You are on page 1of 18

GIYA

(Guided, Integrated, Yearning Activities)

Para sa Mag-aaral
FILIPINO 6
Unang Markahan- Ikalimang Linggo - 1-4 Araw
Mga Layunin:
1. Napagsunod-sunod ang mga mahahalagang pangyayari sa
kwento o tekstong binasa.
2. Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kwento sa
pamamagitan ng pamatnubay na tanong.
Naibibigay at nasusunod ang tamang panuto sa iba’t
3. ibang sitwasyon.
MELC Code:
F6PB-1b-5.4, F6RC-IIe-5.2
Isinulat nina:

CHARITY C. DUJALE ABRAHAM A. MANAGBANAG


Mababang Paaralan ng Kahayagan Mababang Paaralan ng Buluan

1
UNANG ARAW

I. MAIKLING ARALIN
Magandang araw mag-aaral!
Basahin at intindihing mabuti ang mga aralin.

Upang masuri ang mahahalagang pangyayari at lubos na


maunawaan ang binasang teksto, gamitin mo ang
balangkas.

Ang Pagbulusok ng Ulan!


Isang makulimlim na gabi, nang biglang nagising si Jody sa
naramdamang lamig, basang-basa na pala siya at hindi niya kaagad
napansin ito. “Kay lakas ng ulan, nasaan ang aming bubong?”
biglang naibulalas nito. Dali-daling ginising ni Jody ang mga kapatid
upang dalhin ito sa kusina upang mapapawi ang lamig na
naramdaman. Nasa ibayong lungsod pa kasi ang mga magulang
nila. Kaya, litong-lito ang magkakapatid kung ano ang gagawin.
Naisip ni Jody na hindi makatutulong ang takot nila kaya kinausap
niya ang mga kapatid sa nararapat gawin upang maging ligtas sa
kinakaharap na sitwasyon.
Una, binuksan ni Jody ang radyo upang masundan nila ang
mahahalagang balita hinggil sa masamang panahon dahil hindi
gumagana ang kanilang telebisyon. Pangalawa, ay pinag-iimbak
niya si Anna ng mga pagkain sa isang lalagyan tulad ng biskwit,
bigas, noodles at mga de lata. Pagkatapos ay pinaghanda rin niya si
Roel ng posporo, kandila, plaslayt, at baterya na maaaring gamitin
nila kung sakaling mawala ang kuryente. Pinaalalahanan niya ang
mga kapatid na manatiling mahinahon sa lahat ng sandali upang
makaiwas sa dagdag na sakuna. At patuloy silang nakinig sa mga
balita sa radyo upang makakuha ng mga mahahalagang paalala at
babala ng pamahalaan.

Ang balangkas ay isang paraan ng pagsasaayos ng mga


detalye mula sa teksto. Maaari itong nasa anyong pangungusap o
papaksa. Nakatutulong ang balangkas upang higit na maintindihan
ang binabasa. Sa pagbabalangkas ng teksto, itinatala ang
mahahalagang pangyayari bilang pangunahing kaisipan. Sa ilalim
ng bawat pangunahing kaisipan, inililista naman ang mga pantulong
na detalye na magpapaliwanag o maglalarawan sa mga
pangunahing kaisipan. Sa tulong ng balangkas, madali nating
pagsunud-sunurin ang daloy o pangyayari sa mga nabasang teksto.

2
Narito ang halimbawa ng balangkas:

Pamagat : Ang Pagbulusok ng Ulan

Tauhan : Jody, Anna at Roel


Isang gabi na wala ang mga magulang sa
bahay, ay naranasan ng magkakapatid
Pangyayari: ang masungit na bagyo kung saan
natangay ng malakas na hangin ang
bubong ng kanilang bahay.
1. Binuksan ang radyo upang
makarinig ng balita
2. Naghanda ng mga pagkain tulad ng
Mga hakbang na ginawa biskwit, bigas,noodles at de lata.
ng magkakapatid upang Inihanda rin nila ang posporo,
manatiling ligtas : plaslayt at kandila.
3. Sila ay nanatiling matatag at
mahinahon sa kabila ng masungit
na panahon.

