Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Mga Hakbang patungo sa Pagtatalaga
Mga Hakbang patungo sa Pagtatalaga
Mga Hakbang patungo sa Pagtatalaga
Ebook167 pages2 hours

Mga Hakbang patungo sa Pagtatalaga

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Naghahangad ka ba na maging pinahiran? Sa makasaysayang aklat na ito, ibinabahagi ni Dr. Heward-Mills ang ilang sa mga hakbangin upang tanggapin ang pagpapahid. Ang aklat na ito ay tunay na magiging isang biyaya sa iyo at sa iyong ministeryo. Tuklasin ang mga hakbang na iyong kinakailangan mo upang maging pinahiran!

LanguageTagalog
Release dateApr 9, 2018
ISBN9781683986584
Mga Hakbang patungo sa Pagtatalaga
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Mga Hakbang patungo sa Pagtatalaga

Related ebooks

Reviews for Mga Hakbang patungo sa Pagtatalaga

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Mga Hakbang patungo sa Pagtatalaga - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Pitong Dahilan Kung Bakit Dapat Kang Maitalaga

    1. Dapat kang maitalaga dahil walang sinuman ang makakatupad ng kaniyang ministeryo sa pamamagitan ng natural na kalakasan o sa pamamagitan ng kapangyarihan ngunit sa pamamagitan lamang ng Espiritu.

    Nang magkagayo’y siya’y sumagot at nagsalita sa akin, na nagsabi, Ito ang salita ng PANGINOON kay Zorobabel, na sinasabi, Hindi sa pamamagitan ng kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng PANGINOON ng mga hukbo.

    Zecharias 4:6

    Ang tunay na ministeryo ay magtatagumpay lamang sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal ng Espiritu. Ang isang huwad na ministeryo ay gumagalaw sa lebel ng isang guro sa paaralan, nangangaral o isang motivational speaker. Magpasya kang maging isang itinalagang tao at pumasok sa tunay na ministeryo.

    Iangat mo ang iyong ministeryo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pagtatalaga. Kung walang pagtatalaga, wala kang magagawa.

    2. Dapat kang maitalaga dahil kahit si Jesu-Cristo ay nag-hintay na maitalaga bago magsimula sa kaniyang ministeryo.

    Nangyari ng, nang mabautismuhan ang buong bayan, na si Jesus ay binautismuhan naman, at nang nananalangin, ay nabuksan ang langit.

    At bumaba sa kaniya ang Espiritu Santo na may anyong katawan, tulad ng isang kalapati, at nanggaling ang isang tinig sa langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak; sa iyo ako lubos na nalulugod.

    At si Jesus din, nang magpasimula siyang magturo ay may gulang na tatlumpung taon, na anak (ayon sa sinasapantaha) ni Jose...

    Lucas 3:21-23

    Ang pangyayaring ito ang naging tanda ng pagsisimula ng ministeryo ni Cristo. Hanggang sa edad na tatlumput tatlo, hindi tayo nakarinig ng tungkol sa kaniya. Mula sa oras na ito, nang ang Banal na Espiritu (ang pagtatalaga) ay bumaba sa Kaniya, nagsimulang mangaral si Jesus, upang magturo at magpagaling.

    3. Dapat kang maitalaga dahil kahit ang mga apostol ay sinabihang maghintay sa Banal na Espiritu (ang pagtatalaga) bago magsimula sa kanilang ministeryo.

    At, palibhasa’y nakikipagpuling sa kanila, ay ipinagutos niya sa kanila na huwag silang magsialis sa Jerusalem, kundi hintayin ang pangako ng Ama, na sinasabi niyang narinig ninyo sa akin.

    Mga Gawa 1:4

    Anong uri ng ministeryo sa tingin mo ang mapapasaiyo kung wala ang Banal na Espiritu? Kahit ang mga dakilang mga apostol na lumakad kasama si Cristo ay kinakailangang matanggap ang pagtatalaga nang sa gayon ay maging ministeryo ito.

    4. Dapat kang maitalaga dahil ang mga dakilang propeta tulad ni Eliseo ay humingi ng pagtatalaga nang bigyan siya ng pagkakataon na hilingin ang kaniyang mga ninanais.

    Nakita ni Eliseo na ang ministeryo ay nabubuo sa pamamagitan lamang ng pagtatalaga. Nang tanungin siya ni Elias kung ano ang gusto niya, sinabi niya na ninanais niya ang dobleng bahagi ng pagtatalaga.

    At nangyari, nang sila’y makatawid, na sinabi ni Elias kay Eliseo, Hingin mo kung ano ang gagawin ko sa iyo, bago ako ihiwalay sa iyo. At sinabi ni Eliseo, Isinasamo ko sa iyo, na ang ibayong bahagi ng iyong diwa ay sumaakin.

