You are on page 1of 1

Ahedres Itoy isang larong kay hirap unawain; Batid sa kaalaman, isang palaisipan; Bawat hakbang moy kaakibat

ay layunin; Puti man o itim iisa lang ang mithiin. Parisukat na tablang ang nilalaruan; Mundong kay hiwaga siyang ginagalawan; Labing anim na piyesa sa wastong ayos ilagay; Upang ang laro ay wastong masimulan. Dalawang magkaibang kalimlimang kulay; Kabutihan at kasamaan ang balanseng taglay; Piyesang naigalaw ibalik itoy mali ngunit; Pagsikat ng liwanag pagbabago ang bigay. Estilo ng paggalaw, stratehiya ang kailangan; Sa ating buhay, Diyos ang gabay; Iyong ingatan ang hari ay mabitag; Buhay siyang hiram, pahalagahan itong tunay. Ahedres ihalintulad ang buhay kung tawagin; Landas na tatahakin, unawain at suriin; Paglipas ng oras, alaalang may aral; Ang aking huling galaw, mithiin koy makamtan.

You might also like