Pledge
Bilang isang mamamayang Pilipino,
A-Ba-Ka-Da ng “Be RICEponsible”
ay isasapuso at susundin ko.
A- Adlay, mais, saba, atbp. ay ihahalo ko sa kanin.
B- Brown rice ay aking kakainin.
K-Kanin ay hindi ko sasayangin.
D- Dapat bigas ng Pilipinas ang bilhin.
Aking isasapuso ang panatang ito,
Nang mapabuti ang aking kalusugan,
Magsasaka natin ay masuportahan,
At makatulong na maging sapat
ang bigas ng Pilipinas.
Susundin ko ang A-Ba-Ka-Da na ito
dahil malaki ang magagawa ko
para sa bansa at magsasakang Pilipino, at dahil sa bawat
butil ng bigas
o kanin na aking matitipid
ay may buhay na masasagip.