You are on page 1of 2

Huling Paalam

Siyam na buwan syay inalagaan Sa kanyang sinapupunan na kanyang bahay-bahayan Laging syang pinagmamasdan,miski nasa sinapupunan Para bang sundalo kung protektahan sya mula sa kalaban.

Kanyang paglakiy lubos na sinubaybayan Bawat kanyang natutunan ay sa kanya nya nalaman Sa bawat sugat at sakit siyay kanyang naging sandalan Upang maging matatag sa bawat problemang dadaanan

Ngunit ng tumanda syat tumayo sa sariling paa Siyay kanyang iniwan at pinabayaan na Hindi man lang sinuklian mga pag-aalaga Ng kanyang inang kaytanda nat kaawa-awa

Ngayoy siyay tumanda nat nagkasakit Kaawa-awang ina, ngayoy kayhina na.

Kanya ngayong naisip mga posibilidad kung mamatay sya. Siya ngayoy nagsisit inalagaan na iyong ina.

Inalagaang muli ang pinkamamahal na ina Inang, nag-aruga at nagpalaki sa kanya Iyong hiling lamang kanyang apoy masubaybayan pa At maramdaman din mga pag-aalaga nya sa kanila.

Ngunit bakit ngayong nagbago na Ngayon pa kukuhanin mahal nyang ina Hindi man lang binigyan ng panahon upang makapiling pa Ang ina kayatagal na inabandona.

You might also like