Maraming paraan sa pagsasaayos ng mga mahahalagang detalye mula


sa binasang teksto.

Narito ang isa pang halimbawa ng balangkas na kung saan ang mga
detalye ay kinuha pa rin sa binasang teksto.

3
Ang
Pagbulusok ng
Ulan

Mga
Tagpuan Tauhan Wakas
Pangyayari

Sa loob ng Isang madilim Patuloy silang


tahanan Jody na gabi ay
naranasan nina nakinig ng
Jody, Anna at balita sa radyo.
Roel ang Ligtas ang
bagyo. magkakapatid.
Ann

Sa sobrang lakas ng
Patuloy silang
hangin ay tinangay
Roel ang bubong ng nakinig ng
kanilang balita sa radyo.
bahay.Gumawa ng Ligtas ang
mga hakbang ang magkakapatid.
magkakapatid upang
maging ligtas.

Nagbukas
radyo at nag-
imbak ng
pagkain

Naghanda rin
ng posporo,
kandila,
plaslayt, at
baterya

Nanatiling
mahinahon at
kalmado ang
magkakapatid.

4
II. PINATNUBAYANG GAWAIN
Panuto: Basahin at unawain ang isang talata. Punan ang balangkas
o “graphic organizer “ng mga hinihinging detalye.

Si Marcelo H. Del Pilar ay tinaguriang Dakilang


Propagandista. Isa siyang abogado na kilala sa pagsulat ng mga
artikulo laban sa pang-aabuso ng mga paring Espanyol.
Ipinagpatuloy niya ang gawaing ito sa Espanya kung saan
naging patnugot at tagapaglathala siya ng La Solidaridad. Sa
kakulangan ng pera at pangungulila sa pamilya, nagkasakit siya
at namatay sa Espanya.

1.Siya ay isang
_______na tinaguriang
____________

Paksa ng Talata: 2. Sumulat siya ng mga


Mga Pantulong Na
Marcelo H. Del artikulo laban sa
Detalye
Pilar _____________________

3. Siya ay naging patnugot


at tagapaglathala ng
____________________.
Nagkasakit siya at
_____________________

III. DI- PINATNUBAYANG GAWAIN

Panuto: Ayusin at ibigay ang wastong pagkakasunud-sunod ng


mga pangyayari upang mabuo ang isang makabuluhang talata.
Isulat ang tamang talata sa nakalaang balangkas.

Si Lito ay kalahok sa isang paligsahan sa pagbigkas ng tula.

Tuwang – tuwa ang kanyang mga magulang kaya sila ay bumili


ng regalo para sa anak.
5
Ang bata ay nagsanay nang mabuti kaya naman siya ay nanalo.
Siya ay sinabitan ng medalya ng punungguro ng paaralan.

Ang pagtitiyaga ni Lito ay nagantimpalaan.

Ang tamang talata ay:


1. ________________________________________________
2. ________________________________________________
3. ________________________________________________
4. ________________________________________________
5. ________________________________________________

IV. EBALWASYON
Panuto: Basahin at unawain ang kuwento ni Lolo Jose. Punan
ang balangkas ng mga hinihinging detalye mula sa kuwento.

Si Lolo Jose ay nakatira sa Baryo Tacay sakop ng


Buenavista. Isang gabing kabilugan ng buwan, naisipan niyang
mamasyal sa tabing-ilog. Sa paglalakad niya, nadaanan niya
ang isang kamarin na nilagyan ng sako-sakong apog. Habang
lumalapit siya sa kamarin, may nakita siyang parang baga o
siga sa may bubungan. Nang tingalain niya ito,nakita niyang
may nakaupong mataas at maitim na tao na nananabako.
Malaki ang ulo nito at napakaitim masyado.
Dahil sa takot, hindi nakagalaw si Lolo Jose sa kanyang
kinatatayuan. Nanindig bigla ang kanyang balahibo at natakot
na baka siya ay patayin nito. Sisigaw sana siya ngunit walang
tinig na lumalabas sa bibig niya. Hinimatay siyang bigla at nang
pagbalikan ng diwa ay wala na roon ang kapre. Dali-dali siyang
umuwi at ikinuwento sa asawa at mga anak ang kanyang
karanasan.

