You are on page 1of 39

ESP4 YUNIT2 ARALIN5:

KAPUWA KO, NANDITO AKO!

MARLON C. LAUS
Bularit Elementary School
Gerona South District
Division of Tarlac Province
Nabubuhay ang tao hindi
lamang para sa kaniyang
sarili kundi para sa kaniyang
kapuwa. Mahirap man o
mayaman, may kakayahan
ang tao na tumulong sa mga
nangangailangan.
ALAMIN NATIN

Kuwento ni Paola.

Ako si Paola. Galing ako sa


Mindanao. Lumipat kami sa inyong
pook sapagkat isa ang pamilya namin sa
nakaranas ng maraming kalamidad.
Ang iba’y gawa ng tao at ang iba
nama’y dahil sa bangis ng kalikasan. Ito
ang larawan ng karanasan ng aming
pamilya.
Kaguluhan sa Mindanao Pamilya na nakatira sa ilalim ng
tulay
Ang nasa unang larawan ay nangyari
noong bata pa ako. Sabi ni Inay, dalawang
taon pa lamang daw ako nang mangyari
ito. Nalaman ko ito dahil ikinuwento nila.
Napakarami raw ng naapektuhan ng
gulong ito sa Mindanao.
Subalit ang gulo sa aming bayan ay
nagpaulit-ulit. Noong nakaraang taon
ay muling sumiklab ang kaguluhan at
nadamay pati ang aming paaralan.
Nasunog ito kasama ng iba pang mga
bahay at gusali.
Ang aming mga klase ay
pansamantalang ginagawa sa mga
dampa habang itinatayong muli
ng pamahalaan ang aming silid-
aralan.
Sapagkat wala na rin kaming bahay
na matitirahan kaya’t napilitan kaming
lumipat dito upang makaiwas sa
kaguluhan at makapagpatuloy kaming
magkapatid ng aming pag-aaral.
Dahil wala kaming bahay, natutulog
kami sa ilalim ng tulay kasama ang iba
pang biktima ng iba’t ibang kalamidad.
Naglalatag kami ng karton at banig sa
aming kariton. Nagtitiis kaming mabasa
kapag umuulan.
Upang matustusan ang aming pagkain sa
araw-araw, nangongolekta ng bote at
plastik ang aking mga magulang mula sa
mga tambak ng basura. Ibinibenta nila ito
sa junk shop upang may maibili ng bigas
at ulam.
Nag-aaral akong mabuti sapagkat nais kong
matupad ang aking mga pangarap sa buhay. Nais
ko ding makatulong sa aking mga magulang. Kapag
walang pasok, nagtitinda ako ng mga basahan sa
kalye. Nag-iingat naman ako sapagkat iyon ang
laging bilin sa akin ng aking mga magulang.
Naniniwala ako na
pagpapalain din kami ng
Diyos sapagkat nagsisikap
kami at naghahangad ng
mabuti para sa aming kapuwa.
Ipinagdarasal ko rin na sana
magkaroon ako ng mga
kaibigan dito.
Matapos mong marinig ang kuwento ni Paola, ano ang nais
mong itanong sa kaniya?
1.
2.
3.
4.
5.
1. Ano ang iyong naramdaman habang tinitingnan ang mga
larawan? Naawa ka ba sa kanila? Bakit? Ano ang maaari
mong gawin para sa mga katulad ni Paola?
2. Kung isa ka sa kanila, ano ang iyong mararamdaman?
Kanino ka lalapit at hihingi ng tulong?
Ang aking plano upang
matulungan si Paola.
ISAGAWA NATIN
Gawain 1
Basahin ang diyalogo nina Marla
at Rolan.
Rolan, binabati kita. Pinuri Salamat Marla. Maganda rin
ni Gng. Rosales ang iyong naman ang plano mo. Siguro may
ginawang plano ng pagtulong nakalimutan ka lang isulat kaya
sa mga nakatira sa ilalim ng may mga punang hindi maganda.
tulay.
Naisip ko rin iyon, marami pa Susulatan ko ang mga ahensiya ng
ang kulang sa aking plano kaya pamahalaan tulad ng Department of
kailangan ko pang baguhin at Social Welfare and Development (DSWD).
ayusin. Kapag nagawa ko na Di ba may napag-aralan tayo tungkol sa
nang higit na maganda, ipakikita programa nilang "Pantawid Pamilyang
