You are on page 1of 11

GOLDEN GATE COLLEGES

Senior High School Department

MODYUL 1
PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T
IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Panimulang Mensahe

Para sa mga Mag-aaral:

Hindi maikakailang ang pag-aaral sa proseso sa pagsulat at pag-unawa ng iba’t ibang

teksto ay makapagpapalago sa iyong kaisipan. Isa rin ito sa mga hakbang upang makabuo at
makasulat ka ng isang sistematikong pananaliksik.

Sa kabila nang hinaharap natin na pandemya ngayon, ang institusyon ng Gintong

Tarangkahan kasama ang mga guro ay gumagawa ng mga hakbang tungo sa ikatatagumpay ng
pag-aaral ng mga mag-aaral sa Senior High School. Makatutulong ang modyul na ito sa pag-
unlad ng kaisipan patungkol sa Pananaliksik. Hangad ng modyul na ito na mabigyan ng sapat at
kalidad na mga gawain at impormasyon na kailangan upang makabuo ng mahusay na
pananaliksik.

Lesson
1
Tekstong Impormatibo
Introduksyon

SHS Learning Module

GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

Ang modyul na ito ay inihanda upang maging gabay ng guro at mag-aaral sa mga paksang tatalakayin,
mga gawaing isasagawa at mga pagsusulit na ibibigay sa bawat paksang matatalakay. Ang modyul 1 ay
kinapapalooban ng paksang Tekstong Impormatibo. Sa paksang ito, kakikitaan ito ng mga katulong na
paksa upang mas mapalalim at mapalawak pa ang pag-unawa sa paksang kalakip ng modyul na ito.
Mayroon ding mga inihandang gawain sa paksang tatalakayin na ang pinakadahilan ay upang maibigay sa
mga mag-aaral ang kasanayan sa pagpapalalim at pagpapalawak sa mga talakayan. Ang panghuli naman
ay ang pansariling pagtataya ng mag-aaral. Hangad ng modyul na ito na matamo ng mga mag-aaral ang
mga sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
1. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa.
2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri
ng tekstong binasa.

Paglinang
Magbigay ng mga salita na maaaring maiugnay sa salitang Impormatibo.

Impormatibo

Ang Tekstong Impormatibo

Mahalagang tanong:
Bakit mahalaga ang pagbabasa at pagsulat ng tekstong impormatibo?

Sa ano-anong pagkakataon sa taong buhay mahalaga ang mga kaalamang naihatid

ang ganitong uri ng teksto?

Alam mo ba?

• Maraming nag-aakalang mas nagugustuhan ng mga batang mag-aaral ang

magbasa ng mga tekstong naratibo tulad ng maikling kwento, tula, pabula, alamat, at iba
pa.
• Sa pag-aaral na ginawa ni Duke (2000), ang dahilan kung bakit hindi
gaanong nakapagbasa
SHS Learning Module ng tekstong impormatibo ang mga mag-aaral ay limitado lamang
ang ganitong uri ng mga babasahin sa kanilang kapaligiran.
GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

DAGDAG KAALAMAN!

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay

naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang
pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng mga hayop, isports, agham o
siyensya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon, at iba
pa.
Di tulad ng ibang uri ng teksto ang mga impormasyon o kabatirang inilahad
ng may- akda ay hindi nakabase sa kanyang sariling opinion kundi sa katotohanan at
mga datos kaya’t hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa
paksa.

Elemento ng Tekstong Impormatibo

1. Layunin ng may-akda. Maaaring magkakaiba-iba ang layunin ng may-akda

sa pagsulat niya ng isang tekstong impormatibo. Maaaring layunin niyang mapalawak pa
ang Learning
SHS Module
kaalaman ukol sa isang paksa; maunawaan ang mga pangyayaring mahirap
GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

2. Pangunahing ideya. Di tulad ng tekstong naratibo na hindi agad inihahayag

ng manunulat ang mga magyayari upang mapaabot ang interes ng mambabasa sa
kasukdulan ng akda, sa tekstong impormatibo naman ay dagliang inilalahad ang mga
pangunahing ideya sa mambabasa. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng
pamagat sa bawat bahagi- tinatawag din itong organizational markers na nakatutulong
upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.

3. Pantulong na kaisipan. Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop na

pantulong na kaisipan o mga detalye upang makatulong na makabuo sa isipan ng
mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.

4. Estilo ng Pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na

bibigyang-diin. Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak na pag-
unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang paggamit ng mga estilo o
kagamitang/sangguniang mabibigyang-diin sa mahalagang bahagi tulad ng sumusunod:
a. Paggamit ng mga larawang presentasyon- makatutulong ang paggamit ng
mga larawan, guhit dayagram, tsart, talahanayan, timeline, at iba pa upang higit na
mapalalim ang pag-unawa mga mambabasa.
b. Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto- nagagamit ditto ang mga
estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit, o nalalagyan ng panipi
upang higit na madaling makita o mapansin ang mga salitang binibigyang-diin sa babsahin.
c. pagsulat ng mga talasanggunian- karaniwang inilagay ng mga manunulat ng
tekstong impormatibo ang mga aklat, kagamitan, at iba pang sangguniang ginamit upang
higit na mabigyang diin ang katotohanang naging basehan sa mga impormasyong taglay
nito.