1. Pangunahing tauhan : ____________________________


2. Baryong tinitirhan : ____________________________
3. Lugar na nais pasyalan : __________________________
4. Ang pinaglalagyan ng sako – sakong apog : ___________
5. Ang mataas at maitim na taong nananabako sa itaas ng

6
Sako- sakong apog: ______________________________

IKALAWANG ARAW

I. MAIKILING ARALIN

Magandang buhay sa iyo mag-aaral!

Sa araw na ito ay matutuhan mo kung paano


pagsunud-sunurin ang mahahalagang pangyayari sa
binasang teksto.
Upang lubos mong maunawaan ang unang teksto na
iyong babasahin, alamin mo muna kung ano ang
bagyo.

Ang bagyo ay isang malaking unos na may isang pabilog o


spiral na sistema ng marahas at malakas na hangin at may
dalang mabigat na ulan. Karaniwang daan-daang kilometro o
milya sa diameter ang laki. Ang pagdagsa ng maraming bagyo
ay maaaring epekto ng pagbabago ng klima o climate change.

Tingnan ang mga larawang ito. Ito ay nangyayari dahil sa


bagyo.

Tingnan ang mga larawang ito.


Ito ay nangyayari dahil sa bagyo.

7
8
Basahin ang teksto tungkol sa bagyo.

May Babala ang Bagyo

Mahimbing na mahimbing ang pagkakatulog ni Andrea.


Napakalamig kasi ng panahon. Ang lakas-lakas ng hangin at
walang katigil-tigil ang malakas na ulan.
Nagising si Andrea. Ginaw na ginaw siya. Natanggal kasi
ang makapal na kumot na bumabalot sa kanyang katawan.
“Signal number two,” ang sabi ng tagapagbalita sa radyo.
“Ang ibig sabihin, sa loob na 24 na oras, papalapit ang
masamang panahon. Ang dumating na hangin ay may lakas na
80 hanggang 100 kilometro bawat oras. Walang pasok sa mga
paaralan, elementarya at haiskul. Ang lahat po ay pinag-iingat.”
Nag-isip siya. Naalala niya ang napag-aralan nila sa
paaralan tungkol sa bagyo. Kapag signal number two, ang
hangin ay may lakas na 60 hanggang 100 kilometro bawat oras.
Kapag signal number three, sa loob ng 12 hanggang 18 oras,
maaaring dumating ang hanging may lakas na higit na sa 100
kilometro bawat oras.
Idinilat ni Andrea ang kanyang mga mata. Inalis nang
tuluyan ang makapal na kumot na bumabalot sa kanyang
katawan at siya’y bumangon. Ibig niyang subaybayan ang balita
tungkol sa bagyo upang ganap silang makapag-ingat.

9
Ngayon, sagutin natin ang mga serye ng katanungan tungkol sa
binasang teksto.

1. Bakit mahimbing na mahimbing ang pagkakatulog ni Andrea?


Sagot: Napakalamig kasi ng panahon. Malakas ang hangin at
walang tigil ang ulan.

2. Ano ang dahilan at nagising si Andrea sa mahimbing na


pagkakatulog?
Sagot: Gininaw at nagising si Andrea dahil natanggal ang
makapal na kumot na bumabalot sa kanyang katawan.

3. Gaano kalakas ang hangin ng Signal Number Two na bagyo?


Sagot: Ito ay may lakas na 80 hanggang 100 kilometro bawat
oras.

4. Nararapat bang ideklara ng pamahalaan na walang pasok ang


lahat ng antas kung may bagyong signal number 2 o 3? Bakit?
Sagot : Opo. Upang maging ligtas ang lahat.