ko ulit sa inyo. Paano ka nga ba Pilipino Program (4Ps)?" May mga
tutulong kina Paola? kaklase nga tayo na kasali roon.
Alam mo, hindi lang naman sila ang
Ang galing mo naman, Rolan. Naisip
nangangailangan ng tulong.
mo silang ilapit sa DSWD para
Napakarami pa nating kababayan na
maisali sa 4Ps. Ito iyong programa
talagang nakakaawa ang kalagayan,
ng pamahalaan na tumutulong sa
tulad ng mga nabiktima ng kalamidad
mahihirap.
sa Tacloban, lindol sa Bohol, at
madalas ding may nasusunugan.
Pero marami naman ang Marami nga pero mas kailangan ng
nagpapadala ng tulong mula sa ibang ating mga kababayan ang dadamay sa
bansa, di ba? Napanood ko nga sa kanila nang may pagmamahal. Hindi
telebisyon, marami ang nanggagaling lang basta nagpapadala ng mga
sa malalaking kompanya at pagkain. Kailangang nararamdaman
mayayamang tao. natin ang kanilang paghihirap at dapat
bukal sa loob ang ating pagbibigay.
Bilib na talaga ako sa iyo. Pero sabi ni Oo nga. Hindi bale,
Inay, mayroon daw umaabuso. Iyon tatalakayin pa naman natin
bang umaasa na lang sa ibibigay ng ang tungkol sa pagtulong sa
kapuwa, hindi na naghahanapbuhay. mga darating na araw.
Dapat pala, alam natin kung sino
talaga ang dapat tulungan.
Gawain 2
1. Maglaro tayo ng "Regalo’t Hagdan." Bumuo ng apat na pangkat at
sundin ang panuto ng laro.
2. Pumunta sa iyong pangkat.
3. Bawat miyembro ay bibigyan ng isang pirasong papel na hugis
bilog. Ito ang magsisilbing butil mo sa paglalakbay sa "Regalo’t
Hagdan."
4. Gamit ang dice, ihahagis ito ng bawat miyembro pataas upang
malaman kung pang-ilan siya sa pila ng mga aakyat sa "Regalo’t
Hagdan.“
5. Basahin ang nasa kahon. Ayon sa iyong sagot maaari ka na namang
umakyat sa ibang kahon.
6. Ang lider ng bawat pangkat ang magsasabi kung saang kahon ka
makakapunta ayon sa iyong sagot.
7. Ulitin ang paghagis ng dice kapag lahat ng miyembro ay nakaakyat
na para sa susunod na bilang at pila ng pag-akyat.
8. Ang mag-aaral na unang makaakyat sa kahon bilang 25 ang siyang
mananalo.
MAPA NG "REGALO’T HAGDAN"
21 22 23 24 25
Walang aalalay sa Kailangang Paano maipakikita Kahanga-hanga ka!
lola na tatawid sa tumulong sa ang pagiging bukas- Ipagpatuloy ang
kalye. Ano ang nangangailangan palad? pagiging, matapat,
gagawin mo? totoo, at bukas-
palad!
20 19May maitutulong 18 17 16
Kailan maaaring ka ba sa mga Sori, kailangang Sa bahay ninyo
ipakita ang nasalanta ng bumalik ka sa kahon iniimbak ang relief
pagiging bagyo? 11 goods para sa
bukaspalad? nasalanta ng bagyo.
May nagustuhan
kang laruan sa mga
ito. Ano ang gagawin
mo?
11 12 13 14 15
Ano ang gagawin mo Sori, kailangang Maaari kang
sa natirang baon? bumalik ka sa kahon umakyat sa
Bakit ito ang 6 kahon 23
gagawin mo?
10 9 8 7 6
Magbigay ng isang Kanino ka dapat May outreach
bagay na kaya tumulong? Program ang iyong
mong ibahagi sa Paaralan para sa
mga nasunugan. mga
nasunugan.Alin sa
iyong
Mahalagang mga
gamit
ang kaya mong
ibigay
1 2 3 4 5
Maaari kang Paano mo May batang Magbigay ng Ano ang
umakyat sa kahon 6 matutulungan ang walang pagkain isang bagay gagawin mo
isang tinderang sa oras ng na kaya kapag may
nakita mong meryenda at mong gawin batang nadapa
kinukupitan ng nasa isang para sa mga sa kalye?
mga paninda ng sulok lang. Ano nasalanta ng
isang bata? ang gagawin mo? bagyo
Pagnilayan at sagutin.