    2 Mga Hari 2:9

    Pwede naman siyang humililng nang kahit na ano. Maaari niyang hilingin ang magandang pangalan ni Elias, ang salapi ni Elias, mga ari-arian ni Elias, sasakyan ni Elias, o kahit ang asawa ni Elias. Pero matapos ang maraming taon ng paglalakad kasama si Elias, alam ni Eliseo kung saan natatago ang sikreto ng kaniyang ministeryo. Alam niya na ang lahat nang ito ay tungkol sa pagtatalaga, kaya hiniling niya na madoble ang bahagi nito. Bakit mo hahanapin ang ibang bagay kung ang hinahanap ng mga dakilang propeta ay ang pagtatalaga?

    5. Dapat kang maitalaga dahil si Haring Saul ay hindi naging ibang tao hangga’t hindi siya itinatalaga.

    Si Saul ay nabago mula sa pagiging isang ordinaryong tao hanggang siya ay naging hari nang siya ay naitalaga. Sa parehong paraan, ikaw ay magiging isang taong may autoridad (isang hari) sa kaharian ng Diyos kapag ikaw ay naitalaga.

    Maaari kang gumamit ng iba pang mga paraan upang mamanipula at ikontrol ang mga tao pero hindi ka kailanman magiging isang lingkod ng awtoridad kung walang pagtatalaga. Babaguhin ka ng pagtatalaga ng Banal na Espiritu patungo sa pagiging ibang tao.

    Nang magkagayo’y kinuha ni Samuel ang sisidlan ng langis, at ibinuhos sa ulo niya, at hinagkan niya siya, at sinabi, Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging prinsipe ka sa kaniyang mana?

    1 Samuel 10:1

    At ang Espiritu ng PANGINOON ay makapangyarihang sasaiyo, at manghuhula kang kasama nila, at ikaw AY MAGIGING IBANG LALAKI.

    1 Samuel 10:6

    6. Dapat kang maitalaga dahil si Haring David, ang itinalagang salmista at manunulat ng Kasulatan, ay idinahilan ang lahat ng kaniyang pagpapala sa banal na pagtatalaga.

    Iniugnay ni David ang halos bawat aspeto ng kaniyang buhay sa pagtatalaga. Nakikilala ng mga taong ‘highly spiritual’ ang mga epekto ng pagtatalaga sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang mga buhay.

    Sa ika-walumpu’t siyam na salmo, makikita natin si Haring David na umaawit ng isa sa pinakamagandang salmo sa lahat. Doon, inilalarawan niya ang makapangyarihang epekto ng pagtatalaga sa kaniyang buhay. Ibinahagi niya ang tulong, kalakasan, pagtatatag, pagtataas at awtoridad habang ang mga bagay ay pinapatungkol sa pagtatalaga.

    Kung ang lahat ng ito ay nakuha ng tagasulat mula sa pagtatalaga, paano mo ito magagawa kung wala ang pagtatalaga? Masisisi mo ba si Haring David nang nagsumamo siya sa Panginoon, Huwag mong kunin ang Banal na Espiritu mula sa akin.

    Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.

    Mga Awit 51:11

    Ang Banal na Espiritu (ang nagtatalaga) ang pinakamahalaga sa kaniya.

    7. Mahalaga ang pagtatalaga dahil tinanggihan ni Moises na ipagpatuloy ang ministeryo kung wala ito.

    Kahit si Moises ay hindi makagawa ng isang hakbang kung wala ang pagtatalaga, paanong ikaw ay nagkakaroon ng lakas ng loob na magpatuloy sa ministeryo nang wala ang pagtatalaga?

    Sa libro ng Exodus, makikita natin kung paano tinanggihan ni Moises ang pagpapatuloy sa kaniyang ministeryo kung tatanggalin ng Diyos ang kaniyang kapangyarihan at pagtatalaga.

    Nang tukuyin ni Moises ang pagtatalaga, tinutukoy niya ang pagtatalaga at ang kapangyarihan ng Diyos.

    At sinabi niya sa kaniya, Kung ikaw ay hindi sasa akin ay huwag mo na kaming pasampahin mula rito.

    Sapagka’t saan ngayon makikilala na ako’y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ako at ang iyong bayan? Hindi ba dahil sa ikaw ay lumalakad na kasama namin, upang kami ay maging bukod, ako at ang iyong bayan, sa lahat na nasa balat ng lupa?

    At sinabi ng PANGINOON kay Moises, Akin ding gagawin ang bagay na ito na iyong sinalita: sapagka’t ikaw ay nakasumpong sa biyaya sa aking paningin, at ikaw ay aking nakikilala sa pangalan.

    At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian.

    At kaniyang sinabi, Aking papangyarihin ang aking buong kabutihan sa harap mo, at aking itatanyag ang pangalan ng PANGINOON sa harap mo; at ako’y magkakaloob ng biyaya sa kanino mang aking ibig pagkalooban, at ako’y magmamaawain sa kanino mang kaing ibig kaawaan.

    Exodo 33:15-19

    Kabanata 2

    Labinlimang Makapangyarihang Epekto ng Pagtatalaga sa Iyong Ministeryo

    Nang magkagayo’y nagsalita ka sa pangitain sa iyong mga banal, at iyong sinabi, Aking ipinagkatiwala ang saklolo sa isang makapangyarihan; Aking itinaas ang isang hinirang mula sa bayan.

