You are on page 1of 3

Performance

Task sa
Kontemporaryo
ng Isyu 10
Ipinasa ni: Althea Borreo
Kyle Louise De Lara
Lara Ramirez
X - Galilee
Ipinasa kay: Mrs. Lulu Escuadro
Guro sa Asignatura, Kontemporaryong Isyu
Suliranin: Hindi Wastong Pagtapon
ng Basura

Lokasyon: Mabini
Extension, Cabanatuan
City
Petsa: Septyembre 30, 2019
Oras: 8:16 ng gabi

Ang hindi wastong pagtatapon ng basura ay isa sa mga dahilan


kung bakit nagkakaroon ng kontaminasyon ng lupa, baha, polusyon sa
hangin, at iba’t ibang uri ng sakit. Marami ang masasamang nadudulot
nito at ito ay natuturing narin na karaniwang problemang
pampamayanan na dapat lutasin. Sa pamamagitan ng segregasyon,
recycling, decomposing, paggamit ng environment-friendly na mga
produkto, tamang pangangasiwa sa basura (proper garbage disposal o
proper waste management), at disiplina ay maaari nating ma-
solusyonan ito. Dapat ay sa mga bahay pa lamang ay naka-segregate o
hiwalay na ang mga basurang nabubulok at hindi nabubulok na siyang
kokolektahin upang dalhin sa waste recovery facility ng barangay.
Ang mga basurang nabubulok gaya ng mga pinagbalatan na gulay at
prutas ay ginagawang compost at ibinabaon sa lupa para maging
fertilizer o pataba. Ang mga basurang di nabubulok naman ay i-
recycle. Tignan muna kung ang produkto ay eco-friendly bago ito
bilhin. Higit sa lahat, maging disiplinado dapat ang bawat isa sa
pagtatapon ng kani-kaniyang basura. Ugaliin na hawakan, ibulsa o
itago muna ang basura kung walang mapagtatapunan. Nagsisimula
ang pagbabago sa pamamagitan ng disiplina sa ating mga sarili.

You might also like