SHS Learning Module

GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

Mga Uri ng Tekstong Impormatibo

1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan. Sa uring ito, inilalahad ang mga
totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon. Maaaring ang pangyayari ay personal na
nasaksihan ng manunulat tulad ng mga balitang isinusulat ng mga reporter ng mga pahayagan o maaari
ding hindi direktang nasaksihan ng manunulat kundi mula sa katotohanang nasakisihan at pinatutunayan
ng iba tulad naman ng sulating pangkasaysayan o historical account. Ang uring ito ay karaniwang
sinisimulan ng manunulat sa isang mabisang panimula o introduksiyon.
2. Pag-uulat Pang-impormasyon. Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman
o impormasyon patungkol sa tao, hayop, at iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa
mga pangyayari sa paligid. Ang ilang halimbawa ay mga paksang kaugnay ng teknolohiya, global
warming, cyberbullying, mga hayop na malapit nang maubos.
3. Pagpapaliwanag. Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung
paano o bakit nagana pang isang bagay o pangyayari. Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga
impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan. karaniwan itong
ginagamitan ng mga larawan, dayagram, o flowchart na may kasamang mga paliwanag.

Pagpapalawak

Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano-ano ang katangian ng isang tekstong impormatibo?

_____________________________________________________________

________________________________________________________

2. Sa paanong paraan magiging epektibo pang maiparating ng manunulat

ng isang tekstong impormatibo ang mahalagang impormasyon sa kanyang
mambabasa?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_________________________________________________________

3. Bilang isang mag-aaral, paano makatutulong ang pagbasa ng tekstong

impormatibo?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
Learning Module
SHS _____________________________________________________________
GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

Pamantayan sa Pagwawasto/Pagmamarka ng gawaing pasulat

Gawain 2
Panuto: Tingnan nang mabuti ang larawan, ipaliwanag kung tungkol saan ito. Gamitin ang mga
elemento sa pagbuo ng isang tekstong impormatibo.

SHS Learning Module

GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

PAMAGAT

__________________________________________________________________

Gawain 3
Panuto: Bumuo ng isang teksto na
naglalahad ng isang mahalagang
pangyayaring naganap sa
pamayanang iyong
kinabibilangan. Maaring
magsagawa ng mga panayam sa

SHS Learning Module

GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

mga nakatatanda o di kaya’y humingi ng kopya ng mga dokumentong naitago, maging

mahinahon sa pagsasagawa nito.

PAMAGAT

______________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagwawasto/ Pagmamarka ng gawaing Pasulat
(Gawain 2 at 3)

Krayterya PINAKAMAHUSAY MAHUSAY PAGBUTIHIN PA

10 5 3
Nilalaman Nakapagsusulat at Sapat ang Hindi sapat ang
nakapagtatalakay nang pagtatalakay sa nilalaman ng sulatin at
sapat na nilalaman sa nilalaman ngunit kapos hindi nakapagpalawig
isang kawili-wiling sa mas malinaw na sa pagtalakay ng
paraan at may pagpapaliwanag ng paksa.
kakayahang nakatalagang paksa.
magpaliwanag.
Pagsasaayos Gumamit ng estilo sa May estilo sa pagsulat Mali ang gamit ng mga
ng mga ideya pagsulat nang may at marunong pumili salita at may kalituhan
kahusayan; may nang wastong mga sa pagsunod sa
kakayahang gumamit salita subalit may ilang panuntunan ng
nang wastong salita at mga pagkakamali at gramatikang Filipino.
gramatika. pagkukulang sa
pagsunod sa
gramatikang Filipino.
Kabuuan ng Mabisa ang kaisipang May katamtamang bisa Hindi naging mabisa
mga ideya inilahad ang kaisipan ang kaisipang
inilalahad

Kalinisan Malinis ang pagkasulat Malinis ang Malinis ang pagkasulat

na walang pagbubura pagkakasulat na may na may 2-3 pagbubura
isang pagbubura

Paglalapat

Gawain 4

SHS Learning Module

GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

Panuto: Sa pamamagitan ng larawang makikita sa ibaba, bumuo ng isang tekstong Impormatibo na

kakikitaan ng pagpapaliwanag.

PAMAGAT

_____________________________________________________________________________________

Pagtataya
Panuto: Ibigay ang hinihinging sagot sa bawat tanong. Isulat sa patlang bago ang bilang.

SHS Learning Module

GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

________________1. Uri ng tekstong impormatibo na naglalahad ng mga totoong pangyayari

nagaganap sa isang panahon.
________________2. Masayang-masaya si Ginang Pinagpala sa balitang nasa pahayagan hawak
niya. Sinasabi ritong “Si Pia Wurtzbach ay nagwagi bilang Ms. Universe 2016.” Anong uri ng
tekstong impormatibo ito?
________________3. Elemento ng tekstong impormatibo kung saan layunin niyang mapalawak
pa ang kaalaman ukol sa isang paksa; maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag,
matuto ng maraming bagay ukol sa mundo at iba pa.
________________4. Hindi gaanong nakapagbabasa ng tekstong impormatibo ang mga mag-
aaral sa kadahilan na limitado lamang ang ganitong uri ng mga babasahin sa kanilang
kapaligiran. Sino ang nagsagawa ng pag-aaral na ito?
_______________5. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang
malinaw at walang pagkiling sa isang paksa.

Pagpapahalaga
Panuto: Bumuo ng isang slogan kung saan makikita ang kahalagahan ng tekstong impormatibo
sa buhay ng isang tao. Ilagay ito sa hugis bituin na makikita sa ibaba.

SHS Learning Module

You might also like