Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

His Greatest What If
His Greatest What If
His Greatest What If
Ebook179 pages2 hours

His Greatest What If

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

What if?
What if hindi ako natakot?
What if naging matapang ako na mahalin din siya?
What if ipinaglaban ko siya?
What if pinakinggan niya ako?
What if magkita kami ulit?
What if naghintay ako?
What if sumugal din ako?
What if kami pala talaga?

Ito ang mga “what if ” ni Brian sa buhay niya. At ang sagot sa lahat ng ito ay malalaman niya while he’s crossing the busy street of Shibuya. Dito muling magsasalubong ang landas nila ng babaeng mahal niya. Ito na kaya ang hudyat na magkakaroon sila ng second chance? O tuluyang tutuldukan ng pagsasalubong nilang iyon ang lahat ng mga “sana” niya?

LanguageTagalog
PublisherABS-CBN Books
Release dateMay 5, 2020
ISBN9780463590942
His Greatest What If

Related to His Greatest What If

Related ebooks

Reviews for His Greatest What If

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    His Greatest What If - Ethyl dela Peña

    CHAPTER 1

    Nagising si Joey sa tunog ng cellphone niya, si Vladie tumatawag. Isa sa mga kaibigan niya at kasama niya sa apartment. Alas tres pa lang ng umaga, kakatulog pa lang niya. Paniguradong mahihirapan na naman siyang bumalik sa pagtulog.

    Nakakunot ang noo niyang sinagot ang tawag nito.

    Ano ba? Kakatulog ko pa lang eh, angal niya.

    Besh, pabukas ng pinto please. Naiwan namin ‘yung keys namin. Thank you besh!

    Bahala kayo! Dyan kayo matulog sa labas, pagkasabi niya noon, agad niyang pinatay ang tawag ng kaibigan.

    Padabog niyang inilapag ang cellphone sa side table at nagtakip ng unan sa mukha. Susubukan niyang bumalik ulit sa pagtulog. Pero sunod-sunod na katok mula sa main door ng apartment nila ang naririnig ng dalaga.

    Beshieeeeee, pabukas! Ihing ihi na ako! rinig niyang reklamo ng isa pa niyang kaibigan na si Micah.

    Galing na naman panigurado ang dalawa sa isang walwal night. Huminga nang malalim si Joey bago nagpasyang bumangon at pagbuksan ang dalawang kaibigan. Tamad na tamad siyang naglakad papunta sa main door.

    Joey, pabukas na please! rinig niyang sigaw ni Vladie mula sa labas.

    Vladie, sigurado ka bang buhay pa ‘yun? Naku, baka nagbigti na ‘yun ha? rinig niyang sabi ni Micah.

    Gaga, eh di ba sumagot pa nga nung tumawag ako? Stupid! rinig niyang pasigaw na sagot ni Vladie.

    Naku, besh, sabi ko naman kasi sayo, pilitin na nating sumama ‘yun di ba?! Alam mo namang malungkot ‘yung kaibigan natin! Paano na kung may ginawa na ‘yun?! Habang buhay nating sisisihin ang mga sarili natin! Anong klaseng kaibigan tay—, hindi na naituloy ni Micah ang sasabihin dahil pinagbuksan na sila ni Joey ng pinto.

    Ang OA niyo! Pumasok na nga kayong dalawang lasenggo, talak ni Joey sa mga kaibigan dahil amoy na amoy niya ang alak na ininom ng mga ito.

    My gosh, may mga tama na naman kayo. Pati ako dinadamay niyo pa sa puyat. Pagbuhulin ko kaya kayo? inis niyang sinermunan ang dalawa.

    Lumapit sa kanya si Vladie at sumandal sa balikat niya. Sumama ka na kasi samin next time. Madaming pogi dun, as in! Next time nga magdadala na ‘ko ng rice cooker eh.

    Ano? Anong konek nung rice cooker sa mga pogi? natatawa niyang tanong sa kaibigan habang inaalis ang ulo nito sa balikat niya dahil naaamoy niya ang alak sa hininga nito.

