You are on page 1of 6

Sosyedad at Literatura

Module 4
Experience Total Human Formation

MODYUL 4:
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN (BILANG
INSTRUMENTO)

KURSO: Komunikasyon sa Akdemikong Filipino


DISKRIPSYON NG KURSO: Ang Filipino 1 ay isang metalinggwistik na pag-aaral sa
gamit ng akademikong Filipino sa iba’t ibang sitwasyon at larangan. Sa paraang
interdisiplinaryo at interaktibo. Inaasahang malilinang sa mga mag-aaral ang mga
kailangang kaalaman at kasanayang komunikatibo: pakikinig, pagsasalita, pagbasa,
pagsulat, at panonood.

Modyul 1: linggo 1
Instruktor: MS. CLARISSA A. PACATANG
STUDYANTE:

1
Instructor’s contact No: 0935 824 2385 E-mail address: clarissa.pacatang@lsu.edu.ph
Landline:(088) 521 0342 local Mobile:
LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Sosyedad at Literatura
Module 4
Experience Total Human Formation

Oberbyu
Inaasahang mauunawaan at malilinang sa mga estudyante ang mga kailangang kaalaman at
kasanayan sa paggamit ng Filipino sa lalong mataas na edukasyon.

Pangkabuuang Alituntunin
Inaasahan na masinsinang susundin ng mga estudyante ang mga pangkabuuan at ispisipikong mga
alituntunin na nakasaad sa bawat kruso. Kasali na rito ang tatlong (3) modyul sa isang grading
period at siyam (9) sa isang semester. Bawat modyul ay inaasahang makumpleto sa loob ng limang
oras para sa isang three-unit na kurso,
I.A. PAGPASA NG MGA TAKDANG-ARALIN AT IBA PANG KAHINGIAN
▪ Kailangang matapos ng mga estudyante ang kanilang mga takdang-aralin/kahingian asa
loob ng nakasaad na iskedyul.
▪ Bibigyang konsiderasyon ang mga mahuhuling takdang-aralin/kahingian kapag balido
ang mga rason gaya ng pagkakasakit, aksidente, pagpanaw ng malapit na kamag-anak at
iba pa.
▪ Hindi na tatanggapin ang mga gawaing ipapasa kapag lagpas na o tapos na ang summutive
exam.
▪ Lahat ng mga Gawain ay kailangang ipasa sa CANVAS o sa drop-off area ayon sa nakasaad
na skedyul.
▪ Isulat ang mga sagot sa mga espasyong nakalaan para rito na matatagpuan sa Apendiks B.
I.B. ACADEMIC HONESTY AND PRIVACY
▪ Gamitin lamang ang mga babasahin at iba pang kagamitan sa pagkatuto sa kursong
nakalaan para rito.
▪ Kailangang sariling gawa ng mga estduyante ang kanilang mga sagot sa mga gawain,
pagsusulit, eksam at iba pang kahingian maliban na lamang kung pangkatang gawain ito.
▪ Pagmamay-ari lamang ng isang estudyante ang kanyang mga sagot sa mga gawain,
pagsusulit, eksam at iba pang kahingian.

Layunin
Sa katapusan ng pag-aaral ang mga estudyante ay inaasahang:
1. natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa telebisyon at
pelikula
2. Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
3. Nawiwili sa pagbuo ng patalastas na nagtatampok sa mga pagpapahalaga o tradisyong Pilipino
2
Instructor’s contact No: 0935 824 2385 E-mail address: clarissa.pacatang@lsu.edu.ph
Landline:(088) 521 0342 local Mobile:
LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Sosyedad at Literatura
Module 4
Experience Total Human Formation

Pagtuklas
ANG WIKA (BILANG INSTRUMENTO)

WIKA BILANG INSTRUMENTO NG IBA'T 1BANG LAYUN1N AT PAGKAKATAON


Malaiki ang ginagampanan ng wika sa buhay ng tao. Ito ay may iba't ibang gamit sa lipunan
na natutulong sa tao upang mabisang makipag-ugnayan o makipagtalastasan sa kaniyang kapwa. Ito
ay maaaring gamitin upang ipahayag ang iba't ibang layon, pakay, o tunguhin. Ito ay maituturing na
instrumental dahil natutugunan nito ang pangangailangan ng tao tulad ng sumusunod:
pagpapahayag ng damdamin kaugnay sa pasasalamat, pag-ibig, galit, kalungkutan, pagpapatawad,
sigla, pag-asa, at marami pang iba; panghihikayat upang gawin ng kausap ang nais na tupdin o
mangyari; direktang pag-uutos; o pagtuturo at pagkatuto ng maraming kaalaman at karunungang
kapaki-pakinabang.

Wika ang Daluyan ng Saloobin at Pagkatao


Ginagamit natin ang wika para magpahayag hindi lamang ng mensahe kundi ng ating saloobin.
kadugtong ang damdamin at isip, na kung ano ang nais sabihin, iyon talaga ang damdamin, walang
ng pagkukunwari. Si Prospero Covar ang nagsabing magkakaugnay ang loob, labas, at lalim ng ating
katao. Inihambing niya ang kaakuhang Pilipino sa isang banga. Sabi niya:
Ang katawan ng tao ay parang isang banga. Ang banga ay may labas, loob, at ilalim.
Gayundin naman ang kaluluwa ng tao. Sisidlan na banga. Ang laman nito ay kaluluwa. Sa ilalim
tumatahan ang kaluluwa, kaniig ng budhi (Covar, 1998: 10).
Samakatwid, may kaisahan ang lahat ng salik ng pagkatao habang tayo ay nakikipag-usap. Mas ging
awtentiko ang komunikasyon kung nakikita natin nang harap-harapan o kausap nang personal ating
katuon. Makikita natin sa kilos o galaw ng katawan, tono ng boses, at ekspresyon ng mukha
balidasyon kung sinsero o hindi ang ating kausap. Ganito ang ilustrasyon ng kaisahan ng pagkataong
ino batay sa dalumat ni Covar (2007:78):