II. PINATNUBAYANG GAWAIN


Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Sagutin ang mga
katanungan sa pamamagitan ng pagbilog sa letra na
nagtataglay ng tamang sagot.

Ang Pagbabago ni Bino


Totoong laki sa layaw si Bino dahil lumaki siya sa piling ng
kanyang yaya. Sanggol pa lamang siya nang mamatay ang
kaniyang magulang sa pagbagsak ng eroplanong kanilang
sinasakyan. Dahil sa awa ng yaya kay Bino, naging sunud-
sunuran lamang ang yaya sa gusto niya. Iniiwasan ng yaya na
sumama ang loob ng alaga. Hindi rin binigyan ng responsibilidad
sa bahay si Bino dahil yaya niya ang gumagawa ng lahat para sa
kaniya. Ang bunga? Lumaki si Bino na walang pakialam.
Dahil wala siyang pakialam, kahit saan lamang siya
nagtatapon ng balat ng kendi at hindi rin siya sumasali sa
proyektong pangkalinisan sa paaralan at barangay.

Hindi rin niya sinusunod ang paalala ng yaya niya na sumunod


sa batas trapiko, lalo na kapag nakailaw ng pula na nagbabawal
tumawid sa kalsada. Isang araw, nagbunga ang kaniyang
paglabag sa batas trapiko sa daan.

10
Nakailaw na ang pulang nagbabawal sa pagtawid, pero tumawid
parin siya. Biglang nagdilim ang kaniyang paningin. Nang
magising siya, maraming tao ang nakapaligid sa kaniya----mga
doctor at narses pati na ang mga pulis na nagdala sa kaniya sa
ospital. Higit sa lahat nandoon ang yaya niyang iyak nang iyak.
Naroon din ang ilan niyang kamag-aral at
kapitbahay.“Mabuti nalang Bino mabagal ang takbo ng kotseng
nakabangga sa iyo. Ikaw ang may kasalanan dahil hindi ka
sumunod sa mga batas trapiko. Alam mo iho, ang mga batas ay
para sa ating kaligtasan at kabutihan. Kailangang sundin natin
ang mga ito bilang isang mabuting mamamayan,” ang pangaral
ng pulis. Anak, binigyan ka ng Diyos ng pangalawang buhay,”
ang sabi ng yaya na patuloy na umiiyak. Opo, yaya. Mula
ngayon magiging responsableng bata na ako. Kahit pala wala
akong pakialam sa iba mahal parin nila ako.”“Patawad din Bino
dahil kinonsinte ko ang iyong mga pagkukulang upang maging
responsableng bata, at lalaking mabuting mamamayan,” ang
dagdag ng yaya. Dahil sa aksidente, nag-iingat na si Bino at
sumusunod na sa patakaran, hindi lamang sa kalsada kundi sa
tahanan at paaralan.
Dahil sa kanyang pagbabago, ang bansag na ‘Binong Laki
sa Layaw’, ay napalitan ng ‘Bino ang Mabuting Mamamayan.’

1. Bakit sinabing laki sa layaw si Bino?


A. Dahil lumaki siya sa piling ng yaya at naging sunud- sunuran ito
sa mga gusto niya.
B. Dahil tumutulong siya sa mga gawaing bahay.
C. Dahil isa siyang responsableng bata.
D. Kahit saan lamang niya tinatapon ang mga balat ng kendi

2. Ano ang ginawa ni Bino sa mga alituntunin ng paaralan, barangay at


sa batas trapiko?
A. Sinusunod niya ang mga ito ng taos puso
B. Sinusuway niya ang mga patakaran
C. Tumutulong sa mga Gawain
D. Nakikiisa sa mga programa sa komunidad
3. Ano ang naging bunga ng pagbalewala at paglabag ni Bino sa batas
trapiko?
A. Pinarangalan siya ng gobyerno
B. Kinagigiliwan siya ng mga drayber
C. Nasagasaan siya ng sasakyan
D. Nakakita siya ng suntukan

