Movie Presentation

You might also like

You are on page 1of 4

Angeles University Foundation College of Nursing

Submitted By: Group 19 Cadiz, Kenji Neil E. Carson, Christopher William T. Hipolito, Jonathan J. Martinez, Regina P. Mallo, Josephtti G. Orteza, Myka Lucija S. Paguio, Lhalaine R. Pineda, Lady Anne Y. Shindo, Aira Y. Sy, Christianne Danica S.

BSN III

Submitted To: Maam Joy Delfin R.N., M.N.

May 4,2012

MOVIE: Ang Tanging Ina

STUDENT NURSE 1 (Kenji): Magandang umaga po sa inyong lahat! Kami po ay mga third year student nurses ng Angeles University Foundation at narito po kami ngayon upang magpanood sa inyo ng isang pelikulang ikakasaya nating lahat. STUDENT NURSE 1 and 2 (Kenji and Aira): Ako po pala si At ako naman po si.. (Magpakilala isa isa) STUDENT NURSE 1 (Kenji) : Sige po, bago po tayo mag-umpisa, kung meron man po sainyo ang nais gumamit ng palikuran ay maari na pong gawin ngayon. Dahil po pag nagumpisa na tayo ay wala na pong pwedeng umalis. Binibigyan mo naming kayo ng limang minuto upang tugunan ito para na rin po tuloy tuloy ang ating programa. Maraming Salamat po. (Makaraan ang limang minuto) STUDENT NURSE 1 (Kenji): Kumpleto na po ba tayo? Bago po tayo magumpisa nais po naming magpakilala muli. STUDENT NURSE 1&2 (Kenji and Aira): Kami po ay mga third year nursing students ng Angeles University Foundation. Ako po si.. At ako naman po si.. (Magpakilala ulit isa isa) Ngayon po ay ika- ___ ng Mayo at ____ (Oras) STUDENT NURSE 2 (Aira): Ngayon po ay nais namin kayong tumayo Isa-Isa at magpakilala ang bawat isa. Lahat po kayo ay magkakaroon ng oportunidad na magpakilala. Magandang Umaga po muli.

STUDENT NURSE 1 and 2 (Kenji and Aira): (Grand Tour Questions) Kumusta naman po ang inyong gising? Anu po ang iyong nararamdaman sa mga oras pong ito? Ano po ang iyong agahan? STUDENT NURSE 1 (Kenji) : Bago po tayo tuluyang magsimula, nais po naming ipaliwanag sa inyo kung anu po ang programang ito na tinatawag nating Feel Good Movie STUDENT NURSE 2 (Aira): May Ipapanood po kaming isang pelikula. Ang gagawin nyo lang po ay papanuorin nyo lang po ito. Pagkatapos po ay magtatanong tanong po kami tungkol sa ipapalabas namin. Manood po kayo ng mabuti dahil po sa istorya dito sa papanuorin ninyo ay makakapulot kayo sigurado ng mga leksyon at mga aral na pwede nyo pong magamit sa buhay natin. Maari na po tayong magsimula sa ating video na pinamagatang Ang Tanging Ina . (Student Nurse 3 and 4 ay tatayo sa harapan) STUDENT NURSE 3 (Laine and Lady): Kami naman po sina at Ngayon pong tapos na ang panonood, nais po namin kayong manatili sa inyong mga upuan at magbibigay ng ilang mga katanungan. Kung alam niyo po ang mga kasagutan, Magtaas lamang po tayo ng kamay at magtatawag po kami ng mga sasagot. Nagustuhan nyo po ba ang movie na pinanuod nyo? Maari niyo po bang sabihin sa amin ang pamagat ng pelikulang ating napanood? Sino-Sino po ba ang mga pangunahing karakter na naalala ninyo sa ating natunghayan?

Ano- Ano naman po ba ang mga masasabi niyong katangian ng ating pangungahing karakter? Kilala niyo po ba ang mga karakter na nagsiganap sa ating natunghayan? Ano po ang pinakaborito ninyong mga eksena o parte ng pelikulang ating napanood? Ano naman po ang mga naalala ninyo habang pinapanuod ang palabas na ating natunghayan?

STUDENT NURSE 4 (Lady) : Ngayon naman po, tatawagin namin po kayo ng isa isa upang ipaliwanag ang inyong mga natutunan sa napanood niyo na movie. Mayroon po ba dito yung gustong mauna?? STUDENT NURSE 1&2 (Lhaine and Lady) : Sige po, bago po tayo matapos maari muna po ba tayong magsitayo muli at para sa ating closing prayer.. STUDENT NURSE 1&2 (Lhaine and Lady) : Nais po naming magpasalamat sa inyong oras at partisipasyon sa programang ito na Feel Good Movie kung saan po ay nanood kayo ng isang programang nagngangalang Ang Tanging Ina Ninanais ho naming itoy makadulot sa inyong kabutihan at may natutunan po sana kayo. Kami po ulit ay si (Magpakilala ulit). Bilang isa na rin sa aming pasasalamat, Naghanda po kami ng mga tinapay at maiinom para sa inyo.

You might also like