You are on page 1of 5

Ang Pamahalaang Militar

Upang maging lubos ang pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas,


nagtatag sila ng pamahalaang military, isang uri ng pamahalaan na may
layuning mapasuko ang mga Pilipinong gerilya nang panahong iyon at
makapagdulot ng kapayapaan at kaayusan sa Pilipinas.

Amg pamahalaang military ay itinatag matapos matalo ang mga Pilipiono sa


pakikipaglaban sa mga Amerikano. Sa pamamagitan ng kapangyarihang
ehekutibo ng Pangulo ng US noon na si William Mckinley, itinalaga bilang
Gobernador Militar si Heneral Wesley Meritt. Di-nagtagal, siya ay pinalitan
ni Heneral Elwell Otis na naglingkod mula Oktubre 1898 hanggang Mayo
1900. Ang pangatlo at huli ay si Heneral Arthur MacArthur na naging
gobernador military noong Mayo 1900 hanggang Hulyo 1901. Sila ang
gumanap sa mga gawaing dapat gampanan ng pangulo ng US.

Nagawa ng pamahalaang military na maisaayos ang mga nasira noong labanan. Nagbukas din ito ng mga
paaralang pampubliko at nagtatag ng hukumang pambayan at ng katas-taasang hukuman. Pinamahalaan
nito ang unang halalang pambayan na ginanap sa Baliuag, Bulacan noong Mayo 17, 1899.

Nagpadala ng dalawang komisyon ang US upang magsiyasat sa kalagayan ng Pilipinas at magmungkahi


ng mga patakarang maaarig ipasunod sa kolonya. Ang unang komisyong dumating ay ang Schurman
Commission na binubuo nina Admiral George Dewey, Heneral Elwell Otis, Dean C. Worcester, at Charles
Denby. Ito ay pinangungunahan ng Pangulo ng Cornell University at propesor ng pilosopiya na si Jacob
Gould Schurman. Subalit dahil sa kasagsagan ng digmaan, hindi naisakatuparan ang misyon. Bumalik sila
sa US at nagmungkahi ng ilang mga bagay para sa kapakanan ng mga Pilipino kabilang na ang
pagbubukas ng mga paaralang elementarya at ang pagtataaga ng mga Pilipinong may kakayahang
maglingkod para sa bansa.

Ang unang komisyon ay sinundan ng Taft Commission na binubuo nina Dean C. Worcester, Luke E.
Wright, Henry C. Ide, at Bernard Moses at pinamunuan ni William Howard Taft, isang mahistradong
Amerikano. Dumating sila sa Piliinas noong Marso 16, 1900 at dahil patapos na ang digmaang Amerikano
at Pilipino, matagumpay na naisakatuparan ng komisyon ito ang pangunahing pakay na magsilbing
ehekutibo at lehislatibong sangay ng Pilipinas para sa US. Ipinagtibay ng komisyong ito ang mga batas na
nagtatatag sa serbisyong sibil at sa iba’t ibang kagawaran, kasama na ang mga local na pamahalaan.
Kasama rin sa mga ito ang batas sa pagkakaroon ng makatarungang pagpapataw ng buwis at ang batas
sa pagpapahusay sa tanggulan ng Maynila.

Ang Pamahalaang Sibil


Noong Marso 2, 1901, ipinas ng US Congress ang Spooner Amendment. Ito ang batas na nagbigay daan
upang palitan na ang pamahalaang military at ipatupad ang pamahalaang sibil. Ang pamahalaang sibil ay
isang uri ng pamahalaan na pinamumunuan ng sibilyan. Ito ay may layuning itaas ang demokratikong
pamumuno kung saan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan. Nagsaad din na ang
kapangyarihang militar ay nasa ilalim lamang ng kapangyarihang sibilyan at ang mga sundalo ay itinalaga
upang protektahan ang mga karapatan ng mga mamamayan.
Sa ilalim ng pamahalaang sibil, ang pangalawang
kumisyon ay tumatayo bilang lehislatibo o
tagapagbatas na sangay ng Pilipinas. Nang maging
gobernador heneral ng pamahalaang sibil is Taft, ang
ibang kasapi ng komisyon ay naging kalihim ng iba’t
ibang sangay ng ehekutibo. Bagama’t matatag na ang
pamahalaang sibil sa mga mapayapang lugar, ang
pamahalaang military ay nananatili pa rin sa
pinatutupad ng US sa ibang bahagi ng kolonya.

Maraming magagandang bagay ang nangyari sa panahon ng pamahalaang sibil lalo na sa ilalim ng
pamamahala ni Gobernador Heneral Taft. Isa na rito ang pagpapatibay ng Cooper Act na mas kilala sa
tawag na Philippine Bill of 1902 o Philippine Organic Act. Ang batas na ito ay naghahangad na ibigay sa
mga Pilipino ang mga sumusunod:

 paggawad ng mga kaukulang karapatan maliban sa karapatang pang-hukuman.


 pagtatalaga ng mga Pilipinong komisyonado sa US congress.
 pagtatatag ng Philippine Assembly (Asamblea ng Pilipinas) na kakatawan bilang Mababang
Kapulungan ng sangay ng tagapagbatas at ang pagpapanatili ng Philippine Constitution
(Komisyon ng Pilipinas) bilang Mataas na Kapulungan ng lehislatibo.
 Pangangalaga ng mga likas na yaman para sa mga Pilipino.

Bilang katuparan sa batas na ito, ginanap noong Hulyo 30, 1907


ang kauna-unahang halalan sa Pilipinas sa panahon ng mga
Amerikano. Ito ang halalan sa magiging kasapi ng Philippine
Assembly. Dahil maigting ang hangarin ng mga Pilipinong makamit
ang naudlot na kalayaan maraming mga nasyonalisa ang nalalo sa
halalan. Itinatag ila ang Partido Nacionalista sa naging
pinakamakapangyarihanng partido noong panahong iyon.

Noong Oktubre 16, 1907, ginanap ang inagurasyon ng Philippine


Assembly. Hinirang sina Sergio S. Osmeña, Sr. bilang tagapagsaita
ng kapulungan at Manuel L. Quezon bilang pinuno ng mayorya.

Ayon na rin sa kautusan ng Philippine Bill of 1902, naghirang ng


dalawang Pilipinong komisyonado ang mga Amerikano. Bagama’t
walang karapatang bumoto sa US Congress, sila ay nagsilbing
tagapagtanggol ng interes ng mga mamamayang Pilipino. Ang unang dalawng komisyonado ng
bansa ay sina Benito T. Legarda at Pablo Ocampo. Si Quezon ay naging komisyonado rin mla 1909
hanggang 1916.
Mga Pagbabagong
Dulot ng mga
Amerikano

Mga Pagbabago sa Kaugalian na Namana Natin sa mga


Amerikano
Mga Kahulugan ng mga Salita
 Atubili – may alinlangan
 Bunsod – udyok, dala, bunga
 hudikatura – tanggapan, tungkulin,
kapangyarihan at lawak na saklaw ng isang
hukom.
 masipag – masugid sa ano mang gawain.
 naisulong – naiusad o naikilos papunta sa
unahan.
 naluklok – naupo
 naudlot – natigil, nahinto
 paggawad – pagbigay, pagkaloob
 paghirang – pinili mula sa karamihan
 dinakip – hinuli
 hinimok – kinumbinsi
 insurectos – mga rebelled
 nadominahan – nangibabaw
 tinugon –sinagot

You might also like