You are on page 1of 1

Paninigarilyo Ang paninigarilyo ay isang kasanayan kung saan sinusunog ang isang sangkap, pinakakaraniwan ang tabako na nakapaloob

sa bilot ng sigarilyo, at nilalanghap at nilalasahan ang usok. Pangunahing ginagawa ito bilang isang anyo ng paggamit ng droga bilang isang libangan dahil sa may nicotine na nailalabas ito at ginagawang madaling masipsip ng mga baga. Maaaring ginagamit ito bilang bahagi ng ritwal, upang hikayatin ang kawalan ng ulirat at ispirituwal na kaliwangan. Ang sigarilyo ang pinakakaraniwang kaparaanan ng paninigarilyo sa ngayon, at pangunahing ginagawa ng mga pagawaan ngunit maaaring din gawin mula sa hiwa-hiwalay na tabakong nirolyo sa papel sa pamamagitan ng kamay. Mga Masamang Epekto ng Paninigarilyo Totoo ang babala na nakasulat sa mga pakete ng yosi: CIGARETTE SMOKING IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH. Ang paninigarilyo ang nakakasama sa iyong kalusugan sa maraming paraan. Ang mga epektong ito ang dahil sa ibat ibang lason na nasa sigarilyo, gaya ng nicotine (isang nakaka-addict na kemikal), carbon monoxide (na sya ring kemikal na nasa tambutso ng mga sasakyan), hydrogen cyanide (kemikal na nasa mga bomba) at iba pa. Suma total, may 400 na ibat ibang uri ng lason sa karaniwang sigarilyo. Bawat oras, sampung Pinoy ang pinapatay ng paninigarilyo. Isa-isahin natin ang mga masamang epekto ng paninigarilyo. Pinakasikat sa kanilang lahat ay ang lung cancer o kanser sa baga. Mahigit 80% porsyento ng lahat ng lung cancer ay maiuugnay sa paninigarilyo. At hindi lamang kanser sa baga ang hatid ng yosi. Marami pang ibang kanser ang maaaring maidulot ng paninigarilyo, gaya ng kanser sa bibig at lalamunan, kanser sa pantog, kanser sa bato, kanser sa tiyan, kanser sa matris, at iba pa! Hindi lamang kanser ang dulot ng paninigarilyo, itoy nagpapapataas ng probabilidad na magkaroon ng atake sa puso (heart attack) at iba pang uri ng sakit sa puso at mga ugat ng dugo (vascular diseases). Ang paninigarilyo ay sanhi ring ng COPD, isang malubhang sakit sa baga na may sintomas ng ubo, plema, hapo, hirap sa paghinga, at panghihina. Pinapalala rin ng sigarilyo ang iba pang mga sakit sa baga gaya ng hika (asthma). Sa mga babae, ang paninigarilyo habang buntis ay maaaring makasira sa pagbubuntis at panganganak; maaaring maagasan o mapaaga ang pangangak ng sanggol at magdulot sa kanyang kamatayan. Sa mga lalaki naman, ang pagyoyosi ay maaaring magdulot sa pagkabaog, kawalan ng abilidad na patigasin ang ari (impotence), at kanser ng ari ng lalaki (penile cancer). Bukod rito, marami pang sakit ang naiuugnay sa paninigarilyo. Ang yosi ay nakakapagsanhi rin ng bad breath o mabahong hininga at madilaw ng ngipin. Pag ikay naninigarilyo, damay pati pamilya mo! Kahit hindi sila naninigarilyo, kung nalalanghap nila ang usok sa paninigarilyo mo ay dinadamay mo ang iyong pamilya sa mga panganib na hatid ng paninigarilyo. Ito ay tinatawag na second-hand smoke. Napag-alamang mas ubuhin at hikain ang mga anak ng taong naninigarilyo. Ang second-hand smoke rin ay nakakasanhi ng kanser, pulmonya, impeksyon sa tainga, mga problema sa paghinga, at marami pang ito. Tunay nga na kahit isipin mo na lang ang kapakanan ng iyong pamilya at mga taong nakapalibot sayo, itoy mabigat na dahilan na upang itigil ang paninigarilyo. At kung ikaw ang padre de pamilya o nagtatrabaho para sa iyong mga minamahal, ang pinakamasang epekto ng iyong paninigarilyo sa kanila ay ang pagmatay mo mismo mula sa mga masasamang dulot ng yosi. Iisa ang mabigat na mensahe ng lahat ng katotohanang ito: Tigilan na ang paninigarilyo!

You might also like