1. Ano ang naramdaman mo habang naglalaro ng "Regalo’t


Hagdan?" Nasiyahan ka ba? Ipaliwanag ang sagot.
2. May napulot ka bang magandang aral sa larong ito?
Ibahagi sa klase.
ISAPUSO NATIN

Gumawa ng sulat sa isang ahensiya ng pamahalaan na nais


mong hingan ng tulong para sa mga katulad ni Paola.
Banggitin mo sa iyong sulat kung bakit nais mo silang
matulungan ng pamahalaan.
TANDAAN NATIN
Lahat ng tao ay may pangangailangan. Walang tao na nasa kaniya
na ang lahat. Ang mahihirap ay hindi nangangahulugang wala na
silang maibibigay o maitutulong sa ibang tao at mga kaibigan. Wala
ring taong sobrang yaman na hindi na mangangailangan ng tulong ng
iba.
Ang pagiging bukas-palad ay pagbibigay ng kung ano ang
mayroon ka nang bukal sa kalooban.
Ang mga munting regalo na kayang ibigay, tulad ng pagtulong sa
pag-akyat ng hagdan, ay isang kaginhawaan. Lahat ay magiging
masaya at walang maiiwan.
TANDAAN NATIN
Ang mga gawa ni Mother
Theresa, isang Santa mula sa
Calcutta India, noong siya ay
buhay pa ay likas na pagiging
bukas-palad.
TANDAAN NATIN
Hanggang sa huling mga sandali ng kaniyang buhay ay tumulong
siya sa mga may sakit at wala siyang inasahang kapalit. Hindi
kayamanan ang ibinahagi niya kundi ang kaniyang oras, serbisyo, at
pagmamahal, na maluwag sa kaniyang puso. Ang kaniyang mga
gawain ay nagsilbing inspirasyon sa maraming tao upang maging
bukas-palad din sa pakikisalamuha sa kanilang kapuwa.
TANDAAN NATIN
Ibahagi sa iba ang biyayang mayroon ka na maluwag sa
damdamin at walang inaasahang kapalit. Lubos na kasiyahan ang
maidudulot nito sa iyo. Kapag tapat at totoo ang damdamin sa
pagbibigay o pagbabahagi, tiyak na pagpapalain ka ng Maykapal at
mapasasaya mo ang iyong kapuwa.
ISABUHAY NATIN
Muling balikan ang ginawa ninyong plano sa pagtulong kay Paola at
sa iba pang batang natutulog sa ilalim ng tulay. Pag-usapan ang
maaaring maging sagot ng Department of Social Welfare and
Development (DSWD) sa inyong liham. Maglikom ng mga tulong na
maaaring ipadala sa mga naging biktima ng kalamidad at sa mga
tunay na nangangailangan ng inyong tulong. Ilagay sa gift box ang
inyong mga ibibigay upang madala ito sa susunod na buwan. Kasama
ng materyal na tulong, padalhan din sila ng card at sulat upang
ipadama mo sa kanila ang iyong pagmamahal .
SUBUKIN NATIN
Basahin ang sitwasyon at sabihin kung anong damdamin mayroon sa
sumusunod na uri ng pagbibigay:

A. Napipilitan lamang magbigay


B. Nagbigay nang bukal sa kalooban
C. Nakikigaya sa ibang mga nagbibigay
D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan
E. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay
1. May dumating na donasyon galing sa bansang Japan para sa
mga biktima ng lindol. Ang nais ng mga Hapones ay sila ang mag-
aabot sa mga biktima sapagkat may listahan sila ng bilang at
pangalan ng mga bibigyan.
2. Isang grupo ng mga kabataan ang nangalap ng pagkain, gamot,
damit, at higaan para sa mga biktima. Nagpunta sila sa evacuation
center upang makausap ang mga inilikas na biktima. Nararamdaman
nila ang pagdurusa ng mga bata kaya’t magkakaroon pa sila ng
susunod na pagdalaw sa mga ito.
3. Nakita ng mayaman mong kapitbahay na marami ang
nagdadala ng relief goods sa covered court ng barangay. May inilikas
na mga nasunugan at walang nailigtas na gamit ang mga ito.
Inutusan niya ang kaniyang kasambahay na ilabas ang mga damit na
hindi na nasusuot at ang mga de-latang malapit nang masira.
4. Nagbigay ng isang sakong bigas ang pamilya ni Mang Oca sa
mga biktima ng bagyo. Nalaman ito ng kanilang kapitbahay kaya
nagpadala rin sila ng dalawang sakong bigas at mga damit.
5. Ang pag-aaral mo at ng iba mo pang kaklase ay sinusuportahan
ng isang samahang nagkakawanggawa sa mga mahihirap na may
kasipagan at kakayahang mag-aral. Ipinadadala sa inyong paaralan
ng samahang ito ang mga kailangan ninyo sa pag-aaral.
Ngayon ay alam mo na kung
paano maging bukas-palad sa
pagbibigay ng tulong.
Pagyamanin mo ito at
ipagpatuloy ang mabuting gawi.
Isa kang huwarang mag-aaral na
dapat tularan.

You might also like