You are on page 1of 15

5

EPP-Agrikultura
Unang Markahan – Modyul 3:
Masistemang Pangangalaga ng Tanim
na mga Gulay
EPP – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Masistemang Pangangalaga ng Tanim na mga Gulay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rosalie H. Zerna
Editor: Rosemarie O. Elum Eva May L. Baguio
Tagasuri: Cherry A. Avenido at Rosemarie O. Elum
Tagaguhit: Mark Dave M. Vendiola
Tagalapat: Rogelio R. Fabillar
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar Elmar L. Cabrera
Nilita R. Ragay, Ed.D.
Antonio B. Baguio, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
5

EPP
Unang Markahan – Modyul 3:
Masistemang Pangangalaga ng
Tanim na mga Gulay
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa inyo. Ito ay ginawa upang
mas lumawak pa ang inyong kaalaman sa mundo ng agrikultura. Alam naman
natin na importante na mayroon tayong mapagkukunan ng masustansiya, presko
at libreng pagkain sa panahon ngayon.

Ang modyul na ito ay may isang bahagi at ito ay masistemang pangangalaga


ng tanim na mga gulay.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Naipapamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa


pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay.
2. Naisasagawa nang maayos ang masistemang pangangalaga ng tanim na mga
gulay.
3. Naipapakita ang kahalagahan ng pagtatanim sa pamamagitan ng pag-aalaga
sa inyong mga tanim na gulay.

Napakahalagang matamo ng mag-aaral na tulad mo ang kahalagahan ng


paghahalaman dahil hindi lang ito nagbibigay ng kagandahan sa paligid, ito rin ay
maaring mapakinabangan ng pamilya at pamayanan.

Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot mula sa hanay ng pagpipilian. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang isa sa pakinabang sa pagtatanim ng halamang gulay?


a. Gastos b. Pagod c. Pagkain d. Palamuti
2. Tapos ng magtanim si Tammy. Ano ang dapat niyang gawin sa mga
kagamitan na kanyang ginamit sa pagtatanim?
a. Itago ito kaagad c. Linisin at iligpit ito
b. Iwan sa lugar d. Pagsama-samahin at takpan
3. Nakita ni Nilo ang kanyang lolo na tinatanggal nito ang mga damong ligaw
sa paligid ng halaman. Bakit kaya niya ito ginagawa?
a. Upang hindi nito maagaw ang pataba at tubig
b. Upang madiligan ng mabuti

1
c. Upang mawala ang mga bulate
d. Upang maging abono ang damo
4. Ano ang tamang kasangkapan sa pagdidilig ng halaman?
a. Timba b. Galon c. Regadera d. Tabo
5. Ang mga nakalista sa ibaba ay mga gulay maliban sa isa. Ano ito?
a. Kamatis c. Pechay
b. Talong d. Gumamela
6. Ito ang inilalagay sa lupa upang maging mataba at malusog ang paglaki ng
mga pananim.
a. Damong-ligaw c. Abono
b. Mulching d. Suhay o tukod
7. Ang mga sumusunod ay mga paraan ng pangangalaga ng mga pananim
maliban sa isa. Ano ito?
a. Pagbubungkal sa lupa c. Paglalagay ng abono
b. Paglalagay ng suhay o tukod d. Pagbubunot ng mga halaman
8. Ang mga damong ligaw na binunot sa halamanan na natuyo na ay maaring
gawing ____________.
a. Damong-ligaw c. Abono
b. Mulching d. Suhay o tukod
9. Ang mga sumusunod ay ang kahalagahan ng pagbubungkal ng lupa
maliban sa isa?
a. Maluwag na makapasok ang hangin sa halaman
b. Napapanatiling mamasa-masa ang lupa
c. Madaling darami ang mga ugat ng tanim
d. Madaling mararating ng tubig ang mga ugat
10. Ito ay nakadaragdag sa sustansiya ng lupa at isa sa mga paraan ng
pagpapataba ng mga halaman. Anong uri ito ng pag-aalaga?
a. Pagdidilig c. pag-aabono
b. Pagbubungkal d. pag-aani

