Noong January 3, 2023 Apat ang namatay ng dahil lamang sa pag oovertake ng isang tricycle at ang pag
okupa nito sa kabilang linya ng kalsada. Tinutukan ni Aecee Catro
AECEE: Makikita sa cctv video ang pag-oover take ng tricycle at ang pag-okupa sa kabilang linya ng
kalsada, pati ang pagbangga nito sa kasalubong na truck kaninang umaga sa National Highway sa
Baranggay Ikirin, Pagbilao, Quezon. Sa pagtilapon ng tricycle, nahagip ang isa pang tricycle na nasa
likuran nito. Sa bidyo na inupload ng netizen sa social media, makikita ang ilan sa mga sakay ng
dalawang tricycle na nakahandusay sa kalsada. Sa inisyal ng Pagbilao Municipal Police Office, apat ang
nasawi sa insidente na pawang taga-Pagbilao, Quezon, apat naman ang sugatan na dinala sa MMG
Hospital sa Lucena City. Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa mga motorista na maging maingat sa
pagmamaneho at manatiling nasa gilid ng kalsada ang mga tricycle upang makaiwas sa aksidente. . Para
sa (pangaLan ng news natin) nakatutok Aecee Castro
Tinutugis ng mga otoridad nag nasa anim na saarin na tumangay ng nasa isang milyong halaga ng alahas
sa isang jewelry store sa Cavite ang nahulicam na modus tinutukan ni Carl Steven Dela Cruz
CARL: Pumasok sa tindahan ang mga suspect ng mga oras na abala sa pag asikaso ng mga customer mga
sales lady. Naunang pumasok ang isnag sa lalaki na sinundan ng limang babae. Inokupa ng mga babae
ang atensyon ng mga sales lady habang ang lalaki naman ang siyang nag abala upang buksan at kuhanin
ang mga alahas na naka display sa istante. Ayon sa may -ari nakakuha ang mga suspect ng 4 items na
pulseras, isang kwintas at isang pendant. Nangyari ang nakawan noong January 5, 2023 sa isang jewelry
store sa loob ng mall sa Trese Martines Cavite. Iniimbestiga na ng mga pulis ang kaso. Para sa (pangaLan
ng news natin) nakatutok Carl Steven Dela Cruz
Holiday season ay magtatapos na. Ano na nga ba ang lagay ng mga kaso ng covid 19 sa ating bansa?
Nakatutok si Allison Bernardino
ALI: Ang parliyamento ng kagawaran kalusugan ay inaasahan ang pagtaas ng mga covid 19 cases sa
bansa dahil sa pagtatapos ng holiday season ngunit ayon sa kanila ang pilipinas daw ay handing harapin
ito. Ayon kay DOH officer in-charge Maria Rosario Vergeire “tayo ay handa, simula’t sapul, tayo po ay
patuloy na naghahanda para kapag saka-sakaling dadami ang kaso, lahat po ng hospitals ay naka alerto
para diyan” ipinunto din niya na ang mga pagtaas ng kaso ng covid 19 ay laging mangyayari at sa ngayon
ang Pilipinas ay hindi pa magtala ng zero cases ng covid-19.
Mga kababayan, nakakaranas na naman tayo ng maulan ulan na panahon, para sa iba pang detalye,
kauspain nga natin ngayon live si PAG ASA weather specialist Jude Gabriel Galvez.
JUDE: Sa kasalukuyan yung binabantayan natin na low pressure area ay huling namataan sa layong 695
kilometers silangan yan ng General Santos City sa South Cotabato sa ngayon ay mababa pa rin ang tiyasa
na ito ay maging isang ganap na bagyo ngunit ang mga dala nitong kaulapan ay magdadala parin ng
kaulanan lalong lao na dito sa eastern Visayas, Central Visayas at malaking bahagi ng Mindanao
Samantalang dito naman sa Western Visayas at malaking bahagi ng palawan makakaranas po tayo ng
bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mga tiyansang pulo pulong pag ulan,
pagkidlat, pagkulog dala naman yan ng Localized Thunderstorm