You are on page 1of 13

Liturgical Songs

Alay-Lingkod 1. Kung di mahuhulog sa lupa ang palay, paanong aani sa kanya ng buhay? Kung di malulunod ang lupa sa bukid, paanong ang tanim sa kanyay hihimlay? KORO1: Maligaya ang buhay ng magsasaka dahil lingkod siyang aba ng Sangnilikha. 2. Kung di mahahain ang isda sa dagat, paanong magyayaman ang buhay na salat? Kung di magpupuyat ang Bangka at lambat, walang maiaalay ang tubig-alat. KORO2: Kalangitan ang tahanan ng mangingisda dahil lingkod siyang aba ng Sangnilikha. KORO3: Aking diwa at puso ay inialay Gawing lingkod aba nawa ng Sangnilikha. Maging lingkod nawa ng Manlilikha. Ama Kong Mahal KORO: Ang Panginoon ang kaligtasan ko. O Ama, Ikaw ang aking ilaw, magpakailanman. 1. Walang ikatatakot ang aking buhay, Amang mapagaruga ang aking takbuhan. Maging ang karimlan may magbadya ng sindak, Kapiling Ko ang Ama Kong mahal. (KORO) 2. Ako may pagtangkaan nilang ilayo sa Iyo. Pagbantaan man akong bihagit hamakin. Ikaw ang magkakalas ng puso kong gapos. Kalasag ko ang Ama kong mahal. (KORO) 3. Ang Yong pananahan sa aba kong puso. Mukha Mong maamo at tinig Mong kay tamis. Ay hanaphanap ko saan man maghantong. Tahanan ko ang Ama kong mahal. (KORO) Ang Panginoon ang aking Pastol KORO: Ang Panginoon ang aking Pastol, Pinagiginhawa akong lubos. 1. Handog Niyang himlayay sariwang pastulan, ang pahingahan koy payapang batisan. Hatid sa kalulwa ay kaginhawaan, sa tumpak na landas Siya ang patnubay. (KORO) 2. Madilim na lambak man ang tatahakin ko, wala akong sindak Siyay kasama ko. Ang hawak Niyang tungkod ang Siyang gabay ko. Tangan Niyang pamalo, siglat tanggulan ko. (KORO) Ang Tanging Alay Ko 1. Salamat sa Iyo, aking Panginoong Hesus. Akoy inibig Mo, at inangking lubos. KORO: Ang tanging alay ko saYo aking Ama, ay buong buhay ko, puso at kaluluwa Hindi makayanang makapagkaloob: mamahaling hiyas ni gintong nilukob. Ang aking dalangin, O Diyos, ay tanggapin. Ang tanging alay ko, nawa ay gamitin. Ito lamang Ama, wala nang iba pa aking hinihiling.

Paralayunan Choir +Bis Orat Qui Bene Cantat


Page 1

Liturgical Songs
2. Di ko akalain na ako ay binigyang pansin. Ang taong tulad koy di dapat mahalin. (KORO) Awit ng Paghahangad 1. O Diyos, Ikaw ang lagging hanap. Loob koy Ikaw ang tanging hangad. Nauuhaw akong parang tigang na lupa. Sa tubig ng Yong pag-aaruga. 2. Ikay pagmamasdan sa dakong banal. Nang Makita ko ang Yong pagkarangal. Dadalangin akong nakataas aking kamay. Magagalak na aawit ng papuring iaalay. KORO: Gunita koy Ikaw habang nahihimlay. Pagkat ang tulong Mo sa twinay taglay. Sa lilim ng Iyong mga pakpak, umaawit akong buong galak. 3. Aking kaluluway kumakapit saYo. Kaligtasay tiyak kung hawak Mo ako. Magdiriwang ang Hari, ang Diyos Syang dahilan. Ang sa Iyo ay nangako galak yaong makakamtan. (KORO) Awit ng Paghilom KORO: Panginoon ko, hanap-hanap Ka ng puso. Tinig Moy isang awit paghilom. 1. Ang baling ng aking diwa ay saYo. Huwag nawang pababayaang masiphayo. Ikaw ang buntong hininga ng buhay. Dulot Moy kapayapaan, pagibig. (KORO) 2. Akoy akayin sa daang matuwid. Huwag nawang pahintulutang mabighani. Nang panandalian at huwad na rilag. Ikaw ang aking tanging tagapagligtas. (KORO) 3. Sigwa saking kalooban Yong masdan. Pahupain ang bugso ng kalungkutan. Yakapin ng buong higpit Yong anak. Nang mayakap din ang bayan Mong ibig. (KORO) Bawat Sandali Bawat sandali dalangin koy binibigkas. Nang masilayan Kang maaliwalas. Nang ibigin Ka, Panginoon, buong wagas. Nang aking masundan ang Yong bakas. (Ulitin) Bawat sandal hangad Kita, ang Siyang landas. Bayan, Magsi-awit na! KORO: Bayan, magsi-awit na! Bayan, pinagpala ka! Dakilang biyayang pangako Niya sumilay na! 1. Sinauna Mong hangarin ang tao ngay tubusin. Upang Siya ay makapiling, mapagirog na Diyos natin. (KORO) 2. Sa aba Niyang pagkatao sa buhay Niya sa mundo. Inihayag Kanyang puso, tinig ng Ama nating Diyos. (KORO) 3. Pananatili Niyang tunay, Spiritung ating gabay. Kahulugan at pagasa, pagmamahal at biyaya. (KORO) Bayan, Umawit KORO: Bayan, umawit ng papuri sapagkat ngayon ikay pinili. Iisang bayan,