Aralin
Masistemang Pangangalaga
1 ng Tanim na mga Gulay
Ang mga gulay ay nagbibigay ng magandang ani kung inaalagaan ng maayos
ang mga ito. Ang wastong pagdidilig, pagbubungkal at paglalagay ng abonong
organiko sa lupa ay mahalaga upang makamit mo ang iyong ninanais na
magkaroon ng magandang ani.
Sa araling ito, tatalakayin ang masistemang pangangalaga ng tanim na mga
gulay gaya ng pagdidilig, pagbubungkal at paglalagay ng abonong organiko.

2
Balikan

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.


 Ano-ano ang mga kagamitang kailangan sa paggawa ng abonong organiko?
 Bakit mahalagang malaman mo ito?
 Bakit mainam na gumamit tayo ng abonong organiko sa ating pagtatanim?

Mga Tal a para sa Guro


Hayaan ang mga mag-aaral na balikan at unawain ang
panimulang kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng gulay at
maunawaan ang maaaring maitulong nito sa pag-unlad ng
pamumuhay.
Gabayan ang mga mag-aaral habang isinasagawa ito.
Kung maaari, bigyan ng worksheet na may kaugnayan sa
susunod na aralin ang mga mag-aaral.

Tuklasin

Bago mo simulang pag-aralan ang bagong leksyon sa modyul na ito, nais ko


munang basahin at isapuso mo ang tulang nakasulat sa ibaba.

Gulay Sa Bakuran
Unknown Author
Mula sa https://www.pinoyedition.com/mga-tula/gulay-sa-bakuran/

Ito ang aking gulayan May kamatis at sibuyas,


Napakagandang pagmasdan Bataw, luya at litsugas.
Ang paligid ay luntian.
Kumain tayo ng gulay
May talong at kalabasa, Gaganda ang ating kulay,
Petsay, sitaw at patola, Hahaba ang ating buhay.
May patani at may okra.

3
Suriin
Upang maging masagana ang iyong ani kapag ikaw ay nagtatanim ng mga
gulay, kailangan mong maunawaan ang masistemang pangangalaga nito.

Mga Masistemang Pangangalaga ng Tanim na mga Gulay


I. Pagdidilig

https://thisismygarden.com/wp-
content/uploads/2018/05/Watering-the-garden-715x400.jpg

Kailangang mamasa-masa o moist ang lupang pagtataniman. Hindi


puwede kung masyado itong tuyo at ganoon din naman kung sobrang
basa. Kailangan ay kainaman lamang ang looseness at humidity ng lupa
para makahinga at makakapit ang punla. Kapag ang lupa’y tuyong-tuyo,
kailangan munang diligan iyon ng kung ilang araw. Kapag basang-basa
naman, kailangan munang pababain ang tubig, dahil kung hindi,
alinman sa malulunod o maanod ang binhi.

Ang pagdidilig sa mga pananim ay


ginagawa sa umaga at hapon kapag hindi
na kasikatan ng araw. Dapat ay ginagawa
ito araw-araw. Gumamit ng regaderang may
maliliit na butas kapag ang tanim ay maliit
pa. Ingatan ang pagdidilig upang hindi
mapinsala ang halamang didiligan. Iwasang
malunod ang mga halaman lalo na ang
bagong lipat na punla.
https://previews.123rf.com/images/morphart/m
Upang manatiling mamasa-masa ang orphart1904/morphart190401602/123451833-
a-green-watering-can-in-green-color-known-as-
lupa, diligan din ang lupang nakapaligid sa regadera-in-spanish-vector-color-drawing-or-
illustratio.jpg
mga tanim. Ang mga halamang gulay ay
kailangang diligan araw-araw. Ang mga halamang-ugat naman ay
nangangailangan ng kaunting tubig kaya huwag masyadong sobra ang
tubig na ididilig sa kanila.

