You are on page 1of 3

1. Kahit __________ hinahangaan ang galing at kakayahan ng mga Pilipino. a. alinman b. saanman c. ilanman d. gaanuman 2.

Sa tulong ng taumbayan ay madaling makakaaksyon ang poll body sa anumang karaingang idudulog ____ may kaugnayan sa hindi pagsunod sa ipinaiiral na panuntunan ng Comelec. a. nang b. nag c. ng d. na 3. Muling napuno ng mga tao ang Session Road, ang itinuturing na 'Puso ng Baguio' ________ saksihan ang mga makukulay na kasuotan at mga dinisenyuhang mga katawan ng mga taga-Cordillera na nakibahagi sa taunang 'Panagbenga' o Flower Festival. a. upang b. kung c. dahil d. kaya 4. Ang binili kong ruler ay __________ sa buong klase. a. mahaba b. mas mahaba c. lalong mahaba d. pinakamahaba 5. Kasalukuyang nagkukwentuhan sila _______bunuhos ang malakas na ulan. a. ng b. nang c. kaya d. kung 6. ____________ na Mayor si Kent sa susunod na eleksyon. a. tumakbo c. tumatakbo c. tatakbo d. lalakad 7. Masaya__ naglalaro ang mga bata. a. na b. nang c. nag d. ng

Para sa bilang 8-9, piliin ang angkop na pangungusap o pahayag sa bawat sitwasyon. 8. Pagdating mo sa inyong silid aralan nakita mong nilalaro ng kaklase mong si Ana ang iyong mga gamit. a. Akin yan, bakit mo pinapakialaman gamit ko? b. Pwede ba ibalik mo yan? c. Ana, hindi tamang makialam ka sa gamit ng iba nang walang paalam. d. Hoy! Bitiwan mo yan, kung ayaw mo nang away. 9. Napagalitan ka ng guro mo dahil nahuli ka niyang hindi nakikinig at iba ang ginagawa mo. Ano ang wastong isasagot sa guro? a. Bakit mo ako pinapagalitan, anong kasalanan ko? b. Akala mo naman kung sino. c. Wala kang pakialam kung di ako nakikinig. d. Sorry po, hindi ko na po uulitin.
Basahin ang kuwento. Sagutin ang mga tanong tungkol dito para sa bilang 10-18.

Takang-taka si Paruparo habang minamasdan niya si Langgam na pabalikbalik sa paghahakot ng pagkain sa kanyang lungga sa ilalim ng puno. "Ano ba iyang ginagawa mo, kaibigang Langgam? Mukhang pagod na pagod ka ay di ka man lang magpahinga?" tanong ni Paruparo. "Bakit di ka magsaya na tulad ko?" "Naku, mahirap na," aniya. "Malapit na ang tag-ulan. Iba na ang may naipon na pagkain bago dumating ang tag-ulan." "Kalokohan iyan. Tingnan mo ako. Hindi natitigatig," pagmamalaki ni Paruparo. "Bakit nga ba?" Nagtataka si Langgam. "Ganito iyon, e. Nakikita mo ba ang kaibigan ko sa damuhan?" inginuso niya ang nasa di kalayuan. "Sino?' tanong ni Langgam.

"Si Tipaklong, kaibigan ko iyan, Alam mo, matapang ang kaibigan ko. Nabibigyan niya ako ng proteksyon. Baka akala mo, dahil sa kanya walang sigwang darating sa akin," pagyayabang ni Paruparo. "A, ganoon ba?" sabi ni Langgam. "Utak lang, utol. O, di pakanta-kanta lang ako ngayon dito. Ikaw lang e," sabi ni Paruparo. "Wala akong inaasahan kundi ang aking sarili. Kaya kayod dito, kayod doon," mababa subalit madiin ang tinig ni Langgam. "O, sige, ipagpapatuloy ko muna ang aking gawain." Pagkatapos ng usapang iyon nagkahiwalay ang dalawa. Ang mga sumusunod na araw ay maulan. Hindi lamang mahabang tag-ulan. May kasama pang bagyo at baha. Mahirap lumabas at kung makalabas man wala ring matagpuang pagkain. Lalong umapaw ang tubig. Walang madaanan ang tubig dahil malalim din ang mga ilog at dagat. Tumagal ang baha. Palubha nang palubha ang kalagayan dahil malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan. Ano kaya ang nangyari kay Langgam? Naroon siya sa guwang ng puno. Namamahinga. Sagana siya sa pagkain. Naisipan ni Langgam ang dumungaw upang alamin ang kalagayan ng paligid. Aba, ano ba ang kanyang nakita? Nakita niya si Paruparo at Tipaklong na nakalutang sa tubig. Patay ang dalawa. Mayamaya'y dalawang mabilis na ibon ang mabilis na dumagit sa kanila. Napaurong sa takot si Langgam sa kanyang nakita. Subalit nasabi pa rin niya sa kanyang sarili: "Kung sino ang may tiyaga, siya ang magtatamong pala."