Paralayunan Choir +Bis Orat Qui Bene Cantat


Page 2

Liturgical Songs
iisang lipi. Iisang Diyos, iisang Hari. Bayan, umawit ng papuri. Bayan, umawit ng papuri. 1. Mula sa ilang ay tinawag ng Diyos. Bayang lagalag inangkin ng lubos. Pagkat kailanmay di pababayaan minamahal Niyang kawan. (KORO) Butihing Diyos 1. Panginoon aking gabay, ituro sakin ang Yong daan. Akayin saYong katotohanan. Ikaw ang aking kaligtasan. KORO: Butihin at matwid ang Panginoon, pumapatnubay sa mababang loob. 2. Ang Yong awat kabutihan alalahanin, Panginoon. Hwag ang sala at pagkukulang dahil saking kabataan. (KORO) 3. Ang may takot saYo O Diyos, mananahang masagana. Ang Yong tipan ituturo Mo. Sakiy Ikaw ang pag-asa. 4. Ako ay laging babaling sa Kanya. Ang kaligtasan Niyay pag-asa at tanging hangad. Dunong ng Puso KORO: Panginoon sa puso koy ituro Mo dunong ng puso Mo. 1. Pusong dalisay likhain Mo sakin. Sang diwang matatag sa puso koy ihain. Sa piling Mo sa twina akoy ilapit. Diwa Mong banal hwag Mong ipagkait. (KORO) 2. Pusoy gawaran ng kaligtasan. Patibayin sa akin tapat na kalooban. Landas Mo ay aking ihahayag. May sala saYo ay mapapanatag. (KORO) 3. Mag-alay man ako susunuging handog. SaYong dambanay di kalugod-lugod. Pusong nagsisisi tanging sasapat saYo. Pusong nagmamahal, pusong laan saYo. Kapuri-puri Ka 1. Kapuri-puri Ka, Diyos Amang lumikha ng lahat. Sa Iyong kagandahangloob, narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa. Ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay. KORO: Kapuri-puri ang Poong Maykapal, ngayon at magpakailanman. Kapuripuri ang Poong Maykapal, ngayon at magpakailanman. 2. Kapuri-puri Ka, Diyos Amang lumikha ng lahat. Sa Iyong kagandahangloob, narito ang aming maiaalay. Mula sa ubas at bunga ng aming paggawa. Ang alak na ito para maging inuming nagbibigay lakas. (KORO) Kung Yong Nanaisin 1. Kung Yong nanaisin, aking aakuin. At babalikatin ang Krus Mong pasanin. 2. Kung Yong iibigin iputong sa akin