Ang dalas ng pagdidilig at dami ng tubig na pandilig ay depende sa


tanim. May mga halamang-gulay na kailangan diligan araw-araw.
Mayroon din namang makalawahan lang. Mayroong halamang dalawang
beses isang lingo kung diligan at nabubuhay na ng maayos. Mayroon
ding isang beses sa isang lingo lang ang kailangan. Karamihan sa mga
ito ay iyong mga tubers o di kaya naman ay bulbous plants. Kapag tag-
ulan, hindi na gaanong alalahanin pa ang pagdilig. Ang ulan na ang

4
bahala sa mga pananim. Ang kailangan lang pag ganitong panahon,
tiyaking hindi malulunod ang mga halaman sa tubig.

II. Pagbubungkal ng Lupa

Bungkalin ang lupang nakapaligid sa halamanan upang makahinga


ang mga ugat. Gawing mababaw lamang ang pagbubungkal lalo na sa
mga halamang pino ang ugat at malalambot ang tangkay. Ang
mahahabang ugat ay nagpapatibay sa halaman laban sa malakas na
hampas ng hangin.

Gawing regular ang pagtanggal ng mga


damong ligaw sa paligid ng halaman upang hindi
nito maagaw ang pataba at tubig na ibinibigay
para sa halaman. Maaring gamitin ang kamay o
wastong kagamitan sa pag-aalis ng damo. Maging
maingat sa paggawa nito upang hindi masira ang
halaman. Sa pagbubungkal ng lupa ay huwag
kalimutang magsuot ng gwantes upang
https://images.homedepot-
maiwasang masugatan ang kamay. static.com/productImages/512f8e15-
e9d4-41ad-a7e8-
c565bbc16c45/svn/oranges-peaches-
Narito ang mga kahalagahan ng wastong dig-it-gardening-gloves-sp-rgglq-
64_1000.jpg
pagbubungkal ng lupa:
 Madaling darami ang mga ugat ng tanim
 Madaling mararating ng tubig ang mga ugat. Higit na malusog
ang halaman kapag maraming ugat
 Maluwag na makakapasok ang hangin sa halaman

III. Paglalagay ng Abonong Organiko

Napabubuti ng abonong organiko


ang hilatsa ng lupa at malusog na
paglaki ng mga pananim. Ito ay
napaka-epektibong pataba na hindi
magastos. Maari itong ilagay sa lupa
bago magtanim, habang nagtatanim o
pagkatapos magtanim. Ang
pinakamagandang panahon ng
https://encrypted-
paglalagay ng pataba ay habang tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcSywD4GcJh
23q-4P1COf7ctP7gNAHKyOvvU5w&usqp=CAU.jpg
maliit pa ang tanim bago ito
mamunga dahil kailangan ng tanim ang sustansya mula sa lupa.

Narito ang mga kahalagahan ng paggagamit ng compost:

1. Napaparami nito ang ani pero hindi naabuso ang lupa


2. Pinatataba muli ng compost ang lupa kaya darami ang ani
3. Pinalalambot ang lupa
4. Pinagaganda ang pagsalat (texture) at bungkal ng lupa (tilt)
5. Hindi mabilis matuyo ang lupa

5
6. Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng
tubig (water holding capacity)
7. Pinaluluwag ang paghinga ng lupa
8. Matipid
9. Ibinibigay ang sustansiyang wala sa abonong kemikal

Pagyamanin
I. Panuto: Ilagay ang tsek ( / ) sa patlang bago ang bilang kung ang pangungusap
ay tama at ekis ( X ) naman kung ito ay mali. Isulat ang iyong sagot sa
iyong kwaderno.
____ 1. Kahit anong oras ay pwede mong diligan ang iyong mga tanim na gulay.
____ 2. Gumamit ng abonong organiko sa pag-aabono ng iyong mga tanim na
gulay.
____ 3. Ang mahahabang ugat ay nagpapatibay sa halaman laban sa malakas
na hampas ng hangin.
____ 4. Ang abonong organiko ay napaka epektibong pataba na hindi magastos.
____ 5. Dapat ay dinidiligan ang mga tanim na gulay araw-araw.