11
4. Anong aral ang maaaring natutuhan ni Bino sa pangyayari?
A. Dapat sundin ang gusto ng puso sa lahat ng oras
B. Dapat maging astig kapag naglalakad sa daan
C. Dapat hindi pakikinggan ang payo ng mga tao
D. Dapat matutong sumunod sa batas ng pamahalaan
5. Ano ang tawag ng mga tao kay Bino sa kanyang ipinakitang
pagbabago?
A. Bino ang mamamayang basagolero
B. Bino ang mamamayang pakialamero
C. Bino ang mabuting mamamayan
D. Bino mahilig sa Kulafu

III. DI-PINATNUBAYANG GAWAIN


Panuto: Ibigay ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari sa binasang teksto. Gamitin ang bilang 1,2,3,4, at 5 para
maipakita ang tamang ayos nito. Isulat sa patlang ang tamang
sagot.

_____ 1. Kinupkop ng yaya si Bino.


_____ 2. Tumawid siya sa kalsada kahit nakailaw na ang pula.
_____ 3. Nadisgrasya at namatay ang mga magulang ni Bino.
_____ 4. Nasagasaan siya ng kotse at dinala sa ospital.
_____ 5. Nabigyan ng pangalawang buhay si Bino at nagbago.

IV. EBALWASYON
Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Pagkatapos,pagsunud-
sunurin ang mga mahahalagang pangyayari nito. Gamitin ang mga
letra na A, B , C , D at E upang maipakita ang tamang
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.

AMA

Masaya ang mga bata tuwing pagsapit ng hapunan.


Nanabik sila sa masarap na ulam na laging bitbit ng ama upang
mapagsaluhan. Sawa na kasi sila sa puro gulay at itlog na
inihahanda ng ina.
Nabigla ang mga bata sa kalabog ng pinto.Ngayon lang
nila ito narinig. Kung ang ama nila ang darating ay malayo pa’t
tinatawag na sila nito upang kanilang salubungin. Narinig nila
ang pagbukas ng pinto at nagulat sila sa nakita nang biglang
sapakin ng ama ang kanilang ina. Lasing kasi ito dahil natanggal
sa trabaho. Simula nang gabing iyon, ay sunod-sunod na ang
kalbaryo ng kanilang masayang tahanan.

12
Malaki na ang ipinagbago ng kanilang ama, na dati ay
responsable at mapagmahal sa pamilya. Ngayon isa na itong
pabaya at iresponsableng ama.
Sa paglipas ng mga panahon , unti-unting nanghihina ang
katawan ng ina ng tahanan.Dala marahil sa depresyon at pang-
aabuso ng kanyang asawa. Isang araw,tuluyan na itong
namaalam at habambuhay na silang maghihiwalay.

______ 1. Nagiging iresponsable at pabaya ang ama ng tahanan.


______ 2. Nabigla ang mga anak dahil sinapak ng tatay ang kanilang
ina.
______ 3. Lasing na umuwi ang tatay at kinalabog nang malakas ang
pinto.
______ 4. Tuluyang namamaalam ang ina ng tahanan.
______ 5. Nagkasakit ang nanay ng mga bata.

IKATLONG ARAW

I. MAIKILING ARALIN

Sa muli isang magandang buhay sa iyo mahal mag-aaral!


Sa araling ito ay matutuhan mo kung paano magbigay ng
tamang panuto sa iba’t ibang sitwasyon.

Ang Panuto
- Ito ay mga tagubilin sa pagsasagawa ng iniutos na gawain.
Maaaring pabigkas o nakasulat ang mga panuto.
Makatutulong sa maayos, mabilis at wastong pagsasagawa
ng gawain ang pagsunod sa ibinigay na panuto.

 Kailan ginagamit ang panuto?


Sagot: Tuwing nagbibigay ng kautusan.
 Bakit kailangang sundin ang ibinibigay na panuto?
- Sagot: Makatutulong sa maayos, mabilis at wastong
pagsasagawa ng gawain ang pagsunod sa ibinigay na
panuto.

