You are on page 1of 7

KALAGAYAN NG BATANG PILIPINO: ISANG PRAYMER

BALANGKAS NG PAG AARAL: I. SINO ANG BATANG PILIPINO?

II. ANO ANG MGA NAGPAPAHIRAP SA MGA BATANG PILIPINO? ANO ANG MGA TAMPOK NA ISYUNG PAMBATA? III. ANG ATING PANAWAGAN AT PAGTUGON SA KALAGAYAN NG MGA BATA

PAUNANG SALITA: Ang mga bata ay may limitasyon sa kaalaman at pisikal na kakayahan upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili mula sa ibat ibang tipo ng paglabag sa kanilang batayang karapatan. Dahil dito, masasabi natin na ang mga batang Pilipino ay isa sa pinaka-bulnerableng sektor sa isang lipunang laganap ang kahirapan at kawalan ng hustisya. Batayang prinsipyo ng Akap Bata Partylist (ABPL) na ang kalagayan ng batang Pilipino ay salamin ng lipunang Pilipino. Dahil dito, ang pag susulong ng kapakanan at pagkalinga sa mga bata ay isang panlipunang responsibilidad. Kaya naman mahalaga ang papel ng mga organisasyong masa at ibat ibang tipunan ng mga child avocates mula sa ibat ibang saray ng lipunan upang maitaguyod ang karapatan ng mga batang pilipino. Inilabas ang praymer na ito bilang gabay ng ating mga coordinators at lider upang maipalaganap sa malawak na masa sa mabilis na paraan ang ating linya't pagsusuri hinggil sa kalagayan ng mga bata at upang higit pang itaas ang antas ng kamulatan, komitment at pagkilos ng ating mga kasapi, bolunteer at mga kaibigan sa larangan ng childrens advocacy. ABPL Research and Education Committee 1. SINO ANG BATANG PILIPINO?

Batay sa depinisyonng United Nations (UN) ang mga bata ay kahit sinong tao na nasa edad 17 years old pababa. Ang kalagayan ng kalakhan ng Pilipino ay siya ring kalagayan ng mga bata. a. Populasyon ng mga bata. Apat sa bawat sampung Pilipino ay nasa edad na 0 17. Malaking bahagi sa bilang na ito ay ang mga bata (42%). b. Tantos ng kahirapan. Umaabot ng 70% ng populasyong Pilipino ay nakararanas ng kahirapan. Tinataya na bawat Pilipino ay nabubuhay sa isang dolyar (Php 42) kada araw.

Magnitude of Poor and Poverty Incidence among total Population, Children and Youth Among total Population Magnitude of Poor (in millions) Poverty Incidence in (%) Among Children Magnitude of Poor Children (in millions)

2003 2006 2009

19.8 24.9 11.4

22.2 26.4 12.3

23.1 26.5 12.4

KALAGAYAN NG BATANG PILIPINO: ISANG PRAYMER

Poverty Incidence for Children (%)

32.7

34.8

35.1

c. Kawalan ng lupang sinasaka bilang pagkukunan ng pagkain at kabuhayan. 80% ng lupain ng buing bansa ang kinokontral ng nasa 1% ng populasyon na binubuo ng malalaking panginoong maylupa at asendero. d. Kawalan ng Trabaho. Ang pinakamalalang tantos ng kawalan ng trabaho ay naitala sa taong 2002 2011. Umabot sa 11.1% o 4.3 milyong mamamayan ang walang trabaho. e. Overseas workers. Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 9.5 milyong Pilipino o 10% ng buong populasyon ang nangingibang bansa upang magtrabaho habang 4,560 Pilipino ang umaalis sa bansa araw araw (POEA). f. Child Labor. Ayon sa quarterly labor surverys (BLES) nasa 4.2 million ang bilang ng mga child workers habang ang National Statistics Office (NSO) naman ay sinasabing nasa 5.5 million ang mga child workers edad 5 17. 3 Milyon sa mga batang ito ay nasa mapanganib na trabaho. g. Street Children. Sa taong 2010, nasa 250,000 (UNICEF) hanggang 2.2 milyon (Chilrens Rehabilitation Center, CRC) ang bilang ng mga batang kalye. Sila ay nabubuhay sa delikadong sitwasyon, malnourished, salat sa pangangalaga at biktima ng ibat ibang pang aabuso. h. Infant mortality. 40 sanggol ang namamatay kada 1,000 sanggol na ipinapanganak, at karamihan sa mga ito ay nagmula sa pinakamahihirap na saray ng lipunan. i. Stunted and underweight children. 32% ng mga batang Pilipino edad limang taon pababa ay bansot (stunted) habang 21% naman sa kanila ay kulang sa timbang (underweight). j. Nutrisyon. Umaabot sa 66.9% ng pamilyang Pilipino ay tinatayang nagugutom habang 73.3% naman ng pamilyang Pilipino ang kumakain nang isang beses lamang isang araw batay sa tala sa taong 2008 k. Basic Education. Mataas ang antas ng enrollment ngunit mababa ang antas ng nakatatapos sa pag aaral. Ang 2012 Annual Poverty Indicators Survey (APIS) ng NSO ay nagsasabing 15.5% o 6.0 milyong bata at kabataang Pilipino ay di nakakapag-aral o Out-of-School Youth (OSY).

