You are on page 1of 1

Gawaing Interaktib o Pang Indibidwal 4-1:

1. Panunuod ng video hinggil sa isang debate o pagtatalo:


https://www.youtube.com/watch?v=arwplkXvCMk
2. Pagbibigay reaksyon ayon sa mga sumusunod:
a. Ano ang Proposisyon?
“Ang Bangsamoro Basic Law ay labag sa konstitusyon”
b. Ano ang layunin ng napiling proposisyon ng magkabilang panig?
Ang magkabilang panig ay mga estudyante mula sa University of the Philippines at St. Louis
University. Ang layunin ng napiling proposisyon ng magkabilang panig ay mahikayat ang hukuman
na siyang naging hurado sa nasabing debate at maging ang mga taong saksi dito sa pamamagitan ng
pangangatwiran kung saan ang University of the Philippines ang nagpatotoo at ang St. Louis
University naman ang sumalungat o nagpabulaan dito. Nilalayon din ng napiling proposisyon na
patunayan ito nang panig ng sang- ayon sa pamamagitan ng isang argumento.
c. Anong uri ng pagdedebate o pagtatalo ang kanilang ginawa?
Ang uri ng pagdedebate na kanilang ginawa ay Oregon- Oxford na may dalawang panig kung
saan ang isa ay nagpapatotoo at ang isa naman ay sumasalungat. Ang bawat panig ay binubuo ng tig-
tatlong miyembro. Ang napagkasunduang oras ng talumpati ay apat na minuto para sa tagapagsalita.
Pagkatapos ng talumpati ng bawat isa, mayroong dalawang minutong pagtatanungan at pagkatapos
din ng lahat ng mga pangunahing talumpati at tanungan, mayroon namang sandali ng pagtuligsa
(rebuttal) ang mga kasapi.
d. Nasunod ba ang pamantayan sa isang pagtatalo kung oo, pangatwiranan.
Oo, dahil ito ay nakapanghihikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa pamamagitan ng
pangangatwiran. Nalinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pag-iisip, pagsasalita at ang
kasanayan sa lohikal na pangangatwiran. Lubhang malinaw at maayos ang kaisipang naipapahayag,
may sapat na katibayang iniharap sa pangangatwiran at ito ay lubos na pinag-aralan, maayos na
maayos ang pagpapahayag na may pang-akit sa nakikinig ang boses o pagsasalita, may sapat at
malinaw na pahayag tungkol sa ipinahayag ng kabilang panig at naipabatid ito ng katanggap-tanggap.
Sa huli, napagdesisyonan ng mga hurado na ang panig ng sang- ayon ang panalo sa nasabing debate.

You might also like