Marunong ka na bang magsaing ng kanin? Basahin mo ang


ginawa ni Nene. Inutusan si Nene ng kanyang nanay na
magsaing ng kanin. Ano kaya ang dapat niyang gawin upang
matupad ang utos ng nanay? Tama kaya ang gagawin ni Nene?
13
1. Magtakal si Nene ng bigas na kasya sa pamilya at ilagay
sa rice cooker.
2. Banlawan o hugasan ng tubig ang bigas dalawa hanggang
apat na beses.
3. Maglagay ng malinis na tubig na kasukat ng bigas.
4. Bago ilagay sa pagsasaingan, punasan ang ilalim
5. Isaksak ang rice cooker at takpan

Tama ang pamamaraan na ginawa ni Nene sa pagtupad sa utos


ng kanyang nanay. Siguradong maluluto ang kanyang isinasaing
na kanin at matutuwa sa kanya ang kanyang nanay.
II. PINATNUBAYANG GAWAIN
Panuto: Sabihin kung Tama o Mali ang sumusunod na pahayag
tungkol sa paglalaba. Isulat sa patlang ang BOOM! kung Tama at
PANES! kung Mali.

___________ 1. Unahin sa paglaba ang mga puti kaysa sa de color.


___________ 2. Lagyan ng chlorine o Xonrox ang mga de color na
damit upang titingkad ang kulay.
___________ 3. Banlawan muna ng tubig ang mga lalabhang damit
bago sabunin.
___________ 4. Pagkatapos sabunin,ay maaari na itong isampay.
___________ 5. Ilagay sa kabinet ang mga damit habang basa pa ito.

III. DI- PINATNUBAYANG GAWAIN


Panuto: Ayusin ang sumusunod na hakbang sa pagluluto ng
Tinolang Bangus. Gamitin ang numero na 1 – 5 ayon sa wastong
pagkakasunud-sunod nito.Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.

_______ Ihain.
_______ Magpakulo ng tubig na nilagyan ng mga rekados o
pampalasa
_______ Ilagay ang hiniwang bangus at hayaang kumulo ang sabaw
_______ Timplahan ng patis o asin at iba pang pampalasa. Idagdag
ang dahon ng malunggay at sili
_______ Haluin at hayaang kumulo ang tubig ng 2 minuto

14
IV. EBALWASYON
Panuto: Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Sino ang pinahihintulutan ayon sa utos ng Deped na pwedeng


kumuha ng iyong GIYA sa paaralan ?
A. Mga Senior Citizen
B. Mga estudyante na may eda 20 pababa
C. Mga opisyales ng barangay at simbahan
D. Magulang o Guardian na may edad 21 – 59

2. Ano ang dapat gawin kapag inaawit ang pambansang awit ng


Pilipinas?
A. Sasayaw sa kinaroroonan habang nakikinig
B. Magtatago sa isang sulok upang hindi makikita
C. Tumayo ng matuwid at ilagay ang kanang kamay sa dibdib
D. A at C

3. Naglalakad ka sa daan. Nakita mong umilaw na ang pulang


ilaw.Ano ang nararapat mong gawin?
A. Patuloy sa pagtakbo o paglalakad
B. Huminto at hihintaying mawawala ito saka lalakad
C. Lilingon-lingon sa paligid at saka lalakad kung walang pulis
D. A at B

4. Ang lahat ay mga pamamaraan para mapanatiling ligtas ang sarili at


makaiwas sa Pandemyang Covid 19, MALIBAN sa ISA.
A. Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig
B. Magsuot ng “face mask o face shield “
C. Pumunta sa mga matataong lugar ng walang pag-aalinlangan
D. Maglagay ng alcohol o hand sanitizer sa kamay

5. Gusto mong magluto ng adobong manok. Alin sa mga sumusunod


ang uunahin mo sa paggawa?
A. Igisa ang bawang, luya, at sibuyas
B. Hiwain ang karne ng manok sa ninanais na laki
C. Magpainit ng mantika sa kawali
D. Ilagay ang karne ng manok

