0% found this document useful (0 votes)
42 views1 page

BIONOTE

Bionote tungkol sa aming guro sa Filipino

Uploaded by

seterajohnpaul
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
42 views1 page

BIONOTE

Bionote tungkol sa aming guro sa Filipino

Uploaded by

seterajohnpaul
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

“BIONOTE”

Si Binibining Annie Pearl Rago Antay ay isang mayamang


karanasan sa larangan ng edukasyon at pagsasaliksik. Siya ay
ipinanganak noong Hulyo 4, 1998, sa Balasan, Iloilo, sa Brgy. Aranues.
Siya ay kasalukuyang nag-aaral ng Masters of Education in Filipino sa
FILAMER (Roxas City), pagpapatunay na sa kabila ng kanyang
kabataan, siya ay isang masugid na tagapagtanggol at tagasulong ng
edukasyon.

Nagsimula ang kanyang educational journey sa Pamantasang


Estado ng Hilagang Bisayas (NISU), kung saan siya ay nagtapos ng
Batsilyer ng Edukasyong Pangsekundarya medyor sa Filipino noong
2019. Mahusay siyang nagpatuloy sa pag-aaral, at ngayon ay mas
nakatutok sa mas mataas na antas ng edukasyon upang mas
mapalalim pa ang kanyang kaalaman at kakayahan sa Filipino.

Si Annie ay hindi lamang isang mag-aaral, kundi isang guro rin.


Bago ang kanyang Master’s degree, siya ay nagtrabaho bilang
Department of Interior of Local Government Field Officer mula 2020
hanggang 2021, kung saan ipinakita niya ang kanyang kakayahan sa
pag-aaral at pagsasaliksik.

Kasalukuyan siyang naglilingkod bilang guro sa Mataas na


Paaralang Nasyunal ng Balasan simula pa noong Oktubre 19, 2022.
Sa pagtuturo niya ng Filipino sa KPWKP at Panitikang Asyano, siya ay
nagbibigay inspirasyon sa mga kabataan na mahalin ang kanilang wika
at kultura. Ang kanyang mga adhikain at dedikasyon sa larangan ng
edukasyon ay nagpapakita ng kanyang kakayahan at pagnanasa na
mag-ambag sa lipunan at sa hinaharap ng bansa.

You might also like