You are on page 1of 1

EPEKTO NG MGA ONLINE GAMES SA MGA

MAG-AARAL
I.PANIMULA
Tila magkakaiba na ang larawan ng kabataan noon sa larawan ng kabataan ngayon. Sa pag
daan ng ng panahon at pag-unlad ng teknolohiya, ang mga hilig ng kabataan ay nag-iiba narin,
marami na namang maituturing na benipisyo ang kompyuter sa buhay ng tao. Ipinakikita nito na
ang teknolohiya ay siguradong makakatulong sa buhay ng tao, sa antas ng karunungan, sa pagkat
maraming kaalaman ay maaaring makuha mula sa paggamit ng kompyuter.
Ang adhikain ng pag-aaral na ito ay ang bigyan ang mga kabataan ng naturang impormasyon
tulad ng epekto ng paglalaro ng online games at ang mga masasamang epekto nito sa kanilang
pag-aaral at pisikal na kalusugan at pag-iisip. Nais ng pangkay na maituro sa libu-libong
kabataang mahilig na sa paglaro ng online games ang tamang paraan upang makaiwas sa sobrang
pagkahumaling sa paglalaro ng online games.Nais din ng mananaliksik na maipaliwanag ng
mahusay na mayroong mga epekto ito sa kanilang buhay at pag-aaralang karapat dapat nilang
paglaanan ng oras. (ACADEMIA.EDU).

Sa panahon natin ngayon ang online games ay nagsisilabasan at sa kalaunan ito’y sumisikat
halimbawa na lamang nito ay Mobile Legends, ang larong ito ay sikat sa ibat-ibang panig ng
bansa. Ang online games ay labis na nakakaabala sa mga mag-aaral dahil nawiwili silang
gamitin ito.

You might also like