15
LINGGUHANG PAGSUSULIT

Unang Bahagi (Pag-aayos ng mga Pangyayari )

Panuto : Ayusin at ibigay ang wastong pagkakasunud-sunod ng


mga pangyayari sa talata. Gamitin ang mga bilang na 1-5 para
ipakita ang tamang ayos nito.
Gumawa Ako ng Saranggola

_____ Kumuha ako ng mahabang kawayan at nagpatulong


ako sa pagputol nito.
_____ Pinakinis ko ang tatlong putol ng kawayan na may
habang hindi hihigit sa dalawang pulgada.
_____ Isang araw, wala akong pasok kaya naisipan kong
gumawa ng isang makulay na saranggola.
_____ Binalutan ko ito ng papel de hapon at kinabitan ko ito
ng buntot na yari sa papel na may iba-ibang kulay.
_____ Ang mga ito ay tinali-tali ko hanggang lumabas ang
hugis- paruparong balangkas.

Ikalawang Bahagi
Panuto: Basahin nang mabuti ang teksto. Isulat sa pinaglaanang
patlang ang sagot sa bawat tanong.
HUKBALAHAP
Popular at pinaikling tawag sa Hukbo ng Bayan Laban sa
Hapon, ang pinakamalakas na pangkat ng mga gerilya sa
Gitnang Luzon sa panahon ng Hapon. Kilala rin ang kasapi ng
pangkat sa mas maikling tawag na “Huk”. Itinatag ito noong
Marso 29, 1942 ng mga lider ng PARTIDO KOMUNISTA NG
PILIPINAS, kabilang na sina Luis Taruc, Castro Alejandrino,
Bernardo Poblete, at Felipa Culala.

Dahil sa mahusay na organisasyon at pagtangkilik ng taumbayan


ay madali itong lumaganap sa hanay ng mga magsasaka sa
kanayunan. May dalawa itong pahayagan: ang Katubusan ng
Bayan na para sa taumbayan at ang Hukbalahap na para sa
mga kasapi.

16
1. Ano ang tamang kahulugan ng HUKBALAHAP?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
2. Kailan itinatag ang samahang HUKBALAHAP?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
3. Anong partido ang nagtatag nito?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
4. Sino-sino ang mga lider na namumuno nito?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
5. Ang samahang HUKBALAHAP ay may dalawang
pahayagan.
Anong pahayagan ang para sa taumbayan?
_____________________________________________________
____________________________________________________
6. Ano naman ang para sa mga kasapi?
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Ikatlong Bahagi

Panuto: Ibigay ang tamang hakbang sa pagbuo ng eroplanong


papel. Gamitin ang bilang 1-6 para maipakita ang wastong
pagkakasunud-sunod nito. Isulat ang sagot sa patlang

______1. At yun na,meron ka ng laruang papel na eroplano


paliparin ito.
______2. Itupi ang gilid upang magsilbing pakpak
______3. Itupi ulit sa gitna
______4. Itupi sa magkabilang dulo
______5. Tanggalin sa pagkakatupi
______6. Itupi ang papel sa gitna.

17
SANGUNIAN

https://Google.com
https://Unsplash.com
https://Pixabay.com
www.GoGraph.com

Tiniyak ang Antas ng Kalidad nina:

Abraham L. Managbanag, T-1


Bonna Mae N. Dalguntas, T-1
Arlyn A. Visitacion, MT-1
Ann-Ann J. Santos, IT
Marc Ion Manlin, IT

Rosario V. Tagotilla
Education Program Supervisor

Reviewed By:

Evelyn F. Importante
OIC- CID Chief EPS

Raymond M. Salvador
OIC- Assistant Schools Division Superintendent

Jerry C. Bokingkito
OIC- Assistant Schools Division Superintendent

Dr. Jeanelyn A. Aleman, CESO VI


OIC-Schools Division Superintendent

18

You might also like