    Kanin na lang kasi ang kulang. Ulam na ‘yung mga pogi dun. Kaya magdadala ako ng rice cooker. Hahaha, tuluyan nang humiga si Vladie sa sofa. Habang si Micah naman ay nakahiga sa sahig habang busy sa cellphone nito.

    Mag-shower na nga kayong dalawa para mawala ‘yang mga tama niyo. Ang babaho niyo, I swear, nilapitan niya si Micah para tulungan itong tumayo. Get up, Micah! Ang dumi ng sahig, di ako nagwalis kanina, tumayo ka nga.

    Nang matulungang tumayo ni Joey, pabagsak na umupo si Micah sa sofa sa tabi ni Vladie.

    Alam mo, beshie, sumama ka na talaga samin next time, itinuro siya nito. Hahanap tayo ng jowa mo dun. Hahaha, halatang wala na ito sa sariling wisyo.

    Oo nga. Oo nga, sagot naman ni Vladie na nagsi-selfie kahit sobrang ngarag na ng itsura at halatang anytime ay bibigay na sa antok.

    Alam niyong di ako umiinom di ba? At isa pa, ayoko ng lasa ng alak, sabi niya at saka pumunta sa kusina para kumuha ng tubig para sa dalawa.

    Besh, alam mo, andami mong nami-miss sa buhay dahil masyado kang nakulong sa limang taon niyong relasyon ni Neil, abot hanggang kusina ang opinyon ni Micah.

    Manahimik ka nga. Bunganga mo talaga Micah, suway ni Vladie sa kaibigan.

    Napatigil si Joey sa pagsasalin ng tubig. Gusto niyang mainis kay Micah pero pinili niyang huwag na lang pansinin ang sinabi nito dahil may tama ang kaibigan niya.

    Aray! Ano ba,Vladie?! naabutan niyang sinasabunutan ni Vladie si Micah.

    Magsitigil nga kayo, pag kayo nagkatampuhan na naman ha? Inabot niya sa dalawa ang dala niyang baso na may lamang tubig.

    Hindi besh, kasi nga ilang buwan na rin naman na. Sabi mo nga okay ka na di ba? Maybe it’s time for you to try new things, hindi ‘yung puro ka lang trabaho at tulog, seryosong sabi sa kanya ni Micah.

    Okay ka na ba talaga? may pag-aalala nitong tanong.

    Oo naman. Nakita niyo ba akong umiyak nung naghiwalay kami? nakangiti niyang sabi.

    Lumapit si Joey at naupo sa pagitan nina Vladie at Micah. Sabay na sumandal sa balikat niya ang dalawa.

    Besh, hindi ka naman namin pinipilit na maging okay kung di ka pa talaga okay. Alam mo namang andito lang kami for you di ba? Pero hindi rin naman siguro masamang sumubok ka ng mga bagay na di mo pa nagagawa dati, sabi ni Vladie.

    Tama. Halos kay Neil din kasi umikot ang buong buhay mo dati eh, inaantok na sabi ni Micah. Sinundan pa ‘yon ng malaking hikab.

    Live a little, beshie. At tuluyan na ring humilik si Vladie.

    Hinayaan niya na lang na matulog ang mga kaibigan sa sala. Di niya na lang ito ginising. Kinumutan niya ang dalawa at nilagyan ng unan. Pagkatapos, pumunta siya sa kusina at nagtimpla ng gatas. Pagkainom, tsaka siya bumalik sa kwarto niya.

    Isinandal niya ang ulo niya sa headboard ng kanyang kama. Bahagya siyang natawa dahil hanggang sa loob ng kwarto ay naririnig niya ang halinhinang paghilik nina Vladie at Micah. Inabot niya ang switch ng lampshade at pinatay iyon. Napabuntong hininga na lang siya nang masulyapan niya ang oras sa kanyang cellphone, eksaktong labinlimang minuto na lang bago mag-alas kwatro ng umaga. Di na siya makaramdam ng antok.

    Kinuha ni Joey ang unan sa gilid niya. Hinga ulit nang malalim. Ilang segundo pa siyang nakipagtitigan sa kawalan bago niya napagpasyahang pumikit.

