You are on page 1of 27

PANGANGALAGA

NG LIKAS NA
YAMAN

GINAWA NI:
JOANNA RICA INSIGNE
May impluwensiya ang lokasyon, topograpiya, at
yamang tao sa paggamit ng mga likas na yaman
tungo sa pagkakaisa ng mga mamamayan sa
bansa. Sa mga ito nakasalalay ang kaunlaran ng
bansa. Yumayaman ang isang bansa kung ang
mga mamamayan ay nagkakaisa sa
pangangalaga ng likas ng yaman. Kapag bumaba
ang mga yamang produkto at humina ang
pagpapaunlad ng produksiyon, tiyak na hindi
matutugunan ang pangangailangan ng tao.
Iba’t-iba ang kalagayan ng bansa hinggil sa pinagkukunang
yaman at produkto nito. May mga bansang sagana sa likas ng
yaman ngunit kulang naman sa yamang tao. May mga bansa
namang may kakayahang bumili ng makabangong teknolohiya
ngunit salat sa mga likas ng yaman o sa magagaling na
manggagawa. Mayroon ding may mahuhusay na manggagawa at
sagana sa likas na yaman ngunit malaki ang suliranin sa
teknolohiya.
Bunga nito, nagsisikap ang bawat bansa na magamit at malinang
nang maayos at wasto ang kanilang pinagkukunang yaman. Dito
nakasalalay ang isang maunlad at matatag na kabuhayan, hindi
lamang para sa pansariling kapakanan, kundi para sa kabutihan
ng buong sambayanan.
KALAGAYAN NG KAPALIGIRAN
1. May 90% na pagkasunog ng mga kagubatan na nakaapekto sa
mga tropical forest ng bansa.
2. May 80% na ang nawawala sa orihinal na gubat ng buong
mundo bunga ng deforestation at kapabayaan ng mga tao.
3. Bumababa ang dami ng freshwater ecosystems na
natatagpuan sa mga lawa, ilog, at dagat.
MGA PUMIPINSALA AT KAAWAY NG LIKAS NA YAMAN

1. Walang Habag na Pagputol ng mga Punongkahoy sa Kagubatan


2. Pagkakaingin

3. Pagtatapon ng Basura sa mga Katubigan


4. Pagtatapon ng mga Pagawaan o Pabrika ng Kanilang Dumi
sa Katubigan
5. Paggamit ng mga Maling Paraan sa Panghuhuli ng Isda at Iba
pang Yamang-dagat

6. Pagmimina
Narito ang bunga ng maling pagmimina sa bansa:

 Pagkasira ng kabundukan
 Pagdumi ng katubigan na bunga ng duming itinatapon sa
mga daluyan ng tubig tulad ng nangyari sa Surigao del Sur,
Look Calacan, at Marinduque
MGA PATAKARAN NG PAMAHALAAN
May mga patakarang ipinatutupad ang
ating pamahalaan tungkol sa paggamit at
paglinang ng likas na yaman upang
malasapat ang mga produkto nito sa mga
pangangailangan ng mga Pilipino ngayon at
sa mga susunod pang salinlahi. Nakasaad
ito sa ating Saligang Batas 1987:
Ang Seksyon 2 ng Artikulo XII ay naglalahad na…
 Ang lahat ng mga lupaing ari ng bayan, mga tubig, ang mineral,
karbon, petrolyo at iba pang mga langis mineral, lahat ng mga lakas
na magagamit na enerhiya, mga pangisdaan, mga kagubatan o mga
kahuyan, buhay-ilang, halaman at hayop at iba pang mga likas na
kayamanan ay ari ng Estado. Hindi maaaring ilipat kanino man ang
lahat ng iba pang mga likas na kayamanan maliban sa mga lupaing
pansakahan. Dapat sumailalim sa ganap na kontrol at superbisyon ng
Estado ang paggalugad, pagpapaunlad, at pagsasagamit ng mga likas
na kayamanan…

