You are on page 1of 10

(SCHOOL) Sibika at Kultura 2 SY 2012-2013

(Name) (Section)

MGA ANYONG LUPA SA PILIPINAS

Maraming magagandang tanawin sa Pilipinas. Ang mga ito ay pinupuntahan ng maraming tao at turista. Halika at tayo ay mamasyal!

BUNDOK (Mountain)
Ang bundok ay mataas na anyong lupa na mataas kaysa burol. Pabilog o patulis ang tuluktok nito. Mahirap ang paglalakbay dito kaya kakaunti lang ang tumitira sa mga bundok. Makikita natin dito ang mga gubat o forests na mapagkukunan ng mga punong kahoy, halaman at iba pang yaman mula sa lupa. Ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas sa taas na 2 954 metro ay ang Mt. Apo sa Davao (Mindanao).

BULUBUNDUKIN (Mountain range)


Ang bulubundukin ay dalawa o higit pang mga bundok na nagkadikit-dikit. Tulad ng bundok, dito natin makikita ang mga gubat o forests. Ang Sierra Madre Mountain Range na makikita mula Cagayan hanggang Quezon ay halimbawa ng bulubundukin.

BUROL (Hill)
Ang burol ay mas mababa kaysa sa bundok. Maganda itong taniman ng mga gulay at pastulan ng mga hayop tulad ng baka, kalabaw at kambing. Pwede rin itong pasyalan ng mga tao. Pinakakilalang burol sa Pilipinas ang Chocolate Hills sa Bohol. Kulay tsokolate ito sa tag-araw at berde naman sa tag-ulan. Maraming turista ang pumupunta rito.

KAPATAGAN (Plain)
Ang kapatagan ay isang malawak at patag (flat) na lugar. Dito tumitira ang karamihan ng tao. Maraming malalawak na taniman sa kapatagan. Ilan sa kilalang kapatagan BULKAN ay ang Gitnang Luzon (Volcano) (pinakamalawak), Panay, Cotobato at Negros. Ang bulkan ay bundok na may bunganga Tinatawag ang gitnang Luzono na Banga Bigas ng Dito lumalabas ang crater sa ng tuktok nito. Pilipinas o Kamalig ng Palay nggas, Pilipinas dahil abo, ito ang apoy, asupre, bato at kumukulong putik pinakamalawak ng kapatagan ng bansa kung saan nagmumula (o lava) kapag pumuputok ito. Maganda at ang malaking produksyon ng palay sa bansa. mataba ang lupa sa paligid ng bulkan kaya mabuti itong taniman ng mga gulay. Ngunit hindi ligtas manirahan dito lalo na kung ito ay aktibo. Tinatayang may 200 na bulkan sa PIlipinas at 23 dito ang aktibo. Isa dito ang pinakamagandang tanawin na pinupuntahan sa Albay, Bicol. Ito ang Mayon Volcano na halos may perpektong hugis cone ang itsura. Ang ilan pa sa mga bulkan sa Pilipinas ay ang nasa ibaba.

ALAM MO BA? MT.MAYON VOLCANO BICOL

MT. TAAL -BATANGAS MT. PINATUBO MT. PINATUBO

PHIVOLCS Philippine Institute of Volcanology and Seismology - Ito ang ahensiya o agency ng pamahalaan na nag-aaral at nagbabantay sa kalagayan ng mga bulkan at paglindol sa bansa. Ang Pilipinas ay nasa Sona ng Ring of Fire sa Pasipiko dahil dito makikita ang ng mga aktibong bulkan BULKANG sa buong mundo. MAYON

BULKAN G PINATUB O

BULKANG TAAL
NEAR PERFECT CONE WORLDS SMALLEST VOLCANO

TALAMPAS (Plateau)
Ang talampas ay isang patag na lugar sa ibabaw ng bundok. Malamig ang klima dito dahil nasa itaas ng bundok. Maaari din tumira at magtanim sa mga ganitong anyong lupa. Ang Malaybalay sa Bukidnon at ang kinikilalang Summer Capital of the Philippinesang Lungsod ng Baguio ay mga talampas. Maraming turista ang pumupunta dito dahil sa klima.
4

LAMBAK (Valley)
Ang lambak ay isang patag na lupa sa pagitan (in between) ng dalawang bundok. Ang ilan sa mga lambak ay ang Cagayan Valley na may pinakamalawak na taniman ng tabako; ang Trinidad Valley na kilala sa tawag na Salad Bowl of the Philippines dahil karamihan ng mga gulay at prutas ay dito nanggagaling; Compostela Valley sa Mindanao at Marikina Valley sa Luzon.