    Aking nasumpungan si David na aking lingkod; AKING PINAHIRAN SIYA SA AKING BANAL NA LANGIS:

    Na siyang itatatag ng aking kamay; palakasin naman siya ng akin bisig.

    Mga Awit 89:19-21

    Sa isa sa pinakamagandang salmo ng Lumang Tipan, inawit ni Haring David ang tungkol sa mga pagpapala na kaniyang natanggap dahil siya ay itinalaga.

    Sa aking karanasan, napakakonting tao ang nakapaguugnay ng kanilang mga biyaya sa aktuwal na pinagmumulan ng mga pagpapalang iyon. Hindi nila alam kung saan at paano sila napunta sa kinalalagyan nila at kung paanong mayroon sila ng mga bagay na mayroon sila ngayon. Iyon ang kadalasang pundasyon ng pagiging walang utang na loob at rebelyon. Sa tingin ko, mahalagang katangian ang malalim na pag-iisip at pagkilala ng pinagmumulan ng lahat ng mga biyaya.

    Napakagandang basahin kung paano ipinakita ni David ang lahat ng uri ng pakinabang sa pagtatalaga. Pinagyaman niya ang pagtatalalga at madalas itong tinutukoy sa kaniyang sarili bilang ang itinalaga ng Panginoon.

    Nawa ay buksan ng Diyos ang iyong mga mata sa kahalagahan ng Kaniyang pagtatalaga sa iyong buhay at ministeryo!

    Naniniwala ako na kung mas maraming mga ministro ang makakakita kung ano ang nagagawa ng pagtatalaga, nanaisin nila ito at hahanapin kaysa sa kahit na ano pa. Kung napakaepektibo ng pagtatalaga sa buhay ni David, dapat mo ring asahan ang pagtatalaga na magkaroon ng parehong epekto sa iyong buhay at ministeryo!

    1. Ang pagtatalaga ay magreresulta sa iyo sa pagtanggap ng hindi pangkaraniwang tulong para sa iyong buhay at ministeryo.

    Naramdaman ni David na natulungan ang kaniyang ministeryo bilang hari dahil sa pagtatalaga. Sinabi niya,

    ...Ibinigay ko ng tulong sa isang taong makapangyarihan....

    Mga Awit 89:19b

    2. Ang pagtatalaga ang magpapataas sa iyo hanggang sa kataas-taasan sa ministeryo.

    Nakita ni David ang kaniyang pagtaas bilang resulta ng pagtatalaga.

    ...Aking itinaas ang isang hirang mula sa bayan.

    Mga Awit 89:19c

    3. Itatatag ka ng pagtatalaga sa ministeryo.

    Malinaw mong makikita ang pagkakaiba ng isang ministeryo na naitatag ng Diyos at ang hindi. Naitatag si Haring David dahil sa pagtatalaga.

    Aking nasumpungan si David na aking lingkod; aking pinahiran siya sa aking banal na langis: Na siyang itatatag ng aking kamay...

    Mga Awit 89:20-21

    4. Ang pagtatalaga ang magpapapasok ng lakas sa iyong ministeryo.

    Maraming beses na nanghihina ang mga ministro sa kanilang pangangaral at ministeryo. Ang kalakasan ng pagliligtas at ang kapangyarihang makapagpabago ng mga buhay ng mga tao ay hindi lang simpleng naroon. Tatanggalin ng pagtatalaga ang lahat ng mga kahinaan mula sa iyong buhay at ministeryo. Naramdaman ni Haring David na mas lumalakas siya dahil sa pagtatalaga. Sinabi ni David,

    ...palakasin naman siya ng akin bisig.

    Mga Awit 89:21

    5. Poprotektahan ka ng pagtatalaga mula sa panlilinlang.

    Ang masamang gumagambala sa mga ministro ay ang panlilinlang. Ang panlilinlang ay nagiging kabulagan at pagkukunwari sa ministeryo. Maraming mga bihasang ministro ang may malaking blind spots. Nagagawa nilang makita at tanggalin ang mga maliliit na insekto pero hindi makita ang malaking hayop tulad ng kamelyo kapag dumaraan ito!

    Kayong mga taga-akay na bulag na inyong sinasala ang lamok, at nilulunok ninyo ang kamelyo!

    Mateo 23:24

    Mahigpit na pinagsabihan ni Jesus ang mga may karanasang ministro dahil sa kanilang mga pandaraya, at pagiging mapagkunwari.

    Sa aba ninyo, kayong mga taga-akay na bulag...

    Mateo 23:16

    Kayong mga mangmang at mga bulag...

    Mateo 23:17

    Kayong mga bulag...

    Mateo 23:19

    Kayong mga taga-akay...

    Mateo 23:24

    Ikaw bulag na Fariseo...

    Mateo 23:26

    Gayunpaman, naramdaman ni haring David na nalagpasan niya ang panlilinlang dahil sa pagtatalaga: Hindi sila malilinlang ng kaaway (Mga Awit 89:22). Mailayo nawa kayo sa panlilinlang dahil sa pagtatalaga!

    6. Ang pagtatalaga ang magliligtas sa iyo mula sa

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1