 Dapat pangalagaan ng Estado ang yamang-dagat ng bansa sa mga


karagatang pangkapuluan, dagat teritoryal, at eksklusibo na sonang
pangkabuhayan nito, at dapat ilaan ang eksklusibong paggamit at
pagtatamasa nito sa mga mamamayang Pilipino.
NAGLILINGKOD NA KAGAWARAN AT AHENSIYA
 Isa ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman o Department
of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga gumaganap
ng tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan ang mga likas na
yaman ng bansa. Pinamamahalaan nito ang pag-aalaga at pag-
iingat ng ating mga likas na yaman. Narito ang mga tungkulin nito.
1. Pangalagaan ang mga gubat laban sa ilegal na pagputol ng kahoy at
panununog ng mga kaingero.
2. Pagpapatupad ng programang pagkagubatan
3. Pangangasiwa sa industriya ng pagmimina
4. Pagpapatupad sa wastong pangangalaga ng mga isda at iba pang
yamang-dagat
5. Pagpapatupad ng mga batas sa preserbasyon ng mga likas na yaman
MGA PROGRAMA AT PROYEKTO NG DENR
1. Luntiang Kapaligiran
 May kabuuang lawak na 30 milyong ektarya ang lupain ng Pilipinas.
Mga 15.88 milyon o 53% lamang ang nasa kategoryang
pangkagubatan at ang natitirang 14.12 milyong ektarya o 46% ay
tinatawag na Alienable and Disposable Lands.

 Dahil sa malubhang suliraning ito, nagsagawa ng mga proyekto at


programa ang DENR upang maisaayos ang kapaligiran at likas na
yaman ng bansa. Nagbuo ito ng estratehiyang Sustainable
Development Activities na kinapapalooban ng mga gawain para sa
kagubatan hinggil sa pangangalaga at pagpapanatili, pangangasiwa,
paglinang, pagprotekta, at wastong paggamit ng mga likas na
yaman nito. Narito ang ilan sa mga gawaing ito:
a. Pagsasaayos na teknikal at pangangasiwa ng mga yamang-gubat
para mapanatili ang wastong paglinang ng yaman nito
b. Pagtukoy ng mga bagong kagubatan o taniman ng mga
punungkahoy sa ilang piling lugar na pananatilihin at
pangangalagaan
c. Pagprotekta sa mga pisikal na yaman ng kagubatan sa anumang
salot at kapabayaan sa pagpapatupad ng mga batas ukol dito
d. Pagsasaayos ng mga lupain at pang-ekonomiya kalagayan ng mga
pamayanan sa kagubatan
e. Pangangalaga ng mga lupain at maayos na pangangasiwa sa mga
watershed
f. Pangangalaga, pagprotekta, pagsasaayos, at pagpapanatili ng mga
likas na yaman sa mga lugar na gaya ng Camp John Hay Reservation
sa Lungsod ng Baguio at Ninoy Aquino Parks and Wildlife Nature
Center sa Lungsod ng Quezon
g. Pangangalaga sa mga natatanging hayop sa bansa gaya ng
Philippine Eagle, pawikan sa kapuluan ng Tawi-Tawi, Tamaraw sa
Mindoro, at mga buwaya sa Palawan.
2. Bughaw na Kapaligiran

 Mga katubigan naman ang pokus ng Bughaw na


Kapaligiran. Malaki ang lawak ng ating mga
katubigan kung ihahambing ito sa mga kalupaan
natin. Ang ecosystem na bumubuo nito ay ang
mga coral reefs at mga bakawan (mangroves).
1,320,000 metrong tonelada ng mga isda ang
napoprodyus ng ating mga coral reefs. Ang
yamang-tubig natin ay napakahalaga dahil
nagbibigay ito ng hanapbuhay sa mga Pilipino.
Narito ang ilang programa at proyekto hinggil dito:
a. Pangangalaga at pangangasiwa ng kapaligirang pangkatubigan
b. Pagsasaayos ng lugar ng bakawan
c. Programa laban sa El Niño phenomenon
3. Ang mga Minahan
 Ang Pilipinas ay isa sa nangungunang bansa sa produksyon ng
mineral, metalik, at di-metalik na yaman gaya ng ginto, tanso,
tingga, at chromite.
4. Ilan sa iba pang mga programa ng Pamahalaan at mga
Mamamayan:Bantay-Gubat, Bantay-Dagat, Piso para sa Pasig,
Save La Mesa Dam, No to Palawan Mining, Bantay-Kalikasan
 Binabantay ang mga gubat upang hindi maputol ang mga puno
nang walang awa at pahintulot. Iyan ang patakaran at gawain ng
Bantay-Gubat.
 Mga yamang tubig naman ang inaalagaan ng mga Bantay-Dagat.
Hinuhuli ng mga namumuno rito ang mangingisdang gumagamit ng
lason at dinamita sa pangingisda. Binabantayan rin nila ang iba’t-
ibang yaman ng karagatan tulad ng perlas, korales, at iba pa.
 Ang Bantay-Kalikasan ay proyekto para sa pangangalaga ng ating
kapaligiran at mga yaman nito. Kabahagi nito, hindi lamang ang
mga mamamayan, kundi pati ang mga non-government organization
(NGOs).
SALAMAT PO!!!

You might also like