Paralayunan Choir +Bis Orat Qui Bene Cantat


Page 3

Liturgical Songs
Koronang inangkin pantubos sa amin. KORO: Kung pipiliin, abang alipin. Sabay tahakin Krus na landasin. Galak ay akin, hapis ay di pansin. Ang Yong naisin, siyang susundin. 3. Kung Yong hahangarin, Kitay aaliwin. At kakalingain, lumbay papawiin. (KORO) Halina, Lumapit sa Akin 1. Kaibigan, tantuin mong isang paglalakbay ang buhay. Sangasangang landas ay may kahirapan. Kung may lungkot o panganib sayoy biglaang dumalaw. O kung ikaw ay mapagod sa bigat ng iyong pasan, Panginoon ang balingan, Panginoon ang asahan. KORO: Wika Niyay Halina, Lumapit sa Akin. Kayong mga napapagal Aking pagiginhawahin. Bigat ng iyong pasanin, ay Aking pagagaanin. Halina, kaibigan, lumapit sa Akin. 2. Kaibigan, tantuin mong isang paglalayag ang buhay. Maalon ang dagat at may kalaliman. Kung may unos at may hanging di mo kayang paglabanan. O sa gabing kadiliman ni tala ay walang tanglaw. Panginoon ang balingan, Panginoon ang asahan. (KORO) Halinat Umawit KORO: Halinat umawit ng may kagalakan, Ang Diyos ay papurihan. Pag-ibig Niyay tunay na walang hanggan, Siyay pasalamatan. 1. Ibahagi natin ating karanasan, pagasang nasumpungan. Pagtatagumpay sa kadilimay lagging ihahayag. (KORO) 2. Umawit sa Diyos nang walang pangamba kayong nangagdurusa. Pagmamahal Niya na dakila, lakas ng mahihina.(KORO) Hangarin ng Puso ko KORO: Hangarin ng puso ko, Yahweh, makapagkaisang loob sa inyo ng lubusan at masumpungan. 1. Mapalad siyang hindi naaakit ng masama, sa palalong buhay di mapariwara. Kayoy nais niyang kapisan at tinig Niyoy laging hanap. Galak niyang kayo ay matagpuan gabi at araw. (KORO) 2. Katulad niyay luntiang punong nakatanim, katabi ng umaagos na batis. Ang bawat niyang mithiin, ang bawat niyang Gawain. Nagtatagumpay, nagbubunga ng kapayapaan. (KORO) 3. Hangarin ng puso ko, O Yahweh ng buhay ko. Masumpungan Ka ng sangnilikha nang habambuhay. (KORO) KODA: Hangarin ng puso ko, Yahweh (hangarin ng buhay ko Yahweh) Magkaisa ang loob ko sa Inyo!

Paralayunan Choir +Bis Orat Qui Bene Cantat


Page 4

Liturgical Songs
Hindi Kita Malilimutan Hindi kita malilimutan, hindi kita pababayaan. Nakaukit magpakailanman saKing palad ang yong pangalan. Malilimutan ba ng ina ang anak na galing sa Kanya? Sanggol sa kanyang sinapupunan, paano niya matatalikdan? Ngunit kahit na malimutan ng ina ang anak niyang tangan. Hindi kita malilimutan, kailanmay di pababayaan. Hindi kita malilimutan, kailanmay di pababayaan. Huwag Kang Mangamba KORO: Hwag kang mangamba, di ka nag-iisa. Sasamahan kita, saan man magpunta. Ikay mahalaga saKing mga mata. Minamahal Kita, minamahal Kita. 1. Tinawag kita sayong pangalan, ikaw ay Akin magpakailanman. Ako ang Panginoon mo at Diyos, tagapagligtas mo at tagatubos. (KORO) 2. Sa tubig kitay sasagipin, sa apoy ililigtas man din. Ako ang Panginoon mo at Diyos, tagapagligtas mo at tagatubos. (KORO) Huwag Limutin 1. Huwag limutin nakaraang araw; sariwain kahit baliktanaw. Takipsilim di man mapigilan, sandal lang ang dilim. 2. Yong bilangin ang bawat sandaling kagalakay wariy walang patid. Magkasama tayo sa pagsapit ng sang langit sa daigdig. KORO: Minamahal kitang tunay, ang tinig Ko sayoy bubuhay. Sambitin mo ang aking himig, at Akoy sa Iyoy aawit. 3. Alaala ng pagkakaibigan, sa puso itagot ingatan. Sa pagsilay ng bukas tignan, ala-alat pusoy iisa. (KORO) Huwag Mangamba 1. Kahit di malinaw yong patutunghan, kahit di matanaw ang kinabukasan. Huwag mangamba, lagi kitang pangungunahan. Magtiwala Akoy sundan. 2. Lahat ng takot moy Aking naranasan. Lahat ng hirap moy Aking naraanan. Kailan Ako di naasahan? Kailan kita pinabayaan? Magtiwala Akoy sundan. KORO: Huwag mangamba, huwag mabalisa, huwag mabahala. Sa ligalig, hindi kita padarakma. Manalig ka, magtiwala, at mapayapa. Pag-ibig Kong kalasag moy sapat na. 3. Kahit di malinaw Aking kalooban. O makitid ang pinatatahak Kong daan. Asahan mong kapayapaay matatamo sa hantungan. Magtiwala Akoy sundan. (KORO) Inang Mahal 1. Inang mahal, Mariang Ina sa kandungan moy nahimlay. Ang sanggol mong aming buhay. Pakinggan mo at ihatid aming mga panalangin. Kay Hesus na kaligtasan naming.