II. Panuto: Kompletohin ang graphic organizer na nasa ibaba. Isulat kung paano
at/o kailan ito ginagawa. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.

Masistemang
Pangangalaga ng
Tanim

Paglalagay ng
Pagbubungkal
Pagdidilig Abonong
ng Lupa
Organiko

(Paano ito (Paano ito (Paano ito


gagawin at gagawin at gagawin at
kailan?) kailan?) kailan?)

6
Isaisip
Punan ng wastong salita ang mga patlang na makikita sa bawat pangungusap.

 Kailangang wasto ang paraan ng ________________, ________________ at


________________ upang maging malusog at produktibo ang mga tanim na
gulay.
 Maglagay ng ________________ sa paligid ng halaman lalo na kung may mga
alagang hayop sa paligid.

Isagawa

Panuto: 1. Magtanim ng spring onions o sibuyas na mura sa limang (5) plastik na


bote. Sundin ang mga hakbang na nakatala sa ibaba. Para sa mga
mayroong smartphone o camera, edokumento ang iyong pagtatanim
simula sa unang araw hanggang sa ikalabing-apat na araw sa
pamamagitan ng pagkuha ng litrato at/ o pagbibidyo. Ipadala ang mga
nakuhang litrato at/o video sa email o FB Messenger ng iyong guro.
Isumite ito pagkatapos ng dalawang linggo.

2. Isumite ang output sa guro.

Paal al a:
Ang nakatatandang kapatid o magulang ang
maaring magdala ng output sa paaralan.

Pagtatanim ng Spring Onions o Sibuyas na Mura


Kagamitan:

 Plastik na bote – 5 piraso


 Gunting o cutter
 Banlik o Loam Soil (matabang lupa)
 Abonong organiko
 Sibuyas na mura
 Tubig
https://i.pinimg.com/564x/17/0d/9e/170d9e4441384f8fb53
Pamamaraan: 5fef0624020e2.jpg

7
1. Magsuot ng guwantes sa kamay at gamit ang gunting o cutter, butasan ang
plastik na bote gaya ng nasa
larawan. Butasan din sa ilalim
nito ng maliliit na butas. Ito ay
magsisilbing paagusan ng tubig.

https://aslathedirt.files.wordpress.com/2013/08/garden.jpg

2. Ilagay sa loob ng bote ang lupa at abonong organiko gaya ng inyong nagawa
sa naunang modyul o kaya ay animal manure o pataba ng hayop.
3. Itanim ang mga sibuyas na mura sa bote.
4. Diligan ang mga itinanim na murang sibuyas.

T andaan:
Gawin ito ng may kasamang nakatatandang
kapatid o magulang.
https://youtu.be/-IGass48fvQ

Tayahin

Suriin ang iyong nagawang proyekto gamit ang rubrik na nasa ibaba.
Sagutan ang rubrik sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek ( √ ) sa angkop na
kulum.

Scorecard Para sa Pangangalaga ng Tanim


Nangangailangan Di-gaanong
Mahusay Napakahusay
PAMANTAYAN ng Tulong Mahusay
(3 puntos) (4 puntos)
(1 puntos) (2 puntos)
Dinidiligan (hindi dinidiligan (minsan lang (madalas (palaging
ang mga ang mga tanim) dinidiligan dinidiligan dinidiligan
Tanim ang mga ang mga ang mga
tanim) tanim) tanim)

Pagtatanggal (hindi tinatanggal (minsan lang (madalas (palaging


sa mga ang mga damong tinatanggal tinatanggal tinatanggal
Damong Ligaw ligaw) ang mga ang mga ang mga
damong damong damong
ligaw) ligaw) ligaw)

Paglalagay ng (hindi nilalagyan (minsan lang (madalas (palaging


Abonong ng abonong nilalagyan nilalagyan nilalagyan ng
Organiko organiko ang mga ng abonong ng abonong abonong
tanim) organiko ang organiko ang organiko ang

