You are on page 1of 19

TAGUMPAY SA SILANGAN

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang


Punic, ang mga hukbo ng Rome ay
pumunta sa silangan.
Tinalo ng Rome ang Macedonia. Noong
146 BCE, ang Macedonia ay naging
isang lalawigan ng Rome.
TAGUMPAY SA SILANGAN

Sa taon ding ito, sinunog ng Rome ang


Corinth at inilagay ang iba pang
lungsod-estado ng Greece sa ilalim ng
pangangasiwa nito.
TAGUMPAY SA SILANGAN
Mula sa 133 BCE nagsimulang
mapasakamay ng Rome ang marami
pang lupain.
Sa pagsapit ng 100 BCE lahat ng lupain
sa baybayin ng Mediterranean Sea ay
nasakop ng Rome.
TAGUMPAY SA SILANGAN

Dahil dito, hindi kataka-taking tawagin


ng mga taga-Rome ang Mediterranean
Sea bilang Mare Nostrum o Aming
Dagat.
KABIHASNANG ROME
Sa pagsakop ng Rome sa mga lungsod-
estado ng Greece, libo-libong Greece
ang tumungo sa Italy.
Tinangay din ng mga heneral ng Rome
ang mga gawaing sining at aklat ng
Greece sa pagbabalik nila sa Rome.
KABIHASNANG ROME

Kumalat ang kabihasnang Greece sa


Rome at maraming Roman ang tumungo
sa Athens para mag-aral.
Naimpluwensiyahan ng Greece ang
kabihasnang nabuo sa Rome.
KABIHASNANG ROME

Gayunpaman, may sariling katangian


ang kabihasnang Rome.
Pangunahin na rito ang kaalaman sa
arkitektura, inhenyeriya, at Sistema ng
pamamahala at batas.
KABIHASNANG ROME

BATAS= Ang mga Roman ay kinikilala bilang


pinakadakilang mambabatas ng sinaunang
panahon. Ang kahalagahan ng Twelve Tables
ay ang katotohanan na wala itong
tinatanging uri ng lipunan. Ito ay batas para
sa lahat, patician o plebeian man.
KABIHASNANG ROME

Ito ang ginamit upang alamin ang mga


krimen at tantiyahin ang kaukulang parusa.
Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga
mamamayan at ang pamamaraan ayon sa
batas.
KABIHASNANG ROME
INHENYERIYA= Ipinakita ng mga Romano
ang kanilang galing sa inhenyeriya. Nagtayo
sila ng mga daan at tulay upang pag-
ugnayin ang buong imperyo kabilang ang
malalayong lugar. Marami sa mga daan na
ginawa nila noon ay ginagamit pa hanggang
ngayon.
KABIHASNANG ROME
Isang halimbawa ang Appian Way na nag-
uugnay sa Rome at timog Italy. Gumawa rin
sila ng mga aqueduct upang dalhin ang tubig
sa lungsod.
KABIHASNANG ROME
PANITIKAN= nagsimula noong kalagitnaan
ng ikatlong siglo BCE. Subalit ang mga ito ay
salin lamang ng mga tula at dula ng Greece.
Ang halimbawa ay si Livius Andronicus na
nagsalin ng Odyssey sa Latin. Si Marcus
Palutus at Terence ay ang mga unang
manunulat ng comedy.
KABIHASNANG ROME
Ang iba pang manunulat ay sina Lucretius at
Catullus. Si Cicero naman ay isang manunulat
at orador na nagpapahalaga sa batas. Ayon
sa kanya, ang batas ay hindi dapat
maimpluwensiyahan ng kapangyarihan o
sirain ng pera kailanman.
KABIHASNANG ROME

PANANAMIT= Dalawa ang kasuotan ng mga


lalaking Roman. Ang tunic ay kasuotang
pambahay na hanggang tuhod. Ang toga ay
isinusuot sa ibabaw ng tunic kung sila ay
lumalabas ng bahay.
KABIHASNANG ROME

Ang mga babaing Roman ay dalawa rin ang


kasuotan. Ang stola ay kasuotang pambahay
at palla ay isinusuot sa ibabaw ng stola.
KABIHASNANG ROME
ARKITEKTURA= Ang mga Roman ang tumuklas
ng semento. Marunong na rin silang gumamit ng
stucco, isang plaster na pampahid at pantakip
sa labas ng pader. Umaangkat sila ng marmol
mula sa Greece. Ang arch na natutuhan ng
mga Roman mula sa mga Etruscan ay ginagamit
sa mga templo, aqueduct, at iba pang gusali.
KABIHASNANG ROME
Ang gusali na ipinakilala ng mga Roman ay
ang basilica, isang bulwagan na nagsisilbing
korte at pinagpupulungan ng Assembly.
Mayroon din silang pambublikong paliguan at
pamilihan na nagsisilbing tagpuan para sa
mga negosyo at pag-uusap. Ito ay nasa forum,
ang sentro ng lungsod.
KABIHASNANG ROME
May iba pang gusaling pinatatayo na
hanggang ngayon ay makikita pa sa Rome.
Halimbawa ay ang Coliseum na isang
ampitheater para sa mga labanan ng mga
gladiator.
AKTIVITI

1. Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa


pag-unlad ng Kabihasnang Rome?
2. 2. Bakit mahalaga sa Rome ang
pagkakapanalo sa Digmaang Punic?

You might also like