Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
Division of Davao del Norte
San Isidro District
Dacudao Elementary School
BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI
IKATLONG MARKAHAN
UNANG LINGGO
Pebrero 13, 2023
I. LAYUNIN:
Natatalakay ang kahalagahan sa pagmomodelo ng mga Pilipino sa pagtatagumpay.
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa bansa at pandaigdigang
pagkakaisa tungo sa isang maunlad, mapayapa at mapagkalingang pamayanan.
B. Pamantayan sa pagganap
Naipakikita ang tunay na paghanga at pagmamalaki sa mga sakripisyong ginawa ng mga
Pilipino.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Napahahalagahan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino sa pamamagitan ng
pagmomodelo sa kanilang pagtatagumpay.
II. PAKSANG-ARALIN:
Pagbibigay halaga sa pagmomodelo ng mga Pilipino sa pagtatagumpay
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian:
1. Mga Pahina sa MELCs: EsP6PPP- IIIc-d–35
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral
3. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Bakit mahalaga na sundin ang ipinangako o napagkasunduan natin sa ating
kapwa?
Ano ang mangyayari kapag hindi tayo sumunod sa napagkasunduan o ating
ipingako?
B. Panlinang na Gawain
Gawain: “Ideya mo, Pangalanan mo”
1. Iguhit ang graphic organizer sa pisara.
2. Sabihin sa mga mag-aaral na mag-isip ng mga salita na maaring tumukoy sa
magandang katangian ng isang Pilipino upang maging matagumpay at mahusay sa
kaniyang larangan.
3. Ipasulat ang mga naisip na katangian sa blankong graphic organizer.
4. Itanong kung makakatulong din ba ang mga katangiang ito sa kanilang sarili upang
maging matagumpay? Ipaliwanag ang sagot.
C. Pagtatalakay:
Gawain: “ Be like Enola!’
- Gawin ito sa pamamagitan ng laro.
- Hatiin sa apat na pangkat ang mag aaral.
- Bigyan ang bawat pangkat ng strip ng naka dyambol na mga letra kasama puzzle ng
larawan at ang palatandaan na maaring makatulong sa kanila na mabuo ang tamang
pangalan ng mga natatanging Pilipino na matagumpay.
- Bigyan sila ng dalawang minuto upang mahulaan ng bawat pangkat ang sagot.
- I proseso ang sagot ng mga bata at ibahagi ang kwento ng bawat Pilipino sa kanilang
sagot.
Palatandaan Puzzled Pictures Jumbled Pangkat
Words
Siya ay napiling Miss Saigon sa isang
matagumpay na musikal. Kilala siya hindi ELA
I
lang sa Pilipinas pati na rin sa buong mundo. NGLOSAA
Ang tinaguriang “Pambansang Kamao” na
naging tanyag sa buong mundo sa Boxing.
Nagbigay ng mataas na karangalan hindi MYANN
II
lamang sa husay sa isports kung hindi sa QUPAOACI
panunungkulan niya bilang Senador.
Ang kauna-unahang taga-Timog Silangang
Asya na tumanggap ng Intenational Children
Peace Prize Award dahil pagtayo ng isang SZKE
proyekto ng “Hope Gifts.” III
VDEALZ
Isang grupo na nagwagi sa Asia;s Got
Talent noong 2015 na nagabokasya na
mahalin at piliin ang Pilipinas at upang LE GMMAA
IV
makilala ang angking ganda ng ating bansa BRENPMUA
sa buong mundo.
D. Paglalapat:
1. Bakit mahalaga na malaman natin ang tagumpay ng iba?
IV. PAGTATAYA:
Sanaysay:
Mag isip ng isang matagumpay na Pilipino na iyong iniidolo. Sumulat ng maikling
sanaysay tungkol sa iyong idolo. Sundin ang porma sa ibaba sa pagsulat ng sanaysay.s
Isa sa matagumpay na Pilipino na aking iniidolo ay
si_______________________. Siya ay nakilala bilang______________________ o sa
larangan ng _______________________. Siya ang ay aking iniidolo sapagakat siya
ay______________________________________________________________________.
Gusto kung tularan ang kanyang_________________________
sapagkat______________________________________________. Balang araw ako ay
magiging matagumpay din tulad niya.
V. KARAGDAGANG GAWAIN PARA SA TAKDANG-ARALIN:
Basahin at isaulo ang tulang ito. Saguting kung ano ang mga aral na natutuhan mo sa
nabasang tula?
Pilipino AKo, Hinding-hindi Susuko!
Tula ni: Patrick O. Opeña
Mahirap man ang pagdadaanan, pilit pa ring aabutin,
Hindi hadlang mga tinik para lamang sa mithiin.
Hindi na mabilang mga pawis na tumagaktak,
Pilipino Ako! Isisigaw sa mundo ang aking tatak.
Maipagmamalaki sa buong mundo itong mga kampeyon
Iba’t ibang larangan at mga natatangi nilang ambisyon.
Kahanga-hanga ang matayog na mga lipad,
Magbigay ng karangalan ay kanilang hangad.
Nais ko silang tularan sa kanilang narating,
Ako’y magsisikap at magpakita ng galling.
Hindi ako bibitiw sa aking pangarap,
Pilipino ako! tagumpay ay malalasap.