You are on page 1of 2

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

ANG WIKA
Ayon sa mga antropologo, magkasabay na sumibol sa mundo ang wika at lahi. Sinasabing ang
wika ng mga sinaunang tao ay kahalintulad ng mga tunog na ginagamit ng mga hayop.
Subalit, sa paglipas ng panahon, kasabay ng pag- unlad ng kultura ng tao, umunlad din ang
kanilang wika.
May ilang teorya na ang nailathala o nagpasalin-salin sa pamamagitan ng bibig ang maaaring
gawing batayan sa pinagmulan ng wika sa daigdig.
Mga Naunang Teorya Hinggil sa Wika
1. Teoryang Bow-wow
Isang teoryang ginagaya ang mga tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok
ng manok, atbp.; at ng mga tunog ng kalikasan kaya ng ihip ng hangin, patak ng ulan, atbp.
2. Teoryang Pooh-pooh
Tinutukoy nito sa mga paggamit ng bibig, na kung saan nililikha ang mga tunog na galing sa
dala ng emosyon tulad nga saya, lungkot, galit, atbp.

3. Teoryang Yo-he-ho

Ito naman ang teoryang nagsasabi na ang tao ay bumabanggit ng mga salita kapag siya ay
gumagamit ng pisikal na lakas. Ito ang mga ekspresyon na nasasambit ng tao kapag
nagbubuhat siya ng mabigat na bagay, o di kaya ay babaeng nagluluwal ng sanggol, o sa
atletang kalahok sa mga kompetisyon.

4. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
Ang pagkilos, pagsayaw, pagsigaw, pagbulong ng mga taong kalahok o gumaganap sa
mga ritwal at sinaunang selebrasyon o okasyon ay lumilikha ng mga tunog at pag-usal ng mga
salita na sa kalaunan ay nabibigyan ng kaukulang kahulugan ng mga tao.
Halimbawa:
Ang okasyong pinaghahanguan ng mga salita ay ang pangingisda, pakikipagdigma,
pagtatanim, pagpapakasal, pag-aalay, at iba pang katulad ng mga nabanggit na.

5. Teoryang Ta-ta
Galing sa wikang Pranses, ito ay nangahulugang paalam sapagkat kapag ang isang tao ay
nagpapaalam, siya ay kumakampay ang kamay nang pataas o pababa.
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

6. Teoryang Mama
Tinutukoy ito sa unang sinabil ng sanggol, na dahil hindi niya masabi ang salitang ina o ang
Ingles na mother, sinabi niyang mama kapalit sa mother.

7. Teoryang Ding-dong
Itinutukoy nito ang mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran tulad ng tsug-tsug ng
tren o tik-tak ng orasan.

Mga Katangian ng Wika


Ang wika ay isa sa mahalagang salik na makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa. Ito ay isang
mabisang sandata upang labanan ang kamangmangan at sa halip ay maisulong ang karunungan.
Bilang instrumento sa mabisang pagpapahayag, kailangang taglayin ng wika ang sumusunod na
mga katangian:
Dinamiko ang wika. Patuloy itong nagbabago, dumarami, at nadaragdagan.
May lebel o antas. Ang wika ay maaaring pormal o di pormal.
Ang wika ay komunikasyon. Sinasalita ang tunay na wika. Dapat nating tandaan na ang wikang
pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Samakatwid, mahalagang gamitin ang
wika sa pakikipagtalastasan.
Ang wika ay malikhain at natatangi. Walang dalawang wikang magkatulad. May
kanikanyang katangian ang mga ito na dahilan upang mamukod at maiba sa karamihan.
Ang wika ay kaugnay ng kultura. Ang iba’t ibang larangan ng sining, paniniwala, kaugalian,
karunungan, at kinagawian ang bumubuo sa kultura. Ang mga taong kabahagi sa isang kultura
ay lumilinang ng isang wikang naaangkop sa kanilang mga pangangailangan sa buhay.
Ang wika ay gamit sa lahat ng uri ng disiplina o propesyon. May isang partikular na
wikang ginagamit sa bawat disiplina o propesyon. Ito ang nagpapalawak sa gamit ng wika
upang maging mabisang instrumento sa pagsulong ng isang lahi.

You might also like