Paralayunan Choir +Bis Orat Qui Bene Cantat


Page 5

Liturgical Songs
KORO: Pag-ibig mo, Inang kay tamis. Ipadama mo sa aming tumatangis. Turuan mo kaming magmahal. Kay Hesus, aming tagapagligtas. 2. Inang mahal, huwaran ka ng pagsisilbi sa Diyos. Sa pag-akap mo kay Hesus. Pakinggan mo ang panalangin naming matularan ka. Sa tindi ng pagibig mo sa kanya. (KORO) Inay 1. Sa mahinahong paalam ng araw, sa pag-ihip ng hanging kahapunan. Balabal koy init ng iyong pag-ibig sa dapithapong kay lamig. 2. Mga bituin kay agang magsigising. Umaandap, mapaglaro man din. Iyong ngiti hatid nila sa akin sa diwa kot panalangin. KORO: Puso koy pahimlayin, Inay. Upang yaring hamog ng gabing tiwasay. Ay madama ko bilang damping halik ng yong anak. Ay! Irog kong Inay. 3. Sa palad niyo itago aking palad. Aking bakas sa inyong bakas ilapat. At iuwi sa tahanan kong dapat sa piling ng inyong anak. (KORO) Ito ang Araw KORO: Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayoy magsaya at magalak. 1. Magpasalamat kayo sa Panginoon, butihin Sya, Kanyang gaway walang hanggan. Sabihin ng sambayanan ng Israel, Walang hanggan Kanyang awa. (KORO) 2. Kanang kamay ng Diyos sakiy humango. Ang bisig Niya sakin ang tagapagtanggol. Akoy hindi mapapahamak kailan man. Ipahahayag ko, Lwalhati Niya. (KORO) 3. Ang aking Panginoon, moog ng buhay. Sya ang batong tinanggihan ng tagapagtayo. Kahanga-hanga sa aming mga mata. Gawain Niya; Purihin Siya! (KORO) Magalak Tayo sa Diyos KORO: Magalak tayo sa Diyos. Ngalan Niyay ipagbunyi! 1. Ipamamalita ng mga bansa kadakilaan Mot gawa. Ihahayag ang Yong kabutihan at pag-ibig sa santinakpan. (KORO) 2. Kinahahabagan Mo ang lahat kahit saYo ay di tapat. Dapat Ka ngang pasalamatan saYong awang walang hanggan. (KORO) 3. Kami ay lubos Mong iningatan, inaruga sa Iyong pagmamahal. Ikaw ngay matuwid sa Iyong mga gawa. Purihin ang Diyos, ang Ama. Purihin magpakailanman. (KORO) Manalig Ka 1. Iluom lahat ng takot sa inyong damdamin, ang pangalan Niya lagi

Paralayunan Choir +Bis Orat Qui Bene Cantat


Page 6

Liturgical Songs
ang tawagin at Siyay nakikinig sa bawat hinaing. 2. Magmasid at mamulat sa Kanyang kapangyarihan. Nabatid mo ba na Siyay naglalaan. Patuloy na naghahatid ng tunay na kalayaan. KORO1: Manalig ka, tuyuin ang luha sa mga mata. Hindi Siya panaginip, hindi Siya isang pangarap. Siya ay buhay, manalig ka. 3. Ang ngayon tila walang mararating na bukas. Ngunit kung Siya ang ating hayaang maglandas. Pag-asa ay muling mabibigkas. (KORO1) KORO2: Manalig ka, tuyuin ang luha sa mga mata. Hidi Siya natutulog, hindi nakakalimot. Kay Hesus, manalig ka. Kay Hesus, manalig ka. Manatili Ka Manatili ka kahit sandali, hihilumin Ko ang yong sarili. Bakit lagi kang nagmamadali? Di malilisan ang iyong pighati? Isaysay saKin lahat mong pait. Yayakapin Ko lahat mong sakit. Manahimik nat matay ipikit. Bubulungan ka ng sang oyayi. Kailan titigilan ang yong katatakbo. Kailan pipigilan pagpasan mo sa mundo? Manatili ka kahit sandali, buuin muli ang yong sarili. Magtiwala kat tayoy magwawagi. Ang pulang ulap ay mahahawi. Mariang Ina Ko 1. Saking paglalakbay, sa bundok ng buhay. Sa ligayat lumbay, maging talang gabay. KORO: Mariang Ina ko, ako riy anak mo. Kay Kristong kuya ko, akayin mo ako. Kay Kristong kuya ko, akayin mo ako. 2. Maging aking tulay, sa langit kong pakay. Sa bingit ng hukay, tangnan aking kamay. (KORO) 3. Sabihin sa Kanya, aking dusat saya. Ibulong sa Kanya, minamahal ko Siya. (KORO) Minamahal Kita 1. Ako ang kamay na may hawak sayo, ang nagmamatyag, nag-aaruga nang hindi ka mabahala. Halika nat hwag mag-alala. 2. Ako ang saligang maasahan, hindi matitinag ng yong kalaban. Tunay Akong tapat kailanman. Halinat pangako Koy panghawakan. KORO1: Narito Ako. Hindi ka nag-iisa. Minamahal Kita. 3. Ako ang araw na liliwanag at magtataboy sa karimlan. Sa mga bumabagabag sayo, ikay babalutin saKing pagsuyo. (KORO1) KORO2: Narito Ako. Hwag kang mangangamba. Hindi ka nag-iisa. SaKiy makakaasa. Kapiling mo Ako sa twina. Alalahanin mong minamahal Kita. Naririto KORO: O Diyos naririto ang Iyong lingkod. Kalingain Mot padalisayin. 1. Kaloob Mo sakiy ang Yong kabutihan. Aking wiwikain, Kaw ang