8
mga tanim) mga tanim) mga tanim)

Pinupuksa (hindi pinupuksa (minsan lang (madalas (palaging


ang mga Peste ang mga peste at pinupuksa pinupuksa pinupuksa
o Kulisap sa kulisap sa mga ang mga ang mga ang mga
mga Tanim tanim) peste at peste at peste at
kulisap sa kulisap sa kulisap sa
mga tanim) mga tanim) mga tanim)

Naglilinis ng (hindi naglilinis (minsan lang (madalas (palaging


Kamay ng kamay naglilinis ng naglilinis ng naglilinis ng
Pagkatapos ng pagkatapos ng kamay kamay kamay
Paghahardin paghahardin) pagkatapos pagkatapos pagkatapos
ng ng ng
paghahardin) paghahardin) paghahardin)

KABUUANG
PUNTOS

Karagdagan Gawain

Ang mga nakalistang gulay sa ibaba ay madali lamang na itanim at gaya ng


inyong natanim na sibuyas na mura ay pwede rin itong itanim sa plastik na bote.
Pumili ng tatlong klase ng gulay at itanim ito. Sundin lamang ang mga
pamamaraan na ginawa ninyo sa naunang gawain.

Pechay Talbos ng Kamote


Kangkong Talong
Okra Sili
Mustasa

9
Susi sa Pagwawasto

10. D
9. B
sagot nga mga bata
8. C
7. D II. Maaring magkakaiba ang
6. C 5. /
5. C 4. /
4. C 3. /
3. A sagot ng mga bata 2. /
2. C Maaring magkakaiba ang 1. X
1. C I.
Subukin! Balikan! Pagyamanin!

Sanggunian
A. Libro
Balaoing, Lory C., et al. Fun with HELE 5. Abiva Publishing House, Inc.,
2018.
Doblon, Tersita B., et al. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4.
Department of Education-Instructional Material Council Secretariat-
DepEd IMCS, 2015.
Peralta, Gloria A, at Ruth A. Arsenue. Kaalaman at Kasanayan Tungo sa
Kaunlaran 5. Vibal Group, Inc., 2016.
B. Imahe
https://thisismygarden.com/wp-content/uploads/2018/05/Watering-the-
garden-715x400.jpg
https://previews.123rf.com/images/morphart/morphart1904/morphart190
401602/123451833-a-green-watering-can-in-green-color-known-as-
regadera-in-spanish-vector-color-drawing-or-illustratio.jpg
https://images.homedepot-static.com/productImages/512f8e15-e9d4-41ad-
a7e8-c565bbc16c45/svn/oranges-peaches-dig-it-gardening-gloves-sp-
rgglq-64_1000.jpg
https://encrypted-
tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcSywD4GcJh23q-
4P1COf7ctP7gNAHKyOvvU5w&usqp=CAU.jpg
https://i.pinimg.com/564x/17/0d/9e/170d9e4441384f8fb535fef0624020e
2.jpg
https://aslathedirt.files.wordpress.com/2013/08/garden.jpg

10
C. Tula
https://www.pinoyedition.com/mga-tula/gulay-sa-bakuran/
D. Video
https://youtu.be/-IGass48fvQ
E. Website
Estacio, Elaine. “Pangangalaga ng Halaman”. Slideshare. Accessed June 18,
2020. https://www.slideshare.net/ElaineEstacio2/pangangalaga-
ng-halaman.
Estacio, Elaine. “Pangangalaga ng Halaman”. Slideshare. Accessed June 18,
2020. https://www.slideshare.net/ElaineEstacio2/kahalagan-ng-
paggawa-ng-organikong-pataba
Balitambayan. “Mga Gulay na Maaring Itanim sa Bahay at Madaling
Anihin.” Accessed June 18, 2020.
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/667399/
mga-gulay-na-maaaring-itanim-sa-bahay-at-madaling-anihin/story/
https://may11apr1940.wordpress.com/2011/07/22/pagtatanim-at-
pangangalaga-ng-gulay/

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

12

You might also like