11. Ang kasalungat ng salitang natitigatig ay________. a. nababalisa b. nag-aalala c. napapanatag d.naliligalig 12. Bakit nagtataka si Paruparo habang minmasdan niya si Langgam? a. Nagpapabalik balik si Langgam sa kanyang lungga. b. Pagod na pagod si Langgam. c. Nagpapakahirap si Langgam. d.Natutuwa sa kasipagan ni Langgam. 13. Paano nabubuhay si Langgam? a. Sa sipag at tiyaga. b. Umaasa sa kaibigan c. Nagpapakahirap para kaawaan. d. Nakikipag kwentuhan sa paruparo. 14. Ano ang pangunahing kaisipan ng kwento? a. Pag magsikap giginhawa ang buhay. b. Kung may tiyaga mag matatamong pagpapala. c. Hindi bale nang tamad basta may kaibigang magbibigay ng proteksyon. d. Makipagkaibigan upang may tutulong sa iyo sa oras ng kahirapan. 15. Piliin ang tamang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. 1. Nakita niya si Paruparo at Tipaklong na nakalutang sa tubig. 2. Subalit nasabi pa rin niya sa kanyang sarili: "Kung sino ang may tiyaga, siya ang magtatamong pala." 3. Ang mga sumusunod na araw ay maulan. 4. Takang-taka si Paruparo habang minamasdan niya si Langgam 5. Pakanta-kanta lang si Parupao a. 54321 b. 43512 c. 45312 d. 45123

10. Baka akala mo, dahil sa kanya walang sigwang darating sa akin," pagyayabang ni Paruparo. Ang ibig sabihin ng sigwang ay_____. a. unos b. bagyo c. problema d. takot

16. Anong mabuting katangian ipinakita ni Langgam? a. mapagkumbaba b. masayahin c. mapagmasid d. masipag

ang

21. Ang mga kamag-anak ni Aling Doring ay (lipat) ng bahay noong isang linggo. a. an b. ma c. in d. nag 22. (Tubo) na rin ang mga punla ng okra ko. a. an b. ma c. in d. nag
Basahin ang kuwento. Sagutin ang mga tanong tungkol dito para sa bilang 23-28.

17. "Utak lang, utol. O, di pakanta-kanta lang ako ngayon dito. Ikaw lang e. Anong katangian mayroon si Paruparo? a. mautak b. marunong umawit c. walang galang d. hambog 18. Ano ang sanhi ng pagkamatay ni Paruparo? a. nalunod sa ilog b. malunod sa baha c. nagpakamatay d. namatay sa gutom Sa bilang 19-20, piliin ang angko na bantas para sa pnagungusap. 19. Ano ba iyang ginagawa mo, kaibigang Langgam? Mukhang pagod na pagod ka ay di ka man lang magpahinga? tanong ni Paruparo a. kuwit at tuldok b. panipi at tuldok c. tutuldok at panipi d. tuldok-kuwit at panipi 20. "Wala akong inaasahan kundi ang aking sarili. Kaya kayod ditto kayod doon" mababa subalit madiin ang tinig ni Langgam a. kuwit at tuldok b. panipi at tuldok c. tutuldok at panipi d. tuldok-kuwit at panipi Para sa bilang 21-22 piliin ang panlapi na bubuo sa pandiwa na angkop sa pangungusap.