Paralayunan Choir +Bis Orat Qui Bene Cantat


Page 7

Liturgical Songs
aking Diyos, O Panginoon. (KORO) 2. Ang Iyong biyaya ay kahanga-hanga. Ang lahat sa akin ay Ikaw lamang O aking Poon. (KORO) 3. Ang Yong katapatay laging umaakay. Pupurihinh tuna yang Iyong Ngalan magpakailanman. (KORO) KODA: O Diyos naririto ang Iyong lingkod. O aking Diyos, aking Diyos! Narito Ako KORO: Panginoon, narito ako. Naghihintay sa utos Mo. Lahat ng yaman ko ay alay ko saYo. Ikaw ang tanging buhay ko. 1. Batid ko nga at natanto. Sa Kasulatan, Yong turo. Pakikinggan at itatago sa sulok ng puso. (KORO) 2. Yong pagligtas ihahayag. Hanggang sa dulo ng dagat. Pagtulong Mot pusong dalisay aking ikakalat. (KORO) O, Bayan ng Diyos *O, bayan ng Diyos, itaas ang kamay at magdiwang! (at magdiwang!) Awit ng sigla, ibaling sa kalangitan. Purihin ang Diyos na buhay! Tayoy Kanyang mahal, inaaruga nat kinagigiliwan pa. Pagibig Niyay kay lalim kay saya! (kay lalim kay saya!) Pag-aalaala KORO: Bayan, muling magtipon, awitan ang Panginoon. Sa piging sariwain, pagliligtas Niya sa atin. 1. Bayan, ating alalahanin, panahong tayoy inalipin. Nang ngalan Niyay ating sambitin. Paanong di tayoy lingapin? (KORO) Bayan, walang sawang purihin, ang Poon nating mahabagin. Bayan, isayaw ang damdamin, kandili Niyay ating awitin. (KORO) Pag-aalay Panginoon, aming alay itong alak at tinapay. Sa altar Mo, ilalagay tanggapin sa Iyong kamay. Alay namin, aming buhay, bawat galak at lumbay. Bawat pangarap naming taglay, sa palad Mo ilalagay. Itong alak at tinapay, magiging si Kristong tunay. Gawin pati aming buhay pagkat saYo dumalisay. Pagbabasbas Panginoong lumikha ng kalangitan at lupa. Ang sansinukuban ay di sukat saYong kadakilaan. Ano pa kaya itong abang tahanan? Ngunit Ikaw ang Ama na sa amiy nagkalinga. Sa harap ng Yong dambana, kaya sasamo ng madla. Magdalang habag Ka. KORO: Pumanaog Ka, Poon, sa tahanang laan saYong kaluwalhatian. Puspusin Mo ng biyaya ang dumudulog saYong dambana. Pagkakaibigan 1. Ang sinuman sa Akiy nananahan, mananahan din Ako sa kanya. At kung siyay mamunga ng masagana. Siya sa Amay nagbigay ng karangalan.

2.

1.

2.

3.

