansin mo sa
lipunan.
4. Magbigay ng mga halimbawa ng mga kilos na nagbibigay solusyon sa #3.
5. Gawin ito sa pamamagitan ng pagpunan ng talahanayan sa ibaba at sagutin ang mga Gabay na Tanong.

Kaparaanan ng Pagmamahal sa Kilos na Nagpapakita ng Kilos na Nagpapakita ng


Bayan mula sa Panatang Paglabag Dito Solusyon sa mga Paglabag Dito
Makabayan

Hal. Hal. Hal.


Susundin ko ang Tuntunin ng ● Pagkakaroon ng mga ● Kusang magpagupit ng
Paaralan kalalakihan ng mahabang buhok kung alam na
buhok na labis sa pamantayan masyadong mahaba na ito
● Pagiging huli sa Klase ayon sa pamantayan.
● Pagpasok na hindi naka ID ● Gumising at kumilos nang
mas maaga.
● Siguraduhing nakasuot ito
bago lumabas ng bahay.

Gabay na Tanong:
1. Naging madali ba sa’yo ang pagsagot sa gawain na ito? Bakit?
2. Ano ang napagtanto mo sa gawaing ito? Bakit?
3. Bilang Pilipino, sa paanong paraan nakatutulong ang Panatang Makabayan sa iyong pang-araw-araw na
pamumuhay? Patunayan ang iyong sagot.
Gawain 2
Panuto: Maglista ng tatlong maling paniniwala mo patungkol sa kahulugan, kahalagahan, o pagpapamalas ng
Pagmamahal sa Bayan na nabigyang linaw matapos ang talakayan. Sagutin ang talahanayan sa ibaba.

Mga Maling Paniniwala Rason sa Maling Kalinawan mula sa Talakayan


Paniniwala na Ito

1.

2.

3.

Gawain 3: Pagninilay
Panuto: Basahin, unawain, at pagnilayan ang mga sumusunod na tanong. Sagutin ito sa isang malinis na papel.
a. Ano ang iyong naramdaman nang balikan mo ang iyong mga maling paniniwala sa mga kaparaanan na
nagpapakita ng pagmamahal sa bayan?
b. Ano naman ang iyong natuklasan nang malinawan ka sa mga maling paniniwala mo sa paksang
Pagmamahal sa Bayan?
c. Ano ang sa tingin mong magiging epekto nang kalinawan na ito sa iyong sarili?
d. Bilang isang kabataan na nalinawan na sa kahulugan, kahalagahan, at mga kaparaanan ng Pagmamahal
sa Bayan, paano mo masisiguro na magagampanan mo ang papel mo bilang Pilipino?

Gawain 4
Panuto: Bumuo ng personal na plano para mas mahubog at mapalago ang pagpapamalas mo ng Pagmamahal
sa Bayan bilang Pilipino nang naayon sa pitong (7) dimensiyon ng tao.

Dimensyon ng Tao Mga nais Gawin para Ipakita o Halimbawa


Isabuhay ang Pagmamahal sa
Bayan

Pisikal

Intelektuwal

Moral

Politikal

Ekonomikal

Spiritual

Sosyal
Rubrik:
Pamantayan Marka

Nilalaman 15
Ang mga nilalaman na gawain at halimbawa ay malinaw na
natukoy at naipahayag. Ito rin ay tunay na nagpapamamalas ng
Pagmamahal sa Bayan at sinasalamin ang ispesipikong
dimensyon ng tao.

Makatotohanan 10
Ang mga nilagay na halimbawa ay makatotohanan at kaya nilang
isakatuparan bilang mga mag-aaral at kabataan.

Kaayusan at Kabuuan 5
Ang mga sagot ay nakaayos at nakalapat sa tamang bahagi ng
talahanayan. Ito rin ay nasagutan ng kumpleto.

Kabuuan 30

You might also like