You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Laguna
District of Nagcarlan – Rizal
LABANGAN ELEMENTARY SCHOOL

Talaan ng Ispesipikasyon

Layunin Bilang Bahagdan Bilang ng Kinalalagyan


ng Araw Aytem
na
Naituro
1. Naipaliliwanag ang kahulugan
1-2
at pagkakaiba ng produkto at 5 12.5% 6
26-29
serbisyo
2. Natutukoy ang mga taong
3-4, 19
nangangailangan ng angkop na 5 12.5% 6
30-32
produkto at serbisyo
3. Nakapagbebenta ng natatanging 5-6
paninda 5 12.5% 6 19-20
43-44
4. Naipaliliwanag ang mga 12.5%
7-9
panuntunan sa pagsali sa 5 7
21,23-24
discussion forum at chat
5. Nakasasali sa discussion forum 12.5% 22,25
at chat sa ligtas at responsableng 5 7 33-37
pamamaraan
6. Natutukoy ang angkop na 12.5%
10-12
search engine sa pangangalap ng 5 6
48-50
impormasyon
7. Nakagagamit ng mga basic 12.5%
function at formula sa electronic 13-15
5 7
spreadsheet upang malagom ang 38-40
datos.
8. Nagagamit ang word processing 12.5% 16-18
5 6
tool 41-42
Kabuuan 40 100% 50
SCHOOL ID:

Unang Panahunang Pagsusulit sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5