Schools Public Private Pre-school enrollment Public Private Elementary Enrollment Public

Primary 2007-2008 44,140 37,476 6,664 1,002,223 591,445 410,778 13,411,286 12,318,505

2010-1011 45,964 38,351 7,614 1,650,232 1,224,173 426,059 14,166,066 13,019,145

Secondary 2007-2008 9,599 5,207 4,392

2010-2011 12,950 7,268 5,682

6,506,176 5,173,330

6,954,946 5,580,236

KALAGAYAN NG BATANG PILIPINO: ISANG PRAYMER

Private 1,092,781 Teachers 397, 468 (lab schs of SUCs excluded) Public 348,028 Private 49,440 Performance Indicators Gross 102.03% Enrollment Rate Dropout 5.99% Rate Teacher1:35 Pupil Ratio

1,146,921 413,872

1,332,846 184,883

1,374,710 201,435

361,564 52,308 107.47

131,365 53,018 81.40%

146,269 55,166 81.78%

6.29% 1:36

7.45% 1:39

7.89% 1.38

I. Education Shortages. Sa taong 2011, umaabot lamang sa 2.7% ang kabuuang gastos ng pamahalaan para sa edukasyon. Kaya naman di na nakagugulat ang datos ng DepEd hinggil sa kakulangan sa mga pampublikong paaralan sa taong 2011-2012:

Bilang ng kulang sa... Classroom Water and sanitation facilities Chairs Textbooks Teachers

152,569 150,000 13.2 Million 95.6 Million 104,000

m. Child rights violations. Ayon sa pananaliksik ng CRC, sa taong 2008 2011 ay may mga 41 na bata ang binasagang Child Soldiers, 4 na batang nirekluta sa Paramilitary groups at 22 bata ang ginamit na giya at shield sa mga operasyong militar. Malaking bahagi sa mga batang ito ay dumanas ng illegal arrest and detention habang ang iba naman ay pinaparada pa sa midya. n. Child Abuse. Ayon sa Department of Social Welfare and Development, umabot sa 4,479 ang mga batang biktima ng pang aabuso ang kanilang naasikaso para sa taong 2010. Ngunit hindi ito kumpletong datos ng aktwal na bilang ng mga biktima dahil hindi naman lahat ng biktima ay nagrereklamo at may limitasyon rin mismo ang mga serbisyo at program ng DSWD. 2. ANO ANG MGA NAGPAPAHIRAP SA MGA BATANG PILIPINO? ANO ANG MGA TAMPOK NA ISYUNG PAMBATA? Sa isang lipunang mala kolonyal at mala pyudal, malaking bahagi (90%) ng mga batang Pilipino ay nakararanas ng malubhang paglabag sa kanilang mga karapatang pantao at pagpapabaya sa kanilang kagalingan. Ang mga batang anak ng magsasaka, manggagawa at maralita ay dumaranas ng kahirapan, kagutuman at kaapihan bilang bahagi ng pamilyang anakpawis. Ang mga batang Pilipino ay ekstensyon

KALAGAYAN NG BATANG PILIPINO: ISANG PRAYMER

ng pagsasamantala sa kanilang mga magulang. higit na apektado rin sila ng militarisasyon , pangangamkam ng lupa, kapiranggot na sweldo sa mga pagawaan at biktima rin ng demolisyon sa lungsod. Apektado ang pangkalahatang pag unlad nila bilang mga bata dahil sa ganitong kalagayan. Ang mga sumusunod ay ang mga tampok na isyung pambata: a. Edukasyon Ang sistemang pang edukasyon sa bansa ay komersyalisado, kolonyal at may pasistang katangian. Tumatagos ang ibat ibang katangian nito mula pre-school hanggang kolehiyo sa iba't ibang paraan. Komersyalisado ang sistemang pang-edukasyon dahil sa kalakhan ay hindi na ito serbisyong panlipunan na libre kundi negosyong edukasyon na pribilehiyo ng maykaya. Kolonyal ang sistemang edukasyon dahil hindi ito nakabalangkas at naglilingkod sa pangangailangan ng sambayanan, bagkus ito'y naglilingkod sa pampulitika at pang-ekonomyang interes ng dayuhan. Pasista ang oryentasyon ng sistemang edukasyon na makikita sa limitado o kawalan ng akademikong kalayaan, pagpigil sa mga mag-aaral at guro na maging bahagi ng kilusan at panawagan sa pagbabago, at may layuning ihulma ang mamamayang maging kimi at sunud-sunuran. Halimbawa, ang ganitong sistemang pang edukasyon ay nagreresulta ng pagdami ng pribadong Day Care Centers at Kinder schools habang pito sa sampung bata ang hindi naaabot ng Early Childhood Care and Education. Dahil sa kawalan ng depinidong budget para sa serbisyong pambata, maraming mga bata ang hindi nakakapag aral sa maagang yugto ng kanilang buhay. Mahahalintulad din ang katulad na problema sa mga pampublikong paaralan sa elementarya, hayskul at kolehiyo. Madalas binabandera ang bisyong global competitiveness na repleksyon ng kolonyal na oryentasyon ng edukasyon. b. Kalusugan at Nutrisyon Tumaas ang bilang ng mamamayang nakaranas ng involuntary hunger o pagka gutom dahil sa kawalan ng makakain. Ayon sa Social Weather Station (SWS) Survey, unang kwarto ng 2012 ay tumaas ng 23.8% o tinatayang 4.8 milyong pamilya ang nakaranas nito. Diumano, ito ang pinakamataas na tantos na kagutuman sa nakalipas na dekada. Karaniwan sa pamilyang Pilipino ay binubuo ng 2-3 na anak kaya kung titignan, malaking bahagi ng nakakaranas ng gutom ay mga bata. Ang malaganap, mabilisan at patuloy pagtataas ng presyo ng langis kasama ng presyo ng bilihin ay nagpapalalala sa kagutuman ng mga bata. Hindi kinakaya ng kakarampot na sweldo o kita ng kanilang mga magulang ang halaga ng bilihin. Nasasakripisyo ang kalusugan ng mga bata kapalit ng malaking tubo ng mga kumpanya ng langis at batayang bilihin. Ang karapatan sa pagkain ay kapantay ng karapatang mabuhay. Ito ay batayang karapatan ng lahat ng tao lalo na ang mga bata. Ang kagutuman at malnutrisyon ay mga problemang bunsod ng kawalan ng pambansang industriyalisasyon, ng tunay na repormang agraryo, ng trabaho at nakabubuhay na sahod ng manggagawa. c. Tahanan Sa implementasyon ng Public Private Partnership (PPP), mas marami pang pamilyang Pilipino ang mawawalan ng tahanan. Bukod sa pagkain, ang tahanan ay isa sa pangunahing kailangan ng tao lalo na ng mga bata dahil ang tahanan ang kanilang unang paaralan. Bukod sa nagsisilbing proteksyon sa init at lamig, ang tahanan ay lugar ng pagkalinga ng pamilya at pamayanan. Dito hinuhubog ang pagkatao ng mga bata. Kung kaya't kapag pinagkait sa kanila ang tahanan, o kaya'y pinalayas o dinemolis ang kanilang bahay, hindi lamang pisikal na istruktura ang sinisira kundi ang buhay-pamilya at buhay-pamayanan ng mga bata. Ang mga relocation sites ay mas masahol pa ang kalagayan kumpara sa mga komunidad ng maralita dahil ito ay malayo sa trabaho o hanap-buhay, walang kuryente at malinis na tubig, hindi maayos ang daan, at malayo sa paaralan at ospital.

KALAGAYAN NG BATANG PILIPINO: ISANG PRAYMER

Sa pinakamalalayo at pinakamahihirap na lugar naman sa kanayunan, sapilitang nililikas ng mga residente ang kanilang mga tahanan dahil sa matinding militarisasyon. Ang ibang mga lumilikas na residente ay napipilitang lumuwas sa mga syudad at nagiging maralitang pamilya. Ang militarisasyon ay resulta ng armed conflict at pangangamkam ng lupa. Nagiging biktima ang mga pamilya ng intimidasyon, pananakot at malubhang paglabag sa karapatang pantao. Ang mga bata ay nakakaranas ng matinding stress, nabibiktima sa crossfire, napagbibintangang child soldiers, nahihinto sa pag aaral at nagkakaroon ng balakid sa atensyong medikal. d. Mga paglabag sa karapatan at kagalingan ng bata - Tinutulak ng panlipunang kalagayan na ito na magtrabaho ang mga bata sa murang edad. Ayon sa UNICEF, isa ang Pilipinas sa may pinakamasahol na porma ng "child labor" sa anyo ng pagtatrabaho sa bukid, pagpapaalila bilang kasambahay at pagpapatrabaho sa mga kriminal na sindikato sa droga at prostitusyon. Nalalantad sila sa mga mapanganib sa sitwasyon, mga lihis na gawi, at lalo pang paglabag sa kanilang karapatan bilang bata at bilang tao : 2/3 ng mga batang biktima ng mga pang aabuso ay mga batang babae; 55% ng mga batang biktima ng pang aabuso ay nasa edad 10 17; Isa (1) sa limang (5) batang biktima ng pang aabuso ay edad limang (5) taon pbaba; 30% ng mga mga inireklamong pang aabuso ay abandonment; 30% ng mga inireklamong pang aabuso ay sekswal na pang aabuso (rape, harassment etc.) 23% ng mga mga inireklamong pang aabuso ay pagpapabaya (neglect) 60,000 100,000 batang Pilipino ay biktima ng human trafficking (UNICEF) 50,000 batang Pilipino ang naitalang kinulong at inaresto sa loob ng labing anim (16) na taon (Amnesty International) 4,000 children ang nakakulong kasama ang mga hardened criminals (UNICEF) Nasa 20,000 ang kinukulong kada taon (Child Rights Information Network) 3. ANG ATING PANAWAGAN AT PAGTUGON SA KALAGAYAN NG MGA BATA

Ang komprehensibong pagtugon sa mga pangangailangan, kapakanan at karapatan ng mga bata ay nangangailangan ng malalimang pagbabagong panlipunan. Ang kahirapan at kaapihan ng pinakamaraming pamilyang magsasaka, manggagawa at maralita ay kailangang labanan, at itaguyod ang kanilang kahilingan para sa trabaho, paninirahan at katarungang panlipunan. Sa ganitong paraan lamang natin maisusulong ang proteksyon, karapatan at kapakanan ng pinakamaraming mga batang anak ng magsasaka, manggagawa at maralita. Ang Akap Bata Partylist ay isang maliit na bahagi lamang ng buong sambayanang kumikilos para sa pagbabagong panlipunan at pulitika ng pagbabago. Sa abot ng makakaya nito, umaambag ang Akap Bata Partylist upang maibsan ang kasalukuyang kalagayan ng mga bata, habang tinatanaw at naglilingkod din ito para sa lipunang tunay na malaya, masagana at progresibo. Sa ganitong layunin inilulunsad ng Akap Bata Partylist ang mga sumusunod na programa at serbisyo: Supplemental Feeding and Nutrition Education Medical and Dental Missions Social Investigation and Advocacy on Shelter/Housing Art Workshops, Basic literacy and numeracy services

KALAGAYAN NG BATANG PILIPINO: ISANG PRAYMER

Psycho Social Interventions for children in Emergency Situations E - Monitor - Illegal school fees and K+12 implementation grievance hotline Likhaang Bata Childrens Cultural Collective Akap Bata Youth Advocates Adopt a Day Care Program

Bukod sa mga nasabing programa at serbisyo, mahalaga ang papel ng sama-samang pagkilos upang higit pang maisulong ang laban para sa kagalingan at karapatan ng mga bata. Ang mga sumusunod ang ating mga panawagan sa ibat ibang isyung pambata: a. Edukasyon

Itaas ang budget sa edukasyon at sundin ang international standard ng UN na 6% budget allocation mula sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa; Pigilan at ibasura ang K+12 implementation at bagkus ay punuan ang mga kakulangan sa klasrum, libro at iba pang pasilidad; Itaas ng sahod ng mga guro-kalinga! Isulong ang Magna Carta for Day Care Teachers; Isulong ang makabayan, siyentipiko at makamasang sistema ng edukasyon! b. Kalusugan at Nutrisyon

Tutulan ang pribitisasyon ng mga ospital. Dagdagan ang pondo para sa pampublikong ospital; Ibasura ang oil deregulation law upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin; Itaas ang sweldo ng mga manggagawa at ibaba ang presyo ng bilihin - tanggalin ang 12% vat sa mga pangunahing bilihin upang makayanan ng mga magulang at mga tagapangalaga na maghain ng mas masustansyang pagkain sa mga bata; Isulong ang pambansang industriyalisasyon at ipatupad ang tunay na repormang agraryo. c. Tahanan

Itigil ang demolisyon, ilantad at labanan ang PPP (Public Private Partnership) Ibasura ang Urban Development and Housing Act (UDHA) na lalong nagtulak sa mga demolisyon, nagpalala sa negosyong pabahay ng gobyerno, at nagsilbi sa interes ng malalaking negosyante sa halip na maralitang pamilya. Labanan ang mapanlinlang na Community Mortgage Program (CMP) na negosyong pabahay ng gobyerno. Itigil ang militarisasyon. Labanan ang mga paglabag sa karapatang pantao ng mga bata. IPAGLABAN ANG PROTEKSYON, KARAPATAN AT KAGALINGAN NG MGA BATANG PILIPINO. IPAGLABAN ANG EDUKASYON, PAGKAIN AT TAHANAN PARA SA MGA BATA. ISULONG ANG LIPUNANG TUNAY NA MALAYA, MASAGANA AT PROGRESIBO NA KAKALINGA SA MGA BATA.

KALAGAYAN NG BATANG PILIPINO: ISANG PRAYMER

THE 10 RIGHTS OF A CHILD SAMPUNG KARAPATAN NG MGA BATA 1.Right to be born, to have a name and nationality (karapatang ipanganak, magkaroon ng pangalan at pambansang identidad) 2. Right to have a good shelter and a loving family that will care for them (karapatang magkaroon ng tahanan at pamilyang kakalinga sa kanila) 3. Right to eat nutritious food to have a healthy and energetic body (karapatang makakain ng masustansyang pagkain upang maging malusog at aktibo ang pangangatawan) 4. Right to have enough education to develop their skills and talents (Karapatang makapag aral upang mapaunlad ang kanilang kakayahan at talento) 5. Right to play and have enjoyment with their friends (Karapatang makapaglaro at maging masaya kasama ng kanilang mga kaibigan) 6. Right to be protected against all forms of abuses (karapatang maipagtanggol laban sa lahat ng tipo ng pang aabuso) 7. Right to live in a peaceful and child-friendly community (karapatang mabuhay sa isang mapayapa sa isang komunidad na kaaya-aya sa pag unlad ng mga bata) 8. Right to be protected and helped by the government (karapatang maipagtanggol at matulungan ng gobyerno) 9. Right to express their own views, opinions and ideas (karapatang maipahayag ang kanilang mga saloobin, opinyon at ideya) 10. Right to participate in activities and social gatherings (karapatang maging bahagi ng iba't ibang aktibidad at panlipunang pagtitipon)

SANGGUNIAN: Profile of the Filipino Children, National Democratic Front (NDFP), June 17, 2012 The NDFPs Defense of the Rights of the Child, Prof. Jose Ma. Sison, Octover 25, 2005 Uncounted Lives, UNICEF, 2007 SWS Data bank NSO Data bank Ibon Foundation Data bank Childrens Rehabilitation Center Data bank

You might also like