You are on page 1of 1

Sino ang Dapat Tugisin at Sino ang Dapat Manugis?

Kuwento ng Daga at Pusa Bakit nga ba sa tuwing makikita ni Daga si Pusa ay nagmamadali itong tumakas? Bakit nga ba sa tuwing makikita ni Pusa si Daga ay nagkukumahog itong habulin ito at patayan? Noong unang panahon talagang matalik na magkakaibigan ang mga lahi nina Daga at Pusa. Sa isang lugar na kung tawagin ay Keso Land masayang naninirahan ang mga Daga at Pusa. Si Bob, mula sa angkan ng pusa, ay matalik na kaibigan ni Mickey na isang daga. Isang araw habang masayang naglalaro ang dalawa sa gubat ay nakita nila inilalabas ng angkan nina Pusa ang malaking bahagi ng keso na siyang pangunahing pagkain ng mga daga at puso sa Keso Land. Alam ni Daga na ito ay isang malinaw na pagtataksil sa mga kasunduan ng dalwang angkan na walang gulangan sa kanilang mga ari-arian. Naging gahaman ang angkan ni Pusa sa mga keso. Nakita ang dalawang angkan ni Pusa at silay nilapitan. Nakikiusap kami sayo Mickey na sana ay hindi ito makarating sa angkan mo sapagkat magagalit sila sa amin at masisira ang ating pagsasamahan, pakiusap ng mga Pusa na may pagbabanta. Kung ayaw mo na masira ang lahi niyo ay tumahimik ka na lang. Pumayag naman si Mickey. Subalit sa kanyang pag-uwi sa kanilang tahanan ay natulala siya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Hanggang mapansin siya ng nanay niya na nakatulala at tila may malalim na iniisip kaya tinanong niya ito. Anong nangyari sayo? Bakit ka tulala? Hindi pa rin, makapagsalita is Mickey dahil sa banta sa kanya. Hinanap ng nanay ni Mickey si Bob at tinanong niya kung bakit ganoon si Mickey. Hndi naman naitago ni Bob ang tunay na nangyari. Agad na nagtungo ang nanay ni Mickey sa pamunuan ng Keso land at doon ay inireklamo ang kabulastugang ginagawa ng mga Pusa sa Keso land. Nakarating sa mga Pusa ang rekalamo ng nanay ni Mickey kaya inisi nila na si Mickey ang nagsabi ng lahat dito. Kaya, inabangan nila si Mickey at binalak na patayin. Dahil alam na ni mickey na alam na ng mga pusa ang rekalamo ng kanyang nanay. Malayo pa lang ay kumaripas na ng takbo si Mickey at sumuot sa isang sulok na hindi kayang abutin ng mga Pusa. Sinubukan ni Mickey na sabihin na hindi siya ang nagsabi sa kanyang nanay kundi si Bob. Lalong nagalit ang mga pusa at pinilit na abutin si Mickey. Mabilis na tumakbo ulit si Mickey at nagpalipat-lipat ng lugar dahil alam niya na papatayin siya ng mga Pusa kapag inabutan siya. Hindi nga inabutan ng mga Pusa si Mickey hanggang sa ito ay nakarating na kanyang tahanan. Napagkasunduan naman na sa Hukuman ng Keso land na parusahan ang mga Pusa sa pamamagitan ng pagbibilad sa mga ito sa ulanan na kanilang kinatatakutan. Ilang araw silang nakabilad at silay nagkasakit. Mula noon ay isinumpa nilang hinding hindi sila sasayi sa ulan upang hindi magkasakit kahit kailan. At ipinangako nilang tutugisin nila ang mga daga na nagpahamak sa kanila kailanman. Napagkasunduan din na ang lahat ng keso land ay mapupunta na sa mga daga. Pinalayas din ang mga pusa sa lupain.Nang umalis ang mga ito. Hindi alam ng mga daga na dinala nila ang lahat ng mga keso at tanging kapiraso lang ang iniwan nila. Kaya ngaun ay pautik-utik lang ang nakakain ng mga daga na Keso. Kaya sa tuwing makikita ng daga ang mga pusa ay agad itong nagtatago dahil hindi sila paniwalaan na ang angkan din nila ang nagtaksil sa kanila.

You might also like