    Baka nga kailangan niya ng bagong gagawin sa buhay niya. Di ‘yung puro trabaho at tulog lang. Sa nakalipas na walong taon na relasyon nila ng ex niyang si Neil, nasanay na siya sa iisang routine lang.

    Trabaho on weekdays. Dates on Saturdays. Family and church on Sundays. After work, uuwi at matutulog. ‘Yun at ‘yun lang.

    Twenty four na siya, pero never niya pang naranasan na mag-nightout at magtravel—Tagaytay at Batangas nga lang ang pinakamalayo niyang narating sa tanang buhay niya. Madalas kasi, pag may out of town na lakad ang family niya eh nasa trabaho siya. Kaya madalas din siyang di nakakasama sa kanila. Hindi rin siya mahilig lumabas at uminom. Hindi naman sa pinagbabawalan siya ni Neil pero di lang talaga niya feel gawin ‘yung mga bagay na usually ginagawa ng mga ka-edaran niya. Siguro nga kasi sanay siya na laging si Neil lang ang kasama. Kung sino ang kaibigan ni Neil, ‘yun lang din ang kaibigan niya. Maliban lang kina Vladie at Micah.

    Inis na napabuntong hininga si Joey. Kung kailan naman kasi gusto niyang matulog, saka pumapasok ang lahat ng tanong niya sa mundo.

    Idinilat niya ulit ang mga mata para makipagtitigan sa kawalan. Tahimik pa ang buong paligid, ang paminsan-minsang kahol ng aso ng kapitbahay nila lang ang naririnig niya—pati na ang salitang hilik nina Vladie at Micah.

    Ano na nga bang gagawin niya sa buhay niya?

    Alas otso ang pasok niya sa trabaho. Maghahanda na lang siya para pumasok dahil malamang, di na talaga siya makakatulog. Kinuha niya ang towel na nakasabit sa pinto ng locker niya. Kinuha niya na rin ang bluetooth speaker niya at pinatugtog ang playlist niya.

    Nagsimulang tumugtog ang Big Girls Don’t Cry ni Fergie bago siya pumasok ng banyo.

    * * *

    Sa Makati ang apartment nilang magkakaibigan at sa BGC ang opisina niya kaya kailangan lagi siyang maagang umalis ng bahay. Alas syete na pero nasa EDSA pa rin siya. Sa isip-isip ni Joey, Dito mo talaga mahahanap ang forever mo. Hindi siya mapakali sa inuupuan niya. Kahit gaano pa siya kaagang umalis kanina, alam niyang mali-late siya kapag hinintay niyang bumilis ang takbo ng bus na sinasakyan niya. Nagdesisyon siyang bumaba ng bus para maghanap ng motorsiklo na pwedeng sakyan. Langhap na langhap niya ang usok ng mga sasakyan nang tumawid siya sa pedestrian lane. Hulas agad ang makeup niya, pati kili-kili niya, basa na. Nang makarating sa kabilang dako, nakita niyang marami ring tulad niya roon na nag-aabang ng motorsiklo na masasakyan.

    Matiyaga siyang naghintay at makalipas lang ang ilang minuto, nakasakay na rin siya. Saktong ala syete y medya nang makarating siya sa kanilang opisina. Amoy usok at fresh from EDSA pero at least, hindi siya late. Mag-i-spray na lang ako ng perfume mamaya, bulong niya sa sarili.

    Miss Joey, good morning po! masiglang bati sa kanya ng gwardiya habang kinakalkal niya ang bag para sa ID niya.

    Kuya, hello, good morning! Naku, grabe ang traffic, muntik na naman akong ma-late! agad niyang isinara ang bag niya matapos itong i-check ng guard.

    Thirty minutes early ka, ma’am! Have a nice day po! nakangiting sabi nito sa kanya.

    Ikaw rin, kuya! Inom ka ng maraming tubig, doble init today! Una na po ako! pagkasabi noon ay dali-dali na siyang nag-badge at tumakbo papunta sa elevator. Gusto niya pa kasing mag-ayos ulit at bumili ng coffee.

    Pagdating niya sa 19th floor ay agad siyang binati ng mga officemate niya.

    Hulaan ko, puyat ka, bati sa kanya ni Ann.