Paralayunan Choir +Bis Orat Qui Bene Cantat


Page 8

Liturgical Songs
KORO: Mula ngayon, kayoy Aking kaibigan. Hinango sa dilim at kababaan. Ang kaibigay mag-aalay ng sarili niyang buhay. Walang hihigit sa yaring pag-aalay. 2. Kung paanong mahal Ako ng Aking Ama, sa inyoy Aking ipinadarama. Sa pag-ibig Ko, kayo sana ay Manahan. At bilin Ko sa inyo ay magmahalan. (KORO) 3. Pinili kat hinirang upang mahalin, nang mamungat bunga moy panatilihin. Humayo kat mamunga ng masagana. Kagalakang walang hanggang ipamamana. (KORO) Paghahandog 1. Ang himig Mo, ang awit ko, lahat ng itoy nagmula sa Iyo. Muling ihahandog saYo, buong puso kong inaalay saYo. KORO: O Diyos, O Panginoon, lahat ay biyayang aming inampon. Aming buhay at kakayahan, itoy para lamang saYong kalwalhatian. 2. Ang tanging ninanais ko ay matamo lamang ang pag-ibig Mo. Lahat ay iiwanan ko wala nang kailangan sapat na ito. (KORO) Paghahandog ng Sarili Kunin Mo, O Diyos, at tanggapin Mo: Ang aking kalayaan, ang aking kalooban, isip at gunita ko. Lahat ng hawak ko, ng loob ko ay aking alay saYo. *Nagmula saYo ang lahat ng ito, muli kong handog saYo. Patnubayan Mot paghariang lahat ayon sa kalooban Mo. Mag-utos Ka, Panginoon ko, dagling tatalima ako. Ipagkaloob Mo lang ang pag-ibig Mo. At lahat ay tatalikdan ko. (*) koda: tatalikdan ko.. Pag-ibig Ko 1. Hindi ka kailangang magbago, kahit itoy mas ibig Ko. Hindi ka kailangang magsikap ng husto upang ikay ibigin Ko. KORO: Iniibig Kita, manalig ka sana. Akoy kapiling mo kahit ikaw pa may mapalayo. 2. Kailan magwawakas ang yong pagtatago? Akoy naghihintay sayo. Lumapit ka lamang, ang puso Koy hagkan. Pag-ibig Koy walang hanggan. (KORO) Pag-ibig Mo, Yahweh KORO: Pag-ibig Mo, Yahweh, na di magmamaliw. Ang sa tuwinay aking aawitin. 1. Ang ngalan Moy laging sasambitin, at pag-ibig na walang maliw. Sintatag ng langit ang Yong katapatan. Sa pangakong samin ay iniwanan. (KORO) 2. Umaawit kaming likha sa langit, ang Yong gaway syang dinadalit. Yong katapatay laging sinasambit. Walang ibang saYoy makahihigit. (KORO) 3. Mapalad ang saYoy sumasamba, sa pag-ibig mabubuhay siya. At

Paralayunan Choir +Bis Orat Qui Bene Cantat


Page 9

Liturgical Songs
dahil sa wagas Mong pagsinta. Tanay tigib ng karangalan. (KORO) Paglingap Mo, Poon KORO: O Poon, paglingap Mo naway idulot sa amin ng lubusan. 1. Minamahal Mo kaming lubos sa awat biyayay puspos. Paglingap samiy pinagkaloob, inahon sa pagkasubasob. (KORO) 2. Kinalugdan Mo kaming lahat ng pag-ibig na matapat. At kahit na hindi nararapat, kamiy tinubos Mong ganap. (KORO) 3. O Diyos hwag sanang manghihinawa saming pagpapariwara. Sa masama kami ay ilihis, pagkat Yong paglingap nais makamit. Upang aming pusong sa salay tigib, maging kaisa Mong lagi. (KORO) Pagpalain Kailanman KORO: Naway kahabagan tayo ng Diyos, at pagpalain kailanman. 1. Tayo naway kahabagan ng Ama, tayoy nilingap Niya. Makikilala sa lupa, Kanyang pagliligtas, pagmamahal. (KORO) 2. Purihin Siya, mga bansa, ang Diyos, ang Hari at Ama. Tayoy magpuri, magdiwang, pagkat katarungay namamayani. (KORO) 3. Pinagpala tayo ng Diyos; daigdig Niyay tigib kabanalan! Bagong umagang sumikat, napawi ang takot at kaba. Diyos naming Ama! (KORO) Pagsibol 1. Bawat huni ng ibon sa pag-ihip ng amihan, wangis Moy aking natatanaw. Pagdampi ng umaga sa nanlamig kong kalamnan, init Moy pangarap kong hagkan. KORO1: Panginoon, Ikaw ang kasibulan ng buhay. Pusoy dalisay kailanpaman. Ipahintulot Mong akoy mapahandusay, sa sumasaibayong kaginhawahan. 2. Nangungulilang malay, binulungan ng tinig Mong nagdulot ng katiwasayan. Paghahanap katuwiran, nilusaw Mo sa simbuyong karilagan ng pagmamahal. (KORO1) KORO2: Panginoon, Ikaw ang kasibulan ng buhay. Pusoy dalisay kailanpaman. Ipahintulot Mong akoy mapahandusay, sa sumasaibayong kaginhawahan. Dalangin pa sanay mapagtanto kong tunay. Kaganapan ng buhay koy Ikaw lamang. Pagtawag at Tugon KORO: Ang aking buhay O Diyos aking iaalay pagkat pag-ibig Moy lubhang dalisay. Ang aking buhay O Diyos aking ilalaan sa paglilingkod sa bayan Mong sinisintat mahal. 1. Tanging hangad Ikay paglingkuran. Ikaw ang Diyos na

