Professional Documents
Culture Documents
a.
Aralin 1: Iba’t ibang Paniniwala sa Wika
DEVOTIONAL (DEBOSYUNAL)
Sa pagsisimula, kunin ninyo ang inyong mga bibliya at buksan ito sa mga pahinang nakalista sa ibaba:
Genesis 11:1-32
Debosyunal na Tanong (Devotional Question):
________________________________________________________________________

Panuto: Gumuhit ng masayang mukha sa loob ng patlang kung tama ang sinasabi ng
pangungusap.
Gumuhit naman ng malungkot na mukha kung mali naman ang pahayag.
Upang mas lalo nating maintidihan at malaman ang mundo ng WIKA atin itong hihimay-himayin
sa Ibaba
PURSUE (PAGPAPATULOY/PAGGAOD)
ANG WIKA
Ayon sa mga antropologo, magkasabay na sumibol sa mundo ang wika at lahi. Sinasabing ang
wika ng mga sinaunang tao ay kahalintulad ng mga tunog na ginagamit ng mga hayop.
Subalit, sa paglipas ng panahon, kasabay ng pag-unlad ng kultura ng tao, umunlad din ang
kanilang wika.
May ilang teorya na ang nailathala o nagpasalin -salin sa pamamagitan ng bibig ang maaaring
gawing batayan sa pinagmulan ng wika sa daigdig.
• Teoryang Ding-dong
Ipinalalagay na ang lahat sa kapaligiran ay may sariling tunog na kumakatawan sa nasabing
bagay.
Halimbawa:
Tunog ng kampana, relo, tren
• Teoryang Bow-wow
Ang tunog na nilikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan, ang ginagagad ng
tao.Ikinakabit nila ang mga tunog na ito upang sabihin ang pinanggalingan o tukuyin ang
pinagmulan. Marami ang nag-aalinlangan dito sapagkat hindi nagkakatulad ang mga
pandinig ng tao sa iba’t ibang likas na tunog.
Halimbawa:
Tunog kulog, ihip ng hangin, pagbagsak ng alon, tahol ng aso, at tibok ng puso
1. Teoryang Pooh-pooh
Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay
ng kahulugan dito batay na rin sa kanyang nadarama. Kapag nasaling ang damdaming
ito, nakapagbulalas siya ng mga salitang kaakibat ng kanyang nararamdaman.
Halimbawa:
Pagtawa,pag-iyak, pagkabigla, pagtataka, at iba pang bulalas ng damdamin
2. Teoryang Yo-he-ho
Ito naman ang teoryang nagsasabi na ang tao ay bumabanggit ng mga salita
kapag siya ay gumagamit ng pisikal na lakas. Ito ang mga ekspresyon na
nasasambit ng tao kapag nagbubuhat siya ng mabigat na bagay, o dili kaya ay
babaeng nagluluwal ng sanggol, o sa atletang kalahok sa mga kompetisyon.
3. Teoryang Ta-ta
Nangangahulugang paalam o goodbye na binibigkas ang dila nang pataas- pababa
katulad din ng pagkampay ng kamay. Sinasabi ng teoryang ito na ang kumpas o galaw
ng kamay ng tao ay ginagawa niya upang magpaalam.
4. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
Ang pagkilos, pagsayaw, pagsigaw, pagbulong ng mga taong kalahok o
gumaganap sa mga ritwal at sinaunang selebrasyon o okasyon ay lumilikha ng mga
tunog at pagusal ng mga salita na sa kalaunan ay nabibigyan ng kaukulang kahulugan ng
mga tao.
Halimbawa:
Ang okasyong pinaghahanguan ng mga salita ay ang pangingisda, pakikipagdigma,
pagtatanim, pagpapakasal, pag-aalay, at iba pang katulad ng mga nabanggit na.
Walang makapagsabi kung ang mga teoryang ito’y totoo o walang batayan, subalit
nagiging mahalaga ang mga ito sa pagtalakay ng pinagmulan ng mga wika. Sa ganitong
paraan nakabubuo tayo ng mga palagay.Ang mahalaga sa lahat, batid nating ang wika ang
tagapagbuklod ng kanyang mga mamamayan, kahit anong dami pa ang wikang sinasalita
sa loob ng kanyang bayan. Maraming pagkakataon nang napatunayan ang impluwensiya at
lakas ng wika sa pagtayo ng isang malaya at demokratikong bansa.
Mga Katangian ng Wika
Ang wika ay isa sa mahalagang salik na makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.
Ito ay isang mabisang sandata upang labanan ang kamangmangan at sa halip ay maisulong
ang karunungan. Bilang instrumento sa mabisang pagpapahayag, kailangang taglayin ng
wika ang sumusunod na mga katangian:
Gawain 1.1: Pumili ng tatlo sa anim na katangian ng wika. Ipaliwanag ang bawat isa
base sa iyong sariling pagpapakahulugan at magbigay ng sariling halimbawa sa
pamamagitan ng paglalapat sa isang sitwasyon.
1. Katangian
:________________________________________________________________
Paliwanag:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Sitwasyon:

2. Katangian

3. Katangian

CREATE (likha/PAGBUBUO)
Panuto: Gamit ang isang kartolina, illustration board, o di kaya ay bond paper. Gumawa
ng poster kung ano ang pakahulugan mo sa wika. Maging malikhain sa paggawa ng iyong
poster. Pagkatapos ay kunan naman ng video habang isinasagawa ang poster. Piliin lamang
ang HYPERLAPSE sa inyong video upang mas mapapaiksi ang video. Kunan din ng video
ang sarili na bitbit ang ginawang poster at ipaliwanag ang nilalaman ng iyong poster sa
loob ng isa hanggang dalawang minuto. Maaari mong ibatay ang iyong paliwanag sa mga
tanong o pahayag na nasa ibaba:
SUBJECT: RONDALJ_MODULE1CREATE_KOMUNIKASYON
Hindi ko tatanggapin ang inyong isusumite hanggat wala itong subject line.
Rubrik:
Nilalaman Puntos
Malinaw ang ginuhit na 35
larawan sa poster
Malinaw ang pagpapaliwanag 30
at naaangkop sa poster na
ginawa
Malikhain/nakaaakit na 15
disenyo
Kabuuan 100
Mga halimbawang poster na pwedi ninyong maging basehan.