You are on page 1of 18

ANG SIMULA

NG ROMA
Ang Rome ay itinatag sa kalagitnaan ng
ikawalong siglo B.C.E ng mga unang
Roman na nagsasalita ng LATIN,isang
sangay ng wikang nabibilang sa Indo-
European. Sila ay lumipat sa sa gitnang
ITALY at nagpatayo ng sakahang
pamayanan sa LATIUM PLAIN
Batay sa matandang alamat, ang Roma ay
itinatag ng dalawang magkakapatid na kambal
na sina ROMULUS AT REMUS. Ang ina ng
kambal ay si RHEA SILVIA na anak naman
ng haring si NUMITOR. Naging banta ang
pamumuno ni Numitor sa buhay ng kaniyang
kapatid kaya siya ay pinatay ni AMULIUS.
Natakot din ang huli na baka maagaw ng
kambal ang tronong nakuha niya kaya ipinag-
utos niya sa kaniyang alipin na ilagay sa basket
at ipaanod ang mga ito sa ilog Tiber. Nasagip at
inaruga ang mga sanggol ng isang babaing
lobo. Kinalaunan ay nakita sila ng mag-
asawang sina Faustulus at Acca Larentia at
pinalaki hanggang sa wastong edad.
Binalikan nila ang kanilang amain na si Amulius
at pinatay ito.

Pinaniniwalaang nagkaroon ng hindi


pagkakaunawaan ang magkapatid kaya pinatay ni
Romulus si Remus. Sinimulan niyang itatag ang
isang lipunan noong Abril 21, 753 BC na nasa
tabing-ilog ng Tiber at pinangalanan itong Roma.
PAGTATATAG NG
Noong 509 REPUBLIC
BCE- Sa pamumuno ni
LUCIUS JUNIUS BRUTUS,nag-alsa
ang mga Roman laban sa dayuhang
Etruscan.
REPUBLIC-pamahalaang walang hari
LIPUNANG ROMAN
PATRICIAN- hango sa salitang latin na
patres o “mga ama”
-Mga mayayamang may-ari ng lupa.

PLEBEIAN-Karaniwang tao tulad ng


mga magsasaka at mangangalakal.
PAGTATATAG NG
Nagtatag REPUBLIC
ang mga Roman ng
lehislatura na binubuo ng Senate at
ilang Assembly.
300 kasapi ng Senate na tinatawag na
Senador ay mga patrician.
PAGTATATAG NG
Naglilingkod sila panghabambuhay. Sila
REPUBLIC
ang nagpanukala at nagpapapasa ng batas.
Ang katas-taasang kapangyarihan o
imperium ay hawak ng dalawang consul na
pinipili mula sa mga patrician upang
pamunuan ang pamahalaan
PAGTATATAG NG
REPUBLIC
Bawat isang konsul ay may
kapangyarihang ihinto ang aksyon ng
kasamang konsul. Ang tawag sa
kapangyarihang ito ay VETO
PRAETOR(HUKOM)-tungkulin
na
PAGTATATAG NG
ipaliwanagREPUBLIC
ang batas.
CENSOR-Bumibilang ng dami ng
populasyon ng Rome upang matiyak
kung magkanong buwis ang
babayaran ng mga tao.
PAKIKIBAKA NG MGA PLEBEIAN
PARA SA PANTAY NA KARAPATAN
Nagsimulang maghimagsik ang mga
plebeian noong 494 BCE upang
magkamit ng pantay na karapatan.
Nagmartsa sila sa buong Rome at
lumikas sa kalapit na lugar na
tinaguriang Banal na Bundok.
Sinuyo nila ang mga plebeian sa
pamamagitan ng:
1. Pagpapatawad sa dati nilang utang
2. Pagpapalaya sa mga nagging alipin dahil
sa pagkakautang;at
3. Paghahalal ng mga plebeian ng dalawang
mahistrado o tribune na magtatanggol ng
kanilang karapatan.
Ang posisyon ng TRIBUNE ay nilikha
upang pangalagaan ang karapatan ng
mga plebeian laban sa mapang abusong
opisyal. Hanggang 10 tribune ang
maaaring ihalal ng mga tao. Ang mga ito
ay manggagaling sa ASSEMBLY OF
TRIBES
Noong 449 BCE, nagtagumpay ang
mga plebeian sa kanilang kahilingan
na isulat ang lahat ng batas ng Rome.
Binuo ang kalipunan ng mga Batas na
nakilala bilang TWELVE TABLES.
Ang mga ito ay inilagay sa mga
pampublikong lugar upang
mabasa at malaman ng lahat.
1. Nabawasan ang panlilinlang sa
mga plebeian
2.Napagkalooban ng karapatang
makapag-asawa ng patrician
3. Mahalal na konsul at maging kasapi
sa senado.

You might also like