You are on page 1of 21

Orihinal na akda ni

Methushela B. villasencio

Nawawalang Himig

Buod: May mga pagkakataon sa bawat bagay, may simula sa bawat

katapusan pero ang minsang bagay ba na iniwan mo ay pwede mo pa bang

balikan at ang nang-iwan ba ay may babalikan pa?

Mga Tauhan : Kamenashi Kazuya, Akanishi Jin, Taguchi Junnosuke, Tanaka

Koki, Ueda Tatsuya, Nakamaru Yuichi, Yamashita Tomohisa , Nishikido Ryo


Disclaimer : Hindi ko sila pag-aari.

A/N : Ang mga naka-italic na mga salita ay ang iniisip ng bawat tauhan sa

kuwento.

Baka – Japanese na salita na nangangahulugang tanga.

San – Japanese na salita na pagrespeto sa tao.

Unang Kabanata

Maaliwalas na tanawin, preskong hangin, maberdeng mga puno at

nagsisiksikang tao sa labas ng airport ang nakikita ni Jin habang naghihintay

ng taxi na masasakyan.

Tumawag siya ng taxi dala ang kanyang mga bagahe.

Jin : “Manong sa South Central Shibuya nga po.” Pakiusap ni Jin sa driver ng

taxi.

“Hindi pa rin nagbabago ang Japan nu, sa hugis at anyo nito.

Industriyalisado pa rin ngunit disiplinado pa rin ang mga tao. Hindi ko

ipagkakait na nagagalak talaga akng bumalik” dugtong ni Jin kunwari’t

nakikipag-usap sa driver ng taxi.

Sila kaya? Ganun pa rin ba kaya sila?

Hindi na hinangad ni Jin na makikipagkuwentuhan sa kanya ang

driver total naman Japan ito at hindi Amerika. Ngunit sa hindi niya malamang

dahilan biglang nagsalita ang taxi driver


Driver : “Sir pwede po bang magtanong?”

Nabigla si Jin sa hirit ng driver sa kanya pero pinatulan niya na lang ito

total maganda naman ang pagkasabi.

Jin : “Ano naman poi yon?”

Driver : “Taga rito po ba kayo o dayo po?”

Jin : “Taga rito po talaga ako pero parang dayo na rin kasi nawala ako ditto

ng dalawang taon. Bakit po ba? Mukha nap o ba talaga akong dayuhan o

may kapareho lang ako ng mukha na celebrity ditto sa Japan?” pabirong

tanong ni Jin sa Manong driver.

Driver : “Ah wala naman po pero para po kasing kamukha ninyo ang iyong

isang miyembro ng KAT-TUN.”

Hindi na narinig ni Jin ang kasunod na sinabi ni Manong driver ng

marinig niya ang salitang KAT-TUN. Bigla na lang siyang tumahimik dahil sa

bigla siyang nakaramdam ng kaba sa kanyang dibdib. Bigla na lang niyang

naalala ang mga katagang pumatay sa puso’t isipang niya noong mga

panahong nasa Japan pa siya.

“Kung aalis ka, huwag ka ng bumalik pa dahil wala ka ng babalikan”

Siguro galit pa rin siya. Hindi niya pa rin yata ako mapatawad . Pero

kailangan ko silang balikan, kailangan ko siyang balikan upang

maipaliwanag ko sa kanila lahat.

Driver : “Sir nandito na po tayo.”

Jin : “Ah opo. Salamat po pala sa paghatid.” Pasalamat naman ni Jin sa driver

dahil sa pagkuha ng mga gamit niya sa taxi. “At saka nga po pala hindi na po
ako kasali sa bandang iyon pero asahan ninyo po na babalik po ako. Paalam

po.” Dugtong ni Jin sa nanlalaking mata ng driver.

Nandito na ako Japan. Magbabalik na ang A ng KAT-TUN, magbabalik

na si Akanishi Jin.

***********

Sa rehearsal studio naman ng KAT-TUN nagpapahinga ang limang miyembro

nito na sina Kame, Junno, Koki, Ueda and Maru. At ang kaibigan nila na nasa

bandang NEWS si Yamapi.

Kamenashi : “Sige na Pi, mag-inuman na tayo. Lumabas tayo total naman

kakagaling mo lang ng Hong Kong. SIge na.” hiling ng kaibigan na maririnig

ang boses nito sa kabilang kuwarto.

