You are on page 1of 4

Paaralan TALLUNGAN E/S Baitang

Guro Asignatura MATHEMATICS


Petsa Markahan Ikalawang Markahan
Bilang
LESSON Oras Ng 1
EXEMPLAR Araw

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Nailalarawan sa isip ang kalahati ng isang buong bahagi o grupo

B. Pamantayan sa Pagganap
Nailalarawan sa isip ang kalahati ng isang buong bahagi o grupo

C. Pinakamahalagang
Kasanayan sa Pagkatuto Nailalarawan sa isip ang kalahati ng isang buong bahagi o grupo
(MELC)
D. Pagpapaganang Laro na Bring Me
Kasanayan

II. Nilalaman Paglalarawan sa isip ang kalahati ng isang Buo o grupo


III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga Sanggunian
Most Essential Learning Competencies Mathematics 1
a. Mga Pahina sa Gabay ng SLM module 6
Guro

b. Mga Pahina sa Kagamitang SLM module 6


Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitang
Panturo mula sa Portal ng
Learning Resources

podcast
B. Listahan ng mga
Printed Activity Sheet
Kagamitang Panturo para sa
mga Gawain sa Pagpapaunlad
at Pakikipagpalihan

IV. Pamamaraan
Magandang araw minamahal kong mag-aaral. Kumusta kayo? Naway nasa
mabuti kayong kalagayan at may malusog na pangangatawan sa araw-araw,
gayundin ang inyong mga magulang.

Nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal na tayo’y patuloy niyang


ginagabayan at inilalayo sa anumang kapahamakan.
Ako ang kaibigan niyong guro…..., si Teacher Olive……, ang inyong guro sa
unang baitang.
Handa na ba kayong matuto sa araw na ito? Masaya ako at tayo’y sabay
A. Introduction -sabay na matututo ngayong araw. Bago tayo magpatuloy, manalangin muna
tayo….
In the name of the Father, and of the son , and of the Holy, Spirit Amen.
Angel of God, 
my guardian dear,
to whom God’s love commits me here,
ever this day be at my side,
to light and guard, to rule and guide. 
Amen.
In the name of the Father, and of the son , and of the Holy, Spirit Amen.

Ngayong araw, tayo ay maglalaro ng “Bring Me” Alam nyo ba kung paano ito
laruin? Magsasabi ako ng bagay at kukuha kayo nito at dadalhin sa mesa
ninyo. Handa na ba kayo?
Umpisahan natin.
Bring Me apat na kutsara, Kumuha ka ng 4 na kutsara at ilapag mo ito sa
mesa.
Nagawa mo ba ito ng maayos?
Magaling!
Bring me anim na tinidor….. Nakakuha ka ba ng 6 na tinidor? Wow ang galing
naman!
B. Presentation
Ipagpatuloy natin… Bring me walong plato….. Ilan ang dinala mong plato?
Kung walo ang dinala mong plato……Magaling!
Bring me sampung dahon….. ilan ang dinala mong dahon. Nadala mo ba ang
sampung dahon?
Yehey!!!!
Sumunod , Bring me 12 ipit ng damit…..
Nadala mo ba ang 12 ipit ng damit? Magaling!
Nag- enjoy ka ba sa laro natin? Masaya ba kayo sa ating laro?

Ngayong araw, pag-aaralan natin ang Kalahati o ½ ng Isang Set o Pangkat.


Ang kalahati ng set (1/2) ay isang parte ng set na hinahati sa dalawang
C. Discussion of the Lesson magkaparehas na bilang.
Ang pagkuha ng kalahati ng isang set, ay hahatiin ang mga bagay sa dalawang
magkaparehas na bilang.
Ngayon, bilangin ang mga bagay na nasa ibabaw ng mesa ninyo.
Unahing bilangin ang set ng kutsara. Ilan ang kutsara? May apat na kutsara.
Kung hahatiin mo ang kutsara sa dalawang pantay na bilang, ang isang bahagi
ay tinatawag na kalahati o ½.
Ngayon gawin natin ang paghahati sa 4 na kutsara. Hatiin natin ang 4 na
kutsara sa 2 pantay na bilang.
Para mas maintindihan ninyo, Laruin natin ang larong Sa akin, sa iyo!
Ang sa akin, sa iyo ay larong salitan ang pagbigay o pagkuha ng bagay
hanggang maubos ang bagay na kinukuha.
Umpisahan natin:
Sa apat na kutsara, kukuha ng isang kutsara si nanay, kukuha ka din ng 1.
Kukuha ulit si nanay ng 1, kukuha ka din ng isa. Hanggang
Ngayon bilangin mo ang kutsara na hawak ni nanay……. Ilan ang kutsara ni
nanay? Tama, dalawa ang kutsara ni nanay. Ang tawag sa bahagi ni nanay ay
kalahati o ½.
Bilangin mo din ang kutsara mo? Ilan ang kutsara mo? Dalawa din…. Ang
tawag sa bahagi na hawak mo ay kalahati o ½ din.
Gawin din natin ito sa iba pang bagay…..Ang anim na tinidor, kapag hinati sa
dalawang pantay na bilang, ito ay tatlo.
Ibig sabihin, ang tatlo ay kalahati ng anim o ½ ng 6 ay 3.
Ilan naman ang kal;ahati ng 8walong baso. Ang kalahati ng walong baso ay
4apat o ½ ng 8 ay 4.
Ilan naman ang kalahati ng sampung dahon? Ang sampung dahon kapag
hinati mo sa dalawang pantay na bilang ay lima. O ½ ng 10 ay 5.
Ngayon naman hatiin mo sa dalawang pantay na bilang ang labindalawang ipit.
Ilan ang kalahati ng labindalawang ipit?
Tama! Ang kalahati ng labindalawang ipit ay ay anim na ipit o ½ ng 12 ay 6.
Wow magaling mga bata! Palakpakan ang sarili!

Ipagpatuloy natin, tapos na tayong naglaro mga bata. Samahan naman natin si
nanay sa paghahanda ng meryenda.
Nagluto si Nanay ng labing-anim na toron. Tinawag mo ang kapatid mo upang
kumain ng toron. Sinabi ng nanay na maghati kayo sa toron. Ilan ang ibibigay
mong toron sa kapatid mo.
Sino ang nagluto ng toron? Ang nanay ang nagluto ng toron. Tama!
Ilang toron ang niluto ni nanay? Labing anim na toron
Bibigyan mo ba ang kapatid mo? Bakit mo sya bibigyan? Opo, bibigyan ko po
siya ng toron dahil masama ang maging madamot. Magaling, masama ang
maging mdamot at para hindi rin magutom ang kapatid mo. Di ba?
Ilan ang ibibigay mong toron sa kapatid mo?
Tama ,8 toron ang ibibigay mo sa kapatid mo. Dahil ang kalahati ng labing-anim
ay walo. o ½ ng 16 ay 8.
Dumating naman ang tatay mo, may pasalubong siya pa sa inyong
magkapatid. Sinabi ng tatay mon a maghati kayong magkapatid sa pasalubong.
Tiningnan mo ang laman ng bag ni Tatay. May dalawampung tsokolate, walong
tinapay at anim na mansanas.
Hahatian mo ba ang kapatid mo?
Ilan ang ibibigay mong tsokolate sa kapatid mo?
D. Skills Enforcement Magaling! , 10 tsokolate ang ibibigay mo sa kapatid mo dahil ang sampuay
kalahati ng dalawampu o ½ ng 20 ay 10.
Ilan naming tinapay ang ibibigay mo sa kanya? Apat na tinapay dahil ang
kalahati ng walo ay apat.o ½ ng 8 ay 4.
Ilang mansanas naman ang ibibigay mo sa kanya? ! tatlong mansanas ,
Tumpak! dahil ang kalahati ng anim ay tatlo o ½ ng 6 ay 3.
Magaling, palakpakan ang sarili!!!! (sound effect clapping)
Ipagpatuloy natin ang ating laro. Paunahang isulat sa papel ang wastong sagot
ng mga tanong ko.
1. Ano ang kalahati o ½ ng 8?(2x)
Kung isinulat mo ang apat 0 4, tama ka!
2. Ano ang kalahati o ½ ng 12? (2x) Tama anim o 6 ang ½ ng 12.
3. Ano ang kalahati o ½ ng 22? (2x) kung ang sagot mo ay labing -isa o
11. Yehey!!! Tama ka!
4. Ano ang kalahati ng 30?(2x) Magaling ang kalahati o ½ ng tatlumpu o
30 ay labing-isa o 15.
5. Ano naman ang kalahati o ½ ng isandaan 0 100? (2x) Kung ang sagot
mo ay 50. Tama ka!
Magaling! Palakpakan ang sarili!!!!

E. Wrap-Up Tandaan natin mga bata;


Ang set o pangkat ay grupo ng mga bagay.
❖ Ang kalahati ng set (1/2) ay isang parte ng set na hinahati sa dalawang
magkaparehas na bilang.
❖ Ang pagkuha ng kalahati ng isang set, ay hahatiin ang mga bagay sa
dalawang magkaparehas na bilang.
Ulitin ko mga bata at isaisip ito.
Ang set o pangkat ay grupo ng mga bagay.
❖ Ang kalahati ng set (1/2) ay isang parte ng set na hinahati sa dalawang
magkaparehas na bilang.
❖ Ang pagkuha ng kalahati ng isang set, ay hahatiin ang mga bagay sa
dalawang magkaparehas na bilang.

V. Reflections

Prepared by:

OLIVIA R. CONCEPCION
Teacher III

Checked:
MAY M. SIRIBAN
Master Teacher - 1

Noted:

MARIVIC C. ROSALES
Principal I

You might also like