You are on page 1of 8

SOUTH PHILIPPINE

ADVENTIST COLLEGE

KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA
WIKA AT
KULTURANG
PILIPINO

Term
SECOND TERM – WEEK 4

Prepared by
GRADE 11
LOMYR JAINE G. RONDA, LPT
MODYUL 3
UNANG LEKSYON: ANTAS NG WIKA: PAMPANITIKAN, LALAWIGANIN, KOLOKYAL,
BALBAL

Mga Kaalamang Pangwika, Mas


Yunit 2
Palalimin at Palawakin….!
Mga kasanayang Pampagkatuto:
1. Natutukoy kung anong antasng wika ang mga binigay na halimbawa
2. Nakapagbibigay halimbawa ng mga antas ng wika
Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at
gamit ng wika sa lipunang Pilipino
Pamantayan sa Pagganap: Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa
aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad
Unang Leksyon: Antas ng Wika

Aralin 1: Antas ng Wika

DEVOTIONAL (DEBOSYUNAL)

Para sa ating debosyunal, kunin at basahin ang bersikulong nakalista sa ibaba.

1 Mga Taga-Corinto 14:2

Devotional Question (Debosyunal na Tanong):


1. Paano mo makokonekta sa ating araling ANTAS NG WIKA ang bersikulong iyong
nabasa?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot. Tukuyin at isulat lamang kung ang pahayag na may
salungguhit sa bawat tambilang ay PAMAPANITIKAN, LALAWIGANIN, KOLOKYAL, at
BALBAL.
____________________ 1. Pa’no mob a sinagutan ang mga tanong kanina?
____________________ 2. Namumukod-tangi ka sa lahat.
____________________ 3. Ang aking ama ay alagad ng batas.
____________________ 4. Payao ka na ga? (Aaalis ka na ba?)
____________________ 5.Grabe! naman si ermat, galit na naman.

PURSUE (PAGPAPATULOY/PAGGAOD)

ANTAS NG WIKA
Ang pagkakaroon ng antas ng wika ay isa pang mahalagang katangian nito. Tulad ng tao, ang wika
ay nahahati rin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kaaantasan nito. Kung tutuusin, ang antas ng
wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay isang mabisang palatandaan kung anong uri ng tao
siya at kung sa aling antas-panlipunan siya nabibilang.
Mahalagang maunawaan ng lahat ng tao ang mga antas ng wikang ito nang sa gayo’y maibagay
niya ito sa kaniyang katayuan, sa hinihingi ng panahon at pook at maging sa okasyong
dinadaluhan.
Mahahati ang antas ng wika sa kategoryang Pormal at Impormal. Sa bawat kategorya, napapaloob
ang mga antas ng wika.
a. PORMAL – ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng
higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.
1. PAMBANSA – ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika/pambalarika sa lahat ng mga paaraalan. Ito rin ang wikang kadalasang
ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.
2. PAMPANITIKAN O PANRETORIKA – Ito naman ang mga salitang gamitin ng
mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang
karaniwang matatayog, malalalalim, makulay at masining.
b. IMPORMAL – ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas nating
gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
1. LALAWIGANIN - Karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan
gaya ng mga Cebuano, Batangeno, Bicolano, at iba pa na may tatak-lalawiganin sa
kanilang pagsasalita. Isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto o accent.
Salitang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook. Mga salitang ginagamit sa
isang lalawigan at hindi pamilyar na gamitin sa ibang lugar.
Mga halimbawa:
ILOKANO: GAYYEM
FILIPINO: KAIBIGAN CEBUANON: HIGALA
BIKOLANO: AMIGA

ILOKANO: UGNGO
FILIPINO: HALIK CEBUANO: HALOK
BIKOLANO: HADOK

2. KOLOKYAL – Itoy mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga


pagkakataong impormal. Maaaring may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito
ngunit maaari rin itong maging repinado ayon sa kung sino ang nagsasalita nito
Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita lalo na sa mga pasalitang
komunikasyon ay mauri sa natas na ito.
Halimbawa:
Saan Sa’n
Sa iyo Sa’yo
Sa akin Sa’kin
Kailan Kelan
Mayroon Me’ron

3. BALBAL – Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat-pangkat nagmumula


ang mga ito upang ang mga pangkat ay magkaroon ng sarling codes
Halimbawa:

Salitang Balbal Ibig Sabihin

syota kasintahan

datung pera

olats talo

todas patay

sikyo guwardiya

purita mahirap

ngetpa pangit
erpat ama

yosi sigarilyo

tsimay katulong

APPLY (APLIKASYON/PAGLALAPAT)

Panuto: Magsaliksik ng (10) sampung halimbawang SALITA ng antas ng wika’ng Pampanitikan,


Lalawiganin, Kolokyal, at Balbal. Kinakailangan ang mga halimbawang ito ay hindi makikita sa mga
halimbawa na inyong nabasa sa bahaging PURSUE
• 1-10: Pampanitikan
• 11-20: Lalawiganin
• 21-30: Kolokyal
• 31-40: Balbal
1.

PAMPANITIKAN 2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
LALAWIGANIN 17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.

KOLOKYAL 26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.

BALBAL 35.
36.
37.
38.
39.
40.

CREATE (likha/PAGBUBUO)

Panuto: Bilang pagpapatuloy, sa iyong sinimulan sa bahaging APPLY ngayon ay ilalapat na sa pagbuo
ng pangugusap sa bahaging CREATE.
Bumuo ng (5) limang pangungusap gamit ang mga halimbawang SALITA iyong sinaliksik sa iba’t ibang
antas ng wika. Salungguhitan naman ang salitang PAMPANITIKAN, LALAWIGANIN,
KOLOKYAL, at BALBAL sa iyong binuong pangungusap.
1-5: pangungusap na may salitang pampanitikan
6-10: pangungusap na may salitang lalawiganin
11-15: pangungusap na may salitang kolokyal
16-20: pangungusap na may salitang balbal

1.

PAMPANITIKAN
2.

3.
4.

5.

1.

LALAWIGANIN
2.

3.

4.

5.

1.

KOLOKYAL
2.

3.

4.

5.

1.

BALBAL
2.

3.
4.

5.

You might also like