Pangalan: ____________________________________ Guro: __________________________


Baitang at Pangkat: _________________________ Petsa: ___________________________

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin at bilugan ang titik nang
wastong sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa mga ani o bunga at mga kalakal tulad ng pagkain, damit, sapatos,
gamot, appliances, sabon, alahas, sasakyan at iba pa.
A. enterprenyur B. produkto C. serbisyo D. negosyo
2. Ang mga sumusunod ay mga non-durable goods o mga produktong madaling maubos
o karaniwang ginagamit maliban sa isa.
A. computer B. lapis C. papel D. sabong panlaba
3. Isang nagkasakit ang bunsong anak ni Gng. Cruz. Ilang araw na itong matamlay at
hindi kumakain kaya nagnais siyang ipinakunsulta ang anak. Sino ang lalapitan niya?
A. electrician B. guro C. pediatrician D. technician
4. Sino sa mga sumusunod ang nangangailangan ng lambat at bangka?
A. bumbero B. karpintero C. mangingisda D. tubero
5. Mayroon kayong tingiang tindahan sa bahay. Anong produkto ang itinitinda ninyo nang
per piraso?
A. asin B. bigas C. itlog D. suka
6. Nag-iisip si Aling Marta ng mga panindang maaaring ilako sa lugar nila. Ang mga
sumusunod ay mga produktong ito ay maaari niyang ipagbili nang palako maliban sa
isa. Alin ito?
A. isda B. kakanin C. school supply D. gulay
7. Ang netiquette ay makatutulong sa iyo upang __________________.
A. maiwasan ang mga hindi kanais-nais na pag-uugali (online)
B. maging mahusay sa iyong mga kaibigan
C. maging mapanuri
D. gumaling sa paggamit ng internet.
8. Ang pag-type ng isang mensaheng email sa lahat ng nasa malaking titik ay
nangangahulugang ________________.
A. wala
B. ikaw ay naninigaw
C. ang mensaheng ito ay nakapahalaga
D. Okay na ipasa ang mensaheng ito sa iba
9. Dapat sumagot sa lahat ng email ____________.
A. nang mabilis hangga’t maaari
B. pagkatapos ng tamang agwat
C. kapag may nakuhang pagkakataon
D. pagkatapos maghintay ng pitong araw
10. Mayroon kang takdang aralin na kailangang magsaliksik. Ito ay ang gagamitin mo sa
pangangalap ng mga mahahalagang impormasyon gamit ang internet.
A. chat B. forum C. mouse D. search engine
11. Pinakasikat nasearch engine ngayon sa buong mundo at ito ay itinatag ni Larry page
at Sergey Brin. Nakatutulong ito upang maging madali ang pagsasaliksik ng mga
datos at impormasyon.
A. AOL Search B. ASK.com C. Google D. Yahoo
12. Tinatayang 1% lang ang gumagamit nito sa paghahanap ng mga imormasyon sa
internet. Inilunsad ito sa America Online noong 1999.
A. AOL Search B. ASK.com C. Google D. Yahoo
13. Ginagamit ito para pag-isahin ang dalawa o higit pang mga cells.
A. Merge Cells B. Task Panel C. Formul Bar D. Toolbar
14. Nasa gawing itaas ng spreadsheet na kinalalagyan ng impormasyon na maaring suriin
at manipulahin.
A. Workbook B. Title Bar C. Task Panel D. Formula Bar
15. Kinukuha nito ang kabuuang numerical na datos sa mga piniling cells.
A. Average Function C. Min Function
B. Max Function D. Sum Function
16. Kilala at tanyag ang ____________ sa buong mundo bilang isang tool at bahagi ng
Microsoft Office sa paggawa ng isang dokumento na maaaring gamitan iba’t-ibang
mga katangian at disenyo.
A. Diagram C. Microsoft Word
B. Flowchart D. Word Processing Tool
17. Madalas na ginagamit ang _______________ para tukuyin ang mga sanhi ng mga
pangyayari.
A. Fishbone Diagram C. Microsoft Word
B. Flowchart D. Word Processing Tool
18. Ito ay isang uri ng diagram na gumagabay sa pagkakasunod-sunod ng mga Gawain
batay sa uri ng programa.
A. Fishbone Diagram C. Microsoft Word
B. Flowchart D. Word Processing Tool
19. Ito ay negosyo kung saan gumagawa ng mga damit, basahan o anumang produktong
gawa sa tela sa pamamagitan ng makina.
A. vulcanizing shop C. sari-sari store
B. patahian D. karinderya
20. Ito ay isang negosyo kung saan kumakain ang mga tricycle driver, mag-aaral at nag-
oopisina sa murang halaga.
A. karinderya C. botika
B. barber shop D. vulcanizing shop
21. Ito ay isang uri ng komunikasyon kung saan maaari kang magpadala ng mensahe
gamit ang computer o smartphone basta’t may internet.
A. Discussion Forum C. Reporting
B. Instant messaging D. Video Call
22. Anong tamang gawin kapag may isang miyembro na nakikipagtalo sa forum?
A. Awayin rin.
B. Inisin ito para lalong magalit.
C. Kalmahin ang sarili bago sumagot.
D. Magtawag ng ibang miyembro para awayin siya.
23. Ito ay isang board kung saan maaari kang mag-iwan ng anumang tanong o mensahe.
Dito nagaganap ang pangkatang talakayan.
A. Discussion Forum C. Reporting
B. Instant messaging D. Video Call
24. Ito ang tawag sa taong may kakayahan salain ang mga impormasyong pumapasok sa
forum.
A. guest B. member C. moderator D. participant
25. Ano ang dapat gawin sa pagsali sa forum?
A. Maging magalang sa pagtatanong.
B. Makipag-away sa kapwa miyembro.
C. Magpost ng di konektado sa paksa ng forum.
D. Sumagot kahit di alam ang paksa ng talakayan.

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungsap. Isulat sa patlang kung Serbisyo o
Produkto ang tinutukoy sa bawat bilang.

______________ 26. Sila ang gumagawa ng mga pangklinikang pangrepleksolohiya o


pagmamasahe
______________ 27. Ito ay mga pagkain na niluluto sa mga restaurant upang matugunan
ang pangangailangan ng mga mamamayan.
______________ 28. Mga nagtuturo sa mga pampublikong paaralan upang magkaroon ng
magandang kinabukasan ang mga kabataan.
______________ 29. Mga sabon at shampoo na ginagamit ng mga tao sa pang araw-araw.
Panuto: Tukuyin kung saan naaangkop ang bawat produkto at serbisyong nakalahad sa
tsart. Piliin sa loob ng kahon ang titik ng angkop na salita para sa bawat bilang.

a. taong nasasakdal b. pasyente o maysakit c. pasahero


d. nagkukumpuni ng bahay e. mag-aaral

_____ 30. doktor


_____ 31. abogado
_____ 32. school bag

Panuto: Suriin ang isinasaad sa bawat pangungusap. Isulat ang HEPHEP kung tama ang
isinasaad na mga pahayag at HOORAY naman kung mali.