PULO (Island)
Ang pulo ay anyong lupa napaliligiran ng tubig. Isla ang isa pang tawag sa pulo. Tulad ng Hundred Islands sa Pangasinan, ang maliliit na anyong lupa doon ay tinatawag na mga pulo. Iba pang halimbawa: Marinduque (Luzon), Cebu (Visayas) at Tawi-Tawi (Mindanao)
5

CEBU

KAPULUAN (Archipelago)
Ang kapuluan ay pangkat (o group) ng mga pulo na pinaghihiwalay ng mga anyong tubig na nakapagitan sa mga ito. Halimbawa: Pilipinas

TANGWAY (Peninsula)
Ang tangway ay anyong lupa na halos napapaligiran ng tubig. Ito ay nakausli sa katubigan. 6 Halimbawa: Bicol at Zamboanga

TANGOS (Cape)
May pagkakatulad sa tangway ngunit mas maliit. Ilan sa mga halimbawa ay ang Tangos ng Bolinao at Tangos Engao

TANGOS ENGAO

AGNO RIVER DELTA

TANGOS NG BULINA O

DELTA
PAMPAN GA RIVER DELTA

MGA

CAGAYA N RIVER PAKINABANG DELTA

MULA SA ANYONG LUPA GAMIT O PAKINABANG


*kahoy mula sa malalaking puno na pwedeng gawing bahay at kagamitan

Kakaibang uri ng anyong lupa sapagkat ito ay ang mga naipong putik at buhangin sa bunganga ng ilog. Maganda itong taniman dahil sa matabang lupa. Matatagpuan ito sa Agno River Delta, Cagayan River Delta, at Pampanga River Delta.

ANYONG LUPA
BUNDOK AT BULUBUNDUKIN

IBA PANG PWEDENG PAKINABANG


*Pinagkukuhanan ng mga sumusunod: -produktong agrikultural
7

*mga puno na pumipigil sa agos ng tubig ulan para hindi magbaha BUROL *pwedeng taniman

(palay, mais, tubo, niyog, halamang gamot, prutas at gulay) -mga mineral ( ginto, pilak, bakal, nikel, marmol)

BULKAN KAPATAGAN

*mga tourist spots ng bansa *pwedeng pastulan ng mga hayop tulad ng baka, kambing, kalabaw at -Bulkang Mayon kabayo -Bulkang Pinatubo -Bulkang Taal -Mt. Apo *nagpapataba ng lupa -Chocolate Hills -Cagayan Valley *pwedeng tayuan ng mga bahay at -Banaue Rice Terraces -Baguio gusali *taniman ng palay, mais, puno at iba pang halaman

TALAMPAS *taniman ng mga bulaklak, prutas at gulay na pwede sa malalmig na lugar lamang *pwedeng tirahan ng mga tao LAMBAK *pwedeng tirahan at taniman TANGWAY, KAPULUAN AT PULO

Buod/ Summary:

BULUBUNDUKIN TALAMPAS BUNDOK

MGA ANYONG LUPA

BUROL

LAMBAK

KAPULUAN

BULKAN

KAPATAGAN PULO TANGWAY

Ibat ibang anyong lupa ang makikita sa ating bansa tulad ng bundok, bulubundukin, burol, bulkan, kapatagan, lambak, talampas, tangway, pulo at kapuluan. Nagpapaganda sa bansa ang ibat ibang anyong lupa. Dapat nating ipagmalaki ang mga ito!

Maraming pakinabang na nakukuha ang mga tao sa mga anyong lupa kayat dapat pangalagaan ang mga ito.

Talasalitaan:

Filipino
anyong lupa bundok burol bulkan kapatagan lambak talampas tangway pulo kapuluan turista nabubulok magputol MGA SANGGUNIAN:

Ingles
land form mountain hill volcano plain valley cliff peninsula island group of islands tourist rotten cutting

Filipino
mamasyal taniman pastulan mataas mababa malamig napapaligiran klima kumukulo putik tirahan magtipid iwasan

Ingles
go around plantation pasture high low cool surrounded by climate boiling mud house save/wise spending avoid

*Pilipinas Kong Mahal ni Jospehine Martinez *Ang Lahing Pilipino, Dakila at Marangal ni Lazelle Pelingo *Kultura, Kasaysayan at Kabuhayan ni Lydia Agno et. al

10

You might also like