3
Instructor’s contact No: 0935 824 2385 E-mail address: clarissa.pacatang@lsu.edu.ph
Landline:(088) 521 0342 local Mobile:
LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Sosyedad at Literatura
Module 4
Experience Total Human Formation

Wika ng Panghihikayat at Pagganap


Makapangyarihan ang wika para hikayatin ang mga tao na kumilos o gumanap at tupdin ang
tungkuhr Pinakamabisang halimbawa kung paano nagagamit ang wika sa ganitong paraan ay ang
pagsusuri sa patalastas. Bakit tayo napapabili ng mga produkto na nakikita natin sa diyaryo o
magasin, napapanood telebisyon, o naririnig sa radyo? Anong halina mayroon ang mga produktong
ito? O kava'y mas tam" itanong—anong panghahalina ang nagagawa ng wika upang
impluwensiyahan ang mga tao na gumaw ng desisyon o kumilos tungo sa ipinahihiwatig na mensahe
o tunguhin?
Tinatawag na speech-act (malayang bigkas-pagganap) ang paggamit ng wika ng isang tao
upang paganapin at direkta o di-direktang pakilusin ang kausap niya batay sa nilalaman ng mensahe
(Jaworowska, n.d.). Ang bigkas-pagganap ay hango sa teorya ni John I,. Austin. Sa kaniyang teorya
(1962), nahahati sa tatlong kategorya ang bigkas-tungong-pagganap:
1. Literal na pahayag o lokusyunaryo: Ito ang literal na kahulugan ng pahayag. Halimbawa: "Tama na!"
2. Pahiwatig sa konteksto ng kultura't lipunan o ilokusyunaryo: Ito ang kahulugan ng mensahe batav
sa kontekstong pinagmumulan ng nakikinig at tumatanggap nito.
Halimbawa:
Ang "Tama na!" ay maaaring mangahulugang:

• tumpak, totoo, o kapani-paniwala


• itigil na, tapusin na, sa konteksto ng pagkainis o galit para pigilan o tapusin na ang ginagawang
di katanggap-tanggap
• mula sa mali o sablay, hinihintay na maging tama, sa konteksto halimbawa ng pagtitimpla ng
niluluto

4
Instructor’s contact No: 0935 824 2385 E-mail address: clarissa.pacatang@lsu.edu.ph
Landline:(088) 521 0342 local Mobile:
LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Sosyedad at Literatura
Module 4
Experience Total Human Formation

3. Pagganap sa mensahe o perlokusyunaryo: Ito ang ginawa o nangyari matapos mapakinggan o


matanggap ang mensahe.
Halimbawa:
Ang pagsasabi ng pahayag na "Tama na!" ay maaaring magbunga ng pagtigil ng isang tao sa kaniyang
ginagawa.

Paglinang
Gawain 1: Tingnan ang mga sumusunod na tagline ng mga sikat na produkto. Gumawa ng sariling tagline ng
ga sikat na produkto.

PRODUKTO TAGLINE

Max’s Restaurant 1.

Cobra Energy Drink 2.

Globe Telecom 3.

Mang Inasal 4.

Biogesic 5

Pagtataya

A. Basahin ang liriko ng isa sa mga patalastas ng McDonald’s n amula sa “Handog” ni Florante de Leon.
Panoorin ang video nito sa https://www.youtube.com/watch?v=PQI6nJLa8. Pansinin ang mga kilos at
pinakita sa video kaugnay ng mensaheng nais ipaabot ng patalastas.

5
Instructor’s contact No: 0935 824 2385 E-mail address: clarissa.pacatang@lsu.edu.ph
Landline:(088) 521 0342 local Mobile:
LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Sosyedad at Literatura
Module 4
Experience Total Human Formation

Love Namin Kayo

Parang kalian lang


Ang mga pangarap koy kayhirap abutin

Dahil sa inyo
Napunta ako sa aking nais marating
Nais ko kayong pasalamatan
Kahit man lang sa isang awitin
Tatanda, at lilipas din ako
Ngunit mayro;ng awiting
Para lamang sa ating alaala
Sana lagi tayong magkasama

B. Gumawa ng orihinal na jingle o kanta na napapatungkol sa pagpapahalaga o tradisyong


natatangi ng mga Pilipino.

Pagpapayaman

1. Matapos ang pagtatalakay ng araling ito, natutuhan ko ang mga sumusunod:


__________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
________________________.

Reperensya
Rogelio Valenzuela (2016). SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Quezon City. C&E Publishing Inc.
Angelina Santos et al., (2012) Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon. Malabon City. Mutya Publishing
House Inc.
Alma M. Dayag (2017) Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Quezon City. Phoenix Publishing House Inc.
Servillo T. Marquez (2016) Komunikasyon at Pananaliksik sa WIKA at KULTURANG PILIPINO. Quezon
City. SIBS Publishing House Inc.

6
Instructor’s contact No: 0935 824 2385 E-mail address: clarissa.pacatang@lsu.edu.ph
Landline:(088) 521 0342 local Mobile:
LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157

You might also like