___________ 33. Ibigay ang mga mahahalagang impormasyon gaya ng password sa ibang
tao.
___________ 34. Maging mahinahon sa pakikipag-usap sa chat at iwasang gumamit ng
mga masasamang salita.
___________ 35. Gamitin ang tunay na pangalan sa discussion forum o chat.
___________ 36. Gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng diskriminasyon, pang-aabuso
at bastos.
___________ 37. Iwasan ang paggamit ng “caps lock” o malalaking titik sa pakikipag-chat.
___________ 38. Ang Spreadsheet ay isang computer application program para sa maayos
na presentasyon ng impormasyon; nakatutulong din sa pagsusuri ng
nakalap na impormasyon.
___________ 39. Formatting Toolbar ang tawag sa isang tila maliit na bintana sa bandang
kanan ng Excel; ang mga nakadisplay ay napapaliit depende sa
ginagawang dokumento.
___________ 40. Menu Bar ang tawag sa titik at numero na nagbibigay ng eksaktong
lokasyon ng hilera at hanay ng cell sa isang spreadsheet.
___________ 41. Ang Microsoft Word ay isang halimbawa ng Word Processing Tools.
___________ 42. Ang paggamit ng iba’t-ibang disenyo sa paggawa ng dokumento ay hindi
pinapayagan sa Microsoft Office.
Panuto: Basahin ang mga salita sa Hanay A at itambal ito sa kahulugan o paglalarawan
dito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Hanay A Hanay B

_____ 43. prototype a. mga pamantayang dapat sundin sa paggamit ng


_____ 44. DTI chat at discussion forum upang maging ligtas
_____ 45. Count Function b. ibinibigay nito ang bilang ng mga naitalang halaga
sa mga piniling cells.
_____ 46. netiquette c. Parang isang maliit na libro na naglalaman ng mga
impormasyon hinggil sa paksa o mga paksa.
_____ 47. brochure d. halimbawa o disenyo ng ibebenta mong produkto
e. ahensiya ng pamahalaan na maaaring lapitan
upang makakuha mga ideya sa pagdedesisyon
at pagbuo ng mga produkto

Panuto: Isaayos ang pagkakasulat ng mga salitang may salungguhit sa bawat bilang.
Gawing gabay ang mga kahulugan ng mga salitang ito. Isulat ang tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.

_________________ 48. PMORETCU - isang mekanismong kagamitan na nakapagsasagawa


ng ibat-ibang gawain tulad ng pag-iimbak at pagpoproseso ng mga
datos.
_________________ 49. TIENRTEN - sa pamamagitan nito nagkakaroon tayo ng
malawakang ugnayan sa buong mundo.
_________________ 50. OGOLEG - ito ay napagkukunan ng ibat-ibang datos o
impormasyong nais nating makalap o makuha.

Inihanda ni:

CHARLIE DAVE A. BUENSUCESO


Dalubguro I
Mga Sagot sa Pagwawasto

1. B 26. Serbisyo
2. A 27. Produkto
3. C 28. Serbisyo
4. C 29. Produkto
5. C 30. B
6. C 31. A
7. A 32. E
8. B 33. HOORAY
9. A 34. HEPHEP
10. D 35. HEPHEP
11. C 36. HOORAY
12. A 37. HEPHEP
13. A 38. HEPHEP
14. B 39. HOORAY
15. D 40. HOORAY
16. C 41. HEPHEP
17. A 42. HOORAY
18. B 43. D
19. B 44. E
20. A 45. B
21. B 46. A
22. C 47. C
23. A 48. Computer
24. C 49. Internet
25. A 50. Google

You might also like