You are on page 1of 6

Masining na Pagpapahayag

Pang-sampong Pangkat

Mga paksa

 Ang Debateng Oxford-Oregon


 Mga Tuntunin sa Pagsasalita ng mga
Magsisipagdebate
 Pamantayan sa Pag-iiskor sa Paghatol ng
Panalo sa Debate

Mga Miyembro ng Pangkat Sampo

Mark Joseph A. Carlos

Jellain Joy Salsona

Alexa Louisse D. Texon

Ralp Christian P. Catulin


Ang Debateng Oxford-Oregon
Ito ang pinaka karaniwang uri ng debate. Bago simulan ang laban o pagtatalo,
pinabubunot ang dalawang koponan para sa panig na kanilang ipagtatanggol.
Karaniwan nang bawat koponan ay binubuo ng dalawa o tatlong miyembro, Kung
ang pagtatalo ay sa loob ng klase, kadalasang pinipili na ng guro ang mananaggol
sa bawat panig. Ginagawa ito upang mapaghandaan na ng mga mag-aaral ang
panig na kanilang pinili,
Paano Ginagawa?
May tatlong element ang oxford-oregon:
1. Ang nagtatanggol sa panig- Kung saan ang tagapagsalita ay binibigyang diin
ang kanilang proposisyon mula sa kanilang katunggali

2. Ang interpeleysyon o pagtatanungan- Kung saan dito mailalahad kung sang-


ayon ba ang isang panig o hindi sa inihaing proposisyon

3. Talumpating nanunuligsa o rebuttal speech- Ito at nagpapabulaan sa sinasai ng


kabilang panig.
Pangkahalatang tuntunin:
Sa bawat elemento, limang minutong pagsasalita ang inilalaan upang maiparinig
o maisagawa ang kani-kanilang panig. Maaari ring ang oras o minutong ilalaan sa
pagsasalita ay naayon sa kanilang napagkasunduan.

Mga Tuntunin sa Pagsasalita ng mga Magsisipagdebate:


1. Unang Tagapagsalita (sang-ayon)- pagpapaalam sa katunggali ng panig nilang
sang-ayon sa proposisyong inihain.
2. Unang Tagapagsalita (di sang-ayon)- pagtatanong ukol sa unang talumpati at
tulad ng unang tagapagsalita ilalahad niya ang panig na di sang-ayon sa
proposisyon.
3. Ikalawang tagapagsalita (S) – ang sang-ayong ay magtatanong sa unang
nagsasalitang di sang-ayon (DS) sa proposisyon.
- ilalahad narin niya ang agrumento ukol sa sa sang-ayong panig.
4. Ikalawang tagapagsalita (DS)- tatanungin ng ikalawang tagapagsalita ang
unang nagsasalitang sang-ayon ang panig.
- ilalahad na rin ang agrumentong di sang-ayon sa proposisyon..
5. Ikatlong tagapagslaita (S)- siya’y panig sang-ayon na magtatanong sa
ikalawang tagapagsalita (DS)
- ilalahad na rin ang salitang agrumentong sang-ayon (S) sa proposisyon.
6. Ikatlong tagapagsalita (DS)- siya’y panig di sang-ayon na magtatanong ukol sa
ikalawang tagapagsalita sang-ayon (S)
- maglalahad na rin siya ng agrumentong di sang-ayon sa proposisyon.
7. Unang tagapagsalita (S)- ang panig ng sang-ayon ay bibigkas ng kanyang
talumpating nagtutuligsa o nagpapabulaan sa sinasabi ng kanilang panig
-Ang ilang minutong pagpupulong ay gagawin bago isunod ang talumpating
nagtutuligsa o nagpapabulaan sa sinasabi ng kabilang panig (rebututal speech)
7. Unang tagapagsalita (S)- ang panig ng sang-ayon (S) ay bibigkas ng kanyang
talumpating nanunuligsa o nagpapabulaan sa sinasabi ng kanilang panig.
8. Unang tagapagsalita (DS)- ang panig ng di sang-ayon ay bibigkas ng kanyang
talumpating nanunuligsa sa sinasabi ng kabilang debate.

