You are on page 1of 2

Fabellon, Kristine Daryl F.

2011 21691 Amapola sa 65 na Kabanata Progress Report

Humanidades 1 Dr. Noemi Rosal

Ang Amapola sa 65 na kabanata ay isinulat ng Pilipinong manunulat na si Ricky Lee, ang sumulat din ng Para kay B, Pitik-Bulag sa Buwan ng Pebrero at ng marami pang ibang mga nobela, scriptwriting manuals at mga dula. Ang akdang ito ay isang nobelang, hindi tulad ng ibang akda, ay may layuning gisingin ang natutulog na patriyotismo at nasyonalismo ng mga Pilipino at magudyok ng pagkilos para lutasin ang mga problema ng ating bansa. Umiikot ang istorya nito kay Amapola, isang manananggal na bakla, na ayon daw sa propesiya ay siyang magliligtas sa Pilipinas. Si Ricky Lee, ang awtor, ay nakapagsulat nan g higit 150 film scripts mula noong taong 1973, na siya naming nagbigay sa kanya ng 50 na tropeyo mula sa ilang mga estasyong nagbibigay ng mga parangal sa mga manunulat. Kasama na dito ang 2003 Natatanging Gawad Urian Lifetime Achievement Awardmula sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Bilang isang scriptwriter, nakapagtrabaho na siya kasama ang ilan sa mga pinakamahuhusay na mga direktor gaya nina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Marilou DiazAbava, Joel Lamangan at marami pang iba. Karamihan sa kanyang mga nagawang palabas ay isinapubliko sa mga internasyonal na film festival sa Cannes, Toronto at Berlin. Si Lee ay lumaki sa Daet, Camarines, kasama ang kanyang mga kamag-anak. Noong siya ay limang taong gulang pa lamang, namatay ang kanyang ina at ang ama niya naman, ay bihira niya lamang makita. Sa Daet na rin siya nakapagtapos ng elementarya at hayskul. Noong siya ay maliit pa, mahilig siyang umalis sa eskwela at tumakas sa mga sinehan o di kayasy magbasa na lamang ng mga aklat sa silid-aklatan sa kanyang paaralan. Minsan pinupunit niya ang mga pahina ng aklat na may magagandang larawan. Isang magaling na mag-aaral, siya ay lagging nasa itaas ng klase. Unang namalasan ang kanyang husay sa pagsusulat noong nanalo siya ng una niyang parangal dahil mahusay ang sinulat niyang maikling kwento noong siya ay nasa hayskul pa. Dala ng kanyang matinding pagmamahal sa literatura at pagsusulat, siya ay naglayas at tumakas papuntang Maynila. Nagtrabaho siya bilang waiter upang makakuha ng pantustos sa pangarawaraw niyang pangangailangan. Natanggap siya sa Unibersidad ng Pilipinas bilang isang estudyante ng AB English ngunit hindi nakakuha ng diploma mula dito. Samantala, nagturo naman siya dito ng scriptwriting sa UP sa College of Mass Communication. Siya rin ay naikiisa bilang isang aktibista at nakasama pa sa Panulat para kaunlaran ng Sambayan (PAKSA, or Pen for People's Progress). Noong mga taon naman ng Martial Law, siya ay namuhay bilang isang rebelde. Lahat ng mga ito ay mga magaganda at epektibong bukal ng inspirasyon kung saan maari siyang humugot ng mga kwento at tauhan. Gaya ng nasabi sa itaas, ang nobela ay nakapokus sa isang baklang manananggal, ang bayani ng kwento. Isang baklang impersonator, nais lamang niya na sumikat at maging icon gaya nina Nora Aunor at ng iba pang mga artista at komedyante. Isang araw sa taon ng 2010, taon ng eleksyon, nadiskubre niya na siya pala ay isang mananaggal. Ilang gabi pa, nilapitan siya ng isang pulis na Noranian na nagbigay detalye tungkol sa isang propesiya na mas dinetalyehan pa ng isang matandang babae na nagpakilala bilang lola niya sa tuhod, na nabuhay daw mula sa panahon ng mga Kastila. Ito ay isang kwento ng ibat-ibang uri ng pag-ibig. Pag-ibig sa sarili, sa kapwa, sa pamilya, sa katanyagan, sa pera, at sa bansa. Bilang ang itinakda ayon sa nobela, si Amapola ang magbibigay

kalutasan sa mga problema ng ating bansa habang inililigtas din ang sarili sa mga sariling problema sa buhay at pag-ibig. Hindi kaila ang husay ni Ricky Lee sa nobelang Amapola. Sa unang tingin, naisip ko na isa itong pangkaraniwang nobela na umaapaw sa mga gasgas na eksena at mababaw na banghay. Sa totoo lang, sa pagbabasa ko ng mga unag pahina, hindi ap din nagbago ang isip ko. Nakakatawa at magaan lang ang Amapola. Natuwa naman ako dito dahil hindi siya seryoso at talaga naming nakakaaliw. Mas natuwa ako noong nabasa ko na ang bahagi kung saan may flashback ang tauhang si Lola Sepa noong panahon ng Katipunan. Dito lumabas ang malawak na kaalaman ni Lee sa kasaysayan g Pilipinas at kung ano ang tingin niya sa mga nangyaring pananakop ng mga Amerikano ang pagtataksil ng mga kapwa Pilipino. HIgit na nasalamin sa nobela ang uri ng pagmamahal at pagmamalasakit na meron si Lee sa ating bansa. Bilang bahagi ng kabataan, nagagalak ako dahil ang kwento ay isinulat sa aking panahon, sa aking henerasyon. Kilala ko ang mga nababanggit na mga kanta, lugar, tao at iba pang sangkap ng nobela. Dahil dito, mas natutukso akong tapusin at lubos na intindhihin at isapuso ang mga eksena. Ang ideya naman na gumamit siya ng aswang at ng mga bading sa kwento ay talagang nakakaaliw. Sa tingin ko, ito pa lamang ang nobelang nabasa ko na gumamit ng ganitong sangkap kahilera ng iba pang mga sangkap sa kwento na mas seryoso: Pulitika at kasaysayan. Sa aking tingin, may malalamin na kahulugan ang mga bahagi at tauhan sa kwento. May malalim na pagsisimbolismo na ginamit si Lee upang masubok ang isipan at malayong gamitin ng mga mambabasa ang kanilang imahinasyon. Sa ngayon, hindi pa ako sigurado kung ano nga ba ang sinsimbolo ng manananggal, ng hati, ng mga multiple personality ni Amapola, ngunit layunin kong malaman bago ko matapos ang nobela. Sa ngayon, palapit na sa wakas ang aking pagbabasa ng Amapola at nasasabik akong malaman ang mangyayari sa dulo. Gusto ko pang mas matawa at matuto tungkol sa ating bansa at sa mayamang kasaysayan nito. Para sa akin, ang Amapola ay isang epektibong nobela na matagumpay na napagsama ang aliw at imprmasyon sa 363 na pahina. Matagumpay nitong napalawig ang interes ko sa ating kasaysayan at ang malasakit ko sa ating bansa na tama nga namang hindi nauubusan ng paraan para magdusa.

You might also like