You are on page 1of 1

*Sir pwede po ba na huwag po totoong pangalan ko gamitin sa video kung mapipili? Hehe. Kyle na lang po siguro. Thanks.

Dear Sir RB, Ito ay kuwento ko at ng aking kababatang si Tanya dito sa Cavite. Lumipat sila ng pamilya nila sa Caloocan 9 years ago. At after 7 years, nagkita ulit kami. Forwarding the events, nagkagustuhan kami at naging mag-MU. Di pa daw siya masyado nakakamove on sa ex niya, pero okay lang sakin. Hindi ko siya niligawan kasi ang dami niyang responsibilities sa school at ayaw kong makahadlang. Magkaedad kami pero 4th year Highschool pa lang siya at ako naman ay 2nd year college na. Nag-cucut ako ng klase at pumupunta sa kanila para tutoran at gawin mga projects nila ng kakambal niya. Botong boto rin ang parents namin sa aming dalawa. One time pinatawag niya ako at nagkwentong nag-away sila ng ex niya nang matindi. Nagpapahintay na pala siya sa ex niya ulit nang hindi ko alam. Pero hindi ko pa rin siya iniwan. Going strong na kami after non. The day before my birthday, nagcut ulit ako nang maaga para makasama siya kasi hindi kami pwede magkita kinabukasan. Nagulat ako kasi iniiwasan niya ko. Kaya I went home that day na sobrang bad vibes. Nung araw ng birthday ko, nagtext siya, ang saya na sana kaso sabi niya, Ayoko na. Pwede ba na mag-best friend na lang tayo. Buo na desisyon ko. Gandang birthday gift. Haay. Kaya pala, nanliligaw na ulit yung ex niya sa kanya. Whats worse is nung magbest friends na lang kami, kinukuwentuhan niya ko, not about his ex, but about sa mga crush niya na finiflirt niya. After several days, sumuko na din yung ex niya dahil sa selos. Thats when I realized, kabilang lang kami sa mga biktima niya. Sabi rin ng ibang friends niya sakin, flirtatious lang daw talaga siya. Nabest friend zone na, nabiktima pa.

You might also like