You are on page 1of 3

Ervic K.

Angeles 2009-78780

I Love Earth

Ang Earth science ay isa sa mga mahahalagang bahagi sa curriculum ng first year science and technology. Sinisimulan itong ituro sa ikalawang markahan hanggang sa ikatlo. Samantalang, buong taon naman sa mga science high school. Ito ay ang pag-aaral sa mundo at ng mga kapitbahay nito sa kalawakan. Mahalaga itong mapag-aralan lalo na sa panahon ngayon pagkat ito ang panahon kung saan humaharap na ang mga tao sa suliranin sa kalikasan gaya ng climate change, deforestation, desertification at iba pa. Subalit, ayon sa mga pag-aaral karamihan sa mga kabataan ay nahihirapang intindihin ang mga konsepto nito pagkat nangangailangan ito ng pag-intindi sa chemistry at physics na sa ikatlo at ikaapat na taon pa bago mapag-aralan. Kaya naman ang I Love Earth, ay may layuning matulungang mapaintindi sa mga kabataan, partikyular na ang mga first year high school, ang kahalagahan ng Earth science sa pagsagot sa mga suliraning kinahaharap ngayon at kung paano ito masusulusyunan. Ito ay isang serye ng mga dokyumentaryo na magbabatay sa curriculum ng first year high school, isang koplimentaryong papanoorin na ipapalabas isa kada isang buwan. Pagbibidahan ito ng ibat ibang tao kada isang episode. Magsisimula ito sa isang bata, madalas ay estudyante mula sa ibat ibang paaralan, na susulat, magtetext o ispesipikong hahanapin sa programa upang tulungan siyang sagutin ang napapansin nitong problema sa kalikasan. Mula rito ay darating ang isang eksperto na magtuturo sa bata ng mga konsepto, mga paliwanag sa mga suliranin at higit sa lahat ang mga pamamaraan upang masagot ito. Sa huli ay ipapakita ng bata ang kanyang magagawa upang masulusyunan ang mga problema sa kanyang mundo. Na walang maaring humadlang sa kanya upang ayusin ang kanyang kinagagalawan. Layunin din ng programa ang maglunsad ng mga kampanyang magpapalakas ng loob sa mga kabataan na may magagawa sila upang tulungan ang kanilang kalikasan. Mag-iisponsor din ang programa ng mga science fair at iba pang pamamaraan upang mahilig ang bata na pansinin ang kanyang mundo at kalawakan. Magtataguyod din ng website ang

programa upang maglaan ng mga dagdag babasahin, mga kasalukuyang balita at forum para sa mga manonood nito.

Earth Attack

Ang Earth science ay isa sa mga mahahalagang bahagi sa curriculum ng first year science and technology. Sinisimulan itong ituro sa ikalawang markahan hanggang sa ikatlo. Samantalang, buong taon naman sa mga science high school. Ito ay ang pag-aaral sa mundo at ng mga kapitbahay nito sa kalawakan. Mahalaga itong mapag-aralan lalo na sa panahon ngayon pagkat ito ang panahon kung saan humaharap na ang mga tao sa suliranin sa kalikasan gaya ng climate change, deforestation, desertification at iba pa. Subalit, madalas ay hindi ito kinakakitaan ng halaga pagkat hindi naipapakita ang kahalaghan nito. Ayon din sa mga pag-aaral na ang ganitong mga lesson ay nangangailangan ng mga karagdagang materyales na madalas ay may kakulangan. Kaya naman ang Earth Attack ay may layuning ihumikin ang mga kabataan upang maappreciate ang kahalagahan ng Earth Science. Isa itong game show na pagbibidahan ng isang o dalawang host na may kakatwang personalidad. Tapos may limang grupo na may tig-dalawang mag-aaral na kukunin mula sa ibat ibang paaralan sa bansa. Sa umpisa ng programa ang ikukwento ng isang alien ang tema para sa araw. Tapos, sa unang round ay ang quiz bee round kung saan magpapatalasan ng talino sa konsepto ang mga grupo. Mula rito ay tatlong grupo na lamang ang magpapatuloy. Sa ikalawang round naman ay binubuo ng dalawang round kung saan ipapakita ang kakayahan ng mga bata na i-apply ang kanilang mga nalalaman sa mga laro. Halimbawa ang pagbuo ng isang higanteng puzzle ng constellation. Sa huli, ang pinakamatatag na grupo ang siyang makakapag laro sa final round kung saan papasok ito sa isang napakalaking mala-playground. Doon aatasan sila ng alien ng

isang misyon. Sa misyon na ito ay hahasain pa ang kanilang kaalaman sa konsepto at applikasyon. Dagdag din ng programa ay ang pagbuo ng kampanya upang mas lalo pang mahilig ang mga bata sa Earth Science. Magtataguyod ito ng mga science fair at mga events na kaugnay. Magtataguyod din ito ng isang website na lalagyan naman ng mga laro, forum, karagdagang babasahin at mga how to video.

You might also like