You are on page 1of 6

CHARACTERS Jerika | Erico | Angela

CHAPTER 1 Infatuation

Sawi ako sa pag-ibig. Oo, inaamin ko yun. First year high school pa lang ako nong una kong madama ang hagibis ng aking puso. Pag-ibig. Si Erico Medina. Second year high school sa non. Mabait, masayahin, plabiro, masaya kasama. Ewan ko ba, kapag kasama ko saiya, parang ako na siyang lumayo pa sa akin. Una kaming nagkita sa canteen. Panget ng setting. AHAHA. Ayan na. Binigay ko na yung over view ng buhay ko kasama siya, I mean, simula nung nakilala ko siya.

Kapag first year, GC. Araw-araw ang laki-laki ng bag na dala-dala ko. Ewan. Kahit anong gawin kong bawas sa gamit ko, ganon pa din eh. Ang bigat. Kahit ilagay ko sa locker yung iba, wala pa din. Hsad. Kahit saan ako magpunta, ang dami kong dala. Libro, papel at kung ano-ano pa. Oo na, GC na kung GC. Kailangan kasi eh. Mahalaga ang pag-aaral.

Ouch. Sorry, Miss.

Alam mo yung feeling na male-late ka na tapos kailangan mo pang pulutin yung sandamakmak na papel. Haixt. Epic.

Parang isang Korean Telenobela lang. AHAHA. Nabangga mo yung isang lalaki tapos yung pinakahuling papel na pupulutin mo, magkakahawak yung kamay niyo. Tapos magkakatitigan kayo. OHA! Joke lang.

Sorry ulit ha.

Okay lang po. Hoi Erico-fu!

Si Angela Maniego. SHARE ko lang. Bestfriend ko yan. Simula elementary, classmate ko na yan. Marami na kaming pinagdaanan. Yang babaeng yan, sobrang pala asar at masyahin pero marami din dinidibdib yan na kaming dalawa lang yung nakakaalam.

Oh, bakit Angela-fu? Anong ginagawa mo sa Bes ko? Nagso-sorry na nga eh. Nabangga ko kasi siya. Very good.

RINGGGG.

Bes. Halika na. Male-late na tayo. Sige sige. Hoi Erico-fu! Kita-kits na lang. Opo. Miss Angela-fu.

Erico.

Wala. Di ko lang maalis sa isip ko yung pangalan niya. Ewan. Kakaiba kasi eh. Ang cute. ERICO. ERICO. ERICO. Bakit kasi din a lang Jerico? HOHO. K. SHARE. Wait. Parang Eric ko lang? AHAHA.

Boyfriend mo yun? Gaga. Single pa ako, Bes. Eh bakit may fufu chever sa tawagan niyo?

Wala lang. Masama? Nagtatanong lang po.

Di ako socially active. Di ako madaldal. Sa classroom, oo. Pero sa ibang year level, di na. Pero syempre, may exemption to the rule.

Siya.

Akala mo special siya ano? Friends lang kami, di pa nga yata eh. Magkakasama kami sa tambayan. Siya, ako, si Angela at si Drake. Minsan, sabay-sabay kami kumain ng lunch. Minsan sila lang, ako stay lang sa room.

Tapos dumating yung point na may ka M.U na si Kuya Erico. Si Ate Nathalie. Palagi silang magkasama. At dun na nagsimulang magkahiwa-hiwalay yung barkada naming. Sa simpleng Hi na lang kami nakakapag-usap o kaya sa chat din minsan.

Jeka. Po? Wala lang. Gusto lang kitang makasama.

Alam mo yun? Gusto ka niyang makasama pero wala naman siyang sinasabi or ayaw niya naman akong kausapin. Alam mo yun? AWKWARD SILENCE. Siguro siguro crush ako ng lalaking to?

Feelingera ko talaga. AHAHA.

RINGGGG.

Biruin mo yun? Nakaya kong di magsalit for 30 minutes yata yun. Magkatabi kami pero kung saan-saan kami nakatingin. Tapos kapag nagkakatagpo yung mga mata naming, konting ngiti tapos iwas. Ganon ba kapag magkaibigan o baka naman

Magka-IBIG-an na to?

Okay? Ang corny. AHAHA.

Sige na, Kuya Erico. Mauna na po ako. Eric na lang para mas cute. Sige po, Kuya Eric. Sige. Ingat.

Di ko alam kung ano to. Infatuation ba or kung ano. Bast. Iba kasi talaga eh. Kapag nandyan siya, parang gusto ko palaging tumalon ng building. Nakakaihi dahil sa sobrang kaba. AS IN.

Hindi ko na alam kung anong nagyari dun sa lalaking yun at sa kanila ni Ate Nathalie. Kaming dalawa? Tuloy ang progress. Konti na lang, KAMI NA. Joke lang!

Lang kwenta buhay ko eh. Pero may time na gumawa kami ng project sa Science. Tapos nag-Rockwell kami afterwards. Si Kuya Drake lang yun nakita ko don. Wala siya.

Lungkot ng buhay. Tapos nag-OL kaagad ako sa FB pagdating sa bahay. Luckily, siya yung unag-unang nag-PM sa akin. Pano kaya nangyari yun?

POP.

Psst! :) Yah? :D Nakita ka daw ni Drake sa Power Plant kanina ah. Oh? Tapos? :)) Share ko lang. Taray naman oh. :)))

Ano namang meron? Ini-stalk ako ng lalaking to ano? AHAHA. Dakilang feelingera award goes to JERIKA CAPILLI. WOOH!

AHAHA. Akala ko kung ano na. :D Eric Medina is offline.

PAKSHIP! Offline kaagad. Anyways, ngayon ko lang napansin na Eric di na Erico pangalan niya si FB. Wala lang. SHARE.

The next day

Hi Jeka. Hello.

Awkward silence.

Bakit ganon na lang palagi? Lagi na lang tahimik. Uso naman magsalita di ba?

Uhm Uhm

Tapos kung magsasalita pa, sabay. Nakow. Parang Our hearts beat as one. Our minds think as one. IKEE! AHAHA. Joke lang.

Sige. Ikaw muna. A-Ah E-Eh Eric na po pala pangalan niyo sa FB. Napansin mo yun? Yeah. A-Ak Sino-sino po ba yung tumatawag sa inyo nun? Ikaw lang.

BANG! Ang special ko talaga kahit kailan. WEE! Papakain na ako sa buong baranggay nito. Papa-fiesta na ako! HOHO.

You might also like