You are on page 1of 4

Banghay –Aralin

Grade 8– Filipino
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mga mag-aaral ng pag-
unawa sa mga akdang pampanitikang lumaganap sa Panahon ng Amerikano,
Komonwelt at sa Kasalukuyan.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong
tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan.
l- Layunin
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. Nasusuri ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa napakinggang maikling
kuwento;
b. Naitatala ang mga katangiang ng isang mabuting pinuno sa kasalukuyang
panahon na may pagkakatulad sa paksang Reyna Matapat;
c.Naisasabuhay ang isang sariling karanasan sa kasalukuyang panahon tungkol sa
pagiging isang mabuting pinuno.

II. Paksang – Aralin


a. Paksa “ Reyna Matapat” (Makling Kuwento)
b. Sanggunian: Kalinangan Workteks Sa Filipino ( Wika at Panitikan) Para Sa
Hayskul Pp. 61 – 62 ni Aida M. Guimarie.
c. Kagamitan: Aklat, gunting, pandikit, marker,kartolina at tsart

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda

 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng liban
 Pampasiglang Gawain (maikling sayaw)
 Pawawasto ng Takadang – aralin
2. Balik –Aral
1. Tungkol saan Ang Alamat Ng Pinya?
2. Magbigay ng mga halimbaw ng mga alamat?
3. Pangganyak
“Ilahad ang Larawan ko!”

 Ilahad ng guro ang larawan ng isang pinuno na may mga


katangiang taglay.
 Magpaliwanag ng (2) dalawang minute ang guro ng mga
katangian ng pinuno

B. Paglalahad ng Aralin
1. Presentasyon ng Layunin
2. Talasalitaan

lider maingat paminsan pumunta naabutan masipag

Panuto: Hanapin sa puso ang kasingkahulugan ng mga salita sa


pangungusap na may salungguhit,idikit ito sa mga patlang
bago ang mga bilang.
_________________1. Mabuting pinuno si Reyna Sima sa lalawigan ng Kutang – Bato.
_________________2. Mahigpit na ipinatutupad ng Reyna ang pagiging masinop sa
kaniyang mga nasasakupan.
_________________3. Dumalang ang pagdating ng mga dayuhan sa Kutang – Bato
dahil sa pangangalakal.
_________________4. Nagtutungo sa palasyo ni Reyna Sima.
_________________5. Muling nadatnan ng may-ari sa lugar na kaniyang pinag-iwanan
ang supot na ginto.

C. Talakayan
1. Gawain (Aktibiti)
Panuto:” Halika, Gawin natin!”

 Papangkatin ang klase sa dalawang pangkat bawat pangkat ay


bumuo ng maikling pagsusuri tungkol sa mga katangiang taglay
ng tauhan sa maikling kuwentong binasa.
 Pagkatapos ilahad ang mga napupulot na aral sa bawat
katangiang taglay ng pinuno sa akda.
 Bibigyan ng (3) tatlong minute sa paghahanda at (2) dalawang
minute sa presentasyon sa harap ng klase.

PAMANTAYAN

Nilalaman_______________15puntos
Pagkakaisa_______________10puntos
Presentasyon______________5puntos
Kabuuan__________________30puntos
2. Pagsusuri(Analisis)
1.Tungkol sa ginawang pangkatang gawain bilang isang individwal paano
mo maisasabuhay ang mga katangian ng isang mabuting pinuno?
2. Ano ang kahalagahan ng pagiging isang mabuting pinuno?
3. Paglalahat(Abstraksyon)
1.Ano-ano ang mahigpit na pinag-utos ni Reyna Sima sa kaniyang mga
tauhan?
2.Paano pinamunuan ni Reyna Sima ang kaniyang nasasakupan?
3.Naging matagumpay bas i Reyna Sima sa kaniyang mga naging
panukala sa lalawigan ng Kutang Bato?
4.Bilang isang indibidwal na mamayang tao, paano mo maisasabuhay ang
pagiging isang mabuting pinuno sa kasalukuyang panahon?
D. Paglalapat(Aplikasyon)
Panuto: “ Halika,Itala mo Ako!”

 Bawat pangkat ay magtala ng mga katangiang gusto ninyo sa isang


pinuno,gamit ang tsart.
 Ipaliwanag bawat katangian na gusto mo at naitala na.
 Bibigyan ng (3)tatlong minuto sa paghahanda at (2) dalawang
minuto sa presentasyon sa harap ng klase.

Mga Mga
Katangian Katangian
ng isang ng isang
pinuno pinuno

PAMANTAYAN
Nilalaman__________________15puntos
Pagkakaisa_________________10puntos
Presentasyon_________________5puntos
Kabuuan____________________30puntos
IV. Pagtataya
Panuto: Tama O Mali: Isulat sa kalahating papel ang Tama O Mali ang
sumusunod na mga pahayag.Isulat ang mga sagot sa patlang bago ang bilang.
______________1. Hindi tapat sa tungkulin si Reyna Sima.
______________2. Bago paman dumating ang mga Tsino, nakikipagkalakalan na ang
mga dayuhan sa bayan ng Kutang –Bato.
______________3. Isang supot na diyamante na pagmamay-ari ng Tsino ang naiwan
sa palasyo ni Reyna Sima.
______________4. Hindi nawawalan ng mga gamit ang mga mangangalakal sa
nasabing lalawigan.
______________5. Pinatawan ng kaparusahan ang mga lumabag sa mga ipinag-uutos
ni Reyna Sima.
V. Takdang- Aralin
Panuto: Gumuhit ng isang larawan ng pinuno na may mabuting nagawa sa inyong
lalawigan, ipaliwanag ang mga nagawang kabutihan ng pinuno na ito.
Isulat at iguhit ito sa isang buong papel.

PAMANTAYAN
Nilalaman--------------------15puntos
Kalinisan sa pagguhit----10puntos
Kabuuan--------------------25 puntos

Inihanda ni: Lynie Vic Sarael

You might also like