You are on page 1of 2

TEXT OF REPORT IN

FILIPINO
IPINASA NI:
CAMILLE A. PALMERA
IV-BEED1
IPINASA KAY:
G. ELEAZAR SUNE
GURO

KAILANAN NG PANGHALIP
Ang kailanan ay tumutukoy sa bilang ng taong kinakatawan ng panghalip. Nasa
kailanang isahan ang panghalip na panao kung tumutukoy sa sa isang tao; dalawahan kung
dalawa ang tinutukoy at maramihan kung tatlo o higit pa ang tinutukoy.

Narito ang tsart ng mga panghalip panao sa iba’t ibang anyo. Pinagiiba rin sa tsart
ang mga panghalip ayon sa panauhan o kung sino ang tinutukoy: unang panauhan
(kumakausap), ikalawang panauhan (kinakausap), at ikatlong panauhan (pinaguusapan).
Tulad ng nabanggit na ang pag-iiba-iba ng anyo ng panghalip ay naaayon sa kaukulan
ng pangalang hinahalipan. Kapag ang pangalang hinahalipan ay nasa anyo ng ang, ang
panghalip na maihahalili ay nasa anyong ang din. Halimbawa ng pangungusap:
• Ang Unang Ginang ng bansa ay masigasig na taga-taguyod ng kapakanang
pangmadla.
ay magiging
• Siya ay masigasig na tagataguyod ng kapakanang pangmadla.
Kung ang pangalang hinahalipan ay nasa anyong ng, ang panghalip na maihahalili ay
dapat na nasa anyong ng din. Halimbawa ng pangungusap:
• Malaki at mataba ang mga baboy na alaga ni Mang Inggo.
ay magiging
• Malaki at mataba ang mga baboy na alaga niya.
Samantala naman, kung ang pangalang hinahalipan ay nasa anyong sa, ang panghalip na
magagamit ay yaong nasa anyong sa rin. Halimbawa ng pangungusap:
• Ang aklat para sa guro ay tungkol sa industriya at ekonomiya ng bayan.
ay magiging
• Ang aklat para sa kanya ay tungkol sa industriya at ekonomiya ng bayan.
Makikita sa tsart na nasa loob ng mga pangulong ang mga panghalip na dalawahan:
kata, nita, at kanita. Ang mga panghalip na ito ay matandang tagalog na tumutukoy sa
taong kumakausap at sa taong kinakausap. Ang kata ay nangangahulugan ng ikaw at ako;
ang nita ay nangangahulugan ng pinagsamang ko at mo; at ang kanita ay nangangahulugan
ng akin at iyo.
• Kata ay magpupundar ng maliit na negosyo.
Ang kata ay maaaring gawing
• Ikaw at ako ay magpupundar ng maliit na negosyo
Mga halimbawa ng pangungusap:
Halimbawa ng Isahan:
1. Ako ay Filipino.
2. Ikaw ay may karapatan at tungkulin sa bayan
3. Siya rin ay marunong sumunod sa batas.
4. Nararapat ka bang bigyan ng gantimpala?
Halimbawa ng Dalawahan:
1. Pinapatawad na kita.
2. Kata ang magdala ng mga paninda ni Nanay.
Halimbawa ng Maramihan:
1. Tayo ay maligo sa dagat.
2. Kami ay sasama sa pangunguha ni Tatay ng mga buko.
3. Sila lamang ang magbabakasyon sa probinsiya.

You might also like