23. Ano ang paksang diwang napapaloob sa kuwento? a. Ang pagsasamahan ng dalawang magkaibigan b. Ang katangian ng isang tunay na kaibigan c. Ang tunay na kaibigan ay nakikita sa oras ng pangangailangan d. Ang maaasahang kaibigan 24. Dahil hindi man lang naalala ng isang lalaki na pagsabihan ang kasama niya sa laki ng takot niya sa mangyayari, masasabi natin na siya ay isang_____. a. tunay na kaibigan b. duwag na kaibigan c. matapang na kaibigan d. maalalahaning kaibigan 25. Naisipan ng lalaki na dumapa sa kinatatatayuan niya at magkunwaring patay. Ano ang ipinakita niyang katangian? a. mapagisip b. mapamaraan c. matalino d. mautak 26. Ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ayon sa kuwento? 1. Masaya nilang pinag-uusapan ang mga karanasan nila 2. Naglalakad ang dalawang binatang magkaibigan sa gubat 3. Natanaw nilang dumarating ang napakalaking oso 4. Bumaba sa puno ang unang lalaki 5. Naiwan ang kasama na di na makakibo dahil sa aabutan na ng oso a. 21354 c. 21453 b. 21345 d. 21435

27. Anong maaring nangyari sa pagkakaibigan ng dalawang lalaki? a. Naging magka-away sila b. Nagkatampuhan sila. c. Nagkakahiyaan sila d. Hindi na sila magkaibigan. 28. Ano ang angkop na pamagat ng kwento? a. Ang Matalik kong Kaibigan b. Ang Tunay na Kaibigan c. Ang Duwag kong Kaibigan d. Pagkikipag-kaibigan
Basahin ang kuwento. Sagutin ang mga tanong tungkol dito para sa bilang 29-35.

Isang hapon, naglalakad ang dalawang binatang magkaibigan sa gubat. Masaya nilang pinag-uusapan ang mga karanasan nila nang bigla na lamang nilang narinig ang kaluskos sa may gawing likuran. Nang lingunin nila ay natanaw nilang dumarating ang napakalaking oso. Mabilis na umakyat sa katabing puno ang isa sa binata. Hindi niya naalaalang pagsabihan man lang ang kasama sa laki ng takot sa mangyayari sa sarili. Naiwan ang kasama na di na makakibo dahil sa aabutan na ng oso. Naisipan na lamang niyang dumapa sa kinatatatayuan niya at magkunwaring patay. Alam niyang hindi inaano ng oso ang mga taong patay. Lumapit nga ang oso, inamoyamoy ang taong pigil na pigil naman ang paghinga. Pagkaraan ng ilang sandali, iniwan na siya ng oso at lumayo na ito. Bumaba sa puno ang unang lalaki. "Ano ang ibinulong sa iyo ng oso?" ang pabiro niyang tanong sa kasama. "Sabi niya sa akin," sagot ng binatang dumapa, "hindi raw maaasahan ang isang kaibigang iiwan sa iyo sa gitna ng kagipitan. Hindi raw ganoon ang tunay na kaibigan." Naghiwalay ang dalawa, ang isa'y nahihiya, at ang isa'y nagdaramdam.

Isang hari ang nagpasyang alamin ang pagkakautang sa kanya ng kanyang mga alagad. Nagsisimula pa lamang siya nang biglang iharap sa kanya ang isa sa kanyang mga alagad dahil sa milyungmilyong dolyar na utang nito sa hari. Ang alagad ay walang maibayad sa napakalaking pagkakautang nito, kaya ipinag-utos ng hari na ipagbili ito bilang alipin kasama ang kanyang asawa at mga anak. Gayundin, ang lahat ng kanyang ariarian ay iniutos na kunin upang maidagdag sa bayad sa hari. Lumuhod at nagmakaawa sa hari ang lalaki. "Bigyan ninyo po ako ng panahon at babayaran ko kayo," pagsusumamo nito sa hari. Naawa naman sa kanya ang hari kaya't siya ay pinatawad sa kanyang pagkakautang. Nang lumabas ang lalaki upang umuwi na ay nasalubong niya ang isang kapwa alagad na may utang sa kanyang ilang dolyar. Agad niya itong hinawakan at sinimulang sakalin. "Bayaran mo ang utang mo sa akin," matigas na sabi nito. Lumuhod ang kanyang kapwa alagad at nagmakaawa sa kanya. Bigyan mo ako ng