    Halata ba? Itim ba ng eyebags ko? agad niyang kinuha ang compact mirror sa drawer niya at sinipat-sipat ang sarili.

    Wag mo nang isipin ‘yung sinabi ko. Basta maganda ka pa rin. Sabi ko naman sayo eh, gwapo ‘yung best friend ng jowa ko. Pwedeng pwede kayo, beshie. Pumayag ka na kasing makipag-date, nangingiti nitong sabi na humila pa ng isang swivel chair at naupo sa tabi niya.

    Hindi lahat ng puyat eh malungkot at ex ang iniisip. Bakit ba lahat kayo tingin sakin nakakaawa? Miserable? Di nakakatulog kada gabi? Napupuyat dahil inaalala mga memories ng ex niya? Tah ka, lasing lang sina Vladie at Micah kagabi kaya please don’t judge me, dire-diretsong litanya nito sa kaibigan.

    Itinaas naman ni Anna ang dalawang kamay at kunwaring sumusuko. Natatawang tumayo ito at humakbang pabalik sa table nito.

    Chill, chill. Di na lalaban. Masyadong mainit ang ulo. Kalma lang po tayo dito.

    "Che! Tigilan mo ‘ko!

    * * *

    Send ng email. Basa ng email. Review ng contracts. Meeting. First break.

    Gawa ng reports. Send ng email. Basa ng email. Lunch break. Kung hindi sa Jollibee, Mcdo, Chowking, sa Ministop o pantry.

    Kung nagbibigay ng loyalty card ang lahat ng fast food na malapit sa office niya, paniguradong platinum member na siya. ‘Yung tipong alam na ng cashier ‘yung order niya pag nakikita nila ang mukha niya. ‘Yung tipong lilinisin na agad ng crew ‘yung kalat dun sa mesa na lagi niyang inuupuan. ‘Yung tipong memorize niya na pangalan ng crew pati mga guard. ‘Yung tipong alam na nila kung anong favorite part niya sa chicken at never siyang tinatanong kung gusto niya ng extra rice. Kulang na lang ata mag-OJT siya sa mga fast food resto e.

    Thirty minutes na lang ang natitira sa lunch break niya. Bibili na muna siya ng kape bago bumalik sa office dahil palagi siyang inaantok after kumain.

    Kung di iced coffee with extra cream ay iced caramel latte ang inoorder niya, o di kaya ay Okinawa at Wintermelon pag milktea. Siya ‘yung tipo ng tao na ginagawang tubig ang kape at milktea.

    Pagkatapos ng lunch break niya ay babalik na siya ng office.

    Send ng email. Basa ng email. Gawa ng reports. Last break.

    Pipila sa BGC bus. Aabutin din ng halos kalahating oras ang paghihintay. Pagdating sa Ayala ay makikipagsiksikan sa bus para makauwi. Wala na rin naman siyang gagawin pagkauwi dahil madalas na nauuna siyang umuwi kina Micah at Vladie. Mag-isa siyang nagdi-dinner, kaya sa halip na magluto, umoorder na lang siya ng pagkain. Tuwing Sabado lang sila nakukumpleto at madalas, may hangover pa ang dalawa dahil sa kaka-night out ng mga ito.

    * * *

    Sabado ng umaga. Alas dyes na bumangon sina Micah at Vladie. Nakapaglinis na siya ng bahay at nakapagluto na rin ng tanghalian nila. Nagtutupi siya ng mga damit sa kwarto niya nang pumasok si Micah at nahiga sa kanyang kama.

    Ang sakit ng ulo ko, sabi nito habang minamasahe ang ulo.

    Inom pa, friend. Halos gumapang ka na naman daw kagabi sabi ni Vladie, napapailing niyang sabi sa kaibigan.

    Wag mo na akong sermonan, please, patuloy pa rin nitong hinihilot ang ulo.

    Hindi kita sinesermonan, loka. Iinom-inom ka kasi, tapos magrereklamo ka, tinapunan niya ito ng tinutupi niyang medyas.

    Tumayo ito at yumakap sa kanya. Beshie, sama ka samin later. Dali na.

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1