Paralayunan Choir +Bis Orat Qui Bene Cantat


Page 10

Liturgical Songs
sa akiy unang nagmahal. Narito ako, isugo Mo. Narito ako, handang tumugon. (KORO) KODA: Panginoon, isugo Mo ako! Panalangin Maging Bukas-Palad **Panginoon, turuan Mo akong maging bukas-palad. Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo. Na magbigay ng ayon sa nararapat na walang hinihintay mula saYo. Na makibakang di inaalintana, mga hirap na dinaranas. Sa tuwinay magsumikap na hindi humahanap ng kapalit na kaginhawahan. Na di naghihintay kundi ang aking mabatid na ang loob Moy Siyang sinusundan. (**) Pananagutan 1. walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang. KORO: Tayong lahat ay may pananagutan sa isat-isa. Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling Niya. 2. Sa ating pagmamahalan at paglilingkod sa kanino man. Tayo ay nagdadala ng balita ng kaligtasan. (KORO) Pananalig 1. Sa puso kong umiibig, walang nananaig. Kundi yaong pananalig sa Sintang iniibig. KORO: Hindi Ka man masilayan, at init Moy maglaho nang tuluyan. Pag-ibig ko saYo at katapatan, mananatili kailan pa man. 2. Bawat taoy nalulumbay, at di mapalagay. Hanggat hindi nahihimlay sa puso Mong dalisay. (KORO) Pananatili 1. Hwag mong naising lisanin kita. Wala kong hangaring ikay mag-isa. San man magtungo akoy sasabay, magkabalikat sa paglalakbay. Mananahan sa tahanang sisilong sayo. Yayakapin ang landasin at bayan mo. 2. Poon mo ay aking ipagbubunyi at iibigin ng buong sarili. San man abutin ng paghahanap, ikaw at akoy magkasamang ganap. Ipahintulot nawa ng Panginoon. Ni kamatayay maglalaho, anino ng kahapon. 3. Dahil pag-ibig ang alay sayo, mananatili ako. Hwag nang naising tayoy mawalay. Hwag nang isiping magwawakas ang paglalakbay. (Ulitin 1) Koda: Hwag nang naising lisanin kita... Ooh.. Panginoon, Aking Tanglaw 1. Panginoon, aking Tanglaw, tanging Ikaw ang Kaligtasan. Sa panganib, ingatan ako, ang lingkod Mong nananalig saYo. KORO: Ang tawag koy Yong pakinggan, lingapin Mo at kahabagan.