panahon at babayaran kita," pagmamakaawa nito. Ngunit hindi niya ito pinatawad at sa halip ay kanyang ipinakulong. Nagalit ang ibang alagad ng hari nang mabatid nila ang pangyayari. Ipinaalam nila sa hari ang ginawa ng lalaki sa kanyang kapwa alagad na may utang sa kanya. Ang lalaki ay ipinatawag ng hari. "Ikaw ay isang walang kwentang alipin! Pinatawad kita sa lahat ng iyong pagkakautang dahil nagmakaawa ka sa akin. Dapat ay naawa ka rin sa iyong kapwa alagad tulad ng pagkaawa ko sa iyo," wika ng hari. Dahil sa galit, ipinabilanggo ng hari ang lalaki hanggang sa mabayaran nito ang kanyang pagkakautang. 29. Ano ang paksang-diwang inilalahad ng kuwento? a. Ang utang hindi dapat kinakalimutan b. Ang taong hindi marunong magpatawad c. Ang natanggap na pagpapala ay hindi dapat ipagkait sa iba. d. Upang mapatawad ka matuto ka ring magpatawad. 30. Ano ang katangiang ipinamalas ng unang lalaki nang sabihin niya sa kanyang kapwa alagad, "Bayaran mo ang utang mo sa akin. a. mapagpatawad b. matigas ang puso c. mapagmataas d. mapanghusga 31. Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng hari ng sabihin niyang, ikaw ay isang walang kwentang alipin! a. Natutuwa b. Namumuhi c. Nag-aalala d. Nagsdaramdam

32. Ano ang sanhi ng parusa ng unang alagad? a. Nang nagmakaawa sa hari b. Nagalit sa kanya ang mga kapwa niya alagad c. Ipinakulong niya ang kanyang kapwa alagad dahil di makabayad sa utang d. Sinisingil niya ang kanyang kapwa alagad 33. Piliin ang tamang pagkakasunudsunod ng mga pangyayari sa kwento. 1. Ipinabilanggo ng hari ang lalaki 2. Nagalit ang ibang alagad ng hari 3. Agad niyang hinawakan at sinimulang sakalin ang kapwa alagad 4. Isang hari ang nagpasyang alamin ang pagkakautang sa kanya ng kanyang mga alagad. 5. Lumuhod at nagmakaawa sa hari ang lalaki. a. 45123 c. 45321 b. 54321 d. 32154

d. Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda.


Pag-aralan ang mga impormasyon sag rap. Sagutin ang mga tanong sa bilang 36-37

38. Anong uri ng kard katalog ang kard na nasa itaas? a. kard ng pamagat b. kard ng awtor c. kard ng paksa d. wala sa nabanggit

Enrolment ng Baua Central School

36. Anong taon ang may pinakamaraming mag-aaral? a. 2009 b. 2010 c. 2011 d. 2012 37. Ilan ang itinaas na bilang ng mga magaaral mula 2010-2012? a. 20 b. 30 c. 50 d. 40

39. Ano ang nais sabihin ng paalalang ito? a. mag-ingat nakakalason b. babasagin c. ingatan mahalagang dokumento d. mahalagang bagay

34. Kung hindi ipinakulong ng unang lalaki ang kapwa niya alagad, ano kaya ang nangyari sa kanya? a. Siya ay ipinakulong dahil di niya mababayaran ang milyung-milyong utang niya. b. Ipinagbili niya ang kanyang mga ariarian upang makabayad c. Tutulungan siya ng kapwa niya alagad d. Siya ay kaawaan ng Hari 35. Anong kaisipan ang inihahatid ng kuwento. a. Kung ano ang ayaw mo, huwag mong gawin sa kapwa mo. b. Madali ang maging tao, mahirap magpakatao c. Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga

40. Ano ang ibig sabihin ng larawan? a. bawal pumitas ng bulaklak b. bawal manilip c. bawal tumingin sa katabi d. ditto ang paliguan -wakas-

You might also like