Yamapi : “Hindi pwede ngayon Kame, marami pa akong gagawin para sa

konsiyerto ko. At saka may….” Napahinto si Yamapi ng maisip na hindi pala

pwedeng malaman ng grupo na may darating.

Nakamaru : “Oh ano na Pi bakit ka na napahinto diyan?”

Taguchi : “Tigilan ninyo nga lang si Yamapi. May date iyan kaya ganyan hindi

niya lang masabi sa atin dahil nahihiya siya.”

Tanaka : “Kaya naman pala. Huwag kang mag-alala Pi hindi ka namin

iistorbohin.”

Pero si Ueda ay nakahalata sa biglang paghinto ni Yamapi na tila

natatakot sa maging mangyari.

Ueda : “Kung kailangan mo ng tulong nandito lang kami.” Bilin ni Ueda sa

kanyang kaibigan.
Kamenashi : Ano ba naman iyan Ueda para naming ang laki ng problema oh.

Pero pangako mo Pi ha pagwala ka ng date labas tayo. Okay?” pakiusap niya

ulit sa kaibigan na tila hindi nakikinig sa mga pinagsasabi nila.

Umalis si Yamapi ng may pag-aalinlangan sa sarili dahil di niya masabi

sa kaibigan niya na darating siya. ‘Bakit pa kasi bumalik ka Bakanishi?’

tanong niya sa sarili. Sa hindi pa siya makaalis sa agency nila nilapitan siya

ni Ueda.

Ueda : ”Alam ko na may problema ka Pi. Bakit naman hindi mo masabi sa

amin?” biglang tugon ni Ueda sa kaibigan.

Yamapi : “Hindi ka talaga mapagtataguan ng emosyon Ueda pero wala lang

to kaya ko na ito. At saka hihingi naman ako ng tulong pag hindi na kaya.”

Pagwawalang bahala na sabi ni Yamapi kay Ueda.

At pagkatapos ng maikling usapang iyon ay umalis na si Yamapi

habang nakatayo na nagtatanong pa rin sa sarili si Ueda kung ano talaga

ang nangyari.

Tanaka : “Bakit ba lagi ka na lang umiinom kapag ganitong araw ng buwan,

ika-2 ng

Marso. Kazu hinihiling mo pa rin ban a bumalik siya?”

Nakikita ni Tanaka na nahihirapan pa rin ang kaibigan niya sa pag-alis

ng kaniang kaibigan dalawang taon na ang nakalipas. At pangalawang taon

na ito na wala siya sa grupo nila at nasanay na rin siyang wala ito pero si
Kamenashi iba siya. Pinahahalagahan niya ng mabuti ang bawat araw na

kasama niya ito kaya siya ang mas nasasaktan sa pangyayari.

Kamenashi : “Bakit ganoon Koki, dalawang taon na ang nakalipas pero hindi

ko pa rin maalis sa isipan ko ang pagkamuhi ko sa taong iyon. Hindi ako

naglalasing dahil gusto ko siya bumalik kundi dahil gusto ko na siyang

mawala sa isipan ko.” Kuwento ni Kame kay Koki sabay inom sa isang baso

ng beer.

‘Hindi ko kailan man hinahangad na bumalik siya Koki. Kung alam mo

lang kung anong klaseng galit ang nararamdaman ko pagnaiisip ko siya.’

Biglang naputol ang paglalahad ni Kamenashi sa kanyang sarili ng tanungin

siya na Koki.

Tanaka : “Paano kung bumalik siya?”

Napaisip bigla si Kamenashi. Paano nga ba kung bumalik si Akanishi

Jin, ang pinakamumuhian niyang tao sa balat ng lupa.

Kamenashi : “Ibabaon ko siya ng buhay Koki kaya huwag na huwag siyang

magpapakita sa akin.”galit na paalala ni Kamenashi sa kaibigan at umalis

bigla ng bar.

Makasarili ka Akanishi Jin. Inuna mo pa ang Amerika kaysa sa mga kaibigan

mo. Hinding-hindi kita mapapatawad.

Ikalawang Kabanata

Habang naghihintay si Jin sa may-ari ng bahay na tutuluyan niya

pinakinggan niya muna ang kanyang IPOD.


You can say goodbye

To all the things that you have ever known

You can say goodbye

And leave behind the life that you have grown

Ano kaya ang gagawin niya kapag nakita niya ako? Napaisip si Jin

habang nakatitig sa malayong dako ng kanyang puso.

What's the point?

You try to start from scratch but get let down

You can say goodbye

Just to realize there's no one left around

So what am I fighting for?

*Flashback*

“Makasarili ka pala eh, akala ko ba kaibigan kita tapos iiwan mo lang

kami para sa lang umosbong ang career mo sa Amerika?” galit na tanong ni

Yamapi sa kaibigan niyang hindi niya maintindihan.

Halata na sa mukha ni Yamapi ang pagkagalit sa kaibigan.

Si Yamashita Tomohisa ang isa sa pinakamatalik na kaibigan ni Jin na

lagi ka niyang katuwang sa lahat ng bagay. Kaya ang pag-amin ni Jin na aalis

siya ay napakasakit sa kanya.

Yamashita : “Naririnig mo ba ang sarili mo Akanishi Jin? Pupunta ka ng

Amerika at hindi na babalik sa KAT-TUN? Hindi mo naman kailangang iwan


ang grupo para lang sa career mo. Maganda na ang career mo dito Jin. Ano

pa bang kailangan mo?”

Akanishi : “Yamapi, alam mo naman na matagal ko ng pangarap ang

Amerika di ba? Kaibigan kita kaya alam ko na maiintindihan mo. Bakit ka

ganyan Pi? Akala ko rin ba na susuportahan mo ako sa lahat ng bagay?”

Yamashita : Tama ka Jin pero ang pag-alis mo at iwan ang mga kaibigan ang

hindi ko kailan magugustuhan. Ganoon na lang ba kadali Jin? Ganoon na lang

iyon? Pupuntahan mo ako para sabihin sa akin na aalis ka? Sige Jin umalis

ka, ikaliligaya mo naman iyan di ba? Sana rin inisip mo kung magiging

maligaya ba kami sa desisyon mo. MAKASARILI KA JIN.

Tell me, is there anybody out there?

Am I swimming through this empty sea alone?

Am I looking for an answer

Or am I trying to find a way to get back home?

Sa kakaisip ni Jin sa mga pangyayari ng gabing iyon hindi niya na lang

namalayan na bumukas pala ang pinto sa bahay na tutuluyan niya.

Yamashita : “Uupo ka na lang ba diyan at mananahimik?”

Akanishi : “Ah Pi nandiyan ka na pala. Hindi kasi kita namalayan.” Kabang

sabi ni Jin sa kanyang pinakahahangad na makita na pinakamatalik na

kaibigan.
Yamapi : “Bakit ka pa ba bumalik? Hindi ka na lang sana bumalik, masaya na

kami rito Jin. Bakit ba hindi ba nagging maganda buhay mo doon? Wala na

nga kaming balita sa iyo simula ng tumuntong ka ng Amerika. Siya nga pala

magpasalamat ka kay Johnny-san kung hindi dahil sa kaniya wala ka dito

ngayon.”

Napahinto si Jin sa pagpasok sa bahay ng kanyang kaibigan nang marinig

niya ang mga salitang binitawan ng kanyang kaibigan.

Akanishi : “Ganoon na ba talaga ako kasama?”

Yamashita : “Hindi ganyan ka ka makasarili Bakanishi.”

Is there anybody out there

Would you hear me if I screamed or if I cried?

I'm looking for an answer

And just trying to find a way to survive

Paalis na sana si Jin ngunit pinigilan siya ni Yamapi, hindi naman siya

ganoon kasama na ipagtabuyan ang kaibigan na matagal na rin niyang

hinahangad na makasama at makausap.

Nagluto si Yamapi at kumain silang dalawa. Hindi na nakipag-usap si

Yamapi kay Jin dahil baka pagod ang tao ang kailangan ng magpahinga.

‘Ang una kong gagawin bukas ay ang humingi ng tawad at tanungin

kung ano na ang plano niya sa pagpunta dito sa Japan. Oo, tama iyan na

lang ang gagawin ko. Matutulog na ako at kailangan ko pang gumising ng

maaga upang ipagluto siya ng makakain.’

Natulog na si Yamapi samantalang sa kabilang kuwarto ay may nagsusulat.


Yamashita Tomohisa,

Aalis na muna ako at maghahanap ng bahay na matutuluyan. Patawad

sa biglang pagpunta.

P.S. Gusto na kita ulit makausap.

Pagkatapos magsulat ni Jin ay umalis na agad siya dala agn kanyang

bag.

Kinabukasan tinignan ni Yamapi ang kuwarto ni Jin upang gisingin siya at

pakainin na. Pero ang nadatnan niya ay ang sulat na lang ni Jin.

‘Hindi pwede umalis siya?Kasalanan koi to at hindi ko siya kinausap ng

mabuti bukas.’

Ding Dong

Ding Dong

‘Baka si Jin na iyan.’

Ngunit ng binuksan niya ang pinto si Nishikido Ryo ang tumapad sa kanyang

harapan. Si Ryo ay isa sa mga pinakamatalik na kaibigan ni Jin at Yamapi at

kabilang din siya sa grupo ni Yamapi na NEWS.

Yamashita : Ano naman ang ginagawa mo ditto?

Nishikido : Nasaan si Jin?

Yamashita : Huh?Alam mo na nandito si Jin? Pero hindi ko alam kung nasaan

saiya ngayon Ryo. Nawala na lang siya bigla. Ryo kasalanan ko ito,

pinagsalitaan ko siya ng masama kahapon.

Nishikido : Nawawala si Jin? Paano na iyan?

Yamashita : Ano bang nangyari Ryo? Bakit parang namumutla ka yata?


Nishikido : Pi may sakit si Jin.

Natahimik bigla ang bahay ni Yamapi ng biglang sabihin ni Ryo ang

tungkol kay Jin. Hindi niya halos mailunok ang kanyang mga laway sa bilis ng

pangyayari.

Yamashita : Ha ha ha Ryo huwag ka ngang magbiro ng ganyan. Nakita ko

nga siya ang sigla-sigla tapos sasabihin mo na may sakit siya?

Nishikido : May tumor si Jin Pi.

Yamashita : Huh? Paano mo nalaman, sinabi niya sa iyo?

Nishikido : Hindi. Nalaman ko ito kay Reio noong nagkita kami noong isang

araw. Sinabi niya lahat sa akin at kaya nandito ako ngayon dahil sinabi niya

sa akin na dito raw muna siya maninirahan at wala ka rin dito noong araw na

iyon.

Hindi na kaya pang mapakinggan ni Yamapi ang lahat na sinasabi ni

Ryo. Sa lahat ng nangyari ano pa ang mukhang ihaharap niya kay Jin? Hindi

niya na alam kung mapapatawad pa niya ang sarili niya.

‘Jin nasaan ka? Gusto ko na siyang makita. Nasaan ka Jin?’

Napansin ni Ryo ang biglang panghihina ni Yamapi sa harapan niya.

Naalala niya ang sarili niya noong sinabi rin ito ng kapatid ni Jin na si Reio.

Kaya pinaupo niya si Yamapi at doon na sila nag-usap tungkol sa lahat ng

sinabi ni Reio sa kaniya. Ang pag-alis ni Jin at ang kalagayan ngayon ni Jin.

********
‘Kung hindi pa siya umalis sa bahay na ito ibig sabihin siya ang nakatira dito.

Kumusta na kaya siya? Hindi ko na kaya pang lumingon at bumalik sa

pinanggagalingan ko kung nandito na lang ako.’

Kakatok na sana Jin ng bigla na lang naglaho ang paningin niya. Kaya

hinyaan niya na muna na pagpahingahin ang sarili at hanggang sa

makatulog na siya. Gumising na lang siya at umaga na pala.

Ding Dong

Ding Dong

Sa bawat pagtunog ng doorbell ay iyon din ang paghinto ng pagtibok

ng kanyang puso. At binuksan ang pinto ng isang magandang mukha na

matagal na niya na gustong makita.

Akanishi : Kazu bumalik na ako.

Natulala si Kamenashi sa nakita niyang tao sa labas ng kanyang

bahay. Hindi niya alam kung anong klaseng bangungot ang kanyang

napasukan. Pinikit niya ulit ang kayang mga mata ngunit walang nangyari.

Sa lahat ng pwedeng makita niya bakit ang tao pa na ayaw na ayaw niya ng

makita? Mabilis niyang sinara ang pinto pero mabilis din itong napigilan ni

Jin. Hindi niya sana bubuksan ang pinto pero naiipit na ng lubusan ang

kamay ni Jin.

Kamenashi : “Alam mo ba na ikaw ang pinaka ayaw ko na makita sa tanang

buhay ko. Ano nag ginagawa mo dito? Ano naman bang kailangan mo?”
Bago pa sabihin lahat ni Kamenashi ang kanyang tanong pinapasok

niya muna si Jin para walang mag-iskandalo na paparazzi sa labas ng bahay

niya.

Akanishi : “Nandito ako para humingi ng tawad. Gusto ko hingin ang

kapatawaran niyong lahat. Alam ko na hindi maganda ang pag-alis ko at

hindi ko kayo nabigyan ng tamang paliwanag.” Paliwanag ni Jin kay Kazu.

Kamenashi : “Huwag ka ng magpaliwanag. Tanggap na naming Jin ang

pagkawala mo. Okay na kami kaya makakaalis ka na. Huwag ka na rin

humingi ng tawad sa akin dahil hindi na rin kita mapapatawad.”

Halata na sa mukha ni Kamenashi na iiyak na siya pero pinigilan niya

ito. Masakit sa kanya ang pag-alis ni Jin pero mas masakit sa kanya ang

pagdating niyang bigla at biglang hihingi ng patawad. Hindi malunok ng

konsensiya niya ang pagkamuhi niya sa tao. Kung pwede lang sanang

sabihin lahat kay Jin ang pagkagalak niya na nakita niya ang tao pero hindi

niya ito ginawa.

Sa harapan niya nakaduko lang si Jin na para bang taimtim na hinihingi

ang kapatawaran niya.

Kamenashi : “Salamat sa iyo at naging independente na kami. Hindi ka na

naming kailangan.”

Akanishi : “Wala naman akong plano na bumalik sa grupo dahil alam ko na

hindi na mangyayari iyon. Ang gusto ko lang ay humingi ng tawad. Huwag ka

na ring mag-alala Kamenashi Kazuya hindi mo na rin naman ako makikita sa


susunod pang mga araw.” Napatigil si Jin sa sinabi niya na muntik niya ng

sabihin na mamatay rin naman siya pero hindi niya ito sinabi.

“Patawad sa biglang pagparito ko sa bahay mo. Pero gusto kong malaman

mo na tapat ako sa pagpunta ko rito. Paalam na Kazu”

Yumuko ulit si Jin at umalis na ssa bahay ni Kamenashi. Hindi na

maaninag ni Kamenashi ang anino ni Jin.

I dream a lot, I know you say

I've got to get away.

"The world is not yours for the taking"

Is all you ever say.

I know I'm not the best for you,

But promise that you'll stay.

Cause if I watch you go,

You'll see me wasting, you'll see me wasting away

Hindi na mapigilan ni Kame ang pagbuhos ng kanyang mga luha na

para bang buong taon siyang hindi umiyak. Nilabas niya na lahat, ang lahat

ng sakit, ang lahat ng pagkamiss niya sa tao, at ang pagmamahal niya sa

tao.

Matagal niya na iniisip na baka bumalik si Jin sa piling niya ngunit ng

bumalik na si Jin wala siyang ginawa kundi taboyin siya at pasakitan.

‘Hindi na natin kailangan pang magkita Jin dahil simula ngayon kakalimutan

na kita. Hindi ako karapatdapat sa iyo. Napatawad na kita matagal na, ang

hiling ko lang bumalik ka at magiging okay na ang lahat. Hinintay kita pero
hindi ka dumating. Paalam Jin. Matatagalan pa man ang pagmamahal na ito

pero pipilitin kong mawala ka’

Cause today, you walked out of my life

Cause today, your words felt like a knife

I'm not living this life.

*******

Yamapi : “Alam ko na kung nasaan si Jin Ryo. Isang tao lang pupuntahan ni

Jin….”

Nishikido : “Halika ka na Pi puntahan na natin si Kame.”

Dumating sila sa bahay ni Kame na sila mismo hindi nila malaman kung

paano. Kumatok sila sa pinto ngunit walang sumagot dahil hindi rin nakalock

ang bahay niya pumasok na lang sila. At doon nila nakita si Kame na

nakahandusay na para bang nawalan ng malay. Ginising nila ito at salamat

sa Diyos ito ay buhay ka.

Nishikido : “Ano ba ang nangyari sa iyo?”

Kamenashi : “Ryo si Jin, nagpunta si Jin dito. Hindi ko alam kung ano ang

ginawa ko pinaalis ko siya. Ang sama ko talaga, pinili ko pa ang pride ko

laban sa kanya. Umalis na naman siya Ryo at iyon ay dahil na sa akin.”

Umiyak na naman si Kame dahil sa naalala niya ang ginawa niya kay Jin.

Pinaupo nila si Kame sa sofa. Hindi man nila gusting sabihin kay Kame pero

kailangan malaman ni Kame ang totoo.


Yamashita : “Kame may kailangan malaman kay Jin. Bago ko lang din ito

nalaman kay Ryo. Kame kailangan pagtibayin mo ang loob mo sa sasabihin

ko.”

Kumuha si Yamapi ng hangin upang sabihin kay Kame lahat ng

nalaman niya. AT siya ay nagsimula.

Yamashita : “Galing si Jin sa bahay ko doon siya natulog sa bahay ko at…”

Ueda : “Mali ka Pi.” Biglang pumasok si Ueda sa bahay ni Kame na may

dalang tatlong kaibigan sina Junno, Koki at Maru. “Nasa labas siya ng bahay

ni Kame simula pa kagabi. Pero Pi kung hinahanap ninyo si Jin iyon ang hindi

ko alam. Hindi ko na siya nasundan dahil hindi ako makapasok. Patawad”

Koki : Sabihin mo na ang dapat ninyong sabihin. Masama ang pinaghihintay

ang kalbo

At dahil kumpleto na sila huminga na ng malalim na malalim si Pi upang

sabihin sa mga kaibigan niya ang nangyari.

Yamashita : May brain tumor si Jin. Umalis siya dalawang taon ang nakalipas

para ipagamot ang tumor niya. Pumayag si Johnny-san na umalis si Jin dahil

na rin Yellow Gold Tour na sponsor ng NOKIA CLUB. Hindi siya umalis para sa

career niya. Inaamin ko na nagkamali ako noong panahon iyon hindi ako

tumayo bilang kaibigan niya. Naging maganda ang unang taon ni Jin sa

Amerika dahil maganda rin ang paggamot sa kanya doon. Pero hindi alam ng

mga doktor na may mga maliliit na mga cells naapektuhan na utak ni Jin.

Binigyan si Jin ng taning ng doktor sa Amerika na tatlong buwan. Alam ko na

mahirap para sa ating lahat ang nangyari.


Maru : Paano nagnyari iyon? Di ba maganda na ang mga hospital doon?

Anong nangyari?

Yamashita : Ayaw magpa-opera ni Jin dahil wala ring kasiguraduhan na

mabubuhay siya. Iba ang sakit na brain tumor. Unti-unting pinapatay nito

ang mga brain cells mo hanggang sa mamatay ka. Gusto ni Jin na bago siya

mamatay humingi na muna siya ng tawad sa ating lahat.

Junno : Kailangan na nating hanapin si Jin ngayon. Wala akong pakialam

kung ano man ang sakit niya. Gusto ko na siyang makita. Gusto ko na ulit

makausap ang baka na iyon.

Koki : ANg baka na laging umaaway kay Maru, ang baka na laging akong

inaasar, ang baka na laging nangunguha ng gamit ni Ueda, ang baka na

laging nangungulit kay Junno at ang baka na laging nakabuntot kay Kame.

Maru : Tama ka Junno hanapin na natin siya. Tayo na bago pa mawala ang

pagkakataong ito.

Hindi man makatayo si Kame sa narinig niya galing kay Yamapi pero

pilit siyang tumayo at sumama sa mga kaibigan.

‘Kung makikita man kita gusto ko na malaman mo na lahat. Kaya huwag ka

munang magpaalam sa akin Bakanishi.’

If you leave me tonight, I'll wake up alone,

don't tell me I will make it on my own,

don't leave me tonight,

this heart of stone will sing till it dies

if you leave me tonight.


Gabi na at hindi pa rin nila nakikita si Jin. Hinanap na nila saang sulok

si Jin pero hindi psa rin nila makita.

Koki : Natatakot na ako sa nangyayari.

Junno : Ano ka ba huwag ka ngang ganyan.

Nishikido : Teka nga lang muna nasaan na ba si Kame. Nawala rin siya bigla

eh.

‘Ramdam ko na nandito ka Jin natutulog lang sa kama at hinihintay

ang kaibigan mo na dumating. Sana nga nandito ka lang.’

At hindi mapaglalagyan ni Kamenashi ang kasiyahan nang makita niya

ang isang tao na natutulog ng mahimbing sa sopa. Tila pagod sa paningin ni

Kame.

Kamenashi : Jin…Jin….gising gabi na.

At si Jin naman na himbing na natutulog ay biglang napatayo nang

marinig ang boses na gusto niyang marinig sa araw na iyon. Kahit na para sa

kanya ay panaginip lang pero wala siyang pakialam dahil nasa harapan na

ang taong minamahal niya sa buong buhay niya.

Cause I was born to tell you I love you

and I am torn to do what I have to, to make you mine

Stay with me tonight

Jin : Kame? Bakit ka nandito? Andiyan na bas i Pi? Kanina ko pa kasi siya

hinihintay eh.

Kamenashi : Papunta na sila rito Jin. At gusto kong malaman mo na ibabalik

kita sa KAT-TUN kahit anong mangyari.


Hindi maintindihan ni Jin ang sinasabi ni Kame. Kanina lang ay galit na

galit sa kanya ang binata at ngayon ay bigla na lang siyang naging

mahinahon.

Jin : May nangyari ba?

Kamenashi : Malaki. Dapat magpagamot ka na para makabalik ka na sa

amin…….sa akin… Jin mahal kita at sana alam mo iyon….hindi lang ako lahat

sila.

Niyapos ni Kame si Jin ng mahigpit na mahigpit para malaman lang ni

Jin na hidi niya na kailangan pang malaman ang sagot nito. Si Jin na nasa

harapan niya ngayon ay hindi niya na pakakawalan pa. Ibabalik niya ang

dating sila na masaya, nagmamahalan, at walang inaalala kundi ang bukas

na maging masaya pa rin sila.

Kamenashi : Hindi ko na kaya na mawala ka pa Jin. Kaya huwag mong

sabihin na iiwan mo na kami….ako dahil hindi ko kakayanin.

Maikli man ang usapang iyon at matipid man ang mga salita na

ginamit ni Kame sa kanyang pagsasabi ng nararamdaman pero ito ay

tumagos sa puso ni Jin.

If tonight

I would lose you

I wont forget because I still love you

After the short kisses

feeling the soft moonlight


the feelings spill

I've seen so many

laughter or sad faces

and the first time i saw them

i was confused

I locked up in my heart

Even "thank you's"

and was never received to your heart

In the endless road

what would you wish/think

Don't forget that feeling

And let me be next to you

**********

Makalipas ang isang taon

‘Handa na ba kayo mga Filipino na kumanta sabay sa amin?’

Naghihiyawan ang mga tao sa Pilipinas nang makita nila ang anim na

nagkakagandahan at nagkakagwapohang banda ng Japan ang KAT-TUN.

Nagpagamot si Jin sa Amerika at naging maayos ang operasyon nito

dahil alam ni Jin na sa paglabas niya ng kuwarto may naghihintay sa kanya

na mga tunay na kaibigan.


To like and dislike

It is not something that can be conveyed easily with words

Once a year, on this special day

Time and again, forever, closest to you

Your smile, and the very same gestures

Every single one of them are all my treasure

You're smiling, you're living

Just for that alone

It makes me so happy, warm and I feel that I could be gentle

You lights up my future

Hindi lahat ng bagay sa mundo ay hindi na mababalikan at hindi na

maibabalik. Kailangan lang ng panahon ang bawat pangyayari upang

matanggap ito at mapagdesisyonan ng maayos.

Tulad ni Jin may mga tao pa ring kaya siyang ipaglaban at kaya siyang

tanggapin ng buong puso. Dahil ang taong nagmamahal ay hindi kayang

iwan ang pusong gusting magbago at gusting mahalin ulit.

********Wakas***********

You might also like