Paralayunan Choir +Bis Orat Qui Bene Cantat


Page 11

Liturgical Songs
2. Anyaya Moy lumapit saYo. Hwag magkubli, huwag Kang magtago. Sa bawat sulok ng mundo, ang lingkod Mong hahanap saYo. (KORO) 3. Panginoon, aking tanglaw, tanging Ikaw ang Kaligtasan. Sa masama, ilayo Mo ako, ang sugo Mong umiibig saYo. Purihin ang Panginoon KORO: Purihin ang Panginoon, umawit ng kagalakan. At tugtugin ang gitara at ang kaaya-ayang lira. Hipan ninyo ang trumpeta. 1. Sa ating pagkabagabag, sa Diyos tayoy tumawag. Sa ating mga kaaway, tayo ay Kanyang iniligtas. (KORO) Sa Diyos Lamang Mapapanatag KORO: Sa Diyos lamang mapapanatag ang aking kaluluwa. Sa Kanya nagmumula ang aking pagasa at kaligtasan. 1. O Diyos, Ikaw ang aking kaligtasan, nasaYo aking kalwalhatian. Ikaw lamang, aking inaasahan: ang aking moog at tanggulan. (KORO) 2. Paniniil di ko pananaligan, pusoy di ihihilig sa yaman. Kundi sa Diyos na makapangyarihan, na aking lakas at takbuhan. (KORO) 3. Poon, Ikay puno ng kabutihan, Pastol Mong nagmamahal sa kawan. Inaakay sa luntiang pastulan, tupay hanap Mo kung mawaglit man. (KORO) Sa Hapag ng Panginoon KORO: Sa hapag ng Panginoon, buong bayan ngayoy nagtitipon. Upang pagsaluhan ang kaligtasan, handog ng Diyos sa tanan. 1. Sa panahong tigang ang lupa, sa panahong ang aniy sagana. Sa panahon ng digmaan at kaguluhan, sa panahon ng kapayapaan. (KORO) 2. Ang mga dakilat dukha, ang banal at makasalanan. Ang bulag at lumpo, ang api at sugatan. Ang lahat ay inaanyayahan. (KORO) SaYong Piling 1. Tinawag Mo ako, O Panginoon. Dagli akong tumugon sa tinig Mo. Tanda ng pasasalamat sa pagibig Mo na sa tuwinay nadarama ko. Akoy namangha saYong kabutihan; tunay na wala Kang katulad. KORO: Sa bawat sandali ng aking buhay Ikaw ang syang gabay. Sa oras ng lungkot, pagkabigo, akoy muling binubuo. Luha kot pasakit ay Iyong pinaparam. Sa paglubog nitong araw, sa pagsapit ng dilim. Ang tangi kong hiling ay humimlay saYong piling. 2. Labis ang galak ko, Panginoon, pagkat Ikaw lamang sa buhay ko. Kagandahang-loob Mo ay walang hanggan. Biyayang lubos kailanman.

Paralayunan Choir +Bis Orat Qui Bene Cantat


Page 12

Liturgical Songs
Katapatan Mo ay di magmamaliw. Kailan pa may syang aking sandigan. (KORO) Tinapay ng Buhay KORO: Ikaw, Hesus, ang tinapay ng buhay, binasbasan, hinatiy inialay. Buhay na ganap ang sa amiy kaloob. At pagsasalong walang hanggan. 1. Basbasan ang buhay naming handog, naway matulad sa pag-aalay Mo. Buhay na laan ng lubos sa mundong sa pag-ibig ay kapos. (KORO) 2. Marapatin sa kapwa maging tinapay, kagalakan sa nalulumbay. Katarungan sa naaapi, at kanlungan ng bayan Mong sawi. (KORO) Tubig ng Buhay KORO: Tubig ng buhay, paglalakbay patungo sa bagong buhay. O HesuKristo, aming gabay, basbasan Mo ang aming alay. 1. Bukal ng liwanag, nagbibigay ilaw sa mga bulag. Kamiy lumalapit sa Iyong batis upang makakita. (KORO) 2. Bukal ng pag-ibig, nagbibigay kulay sa buong daigdig. Kamiy lumalapit sa Iyong batis upang magmahal. (KORO) 3. Bukal ng pag-asa, nagbibigay buhay sa nagkasala. Kamiy lumalapit sa Iyong batis upang mangarap pa. (KORO) Unang Alay KORO: Kunin at tanggapin ang alay na ito. Mga biyayang nagmula sa pagpapala Mo. Tanda ng bawat puso, pagkat inibig Mo. Ngayoy nananalig, nagmamahal saYo. 1. Tinapay na nagmula sa butil ng trigo, pagkaing nagbibigay ng buhay Mo. At alak na nagmula sa isang tangkay ng ubas inuming nagbibigay lakas. (KORO) 2. Lahat ng mga lungkot, ligayat pagsubok. Lahat ng lakas at kahinaan ko. Inaalay kong lahat buong pagkatao, ito ay isusunod saYo. (KORO) 3. Ang bayang inibig Mo, ngayoy umaawit, saYo ay sumasambat nananalig. Umaasang diringgin ang bawat dalanging sa alay na itoy nakalakip. (KORO) Koda: Ngayoy nananalig (umaasa), dumudulog (sumasamba), umaawit (nagmamahal) saYo.

Paralayunan Choir +Bis Orat Qui Bene Cantat


Page 13

You might also like