You are on page 1of 2

Ang Kasaysayan ng Pilipinas sa Pera: Ang 5 piso Posted on June 5, 2012 Ang limang piso ang pinakahuling tatalakayin

sa serye ng mga artikulo na may pam agat na, Ang Kasaysayan ng Pilipinas sa Pera. Tampok sa perang papel na ito ang it inuturing na pinakaunang pangulo ng Republika, si Heneral Emilio Aguinaldo.

Nabibilang sa isang principalia uri ang mga Aguinaldo. Isang gobernadorcillo ang kanyang ama at mayroong lahing Tsino ang kanyang pamilya kaya naman nakaangat a ng kanilang pamumuhay kumpara sa higit na nakararami. Patunay nito ay ang pag-aa ral ng batang Emilio sa Colegio de San Juan de Letran para sa mataas na paaralan (o Bachiller en Artes, ang katumbas ng high school sa kasalukuyan). Gayunman, h indi ito natapos ni Emilio sapagkat namatay ang kanyang ama kaya kinailangang um uwi siya sa Cavite El Viejo (Lumang Cavite o ang tinatawag ngayong Kawit) at tul ungan ang ina sa pagsasaka. Sumali si Aguinaldo sa Katipunan noong 1895 bilang isang tinyente (lieutenant), umangat bilang kapitan bago mabilis na naging heneral, matapos na matagumpay na tambangan ang pwersang Espaol ni Heneral Ernesto de Aguirre sa Bacoor, Cavite. Si mula noon, nakilala siya bilang si Heneral Miyong. Makikita sa ibabaw ng kanang balikat ng Heneral ay isang pulang tatsulok na mayr oong araw sa gitna at tatlong bituin sa tatlong sulok nito. Napaliligiran ito ng dahon ng laurel. Kung ihahambing ang escudo (seal) na ito mga naging escudo noo ng bandang huling dekada ng dantaon-19, mapapansin na malaki ang pagkakahawig ni to sa escudo ng Unang Republika ng Pilipinas. Sa larawan sa ibaba, ang napapaloo ban ng bilog ang escudo ng Unang Republika (nasa kaliwa).

Sa gawing kanan ng perang papel, makikita ang palatandaang pangkasaysayan na Rep ublica Filipina. Isinasaad dito na: Republika Pilipina 1898-1901; Sa kumbentong i to itinatag ang presidensya ng unang Republika Pilipina na pinanguluhan ng Kgg. Emilio Aguinaldo y Famy at ditoy nanatili mula noong ika-10 ng Setyembre 1898 han ggang ika-29 ng Marso 1899. (n.b. Ang Kgg. ay papapikli ng Kagalang-galang. Honorab le o Hon. ito sa wikang Ingles.)

Hindi nakasaad sa palatandaan ang lokasyon ng kumbento. Ngunit kung susuriin ang m ga petsa at pagtutugmain ang mga makasaysayang pangyayari, malalaman na noong 10 Setyembre 1898, inilpat ang kabisera ng Pamahalaang Rebolusyonaryo sa Malolos, Bulacan mula sa Bacoor, Cavite. At dahil kumbento ang tinutukoy sa palatandaan, ma aring ang tinutukoy ay ang kumbento na katabi ng Simbahan ng Barasaoain sa Malol os, Bulacan. Makikita ang kumbentong ito sa likod ng sampung pisong papel (nakahighlight sa yellow ang kumbento sa larawan). Itinayo ang kumbento noong 1859 at tatlong beses na inayos noong 1859, 1889 at 1894. Naging isang Pambansang Palat andaang Pangkasaysayan (National Historical Landmark) noong 1 Agosto 1973.

Ang likuran naman ng limang piso ang nagpapakita ng pagpahayag ng kasarinlan (hi ndi kalayaan) ng Pilipinas noong 12 Hunyo 1898. Taliwas sa ipinapakita ng larawa n, hindi si Heneral Aguinaldo ang nagpahayag ng kasarinlan ng Pilipinas. Ipinapa kita sa larawang black and white (ibaba pa ng kulay berdeng larawan ng limang pi so) ang mas malapit na anggulo: iwinawagayway ni Aguinaldo ang disenyo ng kasalu kuyang bandila sa harap ng mga nagbubunying mga tao.

Kung susuriin ang fascimile ng Acta dela proclamacion de independencia del puebl o Filipino (Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Bayang Pilipino), makikitang si Don Am brosio Rianzares Bautista ang nagbasa nito. Naka-highlight sa pula ang linyang n agsasabing gayon nga. Ang salin sa wikang Filipino ng mula sa Castila ng fascimile: Sa bayan ng Cavite Viejo, lalawigan ng Cavite, ngayong ika-12 ng Hunyo, 1898, a harap ko, Don Ambro sio Rianzares Bautista, Auditor de Guerra at sadyang Comisionado na itinatalaga upang ipahayag na at parangalan ang tanging araw na ito ng Pamahalaang Diktatori yal sa Pilipinas, ayon sa kataas-taasang Diktador, Don Emilio Aguinaldo at Famy, tayong mga nagkakatipong nagsilagda ngayon sa ibaba nito, kinabibilangan ng mga puno ng hukbo, ng mga kinatwan ng ibang hindi nakadalo, at ng ilang mga tanyag namamayan, dahil sa ang lahat ng mga pilipino ay bagot na bagot na sa pagpasan n g mabigat na kapangyarihan ng mga kastila, at gayon din sa walang patumanggang p agpapadakip sa mga tao at sa kalupitan ng mga Guwardiya Sibil hanggang sa makama tay, na ang ganito naman ay nababatid ng mga pinuno at sila pa nga ang nag-uutos na pagbabarilin ang mga nabibilanggo sa dahilanang magsitakas, mga asal na nala ltag sa batas na dapat sanang igalang ng nasabing Guwardiya Sibil, ngunit hindi pinarurusahan ang gayong mga kabuktutan;

Hindi rin noong ika-12 ng Hunyo unang iniladlad ang watawat ng Pilipinas na alam natin sa kasalukyan. Una itong ipinakita sa madla noong 28 Mayo 1898 sa Teatro Caviteo, Cavite Nuevo (kasalukuyang Cavite City). Kaya ipinagdiriwang ng Pilipina s ang Araw ng Watawat mula ika-28 ng Mayo hanggang ika-12 ng Hunyo taon-taon. In aanyayahan ng pamahalaan ang mga Pilipino na iladlad ang watawat sa tahanan bila ng pagsali sa pagdiriwang na ito. MGA TALA: Dumindin, Arnaldo. Philippine-American War, 1899-1902 June 12, 1898: Declaration of Philippine Independence. Retrieved from the world wide web http://philippine americanwar.webs.com/philippineindependence.htm, on 5 June 2012. Layug, Benjamin. A tourist guide to notable Philippine historical landmarks, mon uments and shrines, Quezon City: New Day Publishers, 2009. National Historical Institute, June 12, 1898 and other related documents, Manila : National Historical Institute, 2009. Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, Kalendaryong Pangkasaysayan 15 21- 1969, Manila: National Historical Commission of the Philippines, 2011. New World Encyclopedia, Emilio Aguinaldo. Retrieved from the world wide web http ://www.newworldencyclopedia.org/entry/Emilio_Aguinaldo, on 5 June 2012. First PH Republic seal: http://www.hubert-herald.nl/Pilipinas_bestanden/image026.jpg philippine independence: http://directorymanila.net/infocus/wp-content/uploads/2011/05/philippine-indepen dence.jpg

You might also like