Name: Kate Natalie A.
Panizales
Grade & Section: Grade 10 - Amethyst
Performance Task in Filipino
Laguna de Bay Noon
Laguna de Bay Ngayon
Noon at Ngayon: Laguna de Bay
Ang Laguna de Bay o kilalang Laguna Lake ay ang pinakamalaking
lawa sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng
Pilipinas, Laguna. Noong sinaunang panahon, ang Laguna de Bay ang
daungan ng mga barko na may dalang mga import products galing sa
ibang bansa. Ito ay kilala sa pangangalakal at palit ng produkto.
Ang Laguna de Bay noon ay isang magandang lawa dahil sa taglay
nitong kakaibang ganda ng tubig. Malinis at sariwa. Ito rin ang pasukan
at labasan ng bawat mapagkukunan ng pangangailangan ng bawat isa.
Makikita sa larawang aking ibinahagi kung paano ang kalakalan at
pamamalakad ng mamamayan noon. Kung gaano ka linis at produktibo
ang lawa. Marami rin itong isda at yamang dagat. Samantalang, ang
Laguna de Bay ngayon ay isang bunga ng polusyon at kawalang disiplina
ng tao. Hindi na ito tulad ng dati kung saan ang tubig ay sariwa, malinis,
at walang halong kemikal. Ang Laguna de Bay ngayon ay madumi, puno
ng basura, at hindi na gaano ka aya-aya tingnan.
Nakakalungkot isipin na ang iniingatan noon ng ating mga ninuno
ay parang nilapastangan ng mga tao ngayon. Magkaibang-iba ang Laguna
de Bay noon at ngayon. Kung gaano ka produktibo, malinis, at sariwa ang
tubig at paligid noon ay 'yon naman ang kabaliktaran ngayon. Ang lawa ay
puno na ng basura na nagiging dahilan ng pagkamatay ng isda, madumi,
hindi na ligtas para langoyan, at hindi na gaano ka kalinis at sariwa ang
tubig. Ang magandang taglay mula noon hanggang ngayon ng Laguna de
Bay ay ang kakayahan nitong magbigay at magsustento ng pang araw-
araw ng pangangailangan ng bawat mamamayan. Nawa'y maging aral ito
na pahalagahan ang ating likas na yaman upang mapakinabangan ng
susunod na henerasyon.