You are on page 1of 11

MGA KONSEPTO

NG WIKA
• WIKANG PAMBANSA

• WIKANG OPISYAL

• WIKANG KATUTUBO/

MULTILINGUALISMO

• WIKANG PANTULONG

• WIKANG PANTURO
1. Henry Gleason – ang wika ay isang sistematik na balangkas ng mga
binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong may iisang kultura.

2. Archibald Hill – ang wika ang pangunahin at pinakamabusising anyo ng


gawaing pansagisag ng tao.

3. Thomas Carlyle – itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan.

4. Vilma Resuma at Teresita Semorlan – ang wika ay kaugnay ng buhay at


instrumento ng tao upang matalino at efisyenteng makilahok sa lipunang
kinabibilangan.

5. Pamela Constantino at Galileo Zafra – ang wika ay isang kalipunan ng mga


salita at ang pamamaraan ng pagsasama –sama ng mga ito para
magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao.
WIKANG PAMBANSA
WIKANG OPISYAL
Ang wikang opisyal ang itinadhana ng batas na
maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
Ibig sabihin, ito ang wika na maaaring gamitin sa
anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong
nakasulat, sa loob at sa labas ng alinmang sangay o
ahensiya ng gobyerno.
May dalawang wikang opisyal ang gobyerno, Filipino
at Ingles.
Nilalayon din ang mga sumusunod:
• Gumawa ng mahahalagang hakbang sa paggamit ng
wikang Filipino sa lahat ng opisyal na transaksyon
• Isalin sa Filipino ang lahat ng pangalan ng gusali,
opisina at mga transaksiyon.
• Isalin sa Filipino ang panunumpa sa katungkulan ng
mga opisyal at kawani ng pamahalaan.
• Maging bahagi sa pagsasanay sa mga opisina ang
kahusayan sa paggamit ng Filipino sa opisyal na
komunikasyon at korespondensya.
Wikang Katutubo
Ang itinuturing na “wikang katutubo“ ay alinman sa mga wika
na kinamulatan ng isang tao na ang mga magulang ay may
angkang katutubo sa Pilipinas. Kabilang sa wikang katutubo
ang mga pangunahing wika gaya ng Tagalog o Waray o ang
maliit na gaya ng
Hiligaynon o Ivatan. Ito rin ang tinatawag na “unang wika” ng
isang tao- ang kinagisnan niyang wika sa pamayanang
kinalakihan niya.
MULTILINGUALISMO
Ito ay patakarang pangwika kung saan
nakasalig sa paggamit ng pambansang wika
at wikang katutubo bilang pangunahing
midyum sa pakikipagkomunikasyon at
pagtuturo bagama’t hindi kinalilimutan ang
wikang global bilang mahalagang wikang
panlahat.
KONSEPTO NG WIKANG PANTULOMG
Karaniwang salin ang wikang panulong ng
auxiliary language sa Ingles. Ang auxiliary ay
may pakahulugang “dagdag na tulong o
suporta.”
Dahil multilingguwal ang Pilipinas,
napakahalaga ang paggamit ng wikang
pantulong para sa higit na epektibong
pagtuturo sa mga pook na ikalawang wika
lamang ang wikang panturo.
WIKANG PANTURO
Ang wikang panturo bilang opisyal na ginagamit sa
pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa
pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang
wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa
pagtuturo sa silid-aralan.
TANONG-

SAGOT!

You might also like