Pamantayan sa Pag iiskor sa Paghahatol ng Panalo sa


Debate:
Paglalahad ng katibayan - 40%
Pagtatanong, pangangatwiran at panunuligsa - 30%
Pagbibigkas - 20%
Kilos sa entablado - 10%
Mga katanungan

1. Ilang minute ang kadalasang inilalaan para sa mga tagapagsalita sa bawat


panig?
A. 2 minuto B. 3 minuto
C. 5 minuto D.10 minuto
Sagot: C – limang minuto
Paliwanag:dipende sa napagkasunduan limang minute dahil mga konkretong
impormasyon lamang ang ibinibigay
2. Ilang miyembro ang kadalasang bininubuo ng isang panig sa Debateng Oxford-
Oregon?
A. 6 B. 8
C.3-5 D. 2-3
Sagot: D – dalawa o tatlo
Paliwanag: Upang hind imaging magulo at depende sa desisyon ng guro kung ilan
ang kinakailangan sa bawat panig.
3. Ano ang mas higit na may mataas na iskor sa pamantayan sa pag-iiskor sa
paghatol ng panalo sa Debate?
A. Pagbibigkas B. Kilos sa Entablado
C. Paglalahad ng Katibayan C. Pagtatanong, Pangangatwiran, Panunuligsa
Sagot: C – Pagtatanong, Pangangatwiran, Panunuligsa
Paliwanag: Dahil mas mahalaga ang mga impormasyong detalye na
makapagpapatibay ng iyong paninindigan sa isang isyu.
4. Alin ang hindi kabilang sa mga element ng Oxford-Oregon?
A. Talumpating manunuligsa o rebuttal speech
B. Ang nagtatanggol sa panig
C. Ang interpeleysyon o pagtatanungan
D. Paglalahad ng katibayan
Sagot: D – Paglalahad ng katibayan
Paliwanag: Dahil ang paglalahad ng katibayan ay nasa pamantayan sap ag-iiskor
o paghatol ng panalo sa Debate
5. Kung ang pagtatalo o debate ay ginaganap sa loob ng klase sino ang
manananggol sa bawat panig?
A. Guro B. Kamag-aral
C. Kabilang panig D. Principal
Sagot: A – Guro
Paliwanag: Dahil siya ang nasa loob ng klase na kung saan siya ang gagabay sa
kanyang mga estudyante.
6. Ano ang ginagawa bago simulant ang debate ng dalawang koponan?
A. Bunutan B. Diskusyon
C. Pampasigla D. Pagtitipon
Sagot: A – Bunutan
Paliwanag: Ang dalawang koponan ay magbubunutan para sa kanilang panig na
ipagtatanggol para hindi ito maging madaya sa mata ng mga manunuod at tunggali
7. Saan ginagawa ang nasabing Debate?
A. Bahay B. Opisina
C. Banyo D. Silid Aralan
Sagot: D – Silid Aralan
Paliwanag: Dahil ito’y pinapagawa ng guro bilang aktibidad sa isang partikyular na
asignatura.
8. Kung saan ang tagapagsalita ay binibigyang diin ang kanilang proposisyon mula
sa kanilang katunggali.
A. Ang nagtatanggol sa panig
B. Ang interpeleysyon o pagtatanungan
C. Talumpating nanunuligsa o rebuttal speech
D. Wala sa pagpipilian
Sagot: A - Ang nagtatanggol sa panig.
Paliwanag: Dahil ito ang kanilang patakaran na sinusunod
9. Kung saan dito mailalahad kung sang-ayon ba ang isang panig o hindi sa
inihaing proposisyon
A. Ang nagtatanggol sa panig
B. Ang interpeleysyon o pagtatanungan
C. Talumpating nanunuligsa o rebuttal speech
D. Wala sa pagpipilian
Sagot: B - Ang interpeleysyon o pagtatanungan
Paliwanag: Dahil ito ang kanilang patakaran na sinusunod
10. Ito at nagpapabulaan sa sinasai ng kabilang panig.
A. Ang nagtatanggol sa panig
B. Ang interpeleysyon o pagtatanungan
C. Talumpating nanunuligsa o rebuttal speech
D. Wala sa pagpipilian
Sagot: C - Talumpating nanunuligsa o rebuttal speech
Paliwanag: Dahil ito ang kanilang patakaran na sinusunod

You might also like