You are on page 1of 23

Orihinal na akda ni : Julie Marie Sevillena

Dahil Ikaw ang Minahal Ko

Buod:

Madalas, ang pag-ibig dumadating sa pagkakataong hindi mo


inaasahan. Ano ang gagawain mo kung ito na mismo ang lumapit sa'yo?
kung ito'y panandalian lamang..

Mga Tauhan:

Kamenashi Kazuya - may sakit na cancer

Akanishi Jin - nagtatrabaho sa coffee shop para makabili ng libro

Yamashita Tomohisa o Yamapi - doktor na matalik na kaibigan ni Kazuya

Nishikido Ryo - matalik na kaibigan ni Jin

Akira-san - may-ari ng coffee shop ng pinagtatrabahuan nina Jin at Ryo

UNANG KABANATA

Kazuya: "Sabihin mo na."

Halata sa mukha ng matalik na kaibigan ni Kazuya na si Yamashita Tomohisa


ang lungkot.

Kazuya: "Sige na Pi, hindi na ako bata. Nakikiusap ako."

Yamapi:"Hindi ko kayang ako mismo ang magsasabi sayo ng ganitong balita


Kazuya."

Kazuya: "Pero doktor ka. Trabaho mong "ipaalam sa pasyente mo ang


totoong kalagayan nila at hindi lang ako basta pasyente mo lang, matalik mo
akong kaibigan. Sabihin mo na, hanggang kailan ba itatagal ng buhay ko?"

Makulit. Iyon ang masasabi ni Pi sa matalik niyang kaibigan.


Sekondarya pa lamang ay matalik na silang magkaibigan at ni minsan hindi
binago ni Kazuya ang kanyang personalidad. Ang matatamis nitong mga
ngiti. Ang tila walang pakialam sa mundo na pamumuhay nito, na nagiging
seryoso paghinihingi ng pagkakataon. Ito ang Kamenashi Kazuya na kilala
niya sa loob ng sampung taon.

Nang tumuntong sila ng kolehiyo, kumuha si Kazuya ng kursong


Business Management at isa na siya ngayong matagumpay na negosyante.
Samantalang si Pi naman ay kumuha ng kursong Medisina at kasalukuyang
nagtatrabaho sa isa sa pinakamagaling na ospital sa siyudad ng Tokyo.

Kung maibabalik lang ang nakaraan, hihilingin ni Pi na sana hindi na


kursong Medisina ang kinuha niya. Na sana hindi siya naging doktor, at sana
hindi si Kazuya ang pasyente niya. Papaano niya sasabihin sa matalik niyang
kaibigan ang isang masamang balita nang hindi siya maapektuhan? Kung
pati pagpatak ng sarili niyang luha ay hindi niya kayang mapigilan.

Kazuya: "Sige na Pi." sambit ni Kazuya habang nakaupo sa harap ni Pi. "Ilang
araw na lang ang itatagal?"

Tumayo si Pi sa kinauupuan nito at nagtungo sa malapit na bintana.


Hindi niya kayang tingnan ang mga mata ni Kazuya.

Yamapi: "Anim na buwan. Meron ka pang anim na buwan para mabuhay"


----------

Nakarinig siya nang buntong-hiningasa kanyang likuran.

Kazuya: "Nakita mo? Hindi naman ganoon kahirap sabihin hindi ba?"

Nilingon ni Pi ang kanyang kaibigan. Makikita sa mga ngiti ni Kazuya


na tila nakatanggap siya ng isang magandang balita sa kabila nang
nakakalungkot na katotohanan.

Kazuya: "Maraming salamat sa pagsabi mo nang katotohanan. Isa ka


talagang tunay at mabuting kaibigan."

----------

Kung nalaman lang nila ng mas maaga ang sakit ni Kazuya, kung
nakinig lang sa kanya ang kaibigan niya na magpatingin sa doktor na gaya
ng sinabi niya ilang taon na ang nakararaan, kung hindi lang nagkaroon ng
sakit na cancer si Kazuya, kung hindi lang..

Hindi inakala ni Pi na ganito kasakit ang mararamdaman niya.

----------

Jin: "Hay! pagod na ako." Sambit ng dalawampu't isang taon na gulang na si


Jin

Ryo: "Seryosong usapan. Paano kinakaya ng tao ang mag-aral habang


nagtatrabaho? Nakakapagod. Sa tingin ko, hindi ako makakapasok sa klase
bukas. "

Jin: "Malas lang natin, hindi tayo pinanganak na anak mayaman. Kung pwede
lang sana na tayo na mismo ang pinagsisilbihan nila sa coffee shop. Hindi
itong tayo ang nagsisilbi para sa kanila. " Ayon kay Jin na tila nangangarap
habang nagsasalita.

Ryo: "Tama, tulad nung dalawang madalas pumunta sa coffee nitong mga
nakaraang araw. Sila na may makikintab na sapatos, mamahaling pabango
at nakasuot ng PRADA."

Natawa na lang si jin sa sinabi ng kanyang kaibigan.

Jin: "Ang sinasabi mo ba ay iyong isang lalaki na may kasamang magandang


binibini na palaging pumupunta sa shop kapag gabi na?"

Ryo: "Hindi lahat ng tao nakakapagsuot ng Rolex at kayang magpaayos ng


buhok sa Stevensor's, sira ka talaga! Siyempre sila ang tinutukoy ko. Sino pa
ba? " Iritang sagot ni Ryo.

Jin: "Ano naman ngayon? Sikat sila at mayaman, wala na tayong magagawa
sa bagay na iyon." Kaswal na sagot ni Jin.

Ryo: "Mga mayayabang na walang magawa sa buhay."

Jin: "Tumigil ka na nga Ryo. Sa tuwing nagagalit ka, sa totoo lang


nababawasan ng isang sentimetro ang height mo."

Hindi inaasahan ni Jin ang pambabatok ng matalik niyang kaibigan sa


kanyang likuran.

Jin: "Aray! sigaw niya, sira ulo!"

Ryo: "Gorilya!" sigaw ni Ryo sa kanya sabay batok ulit.

Jin: "Aray! nagbibiro lang ako."


----------

Kazuya: "Kagaya ng dati." Pangiting sabi niya sa waiter. Tumango si Jin at


agad na isinulat sa maliit na papel ang order nito.

Jin: "Iyon lang?"

Pi: "Dalwang sets ng butter toast na may ice cream at whip cream sa
ibabaw."

Jin: "Okay. Maghintay lang kayo saglit.” Magalang na sambit ni Jin at agad
siyang nagtungo sa kusina.

Jin: "Kagaya ng dati." Sabi niya sa kaibigan niyang nagtatrabaho sa likuran


ng kusina.

Ryo: "Anung kagaya ng dati?" nagtatakang tanong nito.

Jin: "Iyong dalawang mahilig sa Rolex. Dalawang black coffee please" sambit
ni Jin na halatang naaasar.

Ryo: "Ang sosyal!"

Jin: "Samahan mo na rin ng dalawang butter toast na may ice cream at whip
cream sa ibabaw please" dagdag niya.

Ryo: "Sosyal. talaga. Nakakainis"

Natatawa na lang si Jin sa tinuran nang kaibigan.

----------

Jin: "Heto na po ang order ninyo. Sana magustuhan ninyo." Ibinaba ni Jin sa
lamesa ang mga order nito sabay alis.

Kazuya: "AJ. Sandali!"


Bigla siyang napahinto nang biglang tawagin ang pangalan niya.

Jin: "Yes?" Nakita niya ang binibini sa sumesenyas sa kanya at pinapalapit


siya.

Kazuya: "Hi AJ." Bati ng magandang binibini samantalang ang kasama nito
ay tahimik na kumakain ng kaniyang order habang nakatingin kay Jin.

Nakaramdam ng nerbiyos si Jin.

Jin: "Paano mo nalaman ang pangalan ko?"Nerbiyosong tanong niya.

Halata ang pag-ngiti ni Kazuya Kamenashi sa magagandang niyang


labi.

Kazuya: "Sabihin na lang natin na magaling akong manghula." Pabiro nito.

Jin: "Talaga?"

Hindi napigilan ni Kazuya ang tumawa dahil sa raksyon ni Jin.

Kazuya: "Pwede akong maging manghuhula o di kaya naman diyan sa suot


mong nametag AJ." Sabay turo sa suot na nametag ni Jin.

Napatitig si Jin sa suot niyang nametag bago niya mapalo ang ulo
kanyang noo dahil nagmukha siyang istupido sa harap ng dalawa niyang
kustomer. Siguro iniisip ng dalawang ito kung gaano siya kababaw
samantalang ang totoo ay isa siyang mag-aaral ng medisina sa isang sikat
na unibersidad.
Jin: "Patawad." Hindi niya alam kung bakit siya humihingi ng paumanhin pero
ginawa niya pa rin.

Kazuya: "Ako nnga pala si K." Sabay abot ng kanyang kamay sa binata. "At
siya naman si Pi."

Inabot ni Jin ang kamay ni K. Wala siyang idva kung bakit nagpakilala si
K sa kanya pati pa ang kaibigan nito. Siguro gusto niya lang
makipagkaibigan. Rason ng utak niya.

Pero.

Jin: "May gusto pa ba kayong iorder?" Sabay labas ng kanyang maliit na


kwaderno at pluma.

Kazuya: "Wala na, salamat AJ."

Jin: "Walang anuman."

-----------

AJ magandang pangalan. Iniisip ni Kazuya kung ano ba ibig sabihin ng


AJ.

Pi: "Kuhanan mo nang litrato Kazu. Siguro mas magtatagal iyan."

Nakita niyang tinatawanan siya nang kanyang kaibigan habang


kumakain ng butter toast.

Kazuya: "Tama ka. Pero iyong litrato na iyon mas magtatagal kesa sa akin."
Pinagsisihan ni Pi ang ginawa niyang biro sa oras na iyon.

------------

Jin: "Ano kaya ibig sabihin ng 'K'?" Nagtatakang tanong niya. "Kurosawa?
Kazuki? Kazuya? Mas bagay sa kanya ang pangalang Kazuya, ano sa tingin
mo?"

Hinubad ni Ryo ang suot niyang apron pagkatapos ay nilagay niya sa


kabinet.

Ryo: "Pwede rin Kurosaki pangalan niya o di kaya, kurosagi."

Jin: "Sa tingin mo ba, masama siyang tao?"

Ryo: "Hindi ko alam, hindi ako manghuhula" Natatawang sagot nito.

Jin: "KAZUYA. Sa tingin ko Kazuya pangalan niya" Sambit niya na tila


nangangarap.

Ryo: "Ngayon binigay niya pangalan niya, sino makakapagsabi kung ano
naman ibibigay niya bukas. Mag-ingat ka . Iyong ganyang tipo ng mga tao
ang hindi dapat pinagkakatiwalaan. Malay natin sindikato pala siya na
nagmamay-ari ng isang club." Sabi nito.

Jin: "Ikaw talaga. Kung anu-ano pumapasok sa utak mo." Hinubad ni Jina ang
suot niyang uniporme at nagpalit ng damit.

Ryo: "Dalawang taon mula ngayon, sumasayaw ka na nang malaswang


sayaw sa ibabaw ng mesa kasama ang ilang mananayaw. Pagkatapos pa ng
ilang taon, magiging sikat ka nang call boy sa buong Japan." Natatawang
sabi niya sa birong bibitawan niya.

Jin: "Pwede na rin. Sikat naman kahit papaano." Sagot niya sa gitna ng
kanilang katawan.
----------

Akira: "Akanishi"

Mapapalit na sana si Jin ng uniporme ng bigla siyang tawagin ng


kanyang amo.

Jin: "Ano po iyon, Sir?"

Akira: "Ito may padala para sa'yo."

Jin: "Para sa'kin?" Kinuha niya ang padala at binuksan ito.

Akira: "Galing ba 'yan sa papa mo?" tanong matandang lalaki.

Napakibot-balikat na lamang si Jin.

Nagulat na lamang si Jin. Sa loob nito ay dalawang libro sa medisina na


kinakailngan niya para sa klase. napilitan siya at si Ryo na magtrabaho sa
coffee shop para makaipon pambili ng librong nasa harap niya ngayon.
Masyadong mahal ang mga libro sa medisina at hindi nila kayang bumili ng
mga ito gamit lamang ang perang pinapadala sa kanila ng kanilang mga
magulang.

Ryo: "Hoy, saan mo kinuha ang mga ito?" Tanong niya na halata ang
pagkabigla.

Jin: "May nagpadala ng mga ito sa akin." Sagot ni jin habang hinahanap ang
pangalan ng nagpadala sa card.

Ryo: "YT?" Nagtatakang tanong niya habang hawak ang card na una na
niyang nakita.

Jin: "Sino naman kaya 'yung 'YT' na iyon? Sobrang mahal ng mga librong ito
para ipamigay na lang basta-basta!"
Pati si ryo ay napapaisip kung kanino galing ang mga libro.

Akira: "Sa tingin ko. Imbes na pinagtutuunan ninyo ng pansin kng kanino
galing ang mga iyan. Dapat maging masaya kayo at magpasalamat sa taong
nabigay sa inyo niyan."

Halata sa mga hitsura nina Ryo at Jin ang pag-aalala.

Dapat bang maging masaya sila sa mga nangyayari?

----------

IKALAWANG KABANATA

Ryo: "Jin sa tingin ko meron kang sira ulong stalker! Dapat ngayon pa lang,
gawan mo na ito ng paraan." Sambit niya na halata ang pagkanerbiyos
habang tinitingnan ang mga padala na muling natanggap ni Jin ng umagang
iyon.

Jin: "Anak nang.. Sino ba itong YT na 'to at paano niya nalaman kung anung
klase ng libro ang kailangan natin sa klase?!"

Ryo: "Sigurado ka bang hindi Papa mo ang nagpadala ng mga ito?"

Napatitig si Jin sa kaibigan nito.

Jin: "Sa tingin mo. Bakit ako padadalhan ng Papa ko ng mga ito gamit ang
pangalang 'YT'? Bakit kailangan niya pang mag-iba ng pangalan?"

Oo nga naman. Pakiramdam ni Ryo naging istupido siya sa tanong na


iyon. Pero ito na ang ikatlong pagkakataon na pinadalhan si Jin at iyong libro
pa na hinahanap nila nitong mga nakaraang araw ang dumadating. Sa totoo
lang, sobrang mahal ng mga librong ito. Sinong mabuting tao naman kaya
ang gagawa nito para bigyan sila?

Ryo: "Bakanishi! Kelan tayo huling pumunta ng bookstore?!" Biglang


natanong ni Ryo.

Jin: "Nung lunes? Pumupunta tayo sa bookstore tuwing lunes."

Ryo: "Eksaktong isang linggo di'ba?!"

Jin: "Oo, bakit?"

Ryo: "Kung mapapansin mo, dumadating ang mga libro isang linggo
pagkatapos nating pumunta sa bookstore. Ang ibig sabihin."

Jin: "Nakuha ko na!"

Ryo: "Hulihin natin kung sino ang stalker mo!" Masayang sabi niya.

Jin: "Oo ba!"

-----------

Kazuya: "Bakit Pi?"

Nanatiling tahimik si Yamashita Tomohisa habang nakatitig sa


kaibigan.

Kazuya: "Alam ko, alam ko. Gusto ko lang naman gawin iyong talagang gusto
ko habang nabubuhay pa ako." Sabi niya habang nakangiti sa kaibigan.
Yamapi: "Ang alin? Ang maging stalker sa isang teenager sa bookstore? Iyon
ba talaga ang gusto mo Kazuya? Bakit mo sinasayang ang pera mo sa tulad
niya? Hindi naman niya alam na ikaw ang nagpapadala. Isa pa, dapat
pangalan mo nilalagay mo sa card hindi pangalan ko."

Kazuya: "Dahil si KK ay hindi na magtatagal sa mundo pero si YT, oo." Simple


niyang sagot.

Yamapi: "Kazu.. Hindi iyan sapat na rason para gawin mo ang mga ito. Hindi
mo pwedeng gawin ito palagi o kahit ako. Hindi magtatagal malalaman niya
ang totoo."

Kazuya: "Sabihin mo sa kanya. Sabihin mo sa kanya na nagdedesisyon


akong tutulungan siyang makatapos. Sisiguraduhin kong wala na siyang
poproblemahin bago ako mawala sa mundong ito. Pero Pi.. nakikiusap ako.
Sabihin mo ang lahat ng ito pag-wala na ako. Ayokong malaman niya ang
totoong kalagayan ko."

Yamapi: "Kazu.." maluha-luhang sambit niya.

Kazuya: "Alam ko na nagmumukha akong tanga sa ginagawa ko pero bago


ako mawala sa mundong ito, gusto kon gmaramdaman.. iyong pakiramdam
na may pinoprotektahan, na alam mo na may kabuluhan ang lahat ng mga
ginagawa mo para sa taong iyon.. Kahit kailan, hindi ako naniwala sa love at
first sight Pi.. pero nang makilala ko si AJ, pakiramdam ko.."

Tuluyan nang napaluha ang magkaibigan, niyakap ni Yamapi si Kazuya


para maramdaman nito na nasa tabi lamang siya nito.

Bakit hinayaan ng Diyos na makaramdam tayo ng pagmamahal? Kung


panandalian lang niya itong ipahihiram sa atin.

Ito ang palagi nating tinatanong pero kahit kailan, hindi natin
mahanap ang kasagutan.

----------
Habang nakasandal si Jin sa isa sa mga bookshelves sa bookstore.

Ryo: "Ryo ilang oras na tayong nandito pero wala akong nakikitang kahina-
hinala. Sa tingin ko, palpak itong plano natin." Sabi ni Jin habang
pinapaypayanang sarili ng hawak niyang sumbrero.

Napatingin si Ryo sa kaibigan.

Ryo: "Wala kang ginawa kundi magreklamo sa loob ng dalawang oras. Kaya
pwede ba, manahimik ka na lang at tumingin ka na lang sa paligid mo."
Iritang sagot ni Ryo.

Jin: "Pero Ryo wala akong nakikitang kahina-hinala dito. Walang nakasuot ng
itim na fedora at trench coat. Walang stalker dito!!"

Binatukan ni Ryo si Jin nang malakas.

Ryo: "Sira ka ba? Kailangan ba lahat ng stalker nakasuot ng trench coat at


nakafedora? Epekto iyan ng pagiging mahilig mong manood ng pelikula! Sa
lahat.."

Nanlaki ang mata ni Jin sa nakita.

Ryo: "Ano ang nangyayari sa'yo?" Nagtatakang tanong ni Ryo.

Jin: "Ryo" Bulong ni Jin. "Meron nakasuot nang trench coat at fedora sa hindi
kalayuan."

At itinuro niya ang direksyon kung saan niya nakita abng taong iyon.
Agad nilingon ni Ryo ang direksyon na tinuro ni Jin. Nang mapansin
nito na nakita siya ng magkaibigan agad itong lumayo.

Ryo: "Diyos ko. Kahina-hinala ang taong iyon. Puntahin natin siya kapag
lumayo siya nga malamang ang hinahanap natin na stalker." Suwestiyon ni
Ryo.

Agad pumayag si Jin sa plano ni Ryo. Nagpanggap sila na normal na


kustomer na naghahanap ng libro.

Ang nakakapagtaka agad na lumayo ang taong nakasuot ng trench


coat at fedora ng papalapit na sila. Nang sinimulan nila itong habulin, agad
itong tumakbo papalayo.

Ryo: "Anak nang.. Siya nga si YT!" Sabay habol sa misteryosong taong iyon.

Jin: "Bakit ang bilis niyang tumakbo? Ryo bilisan mo!"

Hinabol ng magkaibigan ang misteryosong taong iyon. Masyadong


maraming tao ang nagdaraan sa kalsada ng mga oras na iyon at sabayan pa
nang trapik. Imposible na nilang mahabol ang suspek nila, hanggang sa
sumuko na sila sa paghabol dito dahil nakatawid na ito.

Hiningal ang magkaibigan sa kakatakbo. Pakiramdam nila, Wala silang


napala sa ginawa nila dahil natakasan sila. Nakikita nila sa kabilang kalsada
ang misteryosong tao ngunit hindi nila maaninag ang hitsura nito dahil sa
kalayuan ng kinatatayuan nito.

Jin: "YT! Ano ba ang kailangan mo sa akin?" Sigaw na tanong ni Jin mula sa
kinatatayuan nila.
Sa unang pagkakataon, tumingin ito sa kanila pero hindi nila ito
makilala dahil na rin sa distansya nila. Nakita nilang inalis nito ang suot na
fedora bago ito tuluyang umalis.

Ryo: "Ano bang problema ng taong iyon? Baliw ba siya o ano?" Pabuntong-
hininga na tanong ni Ryo.

----------

Ryo: "Jin?"

Nanatiling nakatayo si Jin at hindi nagpapakita ng kahit anong


reaksyon.

Ryo: "Hoy Jin!"

Jin: "Diyos ko." Biglang sambit ni Jin.

Ryo: "Ano? Ano?"

-----------

"Siya si K."

----------

Ilang buwan na rin ang nakakalipas nang huling pumunta sina K at Pi


sa coffee shop. At iyon din ang huling araw nila na nakita nila ang
misteryosong tao, wala na ring natatanggap na regalo si Jin. Sigurado si Jin
na si K ang stalker niya pero papaano niya malalaman ang katotohanan?
Bakit hindi na pumupunta si K sa coffee shop sa loob ng halos dalawang
buwan.

Tahimik na ang gabi at halos wala ng kustomer. Kasalukuyang


nagpapahinga si Jin matapos nitong linisan ang sahig, samantalang si Ryo ay
naglilinis ng kusina. Nang biglang tumunog ang bell ng pintuan na senyales
na may kustomer na papasok at handa ng batiin ni Jin ang kustomer.

Jin: "Kumus.."

Isang binata na nakasuot ng puting coat ang pumasok sa shop. Halata


sa mukha nito ang kalungkutan.

Yamapi: "Kaibigan ako ni K. Siya si Kamenashi Kazuya. kung naaalala mo pa.


Ako nga pala si Yamashita Tomohisa." Pormal na pagpapakilala ni Pi.

Jin: "Yama.."

Ryo: "YT." Sabat ni Ryo ng makita ang pag-uusap ng dalawa.

Tumango si Pi

Yamapi: "Sa tingin ko panahon na para malaman ninyo ang katotohanan. Jin
may gusto akong ipakilala sa'yo."

Hindi makapaniwla si Jin sa lahat ng impormasyong natanggap niya.


Kung ganoon, siya si YT? Nasaan si K? At sino 'tong taong ito na gusto siyang
makita.
Jin: "Hindi ko maintindihan.." Hindi makapaniwalang tanong ni Jin.

Yamapi: "Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat sa daan. Tara na."

----------

Sa wakas, malalaman na ang katotohanan pero naniniwala ka


ba sa masayang katapusan?

----------

Naramdaman niya nang panginginig ng kanyang mga kamay habang


hawak ang doorknob ng pintuan ng silid ni Kazuya sa ospital. Dinig na dinig
niya ang tibok ng kanyang puso dahil na rin sa matinding kaba. Pati isipan
niya naguguluhan kung ano ang una niyang sasabihin pag nakita si Kazuya.

Tahimik ang buong silid. Sa di kalayuan, makikitang nakahiga sa kama


si Kazuya. Namumutla ito at maraming aparato ang nakalagay sa buong
katawan.

Hanggang sa hindi niya na mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga


luha. Gusto niyang tumakbo. Tumakas pero hindi niya mapaliwanag kung
bakit. Natatakot siyang tingngan ang kaawa-awang kalagayan ni Kazuya
kahit sabihin pang magiging doktor din siya balang araw.

Sino nga ba si Kazuya? Sino nga ba si Kazuya para sa kanya? Ni hindi


sila magkasintahan. Sandaling panahon lang sila nagkakilala. Ni buong
pangalan nga niya hindi alam ni Kazuya pero pakiramdam niya mayroong
nag-uugnay sa kanilang dalawa. Hindi dahil sa mga naitulong nito sa kanya
na mga materyal na bagay. Isang bagay na may kinalaman sa..
pakiramdam?
Nilapitan niya ang hinang-hina na si Kazuya. Pikit ang mga mata nito.
Himbing na himbing na natutulog. Dala marahil ito ng mga gamot na binigay
sa kanya para makalimutan ang sakit na nararamdaman.

Ginusto ni Jin na mabigyan din ng gamot na iyon. Nang sa ganoon


mawala din ang sakit na nararamdaman niya.

Hinawakan niya ang mukha ni Kazuya. Napakalambot nito. Gusto


niyang maalala ang maamong mukha ni Kazuya.

Kazuya.. Nakikiusap ako.. Buksan mo ang mga mata mo..

Hindi niya alam kung bakit niya mabigkas ang mga salitang iyon.

Pakiusap..

----------

Maririnig ang mahinang ungol na nagmumula sa maliit na labi ni


Kazuya. Nagising ito.

Agad na inalis ni Jin ang kamay niya sa pisngi nito. Hindi niya alam
kung ano ang sasabihin niya rito.

Ano nga ba? Hi? Hello?


Kazuya: "AJ.." PAbulong na tawag sa kanya ni Kazuya.

Nabigla si Jin. AJ, tama! Siya si AJ at kinakausap siya ni Kazuya. Siya


lang naman kasi ang nasa harap nito.

Jin: "Kumusta?" Simpleng tugon ni Jin, na kasing hina kung paano siya binati
ni Kazuya.

Nginitian siya ni Kazuya, sapat na iyon para mapanatag ang loob ni Jin.

Kazuya: "Patawad." Sabi ni Kazuya. Kasabay nito ang pagpatak ng luha sa


kanyang mga mata.

Jin: "Magtatapos ako ng pag-aaral sa susunod na tatlong taon. Makakapunta


ka ba?" Biglang natanong ni Jin.

Kazuya: "Gusto ko.. Salamat.. sa imbitasyon.."

Nakaramdam ng panginginig si Jin. Hindi niya na mapigilan ang pag-


iyak.

Jin: "Magtatapos ako. Hintayin mo ako pakiusap. Hahanap ako ng gamot sa


sakit mo." Pag-uulit ni Jin. Ang huling mga salita ay halos hindi narinig ni
Kazuya.

Kazuya: "Salamat AJ.. Pero hindi na ako.. makakapaghintay.. sana.. masaya..


ka.." Halos hindi na maintindihan ang bawat salitang binitiwan niya.

Kazuya: "Ako si.. Kaz.. Ka.."

Jin: "Kazuya, Kamenashi Kazuya. Alam ko na ang tunay mong pangalan."

Ngumiti si Kazuya. Pilit niyang inabot ang mga kamay ni Jin upang
mahawakan ito. Nang makita ito ni Jin agad niyang inabot ang mga kamay
nito.

Naramdaman ni Jin ang pagpisil sa mga kamay niya. Ang pagbuka ng


mga labi nito na tila may gustong sabihin pero hindi niya marinig.

Lumapit si Jin sa kanya. Halos magdampi ang kanilang mga labi.

Jin: "Kazuya may gusto ka bang sabihin?" Humigpit ang hawak ni Kazuya sa
mga kamay ni Jin at pabulong na ito kung magsalita.

Kazuya: "AJ.."

Jin: "Ano iyon?"

ipinikit ni Jin ang kanyang mga mata.

Kazuya: "Ma.."

Diyos ko.. Nakikiusap ako.

Kazuya: "Ma.."

Kazuya: "Mahal.."

Tuluyan ng ipinikit ni Kazuya ang kanyang mga mata.

Jin: "Kazuya"

Diyos ko pakiusap.. Huwag si Kazuya..


Hanggang tuluyan nang bumitaw si Kazuya sa pagkakahawak niya kay
Jin

Wala na si Kazuya.

----------

Paalam AJ. Mahal kita

----------

May mga salitang nakakasakit kapag binitiwan

Na dapat hayaan na lang

Hayaan na lamang

Hayaang manatiling lihim

Nang habambuhay

Na iyon ang mas makakabuti

Kaysa ang mabuhay sa sakit

Na malaman ang mga salitang iyon

Pero mawawalan ka naman ng

Pagkakataon na maramdamam ito

Ang matikman ito

Ang mamuhay ng nasa tabi ito

Ano nga ba ang pag-ibig?

Ang pag-ibig ay ...


---------

Pagkalipas ng limang taon.

"Doktor Akanishi may pasyente pong naghihintay sa inyo."

Nang pumasok si Jin sa silid ng pasyente, makikita ang binatang may


pulang buhok na nakaupo sa upuan.

Umupo si Jin sa harapan ng pasyente at binasa ang nakasulat sa papel


patungkol sa kalagayan ng pasyente.

Nang inangat ng pasyente ang kanyang ulo, nabigyan ng pagkakataon


si Jin na makita ng mukha ng pasyente.

Diyos ko.

Tinitigan na maigi ni Jin ang mukha ng kanyang pasyente hindi niya


maialis ang kanyang mata dito.

Na siya namang ikinairita ng binata, kaya tiningnan siya nito ng


masama.

"Gagamutin mo ba ako o hindi?"


"Anong pangalan mo?" Tanong ni Jin sa binata. Kinakabahan siya,
kamukhang-kamukha niya si..

"Hindi ka ba marunong magbasa? Nakalagay diyan di'ba?" Sagot na


pabalang ng binata sabay turo sa hawak na papel ni Jin.

Magkamukhang-magkamukha sila..

"Anong pangalan mo?" Tanong muli Jin. Ramdam niya ang mabilis na
pagtibok ng kanyang puso.

Napabuntong-hininga ang binata.

"Ryu, Odagiri Ryu"

----------

Inakala ni Jin na hindi totoo ang mga salitang pagmamahal at


kapalaran.

Dun siya nagkakamali.

---------WAKAS---------

You might also like