You are on page 1of 1

Ang pananaliksik na ito ay naglayong malaman at matuklasan ang iba’t

ibang pamamaraan ng paglalapat ng mga hugot line at pick up line sa pagtuturo

ng Asignaturang Filipino sa Baitang 6 ng Hilagang Purok ng Dibisyon ng Lipa. Sa

pamamagitan ng pagsusurbey, pag-iinterbyu at istatistikang pagsusuri ng mga

tugon ng 100 guro, natukoy na mas mabisa ang paggamit ng hugot line at pick-

up line sa balagtasan, dula, tula, kasabihan at salawikain na akma sa pagpapalawak

ng talasalitaan at pag-unawa sa binasa. Samantala, ang mga akdang pampanitikan

gaya ng pabula, sanaysay, talambuhay, anekdota at parabola ay hindi mabisang

nalalapatan ng mga hugot line at pick up line. Inilahad din ang mga hakbangin sa

paggamit ng istratehiyang milenyal gamit ang hugot lines at pick-up lines.

Pinatunayan na may mahalagang pagkakaugnayan ang mga salik ng paggamit ng

hugot line at pick-up line sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Kung kaya’t may tiyak

na pagkakaiba ang pagtataya ng bisa ng paggamit ng mga hugot line at pick-up

line sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Nagmungkahi ang mananaliksik ng

gabay upang mas mapaunlad ang paggamit ng istratehiyang milenyal sa

pagtuturo ng asignaturang Filipino. Bukod dito, inirerekomenda na paigtingin ng

mga guro ng Panitikan at wikang Filipino ang pagsasagawa ng pamamaraan

para mailapit o mailapat sa tototong pangyayari sa buhay ang mga hugot at pick-

up line ganun din ang patuloy na pag-aaral ng mga bagong penomenon sa wika

na maaari nilang mailapat sa kanilang pagtuturo.

Mga susing-salita:Hugot Line at Pick-up Line;Istratehiyang Milenyal, Pagtuturo